Share

The Sweet Revenge
The Sweet Revenge
Author: Creivyr19

Chapter 1

December 19, 2020 kung saan ito ang araw na aking pinakahihintay sa lahat. Ang araw na kung saan ay mag-iisang dibdib na kami ng lalaking aking pinakakamahal sa buhay. Ang lalaking naging first love ko at naging first boyfriend ko since college at magiging kabiyak ko na sa aking buhay. 

Alas otso na iyon nang umaga nang makarating ako sa simbahan nang St. Carlos Manila City, sakay ng isang Bridal Car.

Papalapit pa lang sa simbahan ang sasakyan ay kinakabahan na ako dahil sa sobrang tuwa at magkahalong emosyon na aking naramdaman. Lalo pa at hindi na ako makapaghihintay na ikasal na kami ng aking pinakakamahal na lalaki na aking magiging soon to be husband na si Marcelo Bermudez. Anak ng isang milyonaryo at may-ari ng isang fast food factory sa Manila.

Kakahinto pa lang ng Bridal Car sa harap nang simbahan ay parang gusto ko na agad na bumaba, sapagkat gusto ko nang makalakad patungong altar at makita ko na ang aking pinakamamahal na magiging asawa na siyang naghihintay sa aking paglapit sa kanya.

Habang tinitingnan ko ang mga tao sa labas ng simbahan ay tila napalitan ang aking mga masasayang ngiti ng pagdududa. Sapagkat napansin ko na parang may kaka-ibang reaksyon sa kani-kanilang mga mukha na makikita at tila ba parang hindi ka nais-nais.

Mayamaya pa ay nakita ko ang aking Ina na siyang nagmamadaling tumatakbo papalapit sa Bridal Car na sinasakyan ko habang may hindi rin ka nais-nais na reaskyon sa kaniyang mukha na makikita.

"Yvonne Anak, buksan mo ang bintana," palakas na boses na pagsabi ng aking Ina habang abala sa pagkatok sa bintana ng Bridal Car.

Nagtaka naman ako sa naging kilos ng aking Ina kung kaya't agad kong binuksan ang bintana ng sasakyan.

"Bakit po Inay, ano po ang nangyari at bakit tila parang balisa kayo sa inyong sarili ngayon? Tanong ko pa sa aking Ina habang may pagtataka sa aking mukha na makikita.

Nanghihingalo naman sa pagod ang aking Ina. "Si Marcelo ay wala pa at kanina pa namin siya hinihintay. Mas nauna ka pang dumating kaysa sa kanya" wika pa ng aking Ina habang may kaba at lungkot sa paraan ng kaniyang pananalita.

Nabigla naman ako sa sinabi ng aking Ina, subalit inisip ko na baka na traffic lamang siya. "Kalma lang po kayo Nay, siguro ay na traffic lang 'yun si Marcelo," ani ko pa habang ngumingiti lang sa kanya at panay ang pagtingin sa mga tao sa labas nang simbahan.

Mayamaya pa ay may dumating na isang sasakyan na kulay itim at huminto malapit sa pinaghintuan ng Bridal Car na sinasakyan ko.

Agad naman nabalin ang aking tingin sa humintong sasakyan dahil sa aking pag-aakala na si Marcelo na iyon.

"Oh ayan, baka si Marcelo na po iyan Inay," maikling sabi ko sa kanya sabay binuksan ang pintuan at bumaba ng Bridal Car.

Pagbaba ko ng Bridal Car ay pinukol ko agad ng isang masayang ngiti ang sasakyang itim. Hindi maikakaila sa aking mukha ang pagkagalak sa paglabas ng taong nakasakay sa sasakyan na ito, sapagkat sa isip ko ay si Marcelo na ito. 

Mayamaya pa ay dahan-dahan na binuksan ang pintuan ng sasakyan subalit nagtaka lamang ako kung bakit ibang lalaki ang bumaba ng sasakyang dumating, imbis na si Marcelo. 

Sinilip ko pa ang loob ng sasakyan baka sakaling naroon si Marcelo subalit wala ng ibang tao sa loob.

Ilang saglit pa ay lumakad ang lalaki at halatang sa akin paroon ito. Agaw pansin sa aking mga mata ang hawak-hawak nitong isang sobre sa kaniyang kamay. 

Paglapit niya sa akin ay marahan niyang inilahad ang sobreng hawak niya. "Magandang umaga po ma'am Yvonne, i-aabot ko lamang po sa inyo itong sulat na ibinigay si akin ni Mr. Marcelo Bermudez. Para raw po ito sa inyo," wika pa ng lalaki sabay inabot sa akin ang sobre na hawak niya.

Nagtaka naman ako at tila kinabahan na ng mga sandaling iyon lalo na at kaka-iba itong nangyayari. Subalit ginawa ko pa rin na abutin at basahin ang sobre na may lamang sulat galing sa aking magiging asawa.

"Bakit na saan ba si Marcelo? Kasal namin ngayon subalit wala pa siya. At bakit may sulat pa siyang nalalaman na ibigay sa akin, bakit hindi na lang siya ang pumunta rito?" Pagtatakang tanong ko sa lalaki sabay napapaisip ng husto habang balisa na at hindi mapakali sa aking sarili. 

Hindi na umimik at nagsalita pa ang lalaki, bagkus ay yumuko na lamang siya na tila parang nagpapahayag nang kalungkutan.

Tila hindi yata ka nais-nais ang nakikita kong pagkilos ng lalaki.

Mayamaya pa ay dahan-dahan kong binuksan ang sobre at dahan-dahan na kinuha ang sulat sa loob nito.

Parang nag-aalinlangan pa ako na basahin ang sulat dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda. Subalit pinilit ko pa rin na basahin ito upang malaman ko kung ano ang nilalaman nito.

At hindi ko inaasahan ang aking mababasa sa nilalaman ng sulat na ito na galing mismo sa aking magiging asawa.

"Dear Yvonne, alam kong ito na ang araw na matagal mo nang hinihintay sa buong buhay mo. Alam kong pinaghandaan mo talaga na dumating ang araw na ito sapagkat napaka-espesyal ang araw na ito sa buong buhay mo. Ang araw ng ating kasal at pag-iisang dibdib hindi lang sa mata ng diyos kun'di pati na rin sa mata ng mga taong dadalo sa selibrasyon na ito. Subalit ako'y may nais na sabihin at ipaalam sa iyo. 'Huwag mo sanang mamasamain ang aking ipagtatapat sa iyo sa kadahilanan na hindi ako makakadalo ngayon sa mismong araw ng ating kasal. Patawad kung kailangan kong umatras sa ating pag-iisang dibdib bilang mag-asawa panghabang buhay. Sapagkat namulat ako sa katotohanan na hindi pala ikaw ang babaeng tunay na minamahal ko at nilalaman ng aking puso. Na hindi pala dapat ako magpapakasal sa babaeng hindi ko gustong makasama sa buhay. Alam kong magugulat ka talaga sa aking mga sinabi at alam ko rin na masasaktan ka, ngunit patawad."

Habang nasa kalagitnaan pa lamang ako ng aking pagbabasa sa mensahi na ito ay hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko galing sa aking mga mata. Sobrang sikip na ng aking dibdib ngayon dahil sa sakit na aking nararamdaman subalit pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa, matapos ko lamang ang laman ng buong kasulatan na ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status