Napahawak naman sa kaniyang ulo di Colleen habang pinagmamasdan ako. "Hay, mabuti naman at nagkaroon ka na rin ng malay," sabay buntong hininga habang dahan-dahan na umupo sa aking tabi."Nagkaroon ng malay? Bakit, ano ba ang nangyari? Nalilito rin ako, kasi kanina parang nandoon pa tayo sa loob ng gym at bakit ngayon paggising ko nakahiga na ako sa loob ng clinic. Ano ba ang nagyari Colleen?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang iniisip kung ano ang mga nangyari kanina."Actually, napansin ko kanina sa Gym na tila parang masama ang iyong pakiramdam. Nilapitan kita at ang sabi mo ay tila parang nahihilo ka. At habang nasa kalagitnaan tayo ng ating pag-uusap kanina sa Gym ay bigla-bigla ka na lang nawalan ng malay. Mabuti nga at nasa tabi mo ako kung kaya't nagawa kitang saluhin," paliwanag pa ni Colleen na tila may malalim na iniisip.Tila unti-unti ko naman naalala ang mga naging kaganapan kanina sa loob ng gym lalo na sa parti kung saan nakaramdam nga ako ng pagkahilo kanina."Naa
Matapos ang aming naging pag-uusap sa clinic ay dumiritso ako sa banyo samantalang na una nang pumasok sa loob ng classroom si Colleen.Sa loob ng banyo kung saan ako'y nakatitig sa malaking salamin ay hindi mawala wala sa aking isipan ang mga sinabi ni Doctora sa akin. Tila parang magkatugma ang kaniyang sinabi kahit na ito'y ipinagkakait ko."Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng aking dalaw o ng aking menstruation simula nu'ng huling may nangyari sa aming dalawa ni Marcelo. Hindi kaya baka buntis ako kung kaya't ako'y nakakaramdam ng panghihilo minsan? Hindi kaya tama si Doctora? Subalit hindi naman ako nagsusuka na isa sa mga senyales ng buntis," bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip at naguguluhan sa sarili."Hindi naman siguro. Talagang stress lang ako at isa pa normal naman sa akin ang maging delayed dahil sa irregular ang period ko. Hindi dapat ako mabuntis, hindi pu-pweding mangyari iyon," dugtong ko pa.Huminga ako ng malalim sabay tingin sa ibabaw ng kisame.
Lumakad ako patungong bahay ng mga oras na iyon namg biglang nagkasalubong kaming dalawa ni Colleen."Yvonne, saan ka pala nanggaling? Alam mo hinahanap kita kanina sa school. At tila parang namumula ang iyong mga mata?" Pagtatakang tanong ni Colleen sa akin habang tinititigan ng husto ang aking mga mata. "Umiyak ka ba?" Dugtong pa niya na halatang nagdududa.Mabilis naman akong umiwas sa kaniyang tingin ng sa ganoon ay hindi niya mapag-alaman na ako'y umiyak nga."Umiyak? Haha ano ka ba. Wala nu, na puwing lang ako kanina habang lumalakad ako sa daan," palusot ko pa sa kanya sabay tingin sa kabilang linya."Umamin ka nga Yvonne, umiyak ka ba? Alam mo hindi mo na dapat pa kailangan na itago iyan sa akin dahil obvious na obvious naman. Bakit nga nga pala umiyak ha? May problema ka ba?" Wika pa na sabay pinag-cross ang magkabilang bisig.Habang patuloy sa pagsasalita si Colleen patungkol sa akin ay nagulat na lamang siya at nabigla sa aking biglaang pagyakap sa kanya habang umiiyak."Oh
Mayamaya pa ay lumapit sa akin si Colleen at niyakap ako."Tahan na Yvonne, hindi mo deserve ang mga ganiyang klasing lalaki," ani pa niya habang hinihimas himas ang aking likod."Sobrang sakit Colleen at papaano ko nga ba ito matatago sa lahat? Tulungan mo ako Colleen," habang patuloy lamang ako sa aking pag-iyak."Huwag kang mag-alala dahil tutulungan kita sa abot ng aking makakaya."Matapos ang aming naging pag-uusap dalawa ni Colleen ay napagpasyahan ko nang umuwi lalo pa at padilim na ang buong paligid gayon din at baka mag-alala na naman sina Tatay at Nanay sa akin."Nga pala Colleen, salamat sa nga pala sa mga payo mo sa akin. Paano na lang kaya ako kung wala ka. Alam mo naman na ikaw lang ang tanging matalik at tunay kong kaibigan na siyang malalapitan ko at maasahan sa oras ng pangangailangan," sabi ko sa kanya sabay huminga ng malalim at ngumiti ng kunti.Hinawakan naman ako ni Colleen sa aking balikat. "Syempre sino pa nga ba ang magtutulungan at magdadamayan kun'di tayo-ta
Tila parang naging maganda ang aming naging pag-uusap ni Marcelo. Tila nadama ko sa aking puso ang kaniyang pag-aalala, pagmamahal at pagiging deisidido sa magiging kalalabasan ng lahat ng ito.Matapos ang aming naging pag-uusap dalawa ni Marcelo ay pumunta kami sa kanilang rest house malapit sa Vinas Beach. Kung saan nagpahangin kaming dalawa roon habang inuubos ang natitirang oras namin bago sumapit ang gabe.Kuwentuhan, yakapan at halikan sa isat-isa ang aming ginawa roon. Nagbiruan, sayahaan, kumain at kung ano-ano pa.Na-ikwento niya pa sa akin na sa kaniyang mga naging girlfriend ay ako lamang ang bukod tanging naidala niya rito sa kanilang rest house. Espesyal daw sa kanya ang lugar na ito at kung sino raw ang babaeng unang madadal niya rito ay napaka-espesyal para sa kanya.At Ako nga iyong babaeng tinutukoy niya sapagkat bukod tangi na ako ang kaniyang unang naipasyal sa lugar na ito.Matapos naman ang mga sandaling iyon ay hinatid ako ni Marcelo pauwi sa aming bahay. Kagaya
Habang dumadaan ang araw ay mas naging mahirap ang naging pagsubok sa akin. Alam kung hirap na hirap ako sa tuwing babangon ako sa umaga dulot ng aking pagsusuka at pagkahilo subalit ito'y kinakaya ko pa rin. Mas domoble pa ang aking paghihirap ay dahil kailangan kung ibahin o baguhin ang aking kilos kapag ako'y nasa loob ng aming bahay pati na yata pananamit ko ay nagbago na rin. 'Yung mga damit ko noon na kasya pa sa akin ay tila unti-unti nang sumisikap. Napansin ko rin na dumagdag ang aking timbang at ito'y aking labis na inalala sapagkat mapapansin nila talaga ito at alam kung tatanungin nila ako sa bagay na ito lalo pa at biglaan na lamang na dumagdag ang aking timbang o biglaan ang aking pagtaba ng katawan. Dumating na rin sa punto na naging mas agrisibo ako sa pang amoy at pagkain. Dumating din sa punto na kinakailangan kung ipitin ang aking tiyan upang sa ganoon ay hindi nila ito mahalata.Isang araw habang tinitingnan ko ang aking katawan sa harap ng salamin."Ang laki nga
"Osya nga pala Marcelo, halika at pumasok sa loob," pangiting sabi ko sa kanya.Nang makapasok si Marcelo sa loob ay kinausap naman ako ni Colleen. "Yvonne, bakit nandito si Marcelo? Akala ko ba ay hindi kayo maayos dalawa? Akala ko ba ay ayaw niyang panagutan iyang dinadala mo sa iyong sinapupunan?" Mahinang boses na tanong niya sa akin na tila para bang hindi mapakali sa kaniyang sarili."Ah patungkol ba roon? Sa katunayan niyan Colleen ay nagkabati na kaming dalawa ni Marcelo ang totoo pa nga niyan ay napagplanohan at napag-usapan na namin ang patungkol dito. Nangyari lang siguro ang bagay na iyon ay dahil nabigla lamang siya dahil sa bilis ng pangyayari. Kung ako nga rin siguro sa ganoong sitwasyon ay mabibigla at magugulat din ako but so far maayos naman ang lahat," paliwanag ko pa sa kanya habang may ngiti sa aking mga labi."What? Ganoon na lang ba iyon kadali sa iyo? Matapos ka niyang saktan at bigyan ng problema noon ay patatawarin mo lang siya ng ganito kadali?" Wika pa niy
Pag-uwi ko ng bahay ay tumambad agad sa aking harapan na niyayakap ni Tatay si Nanay habang ito'y umiiyak. Pakiramdam ko ay parang may sugat ang aking puso dahil sa kirot at sakit na aking naramdaman ng makita ko sila na siyang nasasaktan nang dahil lamang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang aking unang gagawin ng mga oras na iyon, tila parang hindi ko sila kayang lapitan dahil sa hindi ko alam kung paano ko umumpisahang ipaliwanag sa kanila ang lahat. Tila wala akong mukhang maiharap habang sila ay pinagmamasdan ko lang ng palihim.Habang silayl ay aking pinagmamasdan na parehong umiiyak ay pinagmasdan ko ng mabuti ang aking sarili habang naksuot ng uniporme. Sa suot kung uniporme ay may tinatago pala akong lihim, madilim na lihim na siyang hindi inaashan ng aking mga magulang."Paano na ito Baste, ang ating anak ay buntis. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na ito. Malaki ang aking pagtitiwala sa kanya subalit ako'y bigo lamang. Tayo ay bigo lamang, hindi siguro tayo naging