"Goodmorning," wika ko habang nag-iinat sa balkonahe at dinadama ang sikat ng araw. Ngayong araw ay pupunta kami ng Palaui Island at ito ang unang magiging pasyal namin dito sa Cagayan. I just hope that this vacation will be unforgettable.
Nanatili ako sa balkonahe ng ilang minuto pa hanggang sa paalis na sana ako ng mahagip ng aking mata ang isang lalaki na naglalakad papasok sa bahay nina Celestine. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino iyon. He's the guy from yesterday. What is he doing here? Is he related with my cousin? Maybe? Well it's none of my business anymore.
May buhat-buhat itong karton. Bigla siyang huminto sa paglalakad at napadako ang kanyang tingin sa kinaroroonan ko kaya mas mabilis pa sa alas kwatrong pagtalikod ko. Ewan ko ba kung bakit ko iyon ginawa. Pakiramdam ko pinagtataguan ko ito eh wala naman akong ginawang masama sa kanya. Kaya huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakapwesto ko kanina. Well, wala naman talaga pero may kasalanan ako sa kanya dahil sa nagawa ko sa kanya kahapon.
Tumingin ulit ako sa kinaroroonan niya kanina at biglang bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba may mga nagkakarerang kabayo sa aking dibdib ng magtagpo ang aming mga mata. Hindi pa pala ito umalis sa kinaroroonan niya kanina.
Hindi ako umiwas ng tingin at nakipagtitigan sa kanya pero pakiramdam ko nanlalambot ang aking mga tuhod sa paraan ng pagtitig niya. Na para akong natutunaw kaya naman ako na ang unang umiwas ng tingin pero nasilayan ko pa ang munting ngiti na pinakawalan niya bago ako umiwas at umalis na rin ito. Tila may kakaiba din akong nararamdaman at ngayon ko lamang ito naramdaman.
"Diana," wika ni Celestine kaya umalis na ako ng balkonahe at pinagbuksan ito ng pinto.
"Why?" Bungad kong tanong sa kanya.
"Halika na. Ihanda na natin yung mga gamit natin," wika niya at tumango naman ako kaya kinuha ko na ang 'di kalakihan kong maleta.
Pagkarating namin sa living room ay nadatnan namin ang dalawang babae na nakaupo sa couch at nag-uusap.
"Oh Celestine," wika ng isa nang mapansin nila ang aming pagdating.
"Guys she's Diana, my cousin, and Diana this is Fiyonah and Lynjel, my friends. Sila ang makakasama natin," wika ni celestine.
"Nice to meet you," wika namin sa isa't-isa at nakipagshake-hands.
"Mabuti pa ilagay na natin itong mga gamit natin sa sasakyan ng makaalis na tayo," wika ni Celestine na siyang sinang-ayunan namin kaya agad kaming lumabas ng bahay at inayos ang aming mga gamit.
Mayamaya'y may dumating na tatlong lalaki at heto na naman ang puso ko na nagsisimula na naman sa pagtibok ng mabilis. I'm not sure why it feels like the world comes to a halt when our gazes meet, and the way he stares at me sends shivers down to my spine. And I was taken aback when I saw him for the second time. I don't even know him, yet I got strange feelings. Strange feelings, or should I say unidentified feelings?
"Miss?" Napaigtad naman ako ng may biglang sumundot sa aking tagiliran. Napatingin naman ako kay Celestine at sinenyasan ako.
"Miss?" wika ng isang lalaki sa akin at nakalahad ang isang kamay.
"Y–yes?" wika ko at nautal pa ako. At hindi naman nakaligtas sa aking pandinig ang mumunting tawa nito.
"Ako nga pala si Kevin Arellano," wika ni Kevin at agad ko namang tinanggap ang nakalahad nitong kamay.
"Diana Leigh Castañeda."
"Clifford Castillo, Lynjel's boyfriend," wika naman nung isa pang lalaki.
"I'm Allen Corpuz. It's nice to see you again, miss, " pakilala naman nung lalaking nagiging dahilan kung bakit tila gustong kumawala ang aking puso. Inilahad din nito ang isa niyang kamay. So, his name is Allen. Abnormal ba ang puso ko? Kase naman ang bilis ng tibok nito. Nakatingin lang ako sa kanya at napan na yung awra niya nung una kaming nagkita ay ibang-iba sa ngayon. He look intimidating when I first saw him but for what I'm seeing right now, it's the opposite.
"Y–Yeah. Diana Leigh Castañeda nga pala," saad ko at tinanggap ang kanyang kamay nang mapagtanto kong napatitig na ako sa kanya. At sa pagsalikop ng aming mga kamay ay may mga milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Bakas naman sa mukha ng aming mga kasama ang kuryosidad.
"Uhm nagkita na kayo? Or should I say na magkakilala na kayo?" tanong ni Celestine.
"We saw each other yesterday," wika ko at napatango naman sila.
"By the way, Diana. Sila Kevin at Clifford ay mga kaibigan ko rin same with Allen pero isa siya sa mga katiwala ng aming pamilya," wika ni Celestine at napangiti sa kanila. Mayamaya'y umalis na kami ng bahay nang tapos na kami sa paghahanda para sa outing namin. Bale dalawang sasakyan ang gamit namin. Ako, si Celestine at si Allen ang magkakasama samantalang sina Fiyonah, Lynjel, Kevin at Clifford naman.
Lahat ay tahimik habang nasa biyahe. May kanya-kanyang mundo rin ang bawat isa. Ako ay nakatanaw lang sa labas. Si Celestine naman ay naglalaro sa kanyang cellphone at si Allen naman ay nakatuon ang atensyon sa daan dahil siya ang nagda-drive.
Pagkarating namin sa pier ng San Vicente dito sa Sta. Ana Cagayan ay napalinga-linga ako sa paligid at napansin na marami ditong turista na siguradong patungo rin sa isla. Lumabas ako ng sasakyan at ramdam ang malamig na hangin kahit na mataas na ang sikat ng araw dahil pasado alas-onse na ng tanghali. Inabot na kami ng tanghali dahil malayo ito at kailangan pa naming sumakay daw ng bangka para makarating sa Palaui Island. Akala ko nga kanina nakarating na kami pero hindi pa pala. Dahil sa tanghali na at ramdam na namin ang gutom ay napagdesisyonan naming kumain na muna. May mga dala kaming pagkain pero napagdesisyonan namin na sa karinderya nalang kami kumain kaya nagtungo kami doon sa karinderya.
"Hayyy kailangan pa nating maghintay ng ilang oras bago tayo makapunta sa isla," wika ni Celestine at bumuntong hininga ito.
"Bakit?" tanong ko.
"Halos lahat kase ng mga bangka rito ay narentahan na kaya wala tayong choice kundi maghintay ng mga bangka na galing pa sa isla."
"Eh 'di matatagalan pa talaga tayo dito," wika ni Lynjel na siyang tinanguan naman ni Celestine.
Nang tapos na kaming kumain ay nanatili muna kami sa karinderya hanggang sa mag-aalas tres na pero wala parin kaming pwedeng rentahan na bangka. Para hindi kami mabagot sa paghihintay ay nag-aya sina Fiyonah na maglakad-lakad muna. Lumipas pa ang mga mahigit isang oras at laking pasasalamat namin ng may na rentahan na kaming bangka. Kaya mabilis naming kinuha ang mga gamit namin at inilagay sa bangka. Syempre iniwan namin ang mga sasakyan sa pier at sinigurado rin namin na naka-lock ito.
"Hayy mabuti naman at makakapunta na tayo sa Palaui Island," ani Lynjel.
Nakatingin lang ako sa paligid habang patungo kami sa isla. Malinis at malinaw ang tubig kaya kitang-kita ang mga damong dagat at mga isda. Napakalamig ng paghampas ng hangin kaya naman napayakap ako sa aking sarili. Nakakalula din sa pakiramdam ang bawat mga alon na sinasalubong namin kaya hindi ko maiwasang kabahan minsan pero napakasarap sa pakiramdam.
"Palaui Island here we come," wika ko sa aking isipan at nakangiting nakatanaw sa malawak na dagat. Umabot kami ng 20 minutes na biyahe sa bangka bago nakarating sa Palaui Island. Medyo madilim na nang makarating kami kaya hindi ko masyadong makita ang itsura ng isla. Agad rin kaming nagtungo sa tinatawag nilang Punta Verde Nature Village kung saan doon nagi-stay yung mga pumupunta rito sa isla.
Pagkarating namin doon ay may kinausap si Celestine bago namin sinet-up yung tutulugan namin. Mabuti nalang may dala kaming tent kaya hindi na kami nagrenta pa ng matutulugan. Inayos na rin namin ang mga gamit namin at nagluto na kami ng makakain namin dahil gabi na. Nang tapos na kaming kumain ay nagtungo kami sa palikuran dito para maglinis ng katawan. Walang kuryente dito sa isla kaya naman ang mga dala naming flashlights ang ginamit namin. Nang tapos na kaming maglinis ng katawan ay nag usap-usap pa kami sandali para sa mga gagawin namin dito sa isla.
~~~
"Yasssss," malakas na wika ni Lynjel at itinaas pa nito ang dalawang kamay. Andito kami ngayon sa Lighthouse dito sa Palaui Island. This is our first day here.
"Nakakapagod," wika ni Celestine at napaupo sa malaking bato.
It is exhausting to climb the over 200 steps lighthouse, but it's worth it. It's as if you've arrived in paradise. From here, you can see the lush hills and meadows. Waves are pounding on the side of the cliff, while, on the other side, is a cove with the lightest and deepest blues. The vista is quite stunning and relaxing.
"So, this is the lighthouse," wika ni Lynjel habang nakatingala sa lighthouse. Sira-sira na ito at luma na pero may taglay pa rin itong ganda.
"Yes ma'am," wika ng kasama naming your guide.
"This is called Cape Engaño or also know as Faro de Cabo Engaño." panimula ng tour guide kaya naman ang atensyon namin ay sa pakikinig sa sinasabi nito tungkol sa lighthouse habang naglibot-libot kami sa paligid. While roaming around, I can't help but be awestruck by the breathtaking view. I often take some breaks to photograph the scenery.
"This is one of the four lights that was built during the Spanish Colonial period to guide inbound ships. The Spaniards called it "Engao" because of the natural beauty of the cape when they first arrived," dagdag ng tour guide at patuloy sa pagbabahagi ng history tungkol sa lighthouse.
Kaya naman pala marami ang turistang nagtutungo dito at hindi na naman iyon nakapagtataka dahil ako ay saksi na kung gaano kaganda ang islang ito. At ang lighthouse na nakatayo rito. Pero nakakapanghinayang lang na hindi na nagagamit ang lighthouse para gabayan ang mga nasa laot. Mula din rito ay kitang-kita ng klaro ang iba't-ibang bahagi ng isla at ang mga bahay ng mga naninirahan dito. At ang tinatawag nilang Siwangag Cove kung saan ito ang unang tatapakan mong parte ng isla.
I remembered the tour guide said, that the Siwangag Cove was used as the home of the Galang Tribe in the television show, "Survivor: Blood vs. Water". The tour guide shared informations about the lighthouse and the other parts of the Island. The cove is a sheltered anchorage covered with mixed pebbles, broken corallines, downy sands and flings of shells that makes it standout due to its white clear view.
Naglibot-libot at inenjoy muna namin ang tanawi at makalipas ang mahigit 30 minutos ay napagdesisyonan na naming bumaba mula sa Cape Engaño Lighthouse. At tumungo sa Punta Verde kung saan doon kami natulog kagabi. Doon ka rin makakabili ng mga merchandise. Ang maganda rito ay lahat ng mga bahay dito at tindahan ay gawa sa mga kahoy. Marami rin ang iba't-ibang klase ng puno rito at sa bawat puno ay nakalagay roon ang pangalan nito.
"Wow this looks nice," wika ni Celestine at ipinakita sa akin ang isang bracelet na gawa sa mga shells.
"Yeah," sagot ko naman. Tumingin-tingin ako sa iba't-ibang klase ng mga merchandise na narito. Dahil magaganda ang mga bracelet ay bumili ako ng isa at t-shirt na may print na 'Palaui Island'.
Nang tapos na akong mamili ng mga merchandise ay bumalik na ako sa aming tent at inilagay doon ang pinamili. Pagkatapos ay napagdesisyonan kong pumunta sa Siwangag Cove. Malamig na hangin ang bumungad sa akin pagkarating ko sa Siwangag Cove.
Mataas ang sikat ng araw kaya hindi muna ako naglakad-lakad at sa silong ng mga puno ako nagpunta. Mula sa kinaroroonan ko ay tahimik lang akong nakatingin sa mga paparating na mga ibang turista, mga taong nage-enjoy sa maasul na dagat at sa mga naglalakad sa tabing dagat. Halos lahat ng mga narito ay galing sa iba't-ibang bansa. Halos karamihan ng nandito ay turista.
Patuloy lang ako sa pagmamasid hanggang sa biglang may tumabi sa akin. Hindi ko ito nilingon dahil kita ko naman sa aking peripheral view kung sino iyon.
"Sorry nga pala sa nangyari nung nakaraan," wika nito kaya tuluyan na akong napalingon sa kanya at heto na naman ang puso ko na ayaw paawat. Pakiramdam ko nga ay naririnig niya ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso ko. I think there's something wrong with my heart right now. My heart goes crazy because of this man.
"Baka matunaw ako bigla ha."
"Ha?" naguguluhan kong tanong dahil sa sinabi nito. Bakit naman siya matutunaw? Bakit ice ba siya o kaya ice cream?
"Grabe ka kase kung makatitig," wika nito at tumawa pa kaya mabilis kong iniiwas ang aking tingin.
"Ano hindi mo ba tatanggapin yung sorry ko?"
"Apology accepted pero sa tingin ko. Ako dapat yung mag-sorry sayo," wika ko at napayuko nalang dahil sa hiya na nararamdaman ko.
"No. It's ok. Kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan."
Well, nung una kase naming pagkikita ay may hindi inaasahang nangyari. Nung akala ko'y patay siya, na buhay naman pala ay natakot ako noong hinila niya ako papalapit sa kanya kaya hindi ko sinasadyang tinuhod siya sa maselan nitong parte ng katawan niya.
"So, can we be friends?" tanong nito na ikinabigla ko at ikinalukso ng aking puso. Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakalahad at siya naman ay nakatingin lang sa akin. Ibababa na niya sana ang kanyang kamay pero bago pa man niya magawa iyon ay tinanggap ko na ang kanyang kamay.
"Friends" wika ko at nagpalitan kami ng mga ngiti.
"Ang ganda mo pala kapag nakangiti ka."
"Luhh pinagsasabi mo," wika ko at nagtawanan lang kami. And with the little conversation we had. I already feel comfortable with him.
"Diana, c'mon join us," aya sa akin ni Lynjel na nage-enjoy sa malaasul na dagat kasama sina Fiyonah, Celestine, Kevin at Clifford. Napatingin naman ako sa kalangitan at kahit alas-singko na ng hapon ay mataas parin ang sikat ng araw. "Diana," tawag muli sa'kin ni Lynjel kaya naman isinuot ko na ang hawak-hawak kong life vest at tumungo sa kinaroroonan nila. Malalim ang dagat kaya kailangan naming magsuot ng life vest kahit na marunong kaming lumangoy. It's for our safety. "The water is refreshing," wika ni Celestine at Tama nga siya dahil napakapresko ang tubig at sakto lang ang lamig nito.Ngayon pala ay pangatlo at huling araw at gabi na namin dito sa isla kaya susulitin na namin ang pag-stay namin dito. Nung mga nakaraang araw ay nag-island hopping kami at namasyal pa sa ibang bahagi ng isla. Nagpunta kami sa Manidad Island or also known as Crocodile Island na kapitbahay lang ng
"Naimbag nga bigat kenka nakkung. (Magandang umaga sayo anak)." Nakangiting bati sa akin ng isa sa mga kasamahan ni manang karing na naninilbihan sa pamilya nina Celestine nang makasalubong ko itong namimitas ng mga bulaklak ng rosas sa flower garden ni tita Sheryl. Ang mommy ni Celestine. "Magandang araw din po sa inyo." Pabalik kong bati sa matanda at napagpasiyahan kong tulungan ito sa pamimitas ng bulaklak.Medyo matagal na rin ang pananatili ko rito kaya kahit papaano ay may konti na akong naiintindihan sa kanilang diyalekto dito. Gaya na lamang ng sinabi ng matanda na ang ibig sabihin ay "Magandang umaga sayo anak". Nang tapos na kaming namitas ng bulaklak ay umalis na si manang para iayos ang mga bulaklak sa mga vase samantalang ako ay nanatili sa flower garden at naglibot-libot muna hanggang sa mabagot ako kaya naisip kong magtungo sa bahay nina Lynjel. Naging malapit na rin kase ako sa kanya at kina Kevin mula noong magkakasama kaming nagpunta sa Pala
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kaya naman bumangon na ako at ginawa ang morning routines ko. Napatingin ako sa wall clock at napatampal na lang sa aking noo ng mapagtanto na alas otso na ng umaga. Ang late ko ngayong gumising ah. Hindi naman ako nagpuyat kagabi. At dahil nagugutom na ako ay lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Saka dumiretso sa kusina. "Good morning po manang." bati ko kay manang Karing na abala sa pag-aayos ng mga kagamitan sa kusina. "Good morning din hija. Kumain ka na diyan." balik nitong bati sa akin. Umupo na ako sa mga upuan na nakapalibot sa mahabang lamesa at tinanggal ang mga nakatakip sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Kumuha na ako ng mga pagkain at agad na nilantakan dahil gutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay nina celestine para magtungo sa pool sana, nang makasalubong ko sina Celestine at Allen na nag-uusap. "Oh Diana gising ka na pala. Kumain ka na
Paggising ko ay nagtungo ako sa balkonahe at ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ang bumungad sa akin. Pero agad din akong bumalik sa aking silid dahil ang lamig. Napatingin ako sa wall clock at napagtantong alas singko pa lang ng umaga. Maaga akong gumising dahil sa naalala ko na magkikita kami ni Allen ng maaga sa dagat. Hindi ko nga alam kung ano yung sasabihin niya. Nag stretching muna ako bago nagtungo sa cr para maghilamos at magmugmog. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit panlabas. Nagsuot din ako ng jacket dahil nga malamig ang simoy ng hangin at lumabas na ako ng bahay patungo sa dagat. Pagdating ko doon ay nadatnan ko si Allen na nakaupo sa dalampasigan kaya agad ko itong nilapitan at umupo sa tabi niya. Nang makita ako ay agad naming binati ng "Magandang umaga" ang isa't-isa. "So, ano 'yong sasabihin mo at bakit dito pa?" tanong ko sa kanya. "Dito tayo unang nagkita," wika nito at naalala k
Nakatingin lang ako sa kawalan habang may mga luhang nagbabagsakan mula sa aking mga mata dahil sa mga nangyari noong nakaraan. "Diana are you okay?" biglang tanong sa akin ng pinsan ko nang makita niya ako. Kaya mabilis ko namang pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga pisngi. "Yeah." "I know you're not okay Diana." "Alam mo naman na pala tinanong mo pa," wika ko sa birong paraan. Nagkibit balikat lang ito. Tumungo siya sa akin at narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. "I unintentionally heard your conversation with Allen the other day" wika nito. Napakagat naman ako sa aking labi at tumingala para pigilan ang aking mga luha sa pagtulo.
"Hayy akala ko ba maaga tayong pupunta sa Rai atruim?" tanong ni Celestine nang makarating kami sa bahay nina Lynjel. Nakasakay kami sa sasakyan nina Celestine dahil hindi kami lahat magkakasya kung isang sasakyan lang ang gagamitin namin. "Eh akala ko nga rin eh. Wala pa kase sina Fiyonah. Talaga namang ang bagal sa paggalaw ang babaeng iyon," wika naman ni Lynjel at napailing-iling. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang iba naming kasama at ilang minuto din ang lumipas bago sila dumating. "Tara na," wika ni Lynjel. Sumakay na sila sa sasakyan nila kasama ang kanyang pamilya at sa kabilang sasakyan 'yong iba pang inimbitaban nila. Samantalang ako, si Celestine, Fiyonah, Kevin at Allen ang magkakasama sa iisang sasakyan. Bale katabi ko si Celestine. Si Fiyonah at Kevin naman ang magkatabi
Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame nang marinig kong tumunog ang aking cellphone kaya agad kong kinuha at mas lumawak ang aking ngiti nang makita kung sino 'yong caller. "Hello," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. "Magtungo ka sa balkonahe," wika nito at napakunot noo naman ako pero kahit gano'n ay nagtungo pa rin ako sa balkonahe at nakita siyang nakatingala sa kinaroroonan ng aking kwarto. "Good morning." Bati nito sa akin mula sa kabilang linya. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti dahil kumaway-kaway pa si Allen sa akin mula sa baba. "Good morning." Pabalik kong bati ko nang hindi binababa ang tawag. Mayamaya'y biglang pumasok ng kwarto si Celestine at lumapit sa aking kinaroroonan. &nb
Pagdating ko sa bahay namin ay bumungad agad sa akin si mommy kasama si daddy. Nang makalapit ako sa kanila ay nagmano ako at inilagay ng mga kasambahay namin yung mga gamit ko sa aking silid. "Mabuti naman at sinunod mo ako. Matagal-tagal ka rin na nanatili sa Cagayan kaya ngayon ay ang nalalapit mong kasal ang pagtuunan mo nang atensyon. Magkakaroon din tayo nang dinner with Eric's family kaya magpahinga ka na muna." Napatango na lang ako sa tinuran ni mommy at nagtungo na ako sa aking kwarto. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng aking silid at napagtantong wala pa rin itong pinagbago. Matagal-tagal din akong nawala at kahit naman papaano ay namimiss kong manatili sa silid na ito. Hihiga na sana ako sa aking kama ng marinig na tumunog ang aking cellphone. I just received a message fro
"You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai
"Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi
Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.
"I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.
"Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking
"Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p
"Diana mas mabuting huwag ka na munang pumasok sa trabaho. Baka balikan ka lang ni Eric. Sigurado akong hindi ka niya titigilan at ayoko nang maulit pa ang nangyari noong isang araw," wika ni Allen habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang aking mga kamay. Nandito kami ngayon sa sala dito sa aming apartment."Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ay mayayari siya sa akin dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo," muling wika ni Allen at kumuyom ang isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya mula pa noong isang araw nang malaman niya ang aking sinapit sa kamay ni Eric. Gusto nga niyang sugurin noon si Eric pero mabuti na lang napigilan ko siya dahil ayokong masangkot siya sa anong gulo. Ayoko rin na mapahamak siya nang dahil sa akin."Allen alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayoko naman na magtago na lamang at paulit-ulit na tumakbo palayo sa kanila. Dahil kahit saan man tayo mapunta a
"I'm going home. See you," I texted Allen when I got out of the cafeteria and was about to look for a taxi. When a car suddenly stopped right in front of me. The window is tinted so, I can't see who's inside the car and when the car opened. An unexpected person stepped out from the car. It's Eric. Our eyes met and I quickly averted my gaze on him. What is he doing here again?"Diana," he said and walk towards me. But I didn't mind him as if I'm not aware that he's right in front of me."Diana, please talk to me." At dahil hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko siya nakikita ay nagsalita na ako."Ano bang pag-uusapan natin Eric?""Let's talk about us.""Us? Ano bang pinagsasabi mo Eric? Walang tayo at isa pa hindi naging tayo. At kailan ma'y hindi magkakaroon ng tayo kaya pwede ba hayaan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko kaya tantanan mo na ako. Huwag ka na rin umasa na papa
"Good morning," bati ko kay Allen nang magising ito mula sa mahimbing na pagtulog. Kanina pa ako nakatitig sa kanya at hinihintay na magising. Ayoko naman na guluhin siya at gusto ko rin kase na tinitignan siya habang tulog dahil para siyang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mga hindi magagandang bagay o pangyayari sa mundong kinalalagyan niya. At habang ako'y nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasan na tanungin sa kawalan, kung bakit ang daming hindi magagandang pangyayari sa buhay niya? Pero sabi nga nila, lahat nang nangyayari ay may rason. At saka siguro, pagkatapos ng mga hirap dinanas at nararanasan niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa dulo. Sana nga dahil isa sa mga hiling ko ay ang palagi siyang maging masaya kahit na nasa mahirap siyang sitwasyon."Good morning," he uttered and gave me a warm kiss on my forehead. And after that, he looked at me straight into my eyes with a wide smile plastered on his lips. He capped my fac