Everyone says to me how fortunate I am to have such a wonderful life. But they have no idea that it was the other way around. I have a decent life and a family, but I'm not completely happy with it. It's not that I wasn't contented with what I have, but because I can't live the life that I want. And it's because of my parents who always dictates and tells me what to do in almost everything.
"Diana, my darling," bati sa akin ni Tita Carmen at nakipagbeso-beso ng makarating sila sa table na kinaroroonan ko kasama ang aking mga magulang. Narito kami ngayon sa sarili naming restaurant at magdi-dinner kami ngayon kasama ang pamilya ni Eric Suarez. Si Eric ay ang matagal ko ng manliligaw pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya sinasagot at maraming beses ko na rin siyang ni reject. Dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya at saka isa pa ay hindi ko siya mahal gaya sa kung paano niya ako mahalin. Masakit man para sa kanya pero iyon ang totoo. Ngunit sa kabila ng lahat ng rejections na natanggap niya sa akin ay hindi pa rin siya tumitigil. Dahil siguro sa pinanghahawakan niya ang isang bagay na walang kasiguraduhan na magiging daan para mahalin ko rin siya.
"So, let's talk about your upcoming wedding. Five months from now." Tita Carmen said with a genuine smile on her lips. She looked at me, so I just smiled back at her. Because all I can do right now is to pretend that I'm okay even though it was the other way around.
"Mabuti pa po kumain na muna tayo. Baka lumamig na ang mga pagkain," wika ko ng matapos ilapag ng waiter 'yong pagkain na ipinahanda nina mommy at daddy. At sumang-ayon naman ang lahat.
Habang kumakain kami ay tahimik lamang ako at nakamasid sa kanila. I want to defy my parents' decision about me marrying Eric, but I can't since I know they'll disown me if I do. My parents have complete control over my life, and I am unable to intervene. I can't also make my decisions on my own because I wasn't allowed to do so. I also feel like a bird that is locked up in a cage. My life is not the way people think it is because behind of it. Something is hiding.
"Alam niyo excited na ako sa kasal kahit na medyo matagal pa mangyayari. I'm really excited," nakangiting wika ni Tita Carmen at halatang-halata naman na excited siya. Kung excitement ang nararamdaman niya ay kabaliktaran naman ang sa akin. Sino nga ba naman ang magiging excited na makasal sa taong di mo naman mahal?
"Ako rin mare," wika naman ni mommy at sumulyap sa akin.
"Aren't you excited?" tanong ni tita Carmen sa amin ni Eric. I look at him and saw him smiled before saying something.
"Of course mom. We're happy, right?" ani Eric. Hinawakan nito ang aking kamay at tumingin sa akin kaya naman ngumiti na lang ako bilang tugon. Nagpatuloy ang pag-uusap ng magulang namin ni Eric samantalang ako ay tahimik lang. For your information, Eric and I have been engaged already for two months. Even though I'm not in love with him, my parents forced me to accept the arranged marriage for the sake of our family business.
Habang nagdi-dinner kami ay kasabay nito ang pagpaplano tungkol sa kasal. Sila pala, dahil yung mga magulang lang namin ang mga nagpa-plano sa lahat. Honestly, I'm struck by how absurd it is to get engaged to someone you don't love, and it saddened me that I can't do anything to stop it. And the fact that most of the businessmen use their children because of the company's benefit with the help of each party. It's depressing, but it's the truth.
Nang tapos na kami mag-dinner ay napagdesisyonan na namin umuwi. Habang nasa biyahe kami nina mommy at daddy ay naglakas-loob ako na mag-request sa kanila. Ang hirap mag-request sa kanila kase madalas akong hindi pinagbibigyan sa gusto ko kaya madalas na din akong hindi nagre-request. Pero ngayon ay susubukan ko ulit.
"Sana pumayag siya," wika ko sa aking isipan at nag-cross finger pa.
"M—Mom, Dad," panimula ko at agad na napatingin sa akin si mommy.
"What?" tanong nito at nakataas ang isang kilay kaya napalunok naman ako dahil sa kanyang mga tingin na ipinupukol sa akin.
"Uhm gusto ko po sana na magbakasyon kasama si Celestine bago man lang ako makasal," wika ko kay mommy at nagkatinginan sila ni dad.
"Mom, Dad please." I pleaded.
"Fine. Kailan ba kayo aalis?" Napalukso naman ang aking puso dahil sa tinuran ni mommy. Sa totoo lang hindi pa alam ni Celestine ang tungkol dito. Gusto kong lumayo na muna kahit pansamantala man lang. Gusto kong maging tahimik muna ang buhay ko, kumbaga yung tila walang problema na iniisip.
"Bukas po," I answered, and her eyes got widen. Maybe she didn't expect that I'll leave as soon as possible to take a vacation.
"You should tell this to Eric. Isama mo na lang din kaya siya para naman makapag-bonding kayo."
"Mom, marami pa namang pagkakataon para do'n," wika ko at tumango lang siya. Habang ako naman ay napahinga ng maluwag.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong nagtungo sa aking silid at tinawagan si Celestine para sabihin sa kanya ang plano kong magbakasyon kasama siya. Mabuti nalang gusto rin niya na magbakasyon kaya naman inayos ko kaagad ang mga gamit na dadalhin ko. Yung sasakyan nina Celestine yung gagamitin namin papunta sa lugar ng mommy niya kaya tuloy na tuloy na ang alis namin bukas.
Pagkatapos kong mag impake ng mga gamit ay nagtungo muna ako sa balkonahe. Agad naman na sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin kaya naman napayakap ako sa aking sarili. Malamig ang hangin na dumadampi sa aking balat pero masarap sa pakiramdam at dahil sa malakas ang hangin ay tinatangay nito ang aking buhok. Maya'tmaya ay napabuntong hininga ako at napatingala sa kalangitan.
"Kung sana lang pwedeng tangayin ng hangin ang dinaramdam ko ay hinihiling kong kailan ma'y hindi ko na ito maramdaman pa," bulong ko sa kalangitan at napangiti ng mapait. As bitter as it could be.
Muli akong napabuntong hininga at nanatili muna sa balkonahe hanggang sa makaramdam ako ng antok kaya napagpasyahan ko nang matulog. Pagkahilata ko sa aking kama ay napatitig pa ako saglit sa kisame. Unti-unti ay bumibigat na ang talukap ng aking mga mata at tuluyan na nga akong nakatulog.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda dahil ngayon na kami aalis ni Celestine patungo sa Cagayan Valley. Doon namin balak magbakasyon dahil sabi sa'kin ni Celestine ay marami raw magagandang pasyalan doon kaya sumang-ayon ako. Kahit naman saan ay ayos lang, basta makakapag-relax ako at makalayo pansamantala dito sa bahay na para ng naging kulungan ko.Ilang sandali lang ay dumating na si Celestine kaya naman nagpaalam na ako kina mommy at daddy. Tinext ko na rin si Eric na magbabakasyon ako pero hindi ko sinabi kung saan dahil siguradong susundan lang niya ako at ayoko namang mangyari iyon. Kaya naman pinatay ko muna ang aking cellphone dahil baka tawagan niya ako. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay patungo sa sasakyan.
Habang nasa biyahe kami ay nakatingin lamang ako sa labas samantalang si Celestine ay tulog. Makalipas lamang ang ilang oras na biyahe ay naramdaman kong may tumapik sa akin kaya naman nagising ako. Nakatulog pala ako, di 'ko man lang namalayan.
"Diana wake up. We're here," ani Celestine kaya iminulat ko na ang aking mga mata at tumanaw sa labas. Bumungad naman sa aking paningin ang malaki at magarbong bahay. Maraming mga iba't-ibang uri ng halaman sa paligid at malawak din kaya naman nakakalula.
"Diana," muling wika ng aking pinsan na nasa labas na ng sasakyan kaya naman kinuha ko na ang aking bag at lumabas na rin. By the way, Celestine Costales is my cousin.
"Ma'am Celestine," wika ng isang matandang babae kaya naman napatingin ako sa direksyon niya. Mukhang nasa edad 60's na siya at naglalakad siya ngayon papalapit sa amin.
"Manang na miss ko kayo," saad ni Celestine at niyakap ang matanda ng mahigpit na akala mo'y di nagkita ng mahigit sampung taon.
"Sinnu atuy naglasbang nga kadwam naning?(Sino itong magandang kasama mo hija?)" tanong ng matanda na siyang hindi ko maintindihan. Anong lenggwahe ang ginamit niya? Ano rin kaya 'yong sinabi niya? Ngayon ko lang narinig ang ganoong pananalita.
"Ah siya po si Diana yung pinsan ko na kinukwento ko sa inyo. Diana, siya naman si manang Karing. Ang tagapangalaga ng bahay kapag wala kami kase madalang lang kaming nagi-stay dito." Napatango-tango naman ako sa tinuran ni Celestine.
"Nice to meet you po," wika ko sa matanda at nginitian ito sabay lahad ng aking kamay na siyang agad naman niyang tinanggap.
"Ako rin hija. Mabuti pa pumasok na tayo sa bahay ng makapagpahinga na kayo dahil siguradong pagod kayo sa biyahe," wika ni manang Karing at naglakad na kami papasok sa magara at malaking bahay ng pamilya ng aking pinsan.
"Sige po," wika namin ni Celestine at sinundan ang matanda.
Pagkapasok namin ay agad na bumungad sa akin ang malaking chandelier na nakabitin sa taas. Malawak na living room at mga mamahaling gamit. Habang naglalakad kami sa hagdan patungo sa pangalawang palapag ng bahay nina celestine ay nakatingin ako sa mga iba't-ibang painting na nakadikit sa pader. Mga mamahaling paintings na halatang mga tanyag na mga pintor ang may gawa ng mga iyon. Pakiramdam ko tuloy ay nasa isang museum ako.
"So, ito pala yung bahay niyo dito sa Cagayan?" tanong ko kay Celestine habang naglalakad kami patungo sa tutuluyan naming kwarto.
"Yes." Simpleng sagot niya.
"Celestine ano nga pala yung lenggwaheng ginamit ng matanda kanina?"
"Ah hindi iyon lenggwahe kundi diyalekto. Ilocano ang tawag sa pananalita dito at iloko naman ang tawag sa mga tao rito," paliwanag ni celestine at napatango-tango nalang ako. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa magkatapat na kwarto.
"Ito ang magiging kwarto mo," wika ni Celestine at binuksan ang pinto ng kwarto na nasa kanan.
"At dito naman ang kwarto ko kaya kapag may kailangan ka sabihin mo lang okay?"
"Salamat Celestine," wika ko at niyakap siya.
"You're welcome," wika naman niya kaya naman pumasok na ako sa kwartong tutuluyan ko at iginala ang paningin sa kabuuan ng silid. The wall is a rich royal purple with intricate motifs inlaid on it. A huge bed in the center has a silken sheet and light purple curtains. And a vase of lavenders sits on the bedside table, and its scent fills the entire room. A painting of a castle also hangs on the wall. The room also has a small walk-in closet, a bathroom, a table with a glamorous make-up mirror, a glass window and the balcony's door is constructed with glass.
I laid my back on the bed and stared at the ceiling for a minute before making up my mind to fix my things. Pagkatapos ay nagtungo ako sa balkonahe para tingnan ang paligid. Mayamaya'y napatanaw ako sa kawalan at napapaisip sa mga maaaring mangyari kapag nakasal na ako.
"Hi cuz. Yoohoo." May biglang tumapik sa akin kaya napaigtad ako. Si Celestine lang pala at nakapamewang pa ito.
"Oh celestine nandito ka pala," wika ko at napairap namam siya. May pagka-attitude din talaga minsan 'tong pinsan ko.
"Hello. Kanina pa kaya ako nandito."
"Really?" tanong ko dahil hindi ko naman napansin na kanina pa pala siya na rito.
"Yes, indeed. You appear to be disoriented, which could explain why you didn't notice me earlier." Siguro nga dahil sa malalim kong iniisip kaya hindi ko siya agad napansin.
"Oh sorry," ani ko.
"Ano ba kasi ang iniisip mo, ha?" Hindi ko sana sasagutin ang kanyang katanungan pero kilala ko si Celestine. Hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasagot ang kanyang tanong.
"It's about me getting married in five months, cuz," I said.
"Cuz, pwede ba huwag mo muna problemahin 'yan. Pumunta tayo dito para makalimot pansamantala sa mga problema mo at para magkaroon ka naman ng peace of mind. You're just stressing out yourself. Mabuti pa, mag-enjoy ka habang nandito ka. Malaya ka dito 'di gaya noong nando'n ka sa Manila," wika ni Celestine at doon ko lang narealize na ako ang may hawak ng buhay at decision ko ngayon. Wala ng magbabawal sa akin at pupuna sa mga gagawin ko kaya naman gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin ngayon. Tama siya, dapat ay mag-enjoy ako dahil 'pag bumalik na ulit ako sa Manila ay makukulong na naman ako sa mga kamay ng aking mga magulang. Babalik na naman ako sa pagiging sunod-sunuran sa lahat ng mga gusto nila. Hindi na naman ako magiging malaya 'di gaya rito. Kaya kailangan kong sulitin ang mga oras ko rito dahil baka hindi ko na mararanasan muli ang ganitong sitwasyon.
"You're right," I said and smiled at her.
"Mabuti naman at hindi na puro problema ang nasa isip mo," wika naman ni Celestine at umalis na. At ako naman ay umalis sa kwarto at naglibot-libot sa bahay nina Celestine.
~~~Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng dumating kami rito sa Cagayan at madalas lang akong nasa bahay. Minsan naman ay nagtutungo kami sa dagat at heto ako ngayon nakatanaw na naman sa kawalan. Dahil sa nababagot ako at malapit na ang sunset ay napagdesisyonan kong magtungo sa dagat. Malapit lang naman ito sa bahay nina Celestine kaya naman umalis na ako ng kwarto at naglakad patungo sa dagat ng mag-isa.Makalipas ang ilang lakaran ay nakarating na ako sa dagat. Agad na bumungad sa akin ang malamig na simoy ng hangin at malalakas na paghampas ng alon. Walang masyadong tao rito kaya tahimik.
Umupo muna ako sa silong ng isang puno hanggang sa napagdesisyonan kong maglakad-lakad sa gilid ng dagat. Nang bigla akong napahinto ng may mapansin mula sa 'di kalayuan. May taong palutang-lutang at sa tingin ko ay lalaki iyon dahil sa bulto ng kanyang katawan. Tila hindi siya gumagalaw kaya naman nilukob na ako ng kaba at hindi alam ang gagawin.
"Hey!" sigaw ko pero no response kaya naman mas lalo akong kinabahan. Lumingon-lingon ako sa paligid at nagbabakasakali na may mahihingian ng tulong pero wala kaya naman naglakas-loob ako na sagipin ang taong iyon.
"Sh*t naman eh. Hayy bahala na," wika ko at tinanggal ang suot kong tsinelas. Huminga muna ako ng malalim bago tumampisaw sa dagat. Napakalamig ng tubig kaya habang lumalangoy ako patungo sa taong lumulutang ay nanginginig ako kaya naman nagmadali akong lumangoy at nang malapitan ko na ito at hahawakan ko na sana ay halos lumabas ang aking puso nang bigla itong tumayo.
"Wahhhhhhhhhhhhhh." Malakas kong sigaw at sinubukang lumangoy papalayo sa kanya pero mabilis niyang hinawakan ang isa kong kamay kaya hindi ko nagawang lumayo sa kanya.
"Sh*t," wika nito habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Hindi ko masyadong makita ang mukha nito dahil nakayuko siya at natatakpan ng kanyang buhok.
"You're freaking alive!" sigaw ko rito dala na rin ng pagkagulat. Buhay pala 'to eh bakit palutang-lutang dito na akala ko'y patay na? Ano trip niya lang?
Mayamaya ay bigla akong napatigil ng hilain niya ako at halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa sobrang lapit namin sa isa't-isa. At para bang may mga nagkakarerang mga kabayo sa aking dibdib dahil sa bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko mawari kung anong nangyayari sa akin dahil wala akong maramdamang takot sa taong ito. Dahil maaaring may gawin siya sa aking masama lalo na hindi ko siya kilala at wala pa namang ibang tao rito. Sisigaw na sana ako ng hindi na natuloy dahil tumingin siya sa akin ngunit tila huminto ang mundo at naging malumanay ang galaw ng tubig sa dagat. And then, I was stunned when I clearly have a sight of his face.
He has tousled and lustrous dark brown hair and a pair of fascinating hazel brown eyes. He has a determined and weighty expression on his face, and his thick brown nose was slanted downward. The twinning muscular cords that molded his entire body are visible on his strong neck, and his mouth curve gently around. He has broad shoulders, and a firm chest. And unexpectedly, I swooned at the sight of this stranger with just one glance. But when I realized what was happening, an unexpected move happen.
"Goodmorning," wika ko habang nag-iinat sa balkonahe at dinadama ang sikat ng araw. Ngayong araw ay pupunta kami ng Palaui Island at ito ang unang magiging pasyal namin dito sa Cagayan. I just hope that this vacation will be unforgettable. Nanatili ako sa balkonahe ng ilang minuto pa hanggang sa paalis na sana ako ng mahagip ng aking mata ang isang lalaki na naglalakad papasok sa bahay nina Celestine. Nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kung sino iyon. He's the guy from yesterday. What is he doing here? Is he related with my cousin? Maybe? Well it's none of my business anymore. May buhat-buhat itong karton. Bigla siyang huminto sa paglalakad at napadako ang kanyang tingin sa kinaroroonan ko kaya mas mabilis pa sa alas kwatrong pagtalikod ko. Ewan ko ba kung bakit ko iyon ginawa. Pakiramdam ko pinagtataguan ko ito eh wala naman akong ginawang masama sa kanya. Kaya huminga ako ng malalim at bumalik sa pagkakapwesto ko kanina. Well, wala naman talaga pero m
"Diana, c'mon join us," aya sa akin ni Lynjel na nage-enjoy sa malaasul na dagat kasama sina Fiyonah, Celestine, Kevin at Clifford. Napatingin naman ako sa kalangitan at kahit alas-singko na ng hapon ay mataas parin ang sikat ng araw. "Diana," tawag muli sa'kin ni Lynjel kaya naman isinuot ko na ang hawak-hawak kong life vest at tumungo sa kinaroroonan nila. Malalim ang dagat kaya kailangan naming magsuot ng life vest kahit na marunong kaming lumangoy. It's for our safety. "The water is refreshing," wika ni Celestine at Tama nga siya dahil napakapresko ang tubig at sakto lang ang lamig nito.Ngayon pala ay pangatlo at huling araw at gabi na namin dito sa isla kaya susulitin na namin ang pag-stay namin dito. Nung mga nakaraang araw ay nag-island hopping kami at namasyal pa sa ibang bahagi ng isla. Nagpunta kami sa Manidad Island or also known as Crocodile Island na kapitbahay lang ng
"Naimbag nga bigat kenka nakkung. (Magandang umaga sayo anak)." Nakangiting bati sa akin ng isa sa mga kasamahan ni manang karing na naninilbihan sa pamilya nina Celestine nang makasalubong ko itong namimitas ng mga bulaklak ng rosas sa flower garden ni tita Sheryl. Ang mommy ni Celestine. "Magandang araw din po sa inyo." Pabalik kong bati sa matanda at napagpasiyahan kong tulungan ito sa pamimitas ng bulaklak.Medyo matagal na rin ang pananatili ko rito kaya kahit papaano ay may konti na akong naiintindihan sa kanilang diyalekto dito. Gaya na lamang ng sinabi ng matanda na ang ibig sabihin ay "Magandang umaga sayo anak". Nang tapos na kaming namitas ng bulaklak ay umalis na si manang para iayos ang mga bulaklak sa mga vase samantalang ako ay nanatili sa flower garden at naglibot-libot muna hanggang sa mabagot ako kaya naisip kong magtungo sa bahay nina Lynjel. Naging malapit na rin kase ako sa kanya at kina Kevin mula noong magkakasama kaming nagpunta sa Pala
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha kaya naman bumangon na ako at ginawa ang morning routines ko. Napatingin ako sa wall clock at napatampal na lang sa aking noo ng mapagtanto na alas otso na ng umaga. Ang late ko ngayong gumising ah. Hindi naman ako nagpuyat kagabi. At dahil nagugutom na ako ay lumabas ako ng kwarto at bumaba na. Saka dumiretso sa kusina. "Good morning po manang." bati ko kay manang Karing na abala sa pag-aayos ng mga kagamitan sa kusina. "Good morning din hija. Kumain ka na diyan." balik nitong bati sa akin. Umupo na ako sa mga upuan na nakapalibot sa mahabang lamesa at tinanggal ang mga nakatakip sa mga pagkain na nakahain sa lamesa. Kumuha na ako ng mga pagkain at agad na nilantakan dahil gutom na ako. Pagkatapos kong kumain ay lumabas ako ng bahay nina celestine para magtungo sa pool sana, nang makasalubong ko sina Celestine at Allen na nag-uusap. "Oh Diana gising ka na pala. Kumain ka na
Paggising ko ay nagtungo ako sa balkonahe at ang malamig na simoy ng hangin mula sa dagat ang bumungad sa akin. Pero agad din akong bumalik sa aking silid dahil ang lamig. Napatingin ako sa wall clock at napagtantong alas singko pa lang ng umaga. Maaga akong gumising dahil sa naalala ko na magkikita kami ni Allen ng maaga sa dagat. Hindi ko nga alam kung ano yung sasabihin niya. Nag stretching muna ako bago nagtungo sa cr para maghilamos at magmugmog. Pagkatapos ay nagpalit ako ng damit panlabas. Nagsuot din ako ng jacket dahil nga malamig ang simoy ng hangin at lumabas na ako ng bahay patungo sa dagat. Pagdating ko doon ay nadatnan ko si Allen na nakaupo sa dalampasigan kaya agad ko itong nilapitan at umupo sa tabi niya. Nang makita ako ay agad naming binati ng "Magandang umaga" ang isa't-isa. "So, ano 'yong sasabihin mo at bakit dito pa?" tanong ko sa kanya. "Dito tayo unang nagkita," wika nito at naalala k
Nakatingin lang ako sa kawalan habang may mga luhang nagbabagsakan mula sa aking mga mata dahil sa mga nangyari noong nakaraan. "Diana are you okay?" biglang tanong sa akin ng pinsan ko nang makita niya ako. Kaya mabilis ko namang pinunasan ang mga luhang lumandas sa aking mga pisngi. "Yeah." "I know you're not okay Diana." "Alam mo naman na pala tinanong mo pa," wika ko sa birong paraan. Nagkibit balikat lang ito. Tumungo siya sa akin at narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga. "I unintentionally heard your conversation with Allen the other day" wika nito. Napakagat naman ako sa aking labi at tumingala para pigilan ang aking mga luha sa pagtulo.
"Hayy akala ko ba maaga tayong pupunta sa Rai atruim?" tanong ni Celestine nang makarating kami sa bahay nina Lynjel. Nakasakay kami sa sasakyan nina Celestine dahil hindi kami lahat magkakasya kung isang sasakyan lang ang gagamitin namin. "Eh akala ko nga rin eh. Wala pa kase sina Fiyonah. Talaga namang ang bagal sa paggalaw ang babaeng iyon," wika naman ni Lynjel at napailing-iling. Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang iba naming kasama at ilang minuto din ang lumipas bago sila dumating. "Tara na," wika ni Lynjel. Sumakay na sila sa sasakyan nila kasama ang kanyang pamilya at sa kabilang sasakyan 'yong iba pang inimbitaban nila. Samantalang ako, si Celestine, Fiyonah, Kevin at Allen ang magkakasama sa iisang sasakyan. Bale katabi ko si Celestine. Si Fiyonah at Kevin naman ang magkatabi
Nakangiti ako habang nakatingin sa kisame nang marinig kong tumunog ang aking cellphone kaya agad kong kinuha at mas lumawak ang aking ngiti nang makita kung sino 'yong caller. "Hello," wika ko pagkasagot na pagkasagot ko sa tawag. "Magtungo ka sa balkonahe," wika nito at napakunot noo naman ako pero kahit gano'n ay nagtungo pa rin ako sa balkonahe at nakita siyang nakatingala sa kinaroroonan ng aking kwarto. "Good morning." Bati nito sa akin mula sa kabilang linya. Hindi ko naman maitago ang aking ngiti dahil kumaway-kaway pa si Allen sa akin mula sa baba. "Good morning." Pabalik kong bati ko nang hindi binababa ang tawag. Mayamaya'y biglang pumasok ng kwarto si Celestine at lumapit sa aking kinaroroonan. &nb
"You look gorgeous," puri ko sa aking pinsan nang pumasok ako sa kanyang kwarto. She's all dressed up for her wedding which will happen in just an hour. Ngayon na kase ang araw ng kanyang kasal at kahapon pa kami dumating dito sa Cagayan dahil dito siya ikakasal. Akala ko'y sa Manila pero hindi naman pala."Thank you cuz," wika naman niya habang may malawak na ngiting nakapaskil sa kanyang labi."Anyways, congratulations to you and to your husband to be. I'm so happy for you because you've finally found your the one," wika ko at tumabi sa kanya na nakaupo sa dulo ng kanyang kama."Me too and I hope that you'll gonna get back to the man whom you trully love. He's going to be present in my wedding. Are you even ready to see him again?" Isang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa ni Celestine bago ako umiling at magsalita."Is there even a chance for us to get back together agai
"Wake me up later," wika sa akin ng katabi ko dito sa airplane na nagngangalang Eric."Okay," sagot ko naman at siya naman ay ipinikit na ang mga mata. At ilang minuto lamang ay rinig na rinig ko na ang munting mga hilik niya.Dahil sa tulog na si Eric ay inilabas ko sa aking bag ang aking journal book at ballpen. Napatingin naman ako saglit sa labas ng bintana at napabuntong hininga bago magsulat sa aking journal book. It's been my routine to write a letter for Allen on this book because I still haven't forgot him and will never be. Hinding-hindi ko siya kakalimutan dahil hanggang ngayon ay siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Siya pa rin ang mahal ko kahit na tatlong taon na nakakalipas mula nang iwan ko siya at ikasal kay Eric. At mag-migrate dito sa US pagkatapos nang kasal namin noon kahit na hindi ko gusto pero ngayon ay pauwi na ulit kami ng Pilipinas dahil sa nalalapit na kasal ni Celestine. I want to be present on my cousin's weddi
Alas-diyes na nang gabi pero hindi pa rin ako dinadapuan nang antok kaya andito ako ngayon sa balkonahe ng aking kwarto at nakatingala sa kalangitan na puno ng mga bituin na kanya-kanya sa pagningning. Napayakap naman ako sa aking sarili nang biglang humampas ang malamig na hangin at kasabay naman nito ang pagpikit ng aking mga mata. At nagbalik tanaw sa naging usapan namin ni Celestine noong bumisita sa akin noong mga nakaraang linggo. "I'm glad his operation went well and that he's going to be fine," wika ko at napangiti pero may mga luhang tumakas sa aking mga mata dahil kahit masaya ako para kay Allen ay hindi ko maitatagong nasasaktan ako sapagkat hindi ko na siya makakasama. "But," wika ni Celestine. Napatingin naman ako sa kanya at nakayuko ito. "Ano 'yong sasabihin mo Celestine?" tanong ko at napabuntong hininga naman ito bago nagsalita. At tumingin sa akin ng diretso sa mga mata.
"I'm so sorry Allen," bulong ko habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang kamay at sinusuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Natutulog siya ngayon kaya malamang hindi niya ako naririnig at nakikita akong luhaan dahil marahil ito na ang huling pagkakataon na mahawakan ko siya. Babalik na ako sa mga magulang ko kapalit nang pagsagot nila sa lahat nang magiging gastos para sa operasyon niya. Alam kong hindi magugustuhan ni Allen ang desisyon kong Ito kapag nalaman niya pero wala na akong pagpipilian pa. Masakit para sa akin na gawin ito. Na iwan siya sa ganitong sitwasyon at pagkakataon pero kailangan kong gawin ito dahil para sa kanya rin naman ito."Diana." Mabilis ko namang pinunasan ang aking mga luha nang magising si Allen at nginitian siya."Gising ka na pala. Anyway, Good morning," wika ko at hinaplos ang kanyang pisngi. At sa hindi inaasahan ay nagsituluan na naman ang aking mga luha dahil hindi ko ito mapigilan.
"Good morning Allen," bati ko sa kanya nang magising ako. Apat na araw na mula nang nangyari ang aksidente at hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay."Sana magising ka na. Nami-miss na kita nang sobra. Nandyan ka nga pero hindi naman kita nakakausap kase nga wala ka pang malay. Miss na miss ko nang marinig ang boses mo at lalong-lalo na ang mga paglalambing mo," wika ko habang nakatingin sa kanya at maingat na ipinatong sa kanyang pisngi ang aking kamay. He looks so peaceful."Good morning," rinig kong wika ng isang matanda pagbukas ng pinto ng kwarto kaya naman napatingin ako sa kung sino iyon at napagtantong si manang Kara pala. Siya ay ang dating kasambahay nina Celestine at ngayon ay muling kinuha ni Celestine para magbantay kay Allen kapag papasok ako sa trabaho."Magandang umaga rin po sa inyo manang Kara," bati ko sa matanda at nginitian naman niya ako.Napatingin naman ako sa aking
"Hang in there Allen," wika ko habang itinatakbo ko siya sa Emergency room kasama ng mga nurse."Allen I'm begging you to hang in there," muli kong wika kasabay ng patuloy na pag-agos ng aking mga luha at hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay."Ma'am hanggang dito na lamang po kayo," wika ng isang nurse nang nasa labas na kami ng ER kaya naman tumango ako at hindi na sila sinundan pa sa pagpasok sa loob. Na siyang sinundan naman ng doctor."Cuz," biglang wika nang isang babae mula sa aking likuran at napalingon naman ako sa nagsalita. At bumungad sa aking paningin si Celestine na halata ang pag-aalala sa kanyang mukha."Cuz," wika ko at agad siyang niyakap nang makalapit na ito sa akin. At mas lalong bumuhos ang aking luha habang yakap-yakap siya. I'm glad that she's here."Shhh everything will be fine. Magiging okay din si Allen kaya huwag kang mag-alala. Hindi siya p
"Diana mas mabuting huwag ka na munang pumasok sa trabaho. Baka balikan ka lang ni Eric. Sigurado akong hindi ka niya titigilan at ayoko nang maulit pa ang nangyari noong isang araw," wika ni Allen habang nakatingin sa akin at hawak-hawak ang aking mga kamay. Nandito kami ngayon sa sala dito sa aming apartment."Kapag talaga nakita ko ang lalaking iyon ay mayayari siya sa akin dahil hinding-hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sayo," muling wika ni Allen at kumuyom ang isa niyang kamay. Ramdam na ramdam ko ang galit na nararamdaman niya mula pa noong isang araw nang malaman niya ang aking sinapit sa kamay ni Eric. Gusto nga niyang sugurin noon si Eric pero mabuti na lang napigilan ko siya dahil ayokong masangkot siya sa anong gulo. Ayoko rin na mapahamak siya nang dahil sa akin."Allen alam kong nag-aalala ka para sa akin pero ayoko naman na magtago na lamang at paulit-ulit na tumakbo palayo sa kanila. Dahil kahit saan man tayo mapunta a
"I'm going home. See you," I texted Allen when I got out of the cafeteria and was about to look for a taxi. When a car suddenly stopped right in front of me. The window is tinted so, I can't see who's inside the car and when the car opened. An unexpected person stepped out from the car. It's Eric. Our eyes met and I quickly averted my gaze on him. What is he doing here again?"Diana," he said and walk towards me. But I didn't mind him as if I'm not aware that he's right in front of me."Diana, please talk to me." At dahil hindi ko na kayang magkunwari na hindi ko siya nakikita ay nagsalita na ako."Ano bang pag-uusapan natin Eric?""Let's talk about us.""Us? Ano bang pinagsasabi mo Eric? Walang tayo at isa pa hindi naging tayo. At kailan ma'y hindi magkakaroon ng tayo kaya pwede ba hayaan mo na ako. Masaya na ako sa buhay ko kaya tantanan mo na ako. Huwag ka na rin umasa na papa
"Good morning," bati ko kay Allen nang magising ito mula sa mahimbing na pagtulog. Kanina pa ako nakatitig sa kanya at hinihintay na magising. Ayoko naman na guluhin siya at gusto ko rin kase na tinitignan siya habang tulog dahil para siyang isang inosenteng bata na walang kamuwang-muwang sa mga hindi magagandang bagay o pangyayari sa mundong kinalalagyan niya. At habang ako'y nakatingin sa kanya ay hindi ko maiwasan na tanungin sa kawalan, kung bakit ang daming hindi magagandang pangyayari sa buhay niya? Pero sabi nga nila, lahat nang nangyayari ay may rason. At saka siguro, pagkatapos ng mga hirap dinanas at nararanasan niya ay may magandang mangyayari sa kanya sa dulo. Sana nga dahil isa sa mga hiling ko ay ang palagi siyang maging masaya kahit na nasa mahirap siyang sitwasyon."Good morning," he uttered and gave me a warm kiss on my forehead. And after that, he looked at me straight into my eyes with a wide smile plastered on his lips. He capped my fac