Galit na galit na naglakad si Sunny pababa ng malamig at madilim na pasilyo, mahigpit ang hawak sa tela ng mabigat niyang gown na parang doon niya idinadaan ang lahat ng inis niya. Wala siyang ideya kung saan siya patungo, pero ayaw na niyang manatili pa ng kahit isang segundo sa silid na iyon kasama si Rowan. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Paano naging ganun ka-gwapo pero sobrang bastos?
Tumunog ang mga takong niya sa makinis na sahig, bawat pintong sinilip niya ay nakasara o mukhang kasing-lamig ng taong iniiwasan niya. Walang mapa ang mansyong ito, kaya parang daga siyang paikot-ikot sa isang labirinto. “Guest room, guest room,” inis niyang bulong sa sarili habang naglalakad, ang boses niya’y puno ng pigil na galit. “Dapat meron namang guest room sa sobrang laki ng mansyon na ‘to.” Pagkaraan ng ilang liko at nabigong paghahanap, napasandal siya sa isang pader, pinakakawalan ang isang malalim na buntong-hininga. Sumakit na ang paa niya mula sa oras ng paglalakad sa matataas na takong. Umupo siya sa malamig na sahig, ibinaon ang mukha sa mga palad, at tahimik na bumulong, "Bwiset na Rowan 'yon. Poging antipatiko!" Galit niyang bulong nang may marinig siyang papalapit na mga yabag. Bigla siyang natigil, hawak ang hininga, umaasang hindi si Rowan ang paparating. . Sa kasawiang-palad, tumigil ang mga yabag sa harapan niya. “May talento ka talaga sa pag dra-drama, ano?” malamig at walang emosyon na boses ni Rowan ang pumunit sa katahimikan. Napatingala si Sunny, namumula ang pisngi sa galit. “Ano na namang ginagawa mo rito?” Tumagilid si Rowan, nakataas ang kilay habang magka-cross ang mga braso sa dibdib. “Bahay ko ito. Hindi ka puwedeng magpaikot-ikot dito na parang nawawalang tuta.” Ibinuka niya ang labi, handang sumagot, pero naunahan siya ng sunod na sinabi ni Rowan. “Bumalik ka sa kwarto.” Napalunok si Sunny, hindi sigurado kung tama ba ang narinig niya. “Ano?” “Sabi ko, bumalik ka sa kwarto,” mariin nitong ulit, ang tono’y parang boss na pinapagalitan ang tauhan. “Hindi ko hahayaang matulog ka sa pasilyo na parang damsel in distress.” “Mas gusto ko pang matulog sa pasilyo kaysa mag-share ng kwarto sa’yo!” pasigaw niyang sagot, biglang tumayo. “Bahala ka,” sagot ni Rowan, bahagyang ngumiti nang malamig. “Pero ipapaalala ko lang, may mga kamera sa buong bahay. Kapag nalaman ng ama ko na ang ‘perfect daughter-in-law’ niya’y naglulungkot sa pasilyo sa mismong gabi ng kasal, siguradong pareho tayong papahirapan niya.” Napakuyom si Sunny, ramdam ang sakit ng mga kuko niya sa sariling palad. Nakakainis kung paano laging siya ang nauuwi sa pagkatalo. “Fine! Pero huwag mong aasahan na magiging maayos tayo!” “Hindi ko naman inaasahan iyon,” malamig na sagot ni Rowan, ang sarcasmo sa boses nito’y parang dagger sa ere. Galit na humakbang si Sunny, palayo kay Rowan ngunit mataas pa rin ang noo sa kabila ng bumubulang galit. Tahimik naman itong sumunod sa kanya, ang mga yabag nito’y kalmado kumpara sa mabilis niyang paglalakad. Pagbalik nila sa kwarto, agad na dumiretso si Sunny sa sofa malapit sa bintana. “Dito na ako,” madiin niyang sabi, padabog na umupo sa malambot na upuan. “Sa’yo na ang kama, Your Highness.” Tumaas ang kilay ni Rowan, halatang walang impresyon. “Gawin mo kung anong gusto mo, prinsesa. Basta’t huwag kang hihilik nang malakas.” Napasimangot si Sunny, pero bago siya makasagot, kinuha ni Rowan ang isang kumot mula sa aparador at ibinato ito sa kanya. “Goodnight,” malamig nitong sabi bago humiga sa kama, hindi man lang siya nilingon. Sinundan siya ng tingin ni Sunny, galit na galit habang hawak ang kumot. “Goodnight, my foot,” inis niyang bulong habang humihiga sa sofa. Pumikit siya, ngunit ang mga nangyari ngayong araw ay paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan. Bago siya tuluyang makatulog, pinangako niya sa sarili: hindi siya magpapatalo sa lalaking ito. pagkagising, habang tahimik siyang nagkakape sa kusina, biglang pumasok si Rowan na tila hindi pa rin nagbabago ang malamig nitong aura. Halos lahat ng mga kasambahay ay agad tumigil sa ginagawa at yumuko bilang pagbibigay-galang. Si Sunny naman, hindi naiwasang mapataas ang kilay. “Good morning din sa’yo, asawa ko,” aniya, may halong sarkasmo. Ngunit tila hindi siya narinig ni Rowan. Dumiretso ito sa coffee maker, kumuha ng sariling kape, at tumayo sa kabilang bahagi ng mesa, tila hindi siya nakikita. “Walang ‘hi,’ walang ‘hello’? Grabe naman ang asawa ko,” dagdag pa ni Sunny, tila sinusubukang gawing magaan ang usapan kahit halata ang inis. Sa wakas, tumingin si Rowan sa kanya, ngunit hindi ito ngumiti. “May pag-uusapan tayo mamaya. Sa opisina ko. Huwag kang mawawala.” Napangiwi si Sunny. Hindi na sumagot si Rowan at naglakad palabas ng kusina, iniwan siyang naguguluhan at halatang nairita. --- Sa opisina ni Rowan, naupo si Sunny sa isa sa mga mamahaling silya. Tahimik ang buong silid, tanging tunog ng wall clock ang maririnig. Sa harapan niya, abala si Rowan sa pagtitig sa ilang papeles, tila sinasadya pang patagalin ang kanilang usapan. “Kung may sasabihin ka, bilisan mo. Marami pa akong gagawin,” sabi ni Sunny, habang pinipigilan ang inip. Itinaas ni Rowan ang tingin mula sa mga papeles at seryosong tumingin sa kanya. “Simula ngayon, may mga patakaran na tayong kailangang sundin.” Napakunot ang noo ni Sunny. “Patakaran? Ano ‘to, board meeting?” “Kung gusto mong maging tahimik ang buhay natin sa iisang bahay, kailangan natin ng malinaw na usapan,” sagot ni Rowan, walang bahid ng biro sa boses. “Okay. Fine. Ano’ng mga ‘patakaran’ mo?” sagot ni Sunny, habang nagkukuyakoy. “Una, huwag kang gagawa ng eksena sa harap ng mga kasambahay o sa labas ng bahay.” Napataas ang kilay ni Sunny. “Eksena? Ako? Wow ha? ” Pumikit si Rowan, halatang pinipigilan ang sarili. “Pangalawa, huwag kang makikialam sa personal kong buhay. Kung anuman ang ginagawa ko, hindi mo na kailangang alamin.” “Personal na buhay? Aba, parang hindi mo rin alam ang salitang ‘asawa,’ ah!” balik ni Sunny, ngunit sa halip na sumagot, nagpatuloy si Rowan. “Pangatlo, hindi tayo magpapanggap na masaya sa harap ng publiko. Hindi natin kailangang magpakita ng kahit anong emosyon na hindi totoo.” Natawa si Sunny. “Wow, parang scripted ang buhay natin. Ano’ng susunod? May kontrata pa tayo?” Hindi umimik si Rowan, ngunit ang malamig na tingin nito’y sapat na para iparating kay Sunny na seryoso siya. “Kung tapos ka na sa meeting na ‘to, aalis na ako,” sabi ni Sunny, sabay tayo mula sa silya. Ngunit bago siya makalabas, nagsalita ulit si Rowan. “At higit sa lahat,” sabi nito, ang boses ay mas malamig pa sa hangin sa taglamig, “huwag kang mahuhulog sa akin. " "Ang kapal! Sino ba ang may gusto sa'yo? " Mag papatuloy na sana ito sa pag lalakad ng may pahabol na sinabi si Rowan. "Puwede ka nang umalis, isipin mo ang pamilya mo."Tumigil si Sunny sa paglalakad at dahan-dahang lumingon. "Tinatakot mo ba ako?" "Wala akong sinabi." Kunot noong sagot ni Rowan. “Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin? Hindi ba’t pareho tayong biktima sa kasal na ‘to?” Hindi sumagot si Rowan. Sa halip, dumiretso ang tingin nito sa bintana, tila iniwasan ang usapan. “Ang hirap mo talagang kausap,” ani Sunny, sabay labas ng silid.Tahip ang paghinga ni Sunny habang pababa siya ng hagdanan. Nasayang lamang ang oras niya sa pakikipag-usap sa walang kwentang asawa!Pati pagkain niya ay nakaligtaan niya dahil lang sa walang kwentang batas na gusto ng impokritong 'yon! At mukhang may balak pa siyang takutin ng lalaki. As if naman magpapatakot siya dito. Sino ba siya sa tingin niya? Hindi naman siya si Mr. Morris!"Speaking of the devil," bulong ni Sunny nang makababa ito ng hagdan. Bumaling siya sa kasambahay na tahimik na naglilinis ng mga kagamitan.Sinitsitan niya ito at nilapitan. Yumuko naman ang kasambahay bilang pagbibigay-galang."Ano pong maitutulong ko sa inyo, Mrs. Morris?" tanong ng kasambahay. Umasim ang mukha ni Sunny sa narinig.Mrs. Morris, huh? Kadiri!"Naku, tawagin mo na lang akong Sunny! Ikaw ba, anong pangalan mo?""Ako po si Tina, Mrs. Morris," sagot ng kasambahay sa mabait na tono. Ngumiwi na lamang si Sunny, mukhang wala siyang
Kinaumagahan, abala si Rowan sa opisina niya. Tumawag siya ng meeting kasama ang kanyang sekretarya para sa mga detalye ng kasunduan.“Siguraduhing walang aberya sa negosyo ng Fajardo,” malamig niyang utos.“Opo, Sir,” sagot ng sekretarya. Halos mabitiwan ni Sunny ang kape na hawak nang marinig ang kaniyang pamilya, papasok sana ito ng opisina ni Rowan upang mag bigay ng kape dahil may istatanong sana ito ng marinig nito na binanggit ni Rowan ang mga Fajardo“Nasaan si Sunny? Siguraduhin mong hindi niya malalaman 'to.”Napuno ng maling akala ang isipan ni Sunny. Sa pagkakaintindi niya, tila pinag-uusapan ni Rowan ang mga Fajardo para alipustahin.Pigil ang kabang pinihit ni Sunny ang pintuan sa opisina ni Rowan at pumasok doon ng walang paalam."Ano na naman bang plano mo sa pamilya ko, Rowan?" Tanong nito sa lalaki.Gulantang na napatingin si Rowan at ang sekretarya sa kaniya.Tumigil si Rowan, nagtat
Pag-kapasok ng silid ay ibinagsak ni Sunny ang katawan sa kama saka tumingin sa kulay puting kisame. Hindi naman lingid sa kaalaman nito na ayaw sa kaniya ng mga tao dito sa bahay, hindi lang dahil sa tingin nila ay si Sunny mismo ang nag pumilit na mapakasal kay Rowan, ngunit dahil din siya ay hindi galing sa mayayaman na kagaya nila. Kung baga ang mga Morris ay nasa pinakatuktok, siya naman ay nasa gitna lamang. Napabuntong hininga na lamang siya sa naisip. Wala rin naman siyang plano na makipag-close sa mga tao sa mansion, ngunit sana naman ay mag panggap sila tuwing kausap siya ng mga 'to! Lalong-lalo na ang asawa na kahit hindi mag salita ay alam mong may galit ito sa kaniya. Bukod kay Rowan, hindi maasahan si Mr. Morris dahil unang-una. Siya ang nag pumilit na maikasal ang dalawa. Kung ang asawa naman nito na si Mrs .Morris ay hindi rin, sa ilang beses nilang pagkikita sa malaking mansyon ay hindi tinatago ng babae ang disgusto sa kaniya nito. Napabuntong hininga na
Kinabukasan. Habang tahimik na kumakain ng agahan si Sunny nang may inabot sa kanyang isang palanggana ng tubig. Nag-tatakha niyang tinignan kung saan nanggaling 'yon. Hindi niya maintindihan kung para saan ito. Pinanood siya ni Evelyn na may halong panunuya. "Ang mga galing sa maliliit na pamilya, talagang iba kung umasal. Kahit simpleng bagay, hindi alam. Ni wala bang TV sa inyo? Kung meron man, nanonood ka ba?" Kumunot ang kaniyang noo, ano na naman bang palabas ang gustong mangyari ni Mrs. Morris? Sa ilalim ng panlalait ni Evelyn, mahigpit na pinigil ni Sunny ang sarili. "Mawalang galang na po, Mrs. Morris. Ano po ba ang maitutulong ko?" "Anong maitutulong mo? Ang daming gawaing bahay dito, bakit kaysa humilata at kumain lamang sa isang buong araw ay hindi ka tumulong sa mga kasambahay? Hindi ka ba nahihiya? Ikaw lang ang walang ginagawa rito."
"Nasaan si Rowan?" malalim ang boses ni Mr. Morris habang galit na sinisiyasat ang housekeeper. Ang linya sa noo niya ay lalong humaba, senyales ng matagal na pagtitimpi na sa wakas ay sumabog. "Sir, hindi po makontak ang second young master," sagot ng housekeeper, halata ang kaba sa boses. "Pasaway talaga!" Galit niyang ibinagsak ang hawak na dyaryo sa mesa. Nagkalat ang mga papel, pero hindi niya ito inintindi. Naglakad siya papunta sa bintana, ang mga kamay nakasapo sa baywang. Sa labas, makikita ang malawak nilang hardin, pero kahit gaano kaganda ang tanawin, hindi iyon sapat para pakalmahin siya. Ang saglit na katahimikan ay naputol nang may humintong itim na mamahaling kotse sa driveway. Bumukas ang pinto, at bumaba ang isang lalaking matikas ang tindig, malalim ang mga mata, at seryoso ang ekspresyon. Isinara niya ang pinto ng kotse gamit ang kaunting puwersa, na tila nagpapahiwatig ng pinipigilang galit. Ang kanyang sapatos ay halos hindi marinig habang tinatahak ang land
Pagkatapos magpalit ng damit, nagsuot si Sunny ng simpleng summer dress. Ipinilig niya ang ulo at inayos ang tali ng buhok Sa gitna ng mga emosyon niya sa bahay na iyon, napaisip siya kung paano niya haharapin ang susunod na usapan nila ni Rowan. Alam niyang hindi ito magiging madali, pero wala siyang balak umatras. Lumabas siya ng kwarto bitbit ang isang basket ng bulaklak. Sa gilid ng sala, may altar na may larawan ng kanyang yumaong biyenan. Napansin niyang naubos na ang mga bulaklak sa vase, kaya agad siyang kumuha ng sariwa mula sa basket at maingat na inayos ito. Habang sinisindihan ang kandila, napahinto siya sandali, nanalangin nang tahimik para sa kaluluwa ng kanyang biyenan. "Hindi po man kita nakilala ay sana'y masaya kayo kung nasaan man kayo naroroon. Bigyan niyo po ako ng lakas para harapin ang bawat problemang nakahain sa akin," bulong niya habang nakatingin sa larawan. Pagbalik niya sa loob ng bahay, nakita niya si Rowan na nakatayo malapit sa bintana, hawak ang c
Habang abala si Rowan Morris sa pag-aasikaso ng mga papeles sa kanyang opisina, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tiningnan niya ang screen ngunit hindi kilala ang numero. Saglit siyang nag-isip kung sasagutin ito, ngunit sa huli ay dinampot niya ang telepono.“Hello?” malamig niyang sagot.Mula sa kabilang linya, narinig niya ang boses na maligalig at puno ng kasiyahan, tila nananadyang manggulo. “Hi, Tito Rowan!”Napapikit si Rowan, ang kanyang sentido’y biglang uminit. Ang bahagyang init na naramdaman kanina ay ngayo’y parang apoy na nagbabaga. Inabot niya ang tulay ng kanyang ilong at bahagyang pinisil ito habang hinahabol ang pasensya. “Sunny Fajardo,” aniya nang madiin.“Hehe, Tito, huwag kang masyadong galit! Pinapasabi lang ni Mr. Morris na umuwi ka raw sa bahay. May kailangan daw siyang pag-usapan sa’yo,” sagot ni Sunny, walang bahid ng pag-aalala sa tono.Napakagat ng labi si Rowan. Alam niyang sinasadya ito ni Sunny. Nakakabingi ang saya sa boses nito, parang isang bata
Kinabukasan, maaga pang gising at Sunny. Habang nakaupo sa kusina, ini enjoy niya ang mainit na tasa ng kape. Nakangiti siyang nag-scroll sa cellphone habang hinihintay ang susunod na eksena ng kanyang "paboritong drama" - ang mainit na ulo ni Rowan Morris Hindi nagtagal, bumaba na nga si Rowan mula sa hagdan. Nakasuot pa ito ng pajama at mukhang hindi pa nakakapag-ayos ng sarili. Agad na nagningning ang mga mata ni Sunny, halatang handa na siyang mang-asar. "Good morning, Tito Rowan!" masiglang bati niya sabay iwinagayway ang kanyang tasa ng kape. Hindi siya pinansin ng lalaki at dumiretso ito sa sala. Ngunit hindi iyon dahilan para tumigil si Sunny. Tumayo siya at sumunod, hawak pa rin ang kanyang kape. "Uy, ano ba? Hindi ka man lang babati? Ang sungit mo naman! Baka masama ang gising mo, Tito?" nakangiti niyang sabi, tila ba wala siyang nakikitang tensyon sa mukha ng lalaki. Tumigil si Rowan sa paglalakad at hinarap siya, bakas ang inis sa mukha. "Sunny, wala akong oras sa
Sa wakas, sumuko si Rowan sa ideya na isama ang kanyang asawa sa pulong. Kung ang batang si Sunny ay magsasalita tungkol sa ginawa ni Samuel, tiyak na ibubunyag nito ang mga bagay na hindi niya nais marinig ng iba.Habang iniisip ni Rowan ang tungkol dito, unti-unti siyang ngumiti. Alam niyang hindi kayang magalit ni Sunny ng matagal. Masyado itong malambot para sa ganoong klaseng sitwasyon. Kung magdesisyon man silang lumipat, tiyak niyang mahihirapan ang asawa sa bagong paligid. Mas maganda nang manatili sa bahay na ito para maayos nila ang kanilang problema habang nananatili sa piling ng pamilya.Isa pa, natutuwa siya sa presensya ng asawa sa gabi. Ang bango nito ay kakaiba, hindi tulad ng mga mahal na pabango na amoy kemikal, kundi isang natural na halimuyak na tila nagmumula sa kalooban. Ang samyo ni Sunny ang paborito niyang amoy, isang bagay na tila nagpapatahimik sa kanyang puso sa kabila ng lahat ng ingay sa paligid.Habang dumadalo siya sa pulong ng pamilya, mas magaan ang k
Tumayo si Evelyn, itinuro si Samuel, at mariing sinabi, "Rowan, Sunny, wag muna kayong umalis. Tulungan niyo akong disiplinahin ang batang ito!" Ang boses niya’y puno ng determinasyon na hindi maaring bale-walain.Napatingin si Sunny sa asawa at biglang nanigas sa kinauupuan. Ang salitang “hindi muna aalis” ay tila tumatak sa kanyang isip at nag-iwan ng kaba sa kanyang dibdib. Halata sa mukha ni Sunny ang kaba, ngunit nagawa pa rin niyang umupo nang maayos, tuwid ang likod at parang nag-iipon ng lakas ng loob.Si Samuel naman ay nanatiling nakaupo sa sahig, parang kuting na napagalitan, at iniiwasan ang titig ng lahat ng tao. Sa loob-loob niya, alam niyang wala siyang kawala sa galit ng buong pamilya.Nagkibit-balikat si Sunny habang mahigpit na hawak ang braso ni Rowan. "Hindi, ate, may bahay na ang asawa ko. Kailangan na naming umalis ngayon," sabi niya habang hinahatak si Rowan papunta sa pintuan.Ngunit si Rowan, na nakaupo sa sofa, ay hindi gumalaw. Hinayaan lamang niya ang malii
Kinabukasan.Nagising si Sunny mula sa malambot na kama. Nag-inat siya nang komportable, sabay sabing, "Ang tagal na simula nung huli akong nakatulog nang ganito kaayos."Paglingon niya sa kanan, diretsong napunta siya sa mga bisig ng isang lalaki. Napapikit siya nang bahagya, at unti-unting tumingala para tingnan ang lalaking nakayakap sa kanya.Kumurap siya.At kumurap ulit.Rowan: "Hindi ba okay ang mga mata mo o hindi mo lang ako makilala?""Pumikit ka nga."Nagulat si Rowan. Aba? Wala man lang reaksyon si Sunny nang makita siya sa unang pagkakataon pagkagising. Parang inasahan na niya ang eksenang matutulog sila at magigising nang magkasama.Napangiti si Rowan, nagiging sobrang kumpiyansa sa sarili. Pumikit siya, nag-aabang sa kung anong gagawin ni Sunny.Tahimik si Sunny ng tatlong segundo. Pagkalipas ng ilang saglit, mabilis siyang gumulong pababa ng kama at tumakbo papunta sa banyo nang kasing bilis ng pagtakas ni Samuel kahapon.Naputol ang katahimikan sa tunog ng pinto ng ba
“Hindi ka ba naiilang kapag hindi kita hinahawakan?” May bahid ng panunukso ang boses ni Rowan, ngunit ang mga mata niyang madilim ay parang nagmamasid sa reaksyon ni Sunny.Napakunot ang noo ni Sunny. “Ha? Bakit naman ako maiilang?” sagot niya, halatang litong-lito.Ibinaba ni Rowan ang tingin niya, at sadyang dumapo ang mga mata niya sa dibdib ni Sunny. Hindi ito basta tingin lang; para bang sinisipat niya ang bawat kurba ng dalaga. Napatingin si Sunny sa sarili niya at napakunot muli ang noo.“Ding...”Bago pa man siya makapagtanong, bumangga ang mga noo nila.“Araay!” Napahaplos si Sunny sa kanyang noo. Ngunit nang itaas niya ang ulo para magreklamo, aksidente namang nagtagpo ang mga labi nila.Napatigil si Sunny, nanlalaki ang mga mata. Para bang tumigil ang mundo niya. Tahimik, walang iniisip, pero ang tibok ng puso niya ay parang dumadagundong sa kanyang pandinig.Si Rowan, tila kalmado pa rin. Hindi siya umatras. Sa halip, pinagmasdan niya ang mukha ni Sunny nang malapitan. An
Umupo si Sunny sa tabi ni Rowan habang naka-pout ang labi nito. Sa ganitong pagkakataon, mas mabuti nang manatili siyang malapit sa asawa.Hindi na niya ininda ang sakit ng kanyang kamay, ang mas mahalaga ay makaalis sila agad. "Rowan, na-check na ang buhok ni Samuel at wala namang problema. Pwede na ba tayong umalis?"Tahimik na pinakinggan ni Rowan ang paraan ng pagtawag sa kanya ng asawa. Bigla itong naging pormal, hindi na "asawa."Kapag kailangan siya, ang tawag ay "asawa."Kapag hindi, "Rowan" na lang.Hindi niya alam pero may kung anong pang hihinayang ang naramdaman niya, hindi niya talaga maintindihan si Sunny. Paminsan ay malambing pero madalas parang mag kaibigan lamang sila ng asawa.Napakunot ang kanyang noo, at ang kaniyang lalamunan ay bahagyang gumalaw. "Tama si Dad. Hindi ligtas magbiyahe sa gabi."Sa isang simpleng sagot, nakatakdang manatili si Sunny sa Morris Family ng isa pang gabi.Pakiramdam ni Sunny, bumagsak ang langit sa tinalupa ng marinig iyon sa asawa.Ba
Lumapit si Evelyn Morris, nag-aalala ang ekspresyon sa kanyang mukha. “Rowan, sinabi mo kanina na gusto mong hanapan ng asawa si Samuel. Pero kung aahitin mo ang buhok niya, naku, baka wala nang magkagusto sa kanya. Paano na ang plano mo na maghanap ng asawa para sa kanya?”"Mag-aasawa ako?" Nagulat si Samuel at halos hindi makapaniwala sa narinig. Ang kanyang mga mata ay nanlaki, at tila napako siya sa kinatatayuan. Nanginginig ang kanyang boses nang magtanong, “Uncle, ano po ang ibig n'yong sabihin? Mag-aasawa ako?”Sa gilid, mabilis na lumapit si Sunny kay Rowan, hawak-hawak ang kanyang braso na para bang hindi siya mapakali. "Hon, sino ang asawa ni Samuel? Sabihin mo na!" Tanong ni Sunny, kitang-kita ang kislap ng curiosity sa kanyang mga mata.Muling kumunot ang noo ni Rowan, tila hindi natutuwa sa paraan ng pagtawag ng kanyang asawa sa kanya. "Ano ang tawag mo sa akin?""Mr. Morris? Rowan? Mahal? Ano ba talaga ang gusto mo? Sige na, sabihin mo na kung sino ang asawa ni Samuel!”
Kanina pa pigil na tumatawa si Sunhy habang kuda naman ng kuda si Rowan. Panay ang puna nito sa kaniyang tattoo at ngayon naman ang napansin nito ay ang bago nitong kulay na buhok, napailing na lamang si Sunny habang kinakausap ng asawa ang dating deskmate.Sa loob ng malawak na mansion ng Morris family, tahimik na nag-aalmusal ang lahat. Ngunit tila may tensyon na nararamdaman sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya. Si Rowan Morris, ang itinuturing na haligi ng pamilya, ay nakaupo sa kanyang upuan at seryosong tinitingnan ang kanyang pamangkin, si Samuel. Ang dahilan ng tensyon? Ang bagong kulay ng buhok ni Samuel—isang matingkad na kayumanggi na labis na ikinagulat ng lahat, lalo na ni Rowan."I want to see your hair black within three hours," madiin na sabi ni Rowan, ang boses niya’y malamig ngunit puno ng awtoridad."Okay, I understand," mahinang sagot ni Samuel, halos hindi magawang tumingin nang diretso sa kanyang tiyuhin.Mabilis na sumabat si Evelyn Morris, ang ina ni Samuel,
Sa ilalim ng tirik na araw, nag-uusap sina Sunny at Samuel sa likod ng bahay ng Morris family. Nagbubulungan ang dalawa, tila may mga lihim na pinag-uusapan. “Samuel, sigurado ka ba sa narinig mo?” tanong ni Sunny, habang nakayuko at halos magdikit ang kanilang mga ulo.Napatakip ng bibig si Sunny sa narinig, hindi niya inaakala na may ganitong lihim pala ang asawa niya.bumungisngis siya, para itong bumalik sa pagiging highschool na mahilig sa mga kwela na nakinig lamang sa mga kapwa studyante.Naalala niya dati na lagi silang suki ni Samuel sa mga kwento sa kanilang skwelehan. Sila lagi ang puno't dulo ng mga chismis noon.Hindi aakalain ni Sunny na muling mauulit ang mga kwentuhan nila ni Samuel.Akalain mo nga naman, bilog talaga ang mundo. “Oo, narinig ko mismo si Grandpa. Pero huwag mong sasabihin kahit kanino, ha? Sinabi ko lang ito sa’yo dahil asawa ka na ng uncle ko,” sagot ni Samuel habang bumubulong. Ngumiti si Sunny at tumango. “Huwag kang mag-alala. Hindi ko ikakalat a
Habang nakatayo si Samuel at nakita si Sunny, para siyang isang batang nakakita ng multo. Hindi niya mapigilang tumili, parang groundhog na tila natakot nang todo. Ngumiti si Sunny nang napakaliwanag, na parang walang nangyari. "Kumusta, deskmate," sabi niya. Nagulat ang lahat ng nasa kwarto. Ang kanilang mga mata ay lumipat kay Sunny at kay Samuel. Maging si Rowan, ang asawa ni Sunny, ay hindi makapaniwala. Paano naging magka-desk si Sunny at ang kanyang pamangkin? Sa mata ni Samuel, si Sunny ay ang babaeng bersyon ng kanyang Uncle Rowan—parehong nakakatakot, parehong dominante. Hindi niya sukat akalain na ang kanyang pinaka-nakakatakot na uncle ay biglaang nagpakasal sa babaeng kinatatakutan niya mula pa noong bata siya. Sa kanyang takot, mabilis siyang bumaling at tinangkang tumakas mula sa lugar na iyon. Ngunit bago pa man siya makalabas, magkasabay siyang tinawag nina Sunny at Rowan, "Bumalik ka rito!" Nagkatinginan ang mag-asawa matapos nito, at napansin ni Samuel ang