Share

Chapter 6

Napataas naman ang dalawang kilay ni Marcelo sabay napatingin sa itass ng kisame. "Oh no! I'm not drunk. Honestly Colleen, banyo ng mga lalaki ito. Kanina lamang ay may mga kasama akong lalaki na gumamit din ng banyo. And I'm sure na ikaw itong nagkamali ng pasok at hindi ako," wika pa ni Marcelo habang napakamot sa kaniyang ulo dahil sa labis na pagtataka.

Tila napatigil naman saglit si Colleen habang palihim na napapaisip.

"What? Are you sure with that? Oh my God! Kung totoo nga na banyo ng mga lalaki ito at kung ako'y nagkamali nga ng pasok. I'm sorry talaga sa nangyari hindi ko talaga sinasadya Marcelo, it was an accident. It's so embarrassing," 

"Um, maybe ako siguro itong naparami ng inom kung kaya't imbis na sa banyo ng mga babae ako pumasok ay dito pa sa banyo niyo na mga lalaki. My God! Nakakahiya talaga I'm sorry Marcelo," paliwanag pa ni Colleen habang nagpapakita at nagpapanggap na hindi niya nga sinasadya ang pangyayari at aksidente lamang.

Huminga naman nang malalim si Marcelo at napapaisip. "Um, it's okay! Don't worry about that siguro nga ay naparami iyang pag-inom mo kung kaya't nagakamali ka lang nang pagpasok," wika pa ni Marcelo na tila naniniwala sa paliwanag ni Colleen sa kanya.

"I'm sorry talaga Marcelo but thank you. And I hope na hindi na sana ito makarating kay Yvonne baka kasi magalit siya. Kasi hindi maganda itong pangyayari," palusot pa ni Colleen sa kanya habang tinititigan siya na may pang-aakit.

"Um, actually kilala ko iyan si Yvonne tila hindi naman yata marunong magalit o wala sa kalidad niya ang magalit," pangiting sabi pa niya sabay inisip ako. "But tama ka Colleen na hindi na dapat ito makarating sa kanya, kasi ayaw kong mag-isip siya nang masama sa akin. Sapagkat ayaw kong maging masama ako sa paningin niya. Mahal na mahal ko iyang best friend mo Colleen," wika pa ni Marcelo habang may ngiti sa kaniyang mga labi at kilig sa kaniyang dibdib na naramdaman.

Habang nakikinig lamang si Colleen sa mga sinasabi ni Marcelo sa kanya ay palihim naman siyang nagagalit at labis na naseselos at naiinggit dahil dito.

"Mabuti naman kung ganoon, " maikling sagot niya habang nagkukunwaring ngumingiti sa kaniyang harapan.

"Oo nga. Um, by the way I have to go. Naghihintay sa akin doon si Yvonne, sumunod ka na lang ha," ani pa ni Marcelo sa kanya sabay nagpaalam at lumabas ng banyo.

Nabigo naman si Colleen sa kaniyang plano na akitin at landiin si Marcelo.

Bagkus ay nagalit pa siya lalo at naiinis dahil dito.

Matapos ang ilang sandali ay agad din na lumabas si Colleen at tumungo sa amin.

Pinagmamasdan niya kaming dalawa ni Marcelo na may inggit, selos at pagkagalit sa kaniyang dibdib.

Samantalang wala akong ka alam-alam na ganoon na pala ang mga nararamdaman ni Colleen para sa aming dalawa ni Marcelo.

Dahil dito ay nagdesisyon na lamang si Colleen na magpaalam sa amin na umalis. Lalo pa at hindi niya na kinakaya ang kaniyang mga nakikitang paglalambing na aming ginagawa ni Marcelo sa isat-isa.

"Um, Yvonne hindi ka pa ba uuwi?"Pag-aalinlangan na tanong ni Colleen sa akin habang napapaisip.

"Oh Colleen, bakit uuwi kana ba? Maaga pa naman sabay na lang tayo mamaya umuwi," pangiting sagot ko sa kanya.

"Siguro ay mauuna na lang akong umuwi sa iyo Yvonne, kasi nga ay may project pa akong gagawin at tatapusin," palusot pa ni Colleen sa akin habang palihim ang kaniyang galit sa kaniyang puso na nararamdaman para sa akin.

"Project? Akala ko ba ay natapos mo na iyon, hindi ba at iyan ang sinabi mo sa akin kanina?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

"Nako hindi! Tama ka nga na hindi ko pa iyon natapos. Actually, ay ngayon ko na gagawin iyon para pagkabukas ay ipapasa ko na lang. Pasensya kana Yvonne at gayon din sa inyong lahat subalit kailangan ko nang umalis ngayon sapagkat marami pa pala akong gagawin at tatapusin," paliwanag pa ni Colleen sa amin habang nagkukunwari lamang.

Mayamaya pa ay kinuha niya ang kaniyang bag at tumayo para sa kaniyang pag-alis. 

"Sandali lang Colleen sasama na lang ako sa iyo," ani ko pa sabay tumayo.

Agad naman na tumayo si Marcelo at pinigilan ako. "Wait, Yvonne 'wag mo naman akong iwan dito," palakas na boses ni Marcelo na tila nagulat sa biglaang pagtayo ko.

"Kasi Marcelo uuwi na si Colleen, baka hahanapin ako ng mga magulang ko kapag nakita nila na nakauwi na si Colleen tapos ako wala pa," paliwanag ko pa kay Marcelo habang napapaisip at nababahala.

Agad naman na hinawakan ni Marcelo ang aking braso. "Andiyan naman si Colleen, pagtatakpan ka naman niya. Gagawa naman siya ng paraan na masagot sila if ever hanapin ka nila, hindi ba Colleen?" Ani pa ni Marcelo sabay tumingin kay Colleen.

Nanlaki naman ang dalawang mata ni Colleen sa sinabi ni Marcelo.

"Ah, oo nga naman Yvonne ako na ang bahala sa kanilang dalawa ni Tita at tito kapag hahanapin ka man nila," pangiting sabi pa ni Colleen habang palihim na napipilitan lamang na sabihin ang bagay na iyon.

"Talaga ba Colleen, salamat ha," maikling sabi ko sabay hinawakan si Colleen sa kaniyang kamay.

Inakbayan niya naman ako sa aking balikat. "'Wag kang mag-alala dahil ako ang bahala sa iyo," pangiting sabi ni Colleen habang palihim na napapaisip para sa gagawing ikakapahamak ko para sa aking mga magulang.

Matapos ang mga sandaling iyon ay agad na umalis si Colleen samantalang naiwan ako na kasama si Marcelo at mga kaibigan niya.

Napasaya ang aming mga usapan ng mga oras na iyon hanggang sa humantong na tila naparami na ang naiinom na alak ng bawat isa. Lalo na si Marcelo na tila parang lasing na.

Sa katunayan ay hindi naman ako umiinom at kahit minsan ay hindi ko pa natikman ang lasa ng alak. Dahil sa mga pamimilit ng mga barkada ni Marcelo na painumin ako ng alak kung kaya't wala na akong magawa kun'di ang uminom na lang din at tikman ang alak.

At dahil nga sa bagohan lang ako sa pakikipag-inuman ay na lasing agad ako kahit na apat na shot lamang ang aking naubos at nainom.

Dahil dito ay nakapagdesisyon na lamang si Marcelo na i-uwi ako sa kanilang bahay upang ipagpahinga ako lalo pa at wala na sa ayos ang aking sarili. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status