Pagkatapos ng kasal, parang lantang gulay na nahiga sa kama si Sunny. Hindi na nito nagawang tanggalin ang kaniyang wedding gown at heels na suot-suot dahil sa sobrang pagod.
Hindi niya akalaing ganito pala nakakapagod ang magpakasal! Hindi lang siya physically exhausted kundi mentally din! Hindi na namalayan ni Sunny na nakaidlip na pala ito, naalimpungatan lamang nang marinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan niya. Agad na napabalikwas si Sunny at napatingin sa kung sino mang mapangahas na nagbukas ng pintuan. Nahulog ang kaniyang panga nang makita ang gwapo ngunit malamig na asawa. "Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Sunny. Tumayo siya nang tuwid at inangat ang mabigat na gown para umurong sa dulo ng kwarto. "Anong ibig mong sabihing anong ginagawa ko rito? Kwarto ko 'to," sagot ni Rowan. Natameme si Sunny sa narinig at nilibot ng tingin ang sinasabing kwarto ni Rowan. Lahat ng nakikita niya ay kulay itim o puti lamang, mapa-gamit o dingding pa man. "Dito ako tinuro ng kasambahay niyo!" Umiling lamang si Rowan, para bang hindi makapaniwala sa mga nangyayari. "Malamang, dahil bagong kasal tayo." Hindi na pinansin ni Rowan si Sunny na nakatayo pa rin sa pinakadulong sulok ng silid. Naglakad ito patungo sa kama at naupo roon. Unti-unting tinanggal nito ang kagamitan sa kaniyang katawan, kagaya ng relo, necktie, at sapatos. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Sunny. Sandali siyang sinulyapan ni Rowan at muling bumalik sa ginagawa; ngayon naman ay ang suot na blazer ang tinatanggal. "Gusto nila tayong matulog nang magkasama. 'Yan ang ginagawa ng bagong kasal," ani Rowan. Tumayo ito mula sa pagkakaupo, nilagay ang relo sa bedside table, at ipinatong sa maliit na sofa ang blazer. Pagkatapos noon, unti-unti niyang tinanggal ang mga butones ng suot na button-down shirt. "Hoy! Anong ginagawa mo?!" kinakabahang tanong ni Sunny. Tinakpan niya ang dibdib at nag-iwas ng tingin, kinakabahan sa maaaring mangyari. Kung ganoon, tabi silang matutulog ngayong gabi?! Nanindig ang balahibo ni Sunny sa ideya pa lang. Iniisip niya pa lang na kailangang magkasama sila sa iisang kama ay parang binuhusan na siya ng malamig na tubig. Ang kabog ng kanyang dibdib ay tila ayaw tumigil, lalo na’t hindi niya alam kung paano haharapin ang ganitong sitwasyon. At nang makita niyang naghuhubad ng damit ang kanyang asawa—sa mismong harap niya pa?! Para na siyang hihimatay sa kaba. “A-Anong ginagawa mo?!” halos pasigaw na tanong niya, pilit na hindi tumingin sa direksyon ni Rowan. Bahagyang lumingon si Rowan, halatang nagtataka sa reaksyon niya. "Kailangan ko maligo bago matulog.” Napasinghap si Sunny. “E bakit hindi ka sa banyo maghubad?!” “Dahil siguro kwarto ko ’to?” Sarkastikong sagot ni Rowan, kasabay ng malamig na tingin sa kanya. Napasingkit ng mga mata si Sunny, hindi makapaniwala sa sagot nito. Lumapit siya sa lalaki nang padarag, ang kaba sa kanyang dibdib ay napalitan ng inis. “Akala mo kung sino ka! Kanina ka pa sa simbahan, ah!” galit na usal niya, halos i*****l ang mukha niya sa likod nito. Ngunit sa halip na sagutin siya, tinalikuran lamang siya ni Rowan, na parang wala siyang sinabi. Ang kapal ng mukha! “Ang kapal talaga ng mukha mo! Akala mo kung sino ka!” sigaw ni Sunny, halos mawalan na ng kontrol sa kanyang galit. Sa sobrang inis, hinubad niya ang kanyang suot na heels at walang pag-aalinlangang ibinato iyon kay Rowan, na noo’y malapit nang makapasok sa banyo. Tumama ang sapatos sa likod ni Rowan. Napahinto ito sa paglalakad, dahan-dahang bumaling ang tingin sa kanya. Kunot-noong tiningnan siya ng lalaki, ang nanlilisik na mga mata nito’y nagdulot ng kakaibang kaba sa dibdib ni Sunny. “Baliw ka ba?!” sigaw ni Rowan, galit na galit na nagmartsya pabalik sa kanya. Sa bawat hakbang nito’y parang bigat ng mundo ang dinadala ni Sunny. Umatras siya nang bahagya, ngunit hindi siya tinantanan ng lalaki. Nang tuluyang makalapit, itinuro siya nito gamit ang hintuturo, na parang batang sinermonan ng guro. “You listen to me!” galit na sabi ni Rowan, nanginginig ang boses nito sa gigil. “I don’t know what tricks you pulled on my father, but it won’t work with me!” Napasinghap si Sunny, parang sinuntok siya ng hangin sa narinig. Napakapal talaga ng mukha ng lalaking ito! Hindi ba nito naiintindihan na wala rin siyang gusto sa nangyaring kasal? “Mawalang-galang na!” balik niya, ang boses ay halos nanginginig sa inis. “May hindi ata tayo pagkakaintindihan dito!” Ngunit tila bingi si Rowan sa sinabi niya. Hinilamos nito ang mga palad sa mukha, halatang stress na stress na rin sa sitwasyon. “Hindi ako ang may gusto sa kasal na ’to kundi ang tatay mo!” mariing sagot nito, ang boses ay puno ng frustration. “At alam ko rin na hindi mo gusto ang kasal na nangyari, pero wala tayong magagawa dahil iyon ang gusto ng tatay mo! Hindi ko kasalanan ’yon!” Nagpanting ang tenga ni Sunny. Ano bang iniisip ng lalaking ito? Na gusto niya ang kasal na ito? Kung siya lang ang masusunod, hindi niya ipagpapalit ang buhay niya para lang mapunta sa ganitong sitwasyon! Sa isip ni Rowan, hindi siya naniniwala sa pinapahayag ni Sunny. Napakaimposible. Sigurado siyang hindi totoo ang mga sinasabi nito. Sino'ng tanga ang aayaw sa mga Morris? They're powerful and big when it comes to business! That's so absurd! "Wala akong pakialam! Huwag mong aasahan na magiging tahimik at masaya ang buhay mo sa pamilyang 'to, dahil kabaligtaran ang lahat ng 'yan!" wika ni Rowan. Tatalikod na sana ito nang higitin siya ni Sunny at hinaklit ang singsing sa kaniyang kamay, saka ibinato iyon. "Wala kang karapatang pagbantaan ako!" sigaw nito, "kung ayaw mo sa akin, puwes, ayaw ko rin sa 'yo! Hindi ko pinilit ang tatay mo na pakasalan ka, sa katunayan ay kabaligtaran pa nga!" "Sino ang maniniwala sa 'yo?" "Rowan, sinasabi ko sa 'yo, kung hindi lang kami tinakot ng tatay mo, malamang kahit pa magutom kami ng pamilya ko, hinding-hindi ako ibibigay ng tatay ko sa pamilyang 'to!" Hindi makapaniwalang tinitigan siya ni Rowan. "Inilagay mo sa akin ang singsing pero tatanggalin mo rin?" Napatingin si Rowan sa kaniyang daliri, nakitang namumula iyon dahil sa pwersahang pagtanggal ng singsing. Hinawakan niya iyon at napabuntong-hininga, nauubos ang pasensya niya sa babaeng ito. Hindi niya lubos maunawaan ang Ama; sa dami-daming puwedeng babaeng ipares sa kaniya, siya pa talaga. Napakaliit na babae pero napakatapang! "Pagod ako, ayaw ko nang makipagtalo sa 'yo. Kung ayaw mo rito matulog, maghanap ka ng guest room sa labas," mahinang sabi ni Rowan, tila ba napipilitan na lamang kausapin si Sunny. Inis na nilagpasan na lamang siya ni Sunny at mabilis na lumabas ng kwarto. Nang mawala si Sunny sa paningin ni Rowan, naglakad na siya papasok ng banyo. Hindi niya alam kung ilang araw niya matatagalan ang babaeng iyon. Mabuti na lamang at palagi siyang wala sa bahay na ito at laging nasa opisina para magtrabaho. Sa ganon, kahit na nagulo pansamantala ang buhay niya, magiging tahimik ulit iyon. Hindi niya alam, doon siya nagkakamali.Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit na hawak ang tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano nagiging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos? Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng museo na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matata
Tahip ang paghinga ni Sunny habang pababa siya ng hagdanan. Nasayang lamang ang oras niya sa pakikipag-usap sa walang kwentang asawa!Pati pagkain niya ay nakaligtaan niya dahil lang sa walang kwentang batas na gusto ng impokritong 'yon! At mukhang may balak pa siyang takutin ng lalaki. As if naman magpapatakot siya dito. Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya si Mr. Morris!"Speaking of the devil," bulong ni Sunny nang makababa ito ng hagdan. Bumaling siya sa kasambahay na tahimik na naglilinis ng mga kagamitan.Sinitsitan niya ito at nilapitan. Yumuko naman ang kasambahay bilang pagbibigay-galang."Ano pong maitutulong ko sa inyo, Mrs. Morris?" tanong ng kasambahay. Umasim ang mukha ni Sunny sa narinig.Mrs. Morris, huh? Kadiri!"Naku, tawagin mo na lang akong Sunny! Ikaw ba, anong pangalan mo?""Ako po si Tina, Mrs. Morris," sagot ng kasambahay sa mabait na tono. Ngumiwi na lamang si Sunny, mukhang wala siyang
Kinaumagahan, abala si Rowan sa opisina niya. Tumawag siya ng meeting kasama ang kanyang sekretarya para sa mga detalye ng kasunduan.“Siguraduhing walang aberya sa negosyo ng Fajardo,” malamig niyang utos.“Opo, Sir,” sagot ng sekretarya. Halos mabitiwan ni Sunny ang kape na hawak nang marinig ang kaniyang pamilya, papasok sana ito ng opisina ni Rowan upang mag bigay ng kape dahil may istatanong sana ito ng marinig nito na binanggit ni Rowan ang mga Fajardo“Nasaan si Sunny? Siguraduhin mong hindi niya malalaman 'to.”Napuno ng maling akala ang isipan ni Sunny. Sa pagkakaintindi niya, tila pinag-uusapan ni Rowan ang mga Fajardo para alipustahin.Pigil ang kabang pinihit ni Sunny ang pintuan sa opisina ni Rowan at pumasok doon ng walang paalam."Ano na naman bang plano mo sa pamilya ko, Rowan?" Tanong nito sa lalaki.Gulantang na napatingin si Rowan at ang sekretarya sa kaniya.Tumigil si Rowan, nagtat
Pag-kapasok ng silid ay ibinagsak ni Sunny ang katawan sa kama saka tumingin sa kulay puting kisame. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na ayaw sa kaniya ng mga tao dito sa bahay, hindi lang dahil sa tingin nila ay si Sunny mismo ang nag pumilit na mapakasal kay Rowan, ngunit dahil din siya ay hindi galing sa mayayaman na kagaya nila. Kung baga ang mga Morris ay nasa pinakatuktok, siya naman ay nasa gitna lamang. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Wala rin naman siyang plano na makipag-close sa mga tao sa mansion, ngunit sana naman ay mag panggap sila tuwing kausap siya ng mga 'to! Lalong-lalo na ang asawa na kahit hindi mag salita ay alam mong may galit ito sa kaniya. Bukod kay Rowan, hindi maasahan si Mr. Morris dahil unang-una. Siya ang nag pumilit na maikasal ang dalawa. Kung ang asawa naman nito na si Mrs .Morris ay hindi rin, sa ilang beses nilang pagkikita sa malaking mansyon ay hindi tinatago ng babae ang disgusto sa kaniya nito. Napabuntong hininga na
"Papa, anong ibig mong sabihin na kailangan kong magpakasal? Gipit ka na ba at kailangan mo nang magbenta ng anak!?" Hindi mapigilang sigaw ni Sunny nang marinig ang sinabi ng ama. Kakauwi niya lamang galing eskwelahan at ito agad ang bubungad sa kaniya? Hindi niya kailanman matatanggap ang balitang ito! Hindi siya papayag na magpakasal! "Aba, ayos! Hindi pa nga ako tapos sa kolehiyo, gusto niyo na akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman gusto!?" Nang marinig ng ina ang sinabi ni Sunny, mabilis itong lumapit sa kaniya at tinapik ang balikat nito, para bang inaalo siya. "Anak, makinig ka naman sa amin ng papa mo. Kaya ka nga namin pinauwi para pag-usapan ang bagay na 'to." "Pag-usapan? Ano pa ba ang pag-uusapan, Mama? Tinanggap niyo na nga ang mga binigay na gamit sa pamamanhikan!" Galit na sabi ni Sunny habang dinuduro ang iba't ibang klaseng alahas, bulaklak, at mga pagkain sa hapag-kainan. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit tinanggap ng kaniyang ama ang proposal. Dahi
"Maari na nating simulan ang pagpaplano, mukhang magandang araw ang ika-pitong buwan ng Mayo. Ano sa tingin niyo, Armando? Palome?" tanong ni Mr. Morris sa mag-asawang Fajardo. Tila'y gulat pa rin sa mga pangyayari, sunod-sunod na tumango ang mag-asawa at naawang napatingin sa anak nilang parang binagsakan ng langit at lupa. "Sunny," nag-aalalang tawag sa kaniya ng ina. Dahang-dahang bumalik sa pagkakaupo si Sunny at napapikit na lamang, tanggap na ang kaniyang tadhana. Hindi pa man nangyayari, parang pinagkait na sa kaniya ang kalayaan at ang kaniyang kabataan. Sinong mag-aakala na sa edad na bente ay mag-aasawa na siya? Kasalukuyan pa nga lang siyang nasa sekondarya ng kolehiyo! Hindi pa siya tapos mag-aral! Hindi niya lubos na matanggap na hindi umubra ang kaniyang plano! Sino ba kasing mag-aakalang tatanggapin ang mga Morris ang pangit na manugang? Bakit ba kasi siya ang napili? Sa dami ng ibang magagandang babae sa mundo! Sigurado, maraming gustong magpakasal sa pamilyang k
Mabilis ang tibok ng puso ni Sunny habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Suot niya ang kaniyang wedding gown na mismong mga Morris ang pumili. Sa isang tingin pa lang, alam mong mamahalin ito dahil sa napakagandang istilo at de-kalidad na tela. Ngunit sa kabila ng lahat, ramdam pa rin ni Sunny ang kaba at pagkadisgusto sa pamilyang Morris.Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may marinig siyang mga hakbang sa kaniyang likod. Hindi na siya nag-atubiling tumingin kung sino iyon dahil alam niya na agad kung sino ito base sa tunog ng mga yapak.“Sinasabi ko na nga ba, iba talaga ang dugo ng mga Fajardo,” masayang wika ni Mr. Morris. Tiningnan ito ni Sunny sa salamin at nakita ang malaki nitong ngiti habang siya’y pinagmamasdan.Ibang-iba ang itsura niya ngayon kumpara noong huli silang magkita sa bahay ng mga Fajardo. Wala na ang mga tigyawat nito sa mukha, ang matabang katawan, makapal na kilay, at labi. Napalitan iyon ng isang napakagandang dalaga na hindi inaasahan
Kinakabahan man, pilit na tumingin si Sunny sa lalaking nasa kaniyang harapan. Siya na nga ba ang kaniyang mapapangasawa? Kilala niya ang lalaking ito. Hindi man sila nagkikita kahit na nasa iisang lungsod lamang sila, sikat ang pangalan nito. Siya ang panganay na anak ni Mr. Morris—Rowan Morris.Napalunok si Sunny habang tahimik na nakatingin sa lalaki sa dulo ng altar. Hindi niya maalis ang tingin dito, tila hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Pamilyar ang mukha nito, isang anyo na minsan lamang niyang masilayan sa mga pormal na pagtitipon ng kanilang pamilya. Hindi siya makapaniwala na ang ipapares pala sa kanya ay walang iba kundi ang bente otso anyos na anak ni Mr. Morris! Napakalaki ng agwat ng edad nilang dalawa.Sa halos ilang buwan ng paghahanda para sa kasal, buong akala niya’y ang pangalawang anak ang ipapakilala sa kanya—ang mas malapit sa kanyang edad. Ngunit ngayon, ibang tao ang nakatayo sa harapan niya. Ang misteryosong panganay na laging tahimik ngunit puno ng aw

Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit na hawak ang tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano nagiging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos? Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng museo na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matata
Pagkatapos ng kasal, parang lantang gulay na nahiga sa kama si Sunny. Hindi na nito nagawang tanggalin ang kaniyang wedding gown at heels na suot-suot dahil sa sobrang pagod. Hindi niya akalaing ganito pala nakakapagod ang magpakasal! Hindi lang siya physically exhausted kundi mentally din! Hindi na namalayan ni Sunny na nakaidlip na pala ito, naalimpungatan lamang nang marinig ang marahas na pagbukas ng pintuan ng kwartong tinutuluyan niya. Agad na napabalikwas si Sunny at napatingin sa kung sino mang mapangahas na nagbukas ng pintuan. Nahulog ang kaniyang panga nang makita ang gwapo ngunit malamig na asawa. "Anong ginagawa mo rito?!" gulat na tanong ni Sunny. Tumayo siya nang tuwid at inangat ang mabigat na gown para umurong sa dulo ng kwarto. "Anong ibig mong sabihing anong ginagawa ko rito? Kwarto ko 'to," sagot ni Rowan. Natameme si Sunny sa narinig at nilibot ng tingin ang sinasabing kwarto ni Rowan. Lahat ng nakikita niya ay kulay itim o puti lamang, mapa-gamit o dingdin