Share

Chapter 4

Parang nag-iba na talaga ang kaniyang pakikitungo sa akin simula nu'ng magkaroon lamang ako ng boyfriend at ipagtapat sa kanya ito. 

Hanggang sa naisipan ko na lang na kausapin siya pagkatapos ng mesa na ito at alamin kung ano ang problema niya sa akin.

Matapos ang mahigit isang oras na mesa ay na una nang umuwi sina Nanay at Tatay sapagkat magtitinda pa sila sa palengke. Samantalang kaming dalawa ni Colleen ay naiwan sa simbahan.

Habang nag-aabang kami ng sasakyan dalawa pauwi ng bahay ay naisipan ko na siyang kausapin upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Lalo na at nag-aalala lamang ako sa kanya baka kung may mabigat na siyang dinadalang problema. Lalo pa at siya na lamang ang mag-isang nakatira sa kanilang bahay dahil sa nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang at iniwan na lamang siya ng basta-basta sa hindi malamang dahilan.

Mayamaya pa ay dahan-dahan akong umusog papalapit sa kaniyang kinatatuyaan. "Um, Colleen ayos ka lang ba? Pakiramdam ko kasi ay may problem ka sapagkat napansin ko na parang malimit mo na akong kausapin at pa minsan-minsan ka na lang din kung dumalaw sa bahay. Ano ba ang problema mo baka gusto mong e-share sa akin nang matulungan man lang kita, nag-aalala na kasi ako sa iyo," mahinahong tanong ko kay Colleen sabay hinawakan siya sa kaniyang balikat.

Tila nabigla naman siya sa sinabi ko kung kaya't agad niya akong tinitigan sa aking mga mata. "Ayos lang ako at wala akong problema. Marami lang akong inaasikaso kung kaya't nangyayari iyon," ani pa ni Colleen sabay tingin sa kalsada.

"Nakita ko kasi na parang may problema ka, siguro ay ayaw mo lang sabihin sa akin. Best friend mo naman ako at sabihin mo naman sa akin iyang problema mo baka matulungan pa kita," ani ko pa sabay napapaisip ng husto. "Tungkol ba ito sa mga magulang mo kung bakit ka nagkakaganyan? Dagdag ko pa sabay tiningnan siya habang nakatingin sa mga sasakyang dumadaan.

Ilang saglit pa ay napatigil siya at muling napatingin sa akin habang halata ang hindi ka nais-nais na reaskyon sa kaniyang mukha na makikita. "Pwedi ba Yvonne 'wag mo nga akong kausapin, nanggigil ako sa iyo eh. At 'wag na 'wag mong maitanong ang bagay na iyan tungkol sa mga magulang ko dahil wala kang alam! At kung gusto mong may makausap ka, pwes humanap ka nang kausap mo!" Palakas na boses at pasigaw na pagsabi ni Colleen sa akin na halatang may galit ang tono ng kaniyang pananalita.

Nagulat naman ako at nabigla sa sinabi niya kung kaya't hindi ko agad nagawang makapagsalita dahil sa hindi ako makapaniwala na mapagsasalitaan niya ako ng ganoon. Lalo pa at sa buong buhay ko ay ngayon pa niya lamang akong pinagtaasan ng boses.

Hindi ko pa man nagawang makapagsalita ay umalis na lang bigla si Colleen at sumakay ng sasakyan. Habang naiwan akong mag-isa sa labas ng simbahan.

Palaisipan pa rin sa akin ang paraan ng kaniyang pananalita kanina at kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang ikinikilos sa akin na siyang labis kong ipanagtataka. 

Subalit hindi ko na lamang iyon binigyan pa nang malisya sapagkat inunawa ko siya ng mabuti, na baka nga dahil lang talaga sa paghihiwalay ng kaniyang mga magulang ang dahilan bakit siya nagbago at nag-iba ng pakikitungo sa akin. Dala lamang ng kaniyang matinding emosyon.

Araw iyon ng Beyernes kung saan sinundo ako ni Marcelo sa aming paaralan. Insakto rin na palabas si Colleen ng gate kung kayat tinawag ko siya upang ipakilala ko siya kay Marcelo nang sa ganoon ay magkakilala naman silang dalawa.

"Sandali lang Marcelo, tatawagin ko lang ang kaibigan ko at ipakilala ko siya sa iyo," sabi ko pa kay Marcelo at sabay na tinawag ko si Colleen.

"Colleen? Nandito ako," palakas na boses na pagtawag ko kay Colleen sabay kinawayan siya.

Napalingon naman si Colleen sa akin, subalit hindi niya ako pinansin. Hanggang sa mapansin niyang kasama ko si Marcelo ay tila bigla na lang nag-iba ang kaniyang naging pagkilos at walang pag-aalinlangan na lumapit sa aming dalawa ni Marcelo.

Paglapit niya sa amin ay pinukol niya agad ng isang masayang ngiti si Marcelo. "Nandito ka pala Marcelo, ano naman ang ginawa mo rito?" Tanong pa ni Colleen kay Marcelo habang nakangiti itong tumititig sa kanya.

Napataas naman ang dalawang kilay ni Marcelo sabay napangiti ng kunti sa kanya. "Oh, kilala na pala ako ng kaibigan mo Yvonne," wika pa ni Marcelo na tila nabigla nang malaman niyang kilala na pala siya ni Colleen.

"Actually Marcelo, na-ikwento na kasi kita kay Colleen kung kaya't kilala kana niya," ani ko pa sabay ngumiti.

"Anyway, I'm Colleen Matapang at ikinagagalak kitang makita Marcelo," sabi pa ni Colleen kay Marcelo sabay inilahad ang kaniyang kanang kamay upang makipag-kamayan sa kanya.

"Oh hi Colleen I'm Marcelo and I'm Yvonne's boyfriend," wika pa ni Marcelo sabay nakipagkamay kay Colleen.

Habang nakikipagkamayan silang dalawa ay napansin kong tila parang kaka-iba ang paraan nang pagtingin at pagtitig ni Colleen kay Marcelo.

Tila parang tingin at titig ng isang pang-aakit niya kay Marcelo. Subalit hindi ko iyon pinansin at pinabayaan na lamang sapagkat alam kong walang malisya ang namumuo roon.

"Um, anyway baka gusto mong sumama sa amin ng kaibigan mong si Yvonne? Gigimik kasi kami ngayon kasama ang mga barkada ko," pa-anyaya pa ni Marcelo kay Colleen sabay hinawakan ako sa aking kamay.

Agaw pansin naman sa mga mata ni Colleen ang mahigpit na pagkahawak ni Marcelo sa aking kamay habang palihim na nakaramdam ng pagka-inggit. "Oh sure, gusto 'yan at sasama ako," mabilis na sagot ni Colleen sabay ngumiti sa kanya.

Bigla ko naman na alala na mayroong gagawing project ngayon si Colleen, kung kaya't nagkomento ako sa isinagot niya kay Marcelo.

"Hindi ba't may gagawin ka ngayong project Colleen? At hindi ba bukas mo na iyon i-susubmit?" Tanong ko pa kay Colleen habang napapaisip patungkol dito.

Dahil sa sinabi ko ay agad naman na umalma si Colleen. "Project? Sa pagkakaalam ko ay wala akong project na gagawin at kung meron man ay natapos ko na iyon. Tila yata parang ayaw mong sumama ako sa inyo?" Pataray na tanong ni Colleen sa akin sabay tinitigan ako nang masakit sa mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status