Kinaumagahan, abala si Rowan sa opisina niya. Tumawag siya ng meeting kasama ang kanyang sekretarya para sa mga detalye ng kasunduan.
“Siguraduhing walang aberya sa negosyo ng Fajardo,” malamig niyang utos.“Opo, Sir,” sagot ng sekretarya.Halos mabitiwan ni Sunny ang kape na hawak nang marinig ang kaniyang pamilya, papasok sana ito ng opisina ni Rowan upang mag bigay ng kape dahil may istatanong sana ito ng marinig nito na binanggit ni Rowan ang mga Fajardo“Nasaan si Sunny? Siguraduhin mong hindi niya malalaman 'to.”Napuno ng maling akala ang isipan ni Sunny. Sa pagkakaintindi niya, tila pinag-uusapan ni Rowan ang mga Fajardo para alipustahin.Pigil ang kabang pinihit ni Sunny ang pintuan sa opisina ni Rowan at pumasok doon ng walang paalam."Ano na naman bang plano mo sa pamilya ko, Rowan?" Tanong nito sa lalaki.Gulantang na napatingin si Rowan at ang sekretarya sa kaniya.Tumigil si Rowan, nagtatPag-kapasok ng silid ay ibinagsak ni Sunny ang katawan sa kama saka tumingin sa kulay puting kisame. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na ayaw sa kaniya ng mga tao dito sa bahay, hindi lang dahil sa tingin nila ay si Sunny mismo ang nag pumilit na mapakasal kay Rowan, ngunit dahil din siya ay hindi galing sa mayayaman na kagaya nila. Kung baga ang mga Morris ay nasa pinakatuktok, siya naman ay nasa gitna lamang. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Wala rin naman siyang plano na makipag-close sa mga tao sa mansion, ngunit sana naman ay mag panggap sila tuwing kausap siya ng mga 'to! Lalong-lalo na ang asawa na kahit hindi mag salita ay alam mong may galit ito sa kaniya. Bukod kay Rowan, hindi maasahan si Mr. Morris dahil unang-una. Siya ang nag pumilit na maikasal ang dalawa. Kung ang asawa naman nito na si Mrs .Morris ay hindi rin, sa ilang beses nilang pagkikita sa malaking mansyon ay hindi tinatago ng babae ang disgusto sa kaniya nito. Napabuntong hininga na
Kinabukasan. Habang tahimik na kumakain ng agahan si Sunny nang may inabot sa kanyang isang palanggana ng tubig. Nag-tatakha niyang tinignan kung saan nanggaling 'yon. Hindi niya maintindihan kung para saan ito. Pinanood siya ni Evelyn na may halong panunuya. "Ang mga galing sa maliliit na pamilya, talagang iba kung umasal. Kahit simpleng bagay, hindi alam. Ni wala bang TV sa inyo? Kung meron man, nanonood ka ba?" Kumunot ang kaniyang noo, ano na naman bang palabas ang gustong mangyari ni Mrs. Morris? Sa ilalim ng panlalait ni Evelyn, mahigpit na pinigil ni Sunny ang sarili. "Mawalang galang na po, Mrs. Morris. Ano po ba ang maitutulong ko?" "Anong maitutulong mo? Ang daming gawaing bahay dito, bakit kaysa humilata at kumain lamang sa isang buong araw ay hindi ka tumulong sa mga kasambahay? Hindi ka ba nahihiya? Ikaw lang ang walang ginagawa rito."
"Nasaan si Rowan?" malalim ang boses ni Mr. Morris habang galit na sinisiyasat ang housekeeper. Ang linya sa noo niya ay lalong humaba, senyales ng matagal na pagtitimpi na sa wakas ay sumabog. "Sir, hindi po makontak ang second young master," sagot ng housekeeper, halata ang kaba sa boses. "Pasaway talaga!" Galit niyang ibinagsak ang hawak na dyaryo sa mesa. Nagkalat ang mga papel, pero hindi niya ito inintindi. Naglakad siya papunta sa bintana, ang mga kamay nakasapo sa baywang. Sa labas, makikita ang malawak nilang hardin, pero kahit gaano kaganda ang tanawin, hindi iyon sapat para pakalmahin siya. Ang saglit na katahimikan ay naputol nang may humintong itim na mamahaling kotse sa driveway. Bumukas ang pinto, at bumaba ang isang lalaking matikas ang tindig, malalim ang mga mata, at seryoso ang ekspresyon. Isinara niya ang pinto ng kotse gamit ang kaunting puwersa, na tila nagpapahiwatig ng pinipigilang galit. Ang kanyang sapatos ay halos hindi marinig habang tinatahak ang land
Pagkatapos magpalit ng damit, nagsuot si Sunny ng simpleng summer dress. Ipinilig niya ang ulo at inayos ang tali ng buhok Sa gitna ng mga emosyon niya sa bahay na iyon, napaisip siya kung paano niya haharapin ang susunod na usapan nila ni Rowan. Alam niyang hindi ito magiging madali, pero wala siyang balak umatras. Lumabas siya ng kwarto bitbit ang isang basket ng bulaklak. Sa gilid ng sala, may altar na may larawan ng kanyang yumaong biyenan. Napansin niyang naubos na ang mga bulaklak sa vase, kaya agad siyang kumuha ng sariwa mula sa basket at maingat na inayos ito. Habang sinisindihan ang kandila, napahinto siya sandali, nanalangin nang tahimik para sa kaluluwa ng kanyang biyenan. "Hindi po man kita nakilala ay sana'y masaya kayo kung nasaan man kayo naroroon. Bigyan niyo po ako ng lakas para harapin ang bawat problemang nakahain sa akin," bulong niya habang nakatingin sa larawan. Pagbalik niya sa loob ng bahay, nakita niya si Rowan na nakatayo malapit sa bintana, hawak ang c
Habang abala si Rowan Morris sa pag-aasikaso ng mga papeles sa kanyang opisina, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya ang screen ngunit hindi kilala ang numero. Saglit siyang nag-isip kung sasagutin ito, ngunit sa huli ay dinampot niya ang telepono.“Hello?” malamig niyang sagot.Mula sa kabilang linya, narinig niya ang boses na maligalig at puno ng kasiyahan, tila nananadyang manggulo. “Hi, Tito Rowan!”Napapikit si Rowan, ang kanyang sentido’y biglang uminit. Ang bahagyang init na naramdaman kanina ay ngayo’y parang apoy na nagbabaga. Inabot niya ang tulay ng kanyang ilong at bahagyang pinisil ito habang hinahabol ang pasensya. “Sunny Fajardo,” aniya nang madiin.“Hehe, Tito, huwag kang masyadong galit! Pinapasabi lang ni Mr. Morris na umuwi ka raw sa bahay. May kailangan daw siyang pag-usapan sa’yo,” sagot ni Sunny, walang bahid ng pag-aalala sa tono.Napakagat ng labi si Rowan. Alam niyang sinasadya ito ni Sunny. Nakakabingi ang saya sa boses nito, parang isang bata
Kinabukasan, maaga pang gising at Sunny. Habang nakaupo sa kusina, ini enjoy niya ang mainit na tasa ng kape. Nakangiti siyang nag-scroll sa cellphone habang hinihintay ang susunod na eksena ng kanyang "paboritong drama" - ang mainit na ulo ni Rowan Morris Hindi nagtagal, bumaba na nga si Rowan mula sa hagdan. Nakasuot pa ito ng pajama at mukhang hindi pa nakakapag-ayos ng sarili. Agad na nagningning ang mga mata ni Sunny, halatang handa na siyang mang-asar. "Good morning, Tito Rowan!" masiglang bati niya sabay iwinagayway ang kanyang tasa ng kape. Hindi siya pinansin ng lalaki at dumiretso ito sa sala. Ngunit hindi iyon dahilan para tumigil si Sunny. Tumayo siya at sumunod, hawak pa rin ang kanyang kape. "Uy, ano ba? Hindi ka man lang babati? Ang sungit mo naman! Baka masama ang gising mo, Tito?" nakangiti niyang sabi, tila ba wala siyang nakikitang tensyon sa mukha ng lalaki. Tumigil si Rowan sa paglalakad at hinarap siya, bakas ang inis sa mukha. "Sunny, wala akong oras sa
“Hi!” bati ni Sunny, pilit na tinatago ang kaba sa likod ng isang ngiti. Itinaas pa niya ang isang kamay, nagbibiro, “Uncle?” Saglit na tumigil si Rowan, nagtataka kung paano ang isang tao ay kayang magbago ng ekspresyon nang ganoon kabilis. Ang babae sa harap niya—mabilis magsinungaling, mabilis ding magpalusot. Pero ang ginagawa nito ngayon ay hindi nakakatuwa. Nakita ni Sunny ang pagkunot ng kilay ni Rowan, tanda ng pagtaas ng inis nito. Hindi niya napansin na lumapit ito nang mabilis, hanggang maramdaman niya ang malamig na kamay nito na dumakma sa kaniyang braso. “Ano ba!” sigaw niya, bahagyang pumalag, ngunit walang lakas ang mga braso niya laban sa mahigpit na hawak ni Rowan. Pinilit niyang itaas ang braso, ngunitahigpit ang hawak ni Rowan sa kaniya, napaupo na lamang ito sa kama. “Rowan! Bitawan mo ‘ko!” galit niyang utos. Ngunit tila bingi si Rowan sa kanyang hiling. Nagpatuloy ito sa paglapit, mas pinadiinan ang hawak. Hindi siya nagpatalo. Gamit ang malil
Sa loob ng sala, masaya si Sunny na nagkukuwento tungkol sa “masayang” buhay may-asawa sa Morris family. Bilang manugang, hindi pwedeng manahimik lang si Rowan. Nagtanong siya, “Kailan ba ang bakasyon ni Andrei?Sumagot si Ginang Fajardo, “Hindi ko lang alam kung kailan Hijo"Si Andrei, ang nakababatang kapatid ni Sunny, ay 17 taong gulang at nag-aaral sa ibang bansa. Lingid sa kanyang kaalaman, itinago ng pamilya nila ang tungkol sa kasal niya kay Rowan. Sabi ni Rowan, “Narinig ko kay Sunny na gustong bumalik ni Andrei sa Pilipinas para dito mag-college.” Napalingon si Sunny kay Rowan, gulat sa narinig. "Nasabi ko ba ‘yun?"Ngumiti ang ginang. “Totoo ‘yan, pero sobrang hirap ng college entrance exams dito sa Pilipinas. Hindi kasing gaano kaluwag sa ibang bansa. Kaya ayaw naming bumalik siya.” "Gano'n po ba? Kung kailangan niyo ng tulong ay mag sabi lamang po kayo, handa naman kami tumulong ni Sunny." "Hay naku, huwag niyo isipin iyon, kaya naman namin solusyunan iyon. Ang int
Sa wakas, sumuko si Rowan sa ideya na isama ang kanyang asawa sa pulong. Kung ang batang si Sunny ay magsasalita tungkol sa ginawa ni Samuel, tiyak na ibubunyag nito ang mga bagay na hindi niya nais marinig ng iba.Habang iniisip ni Rowan ang tungkol dito, unti-unti siyang ngumiti. Alam niyang hindi kayang magalit ni Sunny ng matagal. Masyado itong malambot para sa ganoong klaseng sitwasyon. Kung magdesisyon man silang lumipat, tiyak niyang mahihirapan ang asawa sa bagong paligid. Mas maganda nang manatili sa bahay na ito para maayos nila ang kanilang problema habang nananatili sa piling ng pamilya.Isa pa, natutuwa siya sa presensya ng asawa sa gabi. Ang bango nito ay kakaiba, hindi tulad ng mga mahal na pabango na amoy kemikal, kundi isang natural na halimuyak na tila nagmumula sa kalooban. Ang samyo ni Sunny ang paborito niyang amoy, isang bagay na tila nagpapatahimik sa kanyang puso sa kabila ng lahat ng ingay sa paligid.Habang dumadalo siya sa pulong ng pamilya, mas magaan ang k
Tumayo si Evelyn, itinuro si Samuel, at mariing sinabi, "Rowan, Sunny, wag muna kayong umalis. Tulungan niyo akong disiplinahin ang batang ito!" Ang boses niya’y puno ng determinasyon na hindi maaring bale-walain.Napatingin si Sunny sa asawa at biglang nanigas sa kinauupuan. Ang salitang “hindi muna aalis” ay tila tumatak sa kanyang isip at nag-iwan ng kaba sa kanyang dibdib. Halata sa mukha ni Sunny ang kaba, ngunit nagawa pa rin niyang umupo nang maayos, tuwid ang likod at parang nag-iipon ng lakas ng loob.Si Samuel naman ay nanatiling nakaupo sa sahig, parang kuting na napagalitan, at iniiwasan ang titig ng lahat ng tao. Sa loob-loob niya, alam niyang wala siyang kawala sa galit ng buong pamilya.Nagkibit-balikat si Sunny habang mahigpit na hawak ang braso ni Rowan. "Hindi, ate, may bahay na ang asawa ko. Kailangan na naming umalis ngayon," sabi niya habang hinahatak si Rowan papunta sa pintuan.Ngunit si Rowan, na nakaupo sa sofa, ay hindi gumalaw. Hinayaan lamang niya ang malii
Kinabukasan.Nagising si Sunny mula sa malambot na kama. Nag-inat siya nang komportable, sabay sabing, "Ang tagal na simula nung huli akong nakatulog nang ganito kaayos."Paglingon niya sa kanan, diretsong napunta siya sa mga bisig ng isang lalaki. Napapikit siya nang bahagya, at unti-unting tumingala para tingnan ang lalaking nakayakap sa kanya.Kumurap siya.At kumurap ulit.Rowan: "Hindi ba okay ang mga mata mo o hindi mo lang ako makilala?""Pumikit ka nga."Nagulat si Rowan. Aba? Wala man lang reaksyon si Sunny nang makita siya sa unang pagkakataon pagkagising. Parang inasahan na niya ang eksenang matutulog sila at magigising nang magkasama.Napangiti si Rowan, nagiging sobrang kumpiyansa sa sarili. Pumikit siya, nag-aabang sa kung anong gagawin ni Sunny.Tahimik si Sunny ng tatlong segundo. Pagkalipas ng ilang saglit, mabilis siyang gumulong pababa ng kama at tumakbo papunta sa banyo nang kasing bilis ng pagtakas ni Samuel kahapon.Naputol ang katahimikan sa tunog ng pinto ng ba
“Hindi ka ba naiilang kapag hindi kita hinahawakan?” May bahid ng panunukso ang boses ni Rowan, ngunit ang mga mata niyang madilim ay parang nagmamasid sa reaksyon ni Sunny.Napakunot ang noo ni Sunny. “Ha? Bakit naman ako maiilang?” sagot niya, halatang litong-lito.Ibinaba ni Rowan ang tingin niya, at sadyang dumapo ang mga mata niya sa dibdib ni Sunny. Hindi ito basta tingin lang; para bang sinisipat niya ang bawat kurba ng dalaga. Napatingin si Sunny sa sarili niya at napakunot muli ang noo.“Ding...”Bago pa man siya makapagtanong, bumangga ang mga noo nila.“Araay!” Napahaplos si Sunny sa kanyang noo. Ngunit nang itaas niya ang ulo para magreklamo, aksidente namang nagtagpo ang mga labi nila.Napatigil si Sunny, nanlalaki ang mga mata. Para bang tumigil ang mundo niya. Tahimik, walang iniisip, pero ang tibok ng puso niya ay parang dumadagundong sa kanyang pandinig.Si Rowan, tila kalmado pa rin. Hindi siya umatras. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ni Sunny nang malapitan. An
Umupo si Sunny sa tabi ni Rowan habang naka-pout ang labi nito. Sa ganitong pagkakataon, mas mabuti nang manatili siyang malapit sa asawa.Hindi na niya ininda ang sakit ng kanyang kamay, ang mas mahalaga ay makaalis sila agad. "Rowan, na-check na ang buhok ni Samuel at wala namang problema. Pwede na ba tayong umalis?"Tahimik na pinakinggan ni Rowan ang paraan ng pagtawag sa kanya ng asawa. Bigla itong naging pormal, hindi na "asawa."Kapag kailangan siya, ang tawag ay "asawa."Kapag hindi, "Rowan" na lang.Hindi niya alam pero may kung anong pang hihinayang ang naramdaman niya, hindi niya talaga maintindihan si Sunny. Paminsan ay malambing pero madalas parang mag kaibigan lamang sila ng asawa.Napakunot ang kanyang noo, at ang kaniyang lalamunan ay bahagyang gumalaw. "Tama si Dad. Hindi ligtas magbiyahe sa gabi."Sa isang simpleng sagot, nakatakdang manatili si Sunny sa Morris Family ng isa pang gabi.Pakiramdam ni Sunny, bumagsak ang langit sa tinalupa ng marinig iyon sa asawa.Ba
Lumapit si Evelyn Morris, nag-aalala ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Rowan, sinabi mo kanina na gusto mong hanapan ng asawa si Samuel. Pero kung aahitin mo ang buhok niya, naku, baka wala nang magkagusto sa kanya. Paano na ang plano mo na maghanap ng asawa para sa kanya?”"Mag-aasawa ako?" Nagulat si Samuel at halos hindi makapaniwala sa narinig. Ang kanyang mga mata ay nanlaki, at tila napako siya sa kinatatayuan. Nanginginig ang kanyang boses nang magtanong, “Uncle, ano po ang ibig n'yong sabihin? Mag-aasawa ako?”Sa gilid, mabilis na lumapit si Sunny kay Rowan, hawak-hawak ang kanyang braso na para bang hindi siya mapakali. "Hon, sino ang asawa ni Samuel? Sabihin mo na!" Tanong ni Sunny, kitang-kita ang kislap ng curiosity sa kanyang mga mata.Muling kumunot ang noo ni Rowan, tila hindi natutuwa sa paraan ng pagtawag ng kanyang asawa sa kanya. "Ano ang tawag mo sa akin?""Mr. Morris? Rowan? Mahal? Ano ba talaga ang gusto mo? Sige na, sabihin mo na kung sino ang asawa ni Samuel!”
Kanina pa pigil na tumatawa si Sunhy habang kuda naman ng kuda si Rowan. Panay ang puna nito sa kaniyang tattoo at ngayon naman ang napansin nito ay ang bago nitong kulay na buhok, napailing na lamang si Sunny habang kinakausap ng asawa ang dating deskmate.Sa loob ng malawak na mansion ng Morris family, tahimik na nag-aalmusal ang lahat. Ngunit tila may tensyon na nararamdaman sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Si Rowan Morris, ang itinuturing na haligi ng pamilya, ay nakaupo sa kanyang upuan at seryosong tinitingnan ang kanyang pamangkin, si Samuel. Ang dahilan ng tensyon? Ang bagong kulay ng buhok ni Samuel—isang matingkad na kayumanggi na labis na ikinagulat ng lahat, lalo na ni Rowan."I want to see your hair black within three hours," madiin na sabi ni Rowan, ang boses niya’y malamig ngunit puno ng awtoridad."Okay, I understand," mahinang sagot ni Samuel, halos hindi magawang tumingin nang diretso sa kanyang tiyuhin.Mabilis na sumabat si Evelyn Morris, ang ina ni Samuel,
Sa ilalim ng tirik na araw, nag-uusap sina Sunny at Samuel sa likod ng bahay ng Morris family. Nagbubulungan ang dalawa, tila may mga lihim na pinag-uusapan. “Samuel, sigurado ka ba sa narinig mo?” tanong ni Sunny, habang nakayuko at halos magdikit ang kanilang mga ulo.Napatakip ng bibig si Sunny sa narinig, hindi niya inaakala na may ganitong lihim pala ang asawa niya.bumungisngis siya, para itong bumalik sa pagiging highschool na mahilig sa mga kwela na nakinig lamang sa mga kapwa studyante.Naalala niya dati na lagi silang suki ni Samuel sa mga kwento sa kanilang skwelehan. Sila lagi ang puno't dulo ng mga chismis noon.Hindi aakalain ni Sunny na muling mauulit ang mga kwentuhan nila ni Samuel.Akalain mo nga naman, bilog talaga ang mundo. “Oo, narinig ko mismo si Grandpa. Pero huwag mong sasabihin kahit kanino, ha? Sinabi ko lang ito sa’yo dahil asawa ka na ng uncle ko,” sagot ni Samuel habang bumubulong. Ngumiti si Sunny at tumango. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko ikakalat a
Habang nakatayo si Samuel at nakita si Sunny, para siyang isang batang nakakita ng multo. Hindi niya mapigilang tumili, parang groundhog na tila natakot nang todo. Ngumiti si Sunny nang napakaliwanag, na parang walang nangyari. "Kumusta, deskmate," sabi niya. Nagulat ang lahat ng nasa kwarto. Ang kanilang mga mata ay lumipat kay Sunny at kay Samuel. Maging si Rowan, ang asawa ni Sunny, ay hindi makapaniwala. Paano naging magka-desk si Sunny at ang kanyang pamangkin? Sa mata ni Samuel, si Sunny ay ang babaeng bersyon ng kanyang Uncle Rowan—parehong nakakatakot, parehong dominante. Hindi niya sukat akalain na ang kanyang pinaka-nakakatakot na uncle ay biglaang nagpakasal sa babaeng kinatatakutan niya mula pa noong bata siya. Sa kanyang takot, mabilis siyang bumaling at tinangkang tumakas mula sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man siya makalabas, magkasabay siyang tinawag nina Sunny at Rowan, "Bumalik ka rito!" Nagkatinginan ang mag-asawa matapos nito, at napansin ni Samuel ang