Matapos ang kanilang pag-uusap tatlo ay pumasok sila sa loob kung saan naka-confine si Senyora. Ilang sandali lang din ay dumating si Colleen."Papa, Marcelo?" Wika pa niya habang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Colleen, what happen? Ano ang nangyari at bakit inatake sa puso si Mom?" Tanong pa ni Marcelo habang hindi rin mapakali sa kaniyang sarili.Tila natagalan pa bago makapagsalita si Colleen lalo pa at natatakot siyang malaman nila na siya ang dahilan kung bakit inatake sa puso si Senyora na siyang muntik na niyang ikamatay."Hindi ko rin alam, nakita ko na lang si mama na nakahandusay na sa sahig. Mabuti na nga lang at insakto ang pagdating ko ng bahay kung kaya't naisugod ko siya agad dito," palusot pa niya habang napapaisip ng husto."Salamat sa iyo Colleen, mabuti na lang at naisugod mo siya rito," ani pa ni Marcelo sabay niyakap siya."Huwag mo nang alalahanin iyan. By the way kamusta na pala ang kalagayan niya ngayon?""So far, okay naman ang kalagayan niya ngayon as wh
Parehas kami ng nadarama ng mga sandaling iyon. Halos hindi namin maipaliwanag sa aming sarili kung gaano kami ka saya at katuwa ng mga oras na iyon. Isa lang ang masasabi namin, ito na ang simula ng aming pagmamahalan na walang hanggan.Ibinahagi na rin pala namin sa aming pamilya, mga kakilala, ka-trabaho at kaibigan ang patungol sa engagement namin ni Lynnx. Halos lahat ay natuwa at binati kami sa magandang nangyari sa aming relasyon. Naibalita na rin sa mga dyaryo at TV ang patungkol sa engagement namin na siya namang nakarating at nabalitaan ni Marcelo. Sa kalagitnaan ng kaniyang panonoood ng balita sa TV patungkol sa amin ni Lynnx ay agad niyang pinatay ito habang may hindi kaaya-aya na reaksyon sa kaniyang mukha na makikita. Mayamaya pa ay itinapon niyan ang remote na ahwak niya at nagsimula na siyang magawala sa kaniyang sarili lalo pa at hindi niya matanggap sa kaniyang sarili na engage na ako kay Lynnx."Hindi pwedi ito, hindi pweding mangyari ito. Hindi ka pweding magpak
Tila medyo kabado si mang Pido sa kaniyang sasabihin lalo ppa at wala siyang kasiguraduhan dito subalit iba ang kaniyang hinala at pakiramdam kong kaya't kailangan niyang sabbihin ito sa kanya."Iyan po ang gamot na pinainom ni ma'am Colleen kay Senyora. Nakita ko kasi siya noong isang araw na pumunta ako rito, yung gamot na niresita ng doctor ay itinapon niya sa basurahan at iyang gammot na hawak mo po sir ang kaniyang pinainum kay Senyora. Medyo nagtataka lang kasi ako sir sa kilos niya ng mga araw na iyon kung kaya't ninais kong kunin ang sisidlan ng gamot na iyan upang ipakita sa inyo gayon din at nang malaman natin kung anong klase ng gamot iyan," paliwanag pa ni mang Pido habang napapaisip ng husto gayon din at tila may kunting kaba na nararamdaman.Tila nagtaka at napaisip naman si Marcelo sa sinabi niya."Actuallly, hindi ko alam ang gamot na ito at sa katunayan nga ay parang ngayon ko lamang nakita ito," wika pa niya habang may malaking katanungan sa kaniyang isipan. Ma
Matapos nun ay tumawag siya sa mga pulis upang hanapin ang sasakyan na dumukot sa akin gayon din at mailigtas ako sa kapahamakan.Ilang sandali lang ay nakarating na si Colleen sa isang abandonadong gusali na kung saan ay doon niya ako dinala.Nang magkaroon ako ng malay ay unti-unti kong naaninag ang paligid ng gusali hangganng sa tuluyan akong makagising at mapag-alaman na ako'y nasa isang abandonadong gusali habang nakatali ang mga paa at kamay."Oh my God! Ano ito? Anong ginagawa ko rito? Tulong, tulungan niyo ako!' Sigaw ko pa habang hindi ko maipaliwanag sa aking sarili ang nerbyos at kaba na aking nadarama.Makailang beses na ako sa pagsigaw subalit tila parang walang may nakakarinig sa akin. Mayamaya pa ay may nakita akong taong nakasuot ng maskara na siyang papalapit sa akin habang may dala-dala itong baril. Ito naman ay siyang labis kong ikinatakot sa posibling gagawin niya sa akin ngayon."Sino ka, at ano ang kailangan mo sa akin? Anong kasalanan ko sa iyo bakit ginaganito
December 19, 2020 kung saan ito ang araw na aking pinakahihintay sa lahat. Ang araw na kung saan ay mag-iisang dibdib na kami ng lalaking aking pinakakamahal sa buhay. Ang lalaking naging first love ko at naging first boyfriend ko since college at magiging kabiyak ko na sa aking buhay. Alas otso na iyon nang umaga nang makarating ako sa simbahan nang St. Carlos Manila City, sakay ng isang Bridal Car.Papalapit pa lang sa simbahan ang sasakyan ay kinakabahan na ako dahil sa sobrang tuwa at magkahalong emosyon na aking naramdaman. Lalo pa at hindi na ako makapaghihintay na ikasal na kami ng aking pinakakamahal na lalaki na aking magiging soon to be husband na si Marcelo Bermudez. Anak ng isang milyonaryo at may-ari ng isang fast food factory sa Manila.Kakahinto pa lang ng Bridal Car sa harap nang simbahan ay parang gusto ko na agad na bumaba, sapagkat gusto ko nang makalakad patungong altar at makita ko na ang aking pinakamamahal na magiging asawa na siyang naghihintay sa aking paglap
"Pinilit ko man noon na mahalin ka at tanggapin ka na maluwag sa aking puso subalit hindi ko pala kaya. Nagbulag-bulagan lamang ako sa isang bagay na alam ko naman na noon pa lamang ay iba ang aking gusto at mahal at iyon nga ay walang iba kun'di si Colleen. Patawarin mo ako kung nagawa ko ang bagay na ito, subalit ginawa ko lang ang makakabuti para sa akin. Pakisabi na lang din sa kanilang dalawa ni Tatay Baste at Nanay Susan na humihingi ako sa kanila nang kapatawaran sa kabila ng aking nagawa, lalong lalo na sa aking kabiguang nagawa sa iyo. Sana ay maunawaan mo ako at matanggap mo ito ng buo sa iyong puso at kalooban. Sa muli ay humihingi ako ng patawad sa gagawin kong ito. Nagmamahal Marcelo," mensahi pa ni Marcelo sa kaniyang sulat para sa akin. Na siyang nagpadurog ng aking puso at nagpahina sa buo kong katawan. Matapos kong mabasa ang buong nilalaman ng sulat ay pakiramdam ko'y parang gumuho na lang bigla ang aking mundo.Dahil sa magkahalong sakit at emosyon na aking naramda
Napahawak siya sa kaniyang magkabilang bulsa. "Ok, right! Um, anyway may I know your name?" Tanong pa niya sa akin sabay huminga nang malalalim.Inayos ko muna ang aking buhok bago nagpakilala sa kanya."I'm Yvonne Garcia by the way," pakilala ko pa sa kanya sabay ngumiti.Mabilis niya naman na inilahad ang kaniyang kanang kamay upang makipag-kamayan sa akin. "Hi Yvonne nice to meet you. Anyway I'm Marcelo Bermudez," wika pa niya sabay nakipagkamay sa akin habang hindi mawala wala ang pag-ngiti niya sa akin.Hindi ko alam ay na love at first sight na pala sa akin nu'n si Marcelo Beemudez.Noong araw na iyon ay nagkakilala kaming dalawa ni Marcelo Bermudez at tila sinadya talaga nang tadhana na ipag-cross sa isat-isa ang aming landas. Simula rin noong araw na nagkakilala kaming dalawa ay palagi na siyang pumupunta roon sa department store na parating pinupuntahan ko tuwing mamimili ako ng mga bilihin. Para lamang abangan ako at makita niyang muli.Halata talaga sa mga kilos at galaw n
Parang nag-iba na talaga ang kaniyang pakikitungo sa akin simula nu'ng magkaroon lamang ako ng boyfriend at ipagtapat sa kanya ito. Hanggang sa naisipan ko na lang na kausapin siya pagkatapos ng mesa na ito at alamin kung ano ang problema niya sa akin.Matapos ang mahigit isang oras na mesa ay na una nang umuwi sina Nanay at Tatay sapagkat magtitinda pa sila sa palengke. Samantalang kaming dalawa ni Colleen ay naiwan sa simbahan.Habang nag-aabang kami ng sasakyan dalawa pauwi ng bahay ay naisipan ko na siyang kausapin upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Lalo na at nag-aalala lamang ako sa kanya baka kung may mabigat na siyang dinadalang problema. Lalo pa at siya na lamang ang mag-isang nakatira sa kanilang bahay dahil sa nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang at iniwan na lamang siya ng basta-basta sa hindi malamang dahilan.Mayamaya pa ay dahan-dahan akong umusog papalapit sa kaniyang kinatatuyaan. "Um, Colleen ayos ka lang ba? Pakiramdam ko kasi ay may problem ka sapagk