Nang matapos akong magbihis ay bumalik ako sa kwarto kung saan tinitigan kong mabuti si Marcelo sa kaniyang pagtulog."Bakit Marcelo? Bakit mo nagawa sa akin ang bagay na ito? Mahal kita subalit hindi ito ng paraan para maipakita ko sa iya ang aking pagmamahal. Kung mahal mo nga talaga ako bakit sinamantala mo ang aking kahinaan?" Bulong ko pa sa aking sarili habang hindi mapigilan ang maging emosyonal.Mayamaya pa ay napag-alaman kong mag aalas sais na nang hapon kung kaya't dali-dali akong humanap ng paraan upang ako'y makaalis sa bahay na ito.Hindi ko na ginawa pa ang gisingin si Marcelo kalo pa at hindi ko pa talaga lubusan na matanggap ang mga nangyari sa amin.Nang bumaba ako ng kwarto ay bumungad sa aking ang napakalaking bahay nina Marcelo, nakita ko ang malaking larawan niya at ng kaniyang mga magulang na siyang nakapaskil sa kanilang dingding. Napag-alaman kong diniritso niya pala ako sa kanilang bahay at hindi sa kung saan-saan lang kagaya ng motel.Mayamaya pa ay may naki
"Aba'y oo kakarating lang ng anak namin. Hindi ba at magakasama naman kayong dalawa?" Wika pa ni Inay sabay tingin kay Colleen.Napataas naman ang kilay ni Colleen sabay napapaisip sa kaniyang sasabihin. "Magkasama? Actually hindi po kami magkasama ni Yvonne tita. Sa katunayan niyan ay alas kwatro pa lang nang hapon ay nakauwi na ako," ani pa ni Colleen sabay buntong hininga habang diritsang napatingin sa akin. "Andiyan kana pala Yvonne hindi ka ba napagod?" Gulat na sabi niya na tila nagkukunwaring hindi niya ako nakita kanina.Nagulat naman at sabay napatingin sina Nanay at Tatay sa akin."Akala ko ba ay magkasama kayo? Bakit ang sabi ng kaibigan mo ay alas kwatro pa lang nang hapon ay nakauwi na siya," tanong ni Tatay sa akin habang napapaisip ng husto."Anak Yvonne ano ba talaga ang totoo?" Sambit pa ni Nanay sabay pinag-cross ang magkabilang bisig."Bakit po ba ano ba ang sinabi sa inyo ni Yvonne tita?" Malakas na tanong ni Colleen habang palihim na tumatawa lalo pa at sadya niya
Hanggang sa isang beses na makahanap ako ng magandang pwesto ay laking gulat ko sa aking nakita sapagkat nakita ko si Marcelo na may dala-dalang malaking bulaklak. Nakasuot ng black toxido at itim na salamin na siyang ka akit-akit tignan. Doon ko rin napagtanto na siya pala ang dahilan sa paghiyawan ng mga babae dahil sa angking karisma nito."Marcelo??" Mahinang boses na sabi ko habang nakatayo sa isang sulok na siyang tulalang nakatitig sa kanya.Ilang saglit pa ay lumakad ng dahan-dahan si Marcelo habang unti-unting tinatanggal ang suot niyang salamin. Hindi man sa pagiging assuming sapagkat papunta talaga siya sa aking kinatatayuan.May malaking ngiti sa kaniyang mga labi habang ang kaniyang tingin ay disritso lamang sa akin. Tila nagulat naman ang ibang mga kababaihan at palaisipan sa kani-kanilang mga mukha kung saan patungo si Marcelo at para kung kanino niya ibibigay ang dala-dala niyang bulaklak.Tila nararamdaman ko ang mainit na pagmamahal ni Marcelo sa akin habang siya'y p
Habang abala si Marcelo sa pagtingin sa menu book ay biglang sumagil sa aking isipan ang nangyari noong isang araw sa aming dalawa ni Marcelo.Habang ako'y tulala sa kakaisip ay biglang napatingin siya sa akin. "Yvonne, ayos ka lang ba? Tila yata parang tulala ka at tila parang malalim ang iyong iniisip. May problema ka ba?" Tanong pa niya habang napapaisip sa aking naging askiyon.Napabiglang tingin naman ako sa kanya sabay lunok ng aking sariling laway. "Ah wala, may tinitingnan lang ako sa labas," pagkukunwari ko pa sabay bunting hininga habang palihim na napapaisip."Ganoon ba, osya sandali lang at mag o-order muna ako ng kakainin natin. May napili ka na ba?" Sabay tingin sa akin at hawak sa aking kanang kamay."Ikaw na lang ang bahala Marcelo, total wala naman akong pinipiling pagkain," ani ko pa sabay tingin sa kaniyang mga kamay na siyang nakahawak sa aking kamay."Tila nanginginig ka yata. Parang nakikita ko sa iyong mga mata na may malalim kang iniisip. May gusto ka bang sabi
"Ayos lang, naintindihan naman kita kung bakit. Siguro naman ay pagnakapagtapos kana ng iyong pag-aaral ay magawa mo na akong ipakilala sa kanila," pangiting sabi niya sabay titig sa aking mukha."Hayaan mo at maipapakilala rin kita," ani ko pa sabay hinawakan ang kaniyang kamay.Mayamaya pa ay dahan-dahan na hinawakan ni Marcelo ang aking mukha habang dahan-dahan na inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha. Ilang saglit pa ay unti-unti niyang hinawakan ang aking labi hanggang sa ako'y kaniyang hinalikan sa labi.Wala rin akong pag-alinlangan na lumaban sa kaniyang paghalik sa aking labi.Matapos ang aming halikan dalawa ni Marcelo ay bumaba na ako nga sasakyan at tyaka dumiritso sa bahay.Araw ng sabado kung saan walang pasok, kaya't naisipan kung puntahan si Colleen sa kanilang bahay upang makipag-kuwentuhan. Dahil kasi sa sobrang busy namin sa school kung kaya't madalang kung kami ay magkausap. Pagdating ko sa bahay ni Colleen ay nakita ko siyang nagluluto ng pagkain kung kaya't
Napahawak naman sa kaniyang ulo di Colleen habang pinagmamasdan ako. "Hay, mabuti naman at nagkaroon ka na rin ng malay," sabay buntong hininga habang dahan-dahan na umupo sa aking tabi."Nagkaroon ng malay? Bakit, ano ba ang nangyari? Nalilito rin ako, kasi kanina parang nandoon pa tayo sa loob ng gym at bakit ngayon paggising ko nakahiga na ako sa loob ng clinic. Ano ba ang nagyari Colleen?" Pagtatakang tanong ko sa kanya habang iniisip kung ano ang mga nangyari kanina."Actually, napansin ko kanina sa Gym na tila parang masama ang iyong pakiramdam. Nilapitan kita at ang sabi mo ay tila parang nahihilo ka. At habang nasa kalagitnaan tayo ng ating pag-uusap kanina sa Gym ay bigla-bigla ka na lang nawalan ng malay. Mabuti nga at nasa tabi mo ako kung kaya't nagawa kitang saluhin," paliwanag pa ni Colleen na tila may malalim na iniisip.Tila unti-unti ko naman naalala ang mga naging kaganapan kanina sa loob ng gym lalo na sa parti kung saan nakaramdam nga ako ng pagkahilo kanina."Naa
Matapos ang aming naging pag-uusap sa clinic ay dumiritso ako sa banyo samantalang na una nang pumasok sa loob ng classroom si Colleen.Sa loob ng banyo kung saan ako'y nakatitig sa malaking salamin ay hindi mawala wala sa aking isipan ang mga sinabi ni Doctora sa akin. Tila parang magkatugma ang kaniyang sinabi kahit na ito'y ipinagkakait ko."Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan ng aking dalaw o ng aking menstruation simula nu'ng huling may nangyari sa aming dalawa ni Marcelo. Hindi kaya baka buntis ako kung kaya't ako'y nakakaramdam ng panghihilo minsan? Hindi kaya tama si Doctora? Subalit hindi naman ako nagsusuka na isa sa mga senyales ng buntis," bulong ko pa sa aking sarili habang napapaisip at naguguluhan sa sarili."Hindi naman siguro. Talagang stress lang ako at isa pa normal naman sa akin ang maging delayed dahil sa irregular ang period ko. Hindi dapat ako mabuntis, hindi pu-pweding mangyari iyon," dugtong ko pa.Huminga ako ng malalim sabay tingin sa ibabaw ng kisame.
Lumakad ako patungong bahay ng mga oras na iyon namg biglang nagkasalubong kaming dalawa ni Colleen."Yvonne, saan ka pala nanggaling? Alam mo hinahanap kita kanina sa school. At tila parang namumula ang iyong mga mata?" Pagtatakang tanong ni Colleen sa akin habang tinititigan ng husto ang aking mga mata. "Umiyak ka ba?" Dugtong pa niya na halatang nagdududa.Mabilis naman akong umiwas sa kaniyang tingin ng sa ganoon ay hindi niya mapag-alaman na ako'y umiyak nga."Umiyak? Haha ano ka ba. Wala nu, na puwing lang ako kanina habang lumalakad ako sa daan," palusot ko pa sa kanya sabay tingin sa kabilang linya."Umamin ka nga Yvonne, umiyak ka ba? Alam mo hindi mo na dapat pa kailangan na itago iyan sa akin dahil obvious na obvious naman. Bakit nga nga pala umiyak ha? May problema ka ba?" Wika pa na sabay pinag-cross ang magkabilang bisig.Habang patuloy sa pagsasalita si Colleen patungkol sa akin ay nagulat na lamang siya at nabigla sa aking biglaang pagyakap sa kanya habang umiiyak."Oh