"Ayos lang, naintindihan naman kita kung bakit. Siguro naman ay pagnakapagtapos kana ng iyong pag-aaral ay magawa mo na akong ipakilala sa kanila," pangiting sabi niya sabay titig sa aking mukha."Hayaan mo at maipapakilala rin kita," ani ko pa sabay hinawakan ang kaniyang kamay.Mayamaya pa ay dahan-dahan na hinawakan ni Marcelo ang aking mukha habang dahan-dahan na inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Ilang saglit pa ay unti-unti niyang hinawakan ang aking labi hanggang sa ako'y kaniyang hinalikan sa labi.Wala rin akong pag-alinlangan na lumaban sa kaniyang paghalik sa aking labi.Matapos ang aming halikan dalawa ni Marcelo ay bumaba na ako nga sasakyan at tyaka dumiritso sa bahay.Araw ng sabado kung saan walang pasok, kaya't naisipan kung puntahan si Colleen sa kanilang bahay upang makipag-kuwentuhan. Dahil kasi sa sobrang busy namin sa school kung kaya't madalang kung kami ay magkausap. Pagdating ko sa bahay ni Colleen ay nakita ko siyang nagluluto ng pagkain kung kaya't
Napahawak naman sa kaniyang ulo di Colleen habang pinagmamasdan ako. "Hay, mabuti naman at nagkaroon ka na rin ng malay," sabay buntong hininga habang dahan-dahan na umupo sa aking tabi."Nagkaroon ng malay? Bakit, ano ba ang nangyari? Nalilito rin ako, kasi kanina parang nandoon pa tayo sa loob ng gym at bakit ngayon paggising ko nakahiga na ako sa loob ng clinic. Ano ba ang nagyari Colleen?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang iniisip kung ano ang mga nangyari kanina."Actually, napansin ko kanina sa Gym na tila parang masama ang iyong pakiramdam. Nilapitan kita at ang sabi mo ay tila parang nahihilo ka. At habang nasa kalagitnaan tayo ng ating pag-uusap kanina sa Gym ay bigla-bigla ka na lang nawalan ng malay. Mabuti nga at nasa tabi mo ako kung kaya't nagawa kitang saluhin," paliwanag pa ni Colleen na tila may malalim na iniisip.Tila unti-unti ko naman naalala ang mga naging kaganapan kanina sa loob ng gym lalo na sa parti kung saan nakaramdam nga ako ng pagkahilo kanina."Naa
Matapos ang aming naging pag-uusap sa clinic ay dumiritso ako sa banyo samantalang na una nang pumasok sa loob ng classroom si Colleen.Sa loob ng banyo kung saan ako'y nakatitig sa malaking salamin ay hindi mawala wala sa aking isipan ang mga sinabi ni Doctora sa akin. Tila parang magkatugma ang kaniyang sinabi kahit na ito'y ipinagkakait ko."Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng aking dalaw o ng aking menstruation simula nu'ng huling may nangyari sa aming dalawa ni Marcelo. Hindi kaya baka buntis ako kung kaya't ako'y nakakaramdam ng panghihilo minsan? Hindi kaya tama si Doctora? Subalit hindi naman ako nagsusuka na isa sa mga senyales ng buntis," bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip at naguguluhan sa sarili."Hindi naman siguro. Talagang stress lang ako at isa pa normal naman sa akin ang maging delayed dahil sa irregular ang period ko. Hindi dapat ako mabuntis, hindi pu-pweding mangyari iyon," dugtong ko pa.Huminga ako ng malalim sabay tingin sa ibabaw ng kisame.
Lumakad ako patungong bahay ng mga oras na iyon namg biglang nagkasalubong kaming dalawa ni Colleen."Yvonne, saan ka pala nanggaling? Alam mo hinahanap kita kanina sa school. At tila parang namumula ang iyong mga mata?" Pagtatakang tanong ni Colleen sa akin habang tinititigan ng husto ang aking mga mata. "Umiyak ka ba?" Dugtong pa niya na halatang nagdududa.Mabilis naman akong umiwas sa kaniyang tingin ng sa ganoon ay hindi niya mapag-alaman na ako'y umiyak nga."Umiyak? Haha ano ka ba. Wala nu, na puwing lang ako kanina habang lumalakad ako sa daan," palusot ko pa sa kanya sabay tingin sa kabilang linya."Umamin ka nga Yvonne, umiyak ka ba? Alam mo hindi mo na dapat pa kailangan na itago iyan sa akin dahil obvious na obvious naman. Bakit nga nga pala umiyak ha? May problema ka ba?" Wika pa na sabay pinag-cross ang magkabilang bisig.Habang patuloy sa pagsasalita si Colleen patungkol sa akin ay nagulat na lamang siya at nabigla sa aking biglaang pagyakap sa kanya habang umiiyak."Oh
Mayamaya pa ay lumapit sa akin si Colleen at niyakap ako."Tahan na Yvonne, hindi mo deserve ang mga ganiyang klasing lalaki," ani pa niya habang hinihimas himas ang aking likod."Sobrang sakit Colleen at papaano ko nga ba ito matatago sa lahat? Tulungan mo ako Colleen," habang patuloy lamang ako sa aking pag-iyak."Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa abot ng aking makakaya."Matapos ang aming naging pag-uusap dalawa ni Colleen ay napagpasyahan ko nang umuwi lalo pa at padilim na ang buong paligid gayon din at baka mag-alala na naman sina Tatay at Nanay sa akin."Nga pala Colleen, salamat sa nga pala sa mga payo mo sa akin. Paano na lang kaya ako kung wala ka. Alam mo naman na ikaw lang ang tanging matalik at tunay kong kaibigan na siyang malalapitan ko at maasahan sa oras ng pangangailangan," sabi ko sa kanya sabay huminga ng malalim at ngumiti ng kunti.Hinawakan naman ako ni Colleen sa aking balikat. "Syempre sino pa nga ba ang magtutulungan at magdadamayan kun'di tayo-ta
Tila parang naging maganda ang aming naging pag-uusap ni Marcelo. Tila nadama ko sa aking puso ang kaniyang pag-aalala, pagmamahal at pagiging deisidido sa magiging kalalabasan ng lahat ng ito.Matapos ang aming naging pag-uusap dalawa ni Marcelo ay pumunta kami sa kanilang rest house malapit sa Vinas Beach. Kung saan nagpahangin kaming dalawa roon habang inuubos ang natitirang oras namin bago sumapit ang gabe.Kuwentuhan, yakapan at halikan sa isat-isa ang aming ginawa roon. Nagbiruan, sayahaan, kumain at kung ano-ano pa.Na-ikwento niya pa sa akin na sa kaniyang mga naging girlfriend ay ako lamang ang bukod tanging naidala niya rito sa kanilang rest house. Espesyal daw sa kanya ang lugar na ito at kung sino raw ang babaeng unang madadal niya rito ay napaka-espesyal para sa kanya.At Ako nga iyong babaeng tinutukoy niya sapagkat bukod tangi na ako ang kaniyang unang naipasyal sa lugar na ito.Matapos naman ang mga sandaling iyon ay hinatid ako ni Marcelo pauwi sa aming bahay. Kagaya
Habang dumadaan ang araw ay mas naging mahirap ang naging pagsubok sa akin. Alam kung hirap na hirap ako sa tuwing babangon ako sa umaga dulot ng aking pagsusuka at pagkahilo subalit ito'y kinakaya ko pa rin. Mas domoble pa ang aking paghihirap ay dahil kailangan kung ibahin o baguhin ang aking kilos kapag ako'y nasa loob ng aming bahay pati na yata pananamit ko ay nagbago na rin. 'Yung mga damit ko noon na kasya pa sa akin ay tila unti-unti nang sumisikap. Napansin ko rin na dumagdag ang aking timbang at ito'y aking labis na inalala sapagkat mapapansin nila talaga ito at alam kung tatanungin nila ako sa bagay na ito lalo pa at biglaan na lamang na dumagdag ang aking timbang o biglaan ang aking pagtaba ng katawan. Dumating na rin sa punto na naging mas agrisibo ako sa pang amoy at pagkain. Dumating din sa punto na kinakailangan kung ipitin ang aking tiyan upang sa ganoon ay hindi nila ito mahalata.Isang araw habang tinitingnan ko ang aking katawan sa harap ng salamin."Ang laki nga
"Osya nga pala Marcelo, halika at pumasok sa loob," pangiting sabi ko sa kanya.Nang makapasok si Marcelo sa loob ay kinausap naman ako ni Colleen. "Yvonne, bakit nandito si Marcelo? Akala ko ba ay hindi kayo maayos dalawa? Akala ko ba ay ayaw niyang panagutan iyang dinadala mo sa iyong sinapupunan?" Mahinang boses na tanong niya sa akin na tila para bang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Ah patungkol ba roon? Sa katunayan niyan Colleen ay nagkabati na kaming dalawa ni Marcelo ang totoo pa nga niyan ay napagplanohan at napag-usapan na namin ang patungkol dito. Nangyari lang siguro ang bagay na iyon ay dahil nabigla lamang siya dahil sa bilis ng pangyayari. Kung ako nga rin siguro sa ganoong sitwasyon ay mabibigla at magugulat din ako but so far maayos naman ang lahat," paliwanag ko pa sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi."What? Ganoon na lang ba iyon kadali sa iyo? Matapos ka niyang saktan at bigyan ng problema noon ay patatawarin mo lang siya ng ganito kadali?" Wika pa niy
Matapos nun ay tumawag siya sa mga pulis upang hanapin ang sasakyan na dumukot sa akin gayon din at mailigtas ako sa kapahamakan.Ilang sandali lang ay nakarating na si Colleen sa isang abandonadong gusali na kung saan ay doon niya ako dinala.Nang magkaroon ako ng malay ay unti-unti kong naaninag ang paligid ng gusali hangganng sa tuluyan akong makagising at mapag-alaman na ako'y nasa isang abandonadong gusali habang nakatali ang mga paa at kamay."Oh my God! Ano ito? Anong ginagawa ko rito? Tulong, tulungan niyo ako!' Sigaw ko pa habang hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang nerbyos at kaba na aking nadarama.Makailang beses na ako sa pagsigaw subalit tila parang walang may nakakarinig sa akin. Mayamaya pa ay may nakita akong taong nakasuot ng maskara na siyang papalapit sa akin habang may dala-dala itong baril. Ito naman ay siyang labis kong ikinatakot sa posibling gagawin niya sa akin ngayon."Sino ka, at ano ang kailangan mo sa akin? Anong kasalanan ko sa iyo bakit ginaganito
Tila medyo kabado si mang Pido sa kaniyang sasabihin lalo ppa at wala siyang kasiguraduhan dito subalit iba ang kaniyang hinala at pakiramdam kong kaya't kailangan niyang sabbihin ito sa kanya."Iyan po ang gamot na pinainom ni ma'am Colleen kay Senyora. Nakita ko kasi siya noong isang araw na pumunta ako rito, yung gamot na niresita ng doctor ay itinapon niya sa basurahan at iyang gammot na hawak mo po sir ang kaniyang pinainum kay Senyora. Medyo nagtataka lang kasi ako sir sa kilos niya ng mga araw na iyon kung kaya't ninais kong kunin ang sisidlan ng gamot na iyan upang ipakita sa inyo gayon din at nang malaman natin kung anong klase ng gamot iyan," paliwanag pa ni mang Pido habang napapaisip ng husto gayon din at tila may kunting kaba na nararamdaman.Tila nagtaka at napaisip naman si Marcelo sa sinabi niya."Actuallly, hindi ko alam ang gamot na ito at sa katunayan nga ay parang ngayon ko lamang nakita ito," wika pa niya habang may malaking katanungan sa kaniyang isipan. Ma
Parehas kami ng nadarama ng mga sandaling iyon. Halos hindi namin maipaliwanag sa aming sarili kung gaano kami ka saya at katuwa ng mga oras na iyon. Isa lang ang masasabi namin, ito na ang simula ng aming pagmamahalan na walang hanggan.Ibinahagi na rin pala namin sa aming pamilya, mga kakilala, ka-trabaho at kaibigan ang patungol sa engagement namin ni Lynnx. Halos lahat ay natuwa at binati kami sa magandang nangyari sa aming relasyon. Naibalita na rin sa mga dyaryo at TV ang patungkol sa engagement namin na siya namang nakarating at nabalitaan ni Marcelo. Sa kalagitnaan ng kaniyang panonoood ng balita sa TV patungkol sa amin ni Lynnx ay agad niyang pinatay ito habang may hindi kaaya-aya na reaksyon sa kaniyang mukha na makikita. Mayamaya pa ay itinapon niyan ang remote na ahwak niya at nagsimula na siyang magawala sa kaniyang sarili lalo pa at hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na engage na ako kay Lynnx."Hindi pwedi ito, hindi pweding mangyari ito. Hindi ka pweding magpak
Matapos ang kanilang pag-uusap tatlo ay pumasok sila sa loob kung saan naka-confine si Senyora. Ilang sandali lang din ay dumating si Colleen."Papa, Marcelo?" Wika pa niya habang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Colleen, what happen? Ano ang nangyari at bakit inatake sa puso si Mom?" Tanong pa ni Marcelo habang hindi rin mapakali sa kaniyang sarili.Tila natagalan pa bago makapagsalita si Colleen lalo pa at natatakot siyang malaman nila na siya ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Senyora na siyang muntik na niyang ikamatay."Hindi ko rin alam, nakita ko na lang si mama na nakahandusay na sa sahig. Mabuti na nga lang at insakto ang pagdating ko ng bahay kung kaya't naisugod ko siya agad dito," palusot pa niya habang napapaisip ng husto."Salamat sa iyo Colleen, mabuti na lang at naisugod mo siya rito," ani pa ni Marcelo sabay niyakap siya."Huwag mo nang alalahanin iyan. By the way kamusta na pala ang kalagayan niya ngayon?""So far, okay naman ang kalagayan niya ngayon as wh
Sa kalagitnaan pa lang ng kaniyang byahe papunta ng bangko ay hindi na siya mapakali sa kaniyang sarili, dagdag pa rito ang mga sari-saring iniisip niya kung ano ang mangyayari sa kanya lalo pa at nangyari na ang kinakatakutan niya.Nang makarating siya sa kaniyang distinasyon ay agad siyang bumaba ng kaniyang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa loob ng bangko. Makikita ang galit sa kaniyang mukha habang siya'y palakad papuntang counter.Tila hindi lingid sa kanya ang pagbati ng mga empleyado sa kaniyang pagpasok dahil sa kaniyang nararamdaman ngayon."Ano itong pinanggagawa niyo sa akin? This is against the law. Sasampa ako ng kaso laban sa inyo dahil sa inyong pagsara na wala man lang akong final notice na natanggap galing sa inyo. I'll make sure na mananagot kayong lahat dahil dito," galit na sabi niya sabay pagtaas ng kaniyang dalawang kilay."I'm sorry ma'am . Please huwag po kayong mag-iskandalo rito. You can talk with our manager to all your concerns," wika pa ng staff ng bang
Pagdating sa bahay ni Colleen."Hay finally, kahit papaano ay guminhawa rin ng kunti ang aking pakiramdam ang maraming salamat sa iyo my daughter-in-law. Maashan talaga kkita kahit papaano," wika pa ni Senyoora sabay umupo sa sofa at huminga nang malalim.Hindi na lamang kumibo si Colleen bakus ay nngumiti na lang ng kunti kay Senyora.Ilang sandali pa ay nilapitan siya ni Mr. Arevalo na kung saan ay nagpapasalamat siya sa kaniyang pagkupkop sa kanila, sa kabila ng hindi magandang nangyari sa pagitan niya at sa kanilang pamilya.Nagsimula na din siyang magtanong patungkol sa mga nangyayari ngayon lalo na ang pag-alis nila sa mansyon. Ipinaliwanag naman nila ito ng mabuti sa kanya na siyang labis niyang ikinagulat at hindi lubos na makapaniwala sa nangyari. Nalaman na din niya ang katotohanan kung ano ang kanilang kalagayan ngayon, na sila ay wala nang yaman pa bagkus ay naghihirap na. Mahirap man paniwalaan subalit kailangan tanggapin lalo pa at nangyayari na saa totoong buhay.Matapo
Binigyan ko lamang sila ng ilan pang mga oras upang magligpit ng kanilang mga gamit at mag-impaki nang makaalis ng tuluyan sa mansyon na siyang nakapangalan na sa aking pangalan kagaya ng aming napag-usapan o napagkasunduan noon. Kagaya ng aking binitawang salita kanina ay nagsimula silang maglipit at mag-impaki ng kani-kanilang mga gamit lalo pa at wala na silang ibang choice kun''di ang umalis.Bakas naman sa kani-kanilang mga mukha ang lungkot habang patuloy sa kanilang ginagawa. Hindi maikakaila na sila'y naghihinayang sa kanilang mansyon na basta-basta na lamang mawawala sa kanila sa tagal ng panahon na kanilang pananatili rito."Ayos ka lang ba Mom?" Malungkot na tanong ni Marcelo kay Senyora."I'm okay son," maikling sagot niya sabay pahid ng kaniyang luha sa mata."Umiiyak ka po ba?" Pagtatakang tanong niya sabay hinawakan sa balikat si Senyora."No I'm not, na puwing lang kasi ako," pagkukunwari pa niya.Sa kalagitnaan ng pagliligpit nila ng kanilang mga kagamitan ay nagsila
"And by the way let's go back to the main topic. For you Senyora, parang ang dali mo naman yata makalimot sa ating napag-usapan noon at napagkasunduan. Let me remind you that I have the documents in my hand right now ang siyang pinermahan mo dahil sa perang inutang mo sa akin na nagkakahalagang limangpong milyong peso lang naman kapalit ng iyong mansyon kung sakaling hindi ka makakapagbayad sa takdang panahon," wika ko pa sabay pinukol siya ng masamang tingin habang itinataas ko ang dokumentong hawak ko ngayon."What? 50 Million? Totoo ba ang sinasabi niya Consuelo? Nagkaroon ka ng 50 milyones na utang sa kanya? But how? Anong ginawa mo sa pera na iyan?" Tanong pa ni Mr. Arevalo sa kanya habang may pagkabigla at pagtataka na makikita sa kaniyang mukha."What, is that true Mom and our house ay isinanla muna pala? But how?" Sambit naman ni Marcelo sabay tinitigan siya."I can explain naman but please not now," ani pa ni Senyora habang hindi makadiritsa ang tingin sa kanila."Oh, wait hi
"Hanggang ngayon pa ba ay iyan pa ang inaalala mo. Mas inaalala mo pa ang sasabihin ng ibang tao kesa sa kalagayan natin ngayon Consuelo? Why should you accept na walang wala na tayo upang sa ganoon ay hindi mo na iisipin at ikukumpara iyang sarili mo sa mga kaibgan mong mayayaman. Look, ni hindi ka nga kayang bisitahin o kahit na tawagan man lang ng mga kaibigan mo para kamustahin simula nang mapabalita na wala na tayong pera na naghihirap na tayo. Where are they now? Wala na sila, dahil ang tunay na kaibigan sa hirap man at ginahawa ay hindi ka iiwan," wika pa ni Mr. Arevalo na siyang dahilan upang mamulat sa reyalidad si Consuelo."I hate this life. Bakit nangyayari sa akin ito ngayon? May nagawa ba tayong mali at bakit parang lahat ng problema at kamalasan ay napupunta sa atin!! This is so very unfair," wika pa ni Senyora habang naging emosyonal sa kaniyang sarili."Tigilan mo na iyan Consuelo, wala naman tayong magagawa pa. Mahirap ng ibalik ang dating pamumuhay natin noon. Let'