Chapter: Chapter 106 : Employeehinila ni Rowan si Sunny papalapit at niyakap siya nang mahigpit.Inabot niya ang unan sa tabi at itinapon ito sa dulo ng kama. Ginamit niya ang kanyang braso bilang unan para kay Sunny. "Matulog ka na.""Oh." Napakasuwerte niya, may pinakamahal na "unan" sa mundo.Pero hindi siya komportable—dahil yakap na naman siya ng asawa niya.Tumingala siya kay Rowan, na nakapikit na at mukhang nagpapahinga. Parang may gusto siyang sabihin, pero pinigilan niya ang sarili.Hindi pa siya antok. Kaninang umaga pa siya natulog nang matagal.Samantala, patuloy lang ang mahinhing paghinga ni Rowan.Matagal ang lumipas bago siya naglakas-loob na bulungan ito. "Honey, gising ka pa?""Sabihin mo."Napalunok si Sunny. Yumakap siya sa dibdib ng asawa at mahinang bumuntong-hininga. "Sorry, honey, may ginawa akong mali."Agad dumilat si Rowan at lumingon sa kanya, halatang nag-alala. "Ano ‘yun?""Kasi... kasi... hindi talaga ako nakasabay sa elevator kanina. Ang totoo, lihim akong gumamit ng... special elev
Huling Na-update: 2025-02-11
Chapter: Chapter 105 : LoveHabang kumakain, hindi mapakali si Sunny.Ni hindi niya napansin nang kumuha si Rowan ng pagkain para sa kanya."Ano bang iniisip mo?" tanong nito, nakamasid sa kanya.Nag-alinlangan si Sunny bago sumagot. "Natatakot akong hindi mo magustuhan kapag sinabi ko."Hindi na siya pinilit ni Rowan. Iginagalang niya ang desisyon ng kanyang batang asawa.--Pagkatapos kumain, kinuha ni Rowan ang sarili niyang tasa at nilagyan ito ng maligamgam na tubig para sa asawa. "Dala mo ba 'yung gamot?"Umiling si Sunny. Alam niyang tinutukoy nito ang painkillers.Naintindihan ni Rowan at itinuro ang kanyang lounge. "Pumasok ka muna at humiga. Bibilhan kita ng gamot.""Hindi na kailangan, mahal. Hindi na masakit ang tiyan ko."Hindi siya pinaniwalaan ng lalaki.Ipinaliwanag ni Sunny, "Lagi lang sumasakit ang tiyan ko sa unang araw at gabi, tapos nawawala na. Kung maghihirap ako nang pitong araw sa isang buwan, baka wala na akong gana sa buhay."Tinitigan ni Rowan ang mukha ng asawa at napilitang maniwala
Huling Na-update: 2025-02-10
Chapter: Chapter : 104 : CatTinaas ni Sunny ang kamay at mahinang kumatok. "Pasok." Ang boses ni Rowan ay puno ng kaligayahan, sa isip isip niya ay alam niya na kung sino ang kumatok. Pumasok si Sunny at ipinakita ang kanyang maliit na mukha, sabay bati sa kanyang gwapong asawa na nakaupo sa upuan ng boss, "Hi, husband~" "Bakit ka nandito? Nakapagpahinga ka na ba?" Tumayo si Rowan upang salubungin siya. Pumasok si Sunny sa loob at isinara ang pinto. Sa labas ng pinto, nagkagulo ang mga sekretarya. Isa isa silang nag tinginan sa pintuan na nakasara at hindi napigilang makichismis sa mga ganap. "Ang bait ng misis ngayon." "Oo, parang ganun nga. Noong huling dumaan siya dito, sinabihan pa ang presidente, baka mapatanggal tayo kung maririnig pa natin yun." "Nandito ba siya para mag-apologize? Parang may ibang tono siya ngayon, parang pinapaboran ang presidente." "Posible." Marami silang pinag-uusapan sa labas ng pinto. Samantalang sa loob, puno ng init ang atmosphere. Umakyat si Sunny sa sof
Huling Na-update: 2025-02-10
Chapter: Chapter 103 : DaysPatuloy na hinagod ni Rowan ang tiyan ng asawa habang ito’y nakahiga. Sa kanyang pag-aalaga, nakatulog agad si Sunny sa kama. Habang natutulog, natural na gumalaw si Sunny, paharap kay Rowan, at sumiksik sa kanyang bisig. Napangiti si Rowan sa kilos ng asawa kahit nasa mahimbing na pagtulog ito. Dahil sa pagkaantala ng kanyang trabaho kahapon, kailangan niyang bumawi ngayon. Dahan-dahan siyang bumangon, inayos ang kumot ng asawa, at tahimik na lumabas ng kwarto. --- Tanghali nang magising si Sunny. Walang bakas ng asawa sa tabi niya. Agad siyang bumangon, isinuot ang kanyang tsinelas, at diretso sa study room ni Rowan. Ngunit pagpasok niya, malinis at maayos ang kwarto—wala ang taong hinahanap niya. "Honey?" Walang sumagot. Bumaba siya ng hagdan at sinalubong ng mga kasambahay. Yumuko ang mga ito bilang pagbati. "Madam, kakain na po ba kayo?" Hindi sumagot si Sunny at sa halip, inilagay ang mga kamay sa kanyang bewang. "May nakakita ba sa asawa ko? Paggising ko, wal
Huling Na-update: 2025-02-09
Chapter: Chapter 102 : KissesKinabukasan, maagang dumating sina Evelyn Morris at Mayor Morris sa ospital. Ginising nila si Sunny, na nakatulog sa sofa, at sinabihan silang mag-asawa na umuwi na para makapagpahinga nang maayos.Dumating din si Samuel.Tiningnan niya ang maputlang mukha ni Sunny. “Grabe naman, gaano ka ba napagod kagabi? Mukha kang lantang gulay.”Ramdam na naman ni Sunny ang sakit sa tiyan niya. Wala na ang bisa ng gamot, at nagsimula na namang sumakit ang puson niya.Umupo si Rowan sa tabi niya at pinagtanggol siya, “Masama ang pakiramdam ng tita mo kagabi.”Tumingin si Samuel sa kanya nang may pag-aalala. “Hala, may sakit ka ba?”Umiling si Sunny at mahina pero pabiro niyang sinabi, “Nagdadaan sa pagsubok.”Agad naintindihan ni Samuel ang ibig niyang sabihin at tumango. “Ahh, gets! Mental support lang meron ako sayo ngayon, kaya mo 'yan!” sabay taas ng kamao na parang cheerleader.Napatingin si Rowan sa kanilang dalawa, nakakunot ang noo. Paano naintindihan ni Samuel agad ang ibig sabihin ng kan
Huling Na-update: 2025-02-08
Chapter: Chapter 101 : Red DaysAlam niyang walang pakialam si Sunny sa menstrual cramps niya tuwing buwan. Ang hilig pa niyang kumain ng maaanghang, uminom ng malamig, at sumubok ng kung anu-anong pagkain na nagdudulot ng mas matinding sakit tuwing may regla. Pero hindi niya inaasahan na dito pa sa ospital mangyayari ito. Huminga nang malalim si Sunny, kinagat ang labi, at mukhang naiiyak na. Sa pa-baby niyang boses, nagreklamo siya: "Huhu, hindi na ako kakain ng ice cream, spicy foods, malamig na beer, potato chips, at chocolate!" Napatitig si Rowan sa maliit na katawan niyang nakayakap sa sarili. Ramdam niya ang awa. Nakita niyang patuloy na hawak ni Sunny ang kanyang puson, kaya't inabot niya ito at marahang pinatong ang palad sa may tiyan niya. Napatingala si Sunny, namamasa ang mga mata—mukha siyang batang umiiyak sa sakit. "Honey?" Agad na binawi ni Rowan ang kamay niya, tila naalangan. Kinuha niya ang unan at inilagay sa tabi niya. "Saglit lang, lalabas ako sandali." Sa labas ng kwarto, binuksan ni Ro
Huling Na-update: 2025-02-07