Share

Chapter 2

"Pinilit ko man noon na mahalin ka at tanggapin ka na maluwag sa aking puso subalit hindi ko pala kaya. Nagbulag-bulagan lamang ako sa isang bagay na alam ko naman na noon pa lamang ay iba ang aking gusto at mahal at iyon nga ay walang iba kun'di si Colleen. Patawarin mo ako kung nagawa ko ang bagay na ito, subalit ginawa ko lang ang makakabuti para sa akin. Pakisabi na lang din sa kanilang dalawa ni Tatay Baste at Nanay Susan na humihingi ako sa kanila nang kapatawaran sa kabila ng aking nagawa, lalong lalo na sa aking kabiguang nagawa sa iyo. Sana ay maunawaan mo ako at matanggap mo ito ng buo sa iyong puso at kalooban. Sa muli ay humihingi ako ng patawad sa gagawin kong ito. Nagmamahal Marcelo," mensahi pa ni Marcelo sa kaniyang sulat para sa akin. Na siyang nagpadurog ng aking puso at nagpahina sa buo kong katawan. 

Matapos kong mabasa ang buong nilalaman ng sulat ay pakiramdam ko'y parang gumuho na lang bigla ang aking mundo.

Dahil sa magkahalong sakit at emosyon na aking naramdaman ay bigla na lang bugmagsak sa lupa ang aking katawan.

Parang sinaksak ng kutsilyo ang aking puso dahil sa sobrang sakit at hapdi sa dibdib ang kaniyang naging pahayag sa sulat. 

Hindi rin ako lubos na makapaniwala sa mga pangyayaring ito, hindi ko akalain na magagawa sa akin ng magiging asawa ko ang talikuran ako sa gitna ng araw ng aming kasal at iiwan akong luhaan at nag-iisa sa eri.

Hindi ako makapaniwala na gagawin niya sa akin ito sa kabila ng aking kabutihang ginawa sa kanya. Sa kabila ng aking pagiging martyr sa kanya at pagiging tapat. Lalo na ang kaniyang ipinangako sa akin noon na hindi niya ako iiwan ano man ang mangyari, sa hirap man o ginhawa ay hindi niya ako tatalikuran. Subalit lahat lamang na iyon at tinangay lang ng hangin palayo. 

Hindi ko lubos na matanggap ang lahat-lahat lalo na at lubos akong nagtiwala at nagmahal sa kanya. Sa aking pag-aakala ay magaganap na nga ang aking matagal nang hinihintay na ikasal kami. Subalit hanggang pangarap lang pala iyon at siyang hindi na mangyayari o magaganap pa kailanman.

Sa isang iglap lamang ay maglalaho ang lahat at magbabago ang lahat dahil lamang sa aking matalik na kaibigan na si Colleen Matapang na siyang trinaidor ako, inahas at inagaw sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.

Itinuring kong parang tunay kong kapatid at tinanggap pa nang maluwag ng aking pamilya.  

Subalit sinaksak niya lamang kami nang patalikod at walang ka alam-alam sa matagal niyang masamang binabalak.

Inagaw niya na sa akin ang lahat, sinira pa ang aming magiging kasal, pati ang aking buhay at inagaw pa sa akin ang lalaking pinakakamahal ko na siyang hindi ko matanggap sa aking kalooban.

Wala akong magawa ng araw na iyon kun'di ang umiyak na lang nang umiyak. Ang dapat sana saya at tuwa ang aking makakamtan ngayong araw, bagkus ay napalitan ito ng lungkot at paghagulhol ng iyak.

"Marcelo, bakit mo nagawa sa akin ang talikuran ako sa araw ng ating kasal? Colleen, tinuring kitang kapatid subalit ito pa ang igaganti mo sa lahat ng kabutihang ginawa ko sa iyo. Hindi ko kayo mapapatawad dalawa, magbabayad kayo isinusumpa ko!" Pasigaw na pagsabi ko habang napaluhod sa lupa at walang tigil sa pag-iyak.

Simula noon ay bakas na sa aking puso ang aking galit at puot na naramdaman sa kanilang dalawa. 

Simula noon ay puros na paghihiganti ang aking iniisip para sa kanilang dalawa, dahilan sa hindi ko kayang tanggapin ang kanilang ginawang pambababoy sa akin. Kung kaya't magbabayad sila sa kanilang kasalanang ginawa sa akin.

Iyon din ang araw na kung saan ay nawala sa aking sinapupunan ang sanggol na aking dinadala. At iyon ang siyang hinding-hindi ko matanggap sa buong buhay ko. At iyon ay isinisisi ko sa kanilang dalawa na siyang pagbabayaran nila sa aking gagawing paghihiganti. Hindi ako titigil hanggat hindi ko makikita ang kanilang pagdurusa dalawa.

Sana nga ay panaginip lang ang lahat ng ito subalit totoong nangyari na pala. 

Way back in my college days.

Nakilala ko si Marcelo nu'ng 2nd year college ako sa isang department store kung saan namimili kami ng kaibigan kong si Colleen Matapang.

Aksidenting nagkabanggaan kami ni Marcelo dahil sa hindi sinasadyang pangyayari na nahulog niya ang kaniyang cellphone sa sahig. At insakto rin na hindi ako tumitingin sa aking dinadaanan kung kaya't nagkabanggaan kaming dalawa. Iyon din ang araw na simula ng aming pagkakalapit ng loob sa isat-isa.

"Oh God! I'm sorry miss, nahulog kasi 'yung cellphone ko kung kaya't pinulot ko. Hindi ko kasi napansin na paparating ka rin pala. I'm really really sorry miss," balisang pagsabi ng lalaking nakabangga ko na si Marcelo habang hindi diritsang makatingin sa akin.

Napaatras naman ako ng kunti dahil sa aking pagkagulat. "Nako! Pasensya at paumanhin din sa iyo. Siguro ay kasalanan ko sapagkat hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Pasensya kana talaga," ani ko pa sabay humingi nang pasensya at paumanhin sa kanya.

Pinulot naman ni Marcelo ang mga binili kong nahulog sa sahig at kaniyang ibinalik sa plastic basket at tsaka iniabot sa akin.

Nang pag-abot sa akin ni Marcelo ng aking dalang plastic basket ay tila parang natigilan siya at natulala na lang bigla nang makita niya ang aking maamong mukha.

Tila parang na antig siya sa aking kagandahang taglay kung kaya't ganoon na lang ang kaniyang pagtitig sa aking mukha na siyang ikina-tulala niya.

Mayamaya pa ay dahan-dahan kong inabot ang plastic basket na kaniyang iniabot sa akin. "Um, salamat at nag-abala ka pa na pulutin ang mga pinamili kong nahulog sa sahig. Actually, kaya ko naman gawin iyon. Salamat pala ulit," mahinang boses na pagsabi ko habang dahan-dahan inaabot ang plastic basket.

Natauhan naman siya nang kunin ko ang basket na hawak niya. "No, dapat ay ako ang gagawa ng bagay na iyon. Sapagkat alam kong kasalan ko," ani pa niya sabay ngumiti sa akin habang panay sa pagtitig sa aking mukha.

Napataas naman ang aking dalawang kilay at hindi napigilan na ngumiti lalo pa at kay gwapo niya rin tignan kapag ngumingiti. "Sege na nga kasalanan na natin pareho. Subalit 'wag mo nang isipin pa iyon," maikling sabi ko sabay ngumiti ng kunti habang umiiwas sa kaniyang bawat tingin sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status