Napahawak siya sa kaniyang magkabilang bulsa. "Ok, right! Um, anyway may I know your name?" Tanong pa niya sa akin sabay huminga nang malalalim.
Inayos ko muna ang aking buhok bago nagpakilala sa kanya.
"I'm Yvonne Garcia by the way," pakilala ko pa sa kanya sabay ngumiti.
Mabilis niya naman na inilahad ang kaniyang kanang kamay upang makipag-kamayan sa akin. "Hi Yvonne nice to meet you. Anyway I'm Marcelo Bermudez," wika pa niya sabay nakipagkamay sa akin habang hindi mawala wala ang pag-ngiti niya sa akin.
Hindi ko alam ay na love at first sight na pala sa akin nu'n si Marcelo Beemudez.
Noong araw na iyon ay nagkakilala kaming dalawa ni Marcelo Bermudez at tila sinadya talaga nang tadhana na ipag-cross sa isat-isa ang aming landas.
Simula rin noong araw na nagkakilala kaming dalawa ay palagi na siyang pumupunta roon sa department store na parating pinupuntahan ko tuwing mamimili ako ng mga bilihin. Para lamang abangan ako at makita niyang muli.
Halata talaga sa mga kilos at galaw niya na natitipuhan niya ako kahit na hindi pa naman niya ako lubusang kilala.
Tila parang nakasanayan niya na nga na pumunta roon tuwing araw nang Sabado kung saan araw ng aking pamimili ng mga groceries.
At sa tuwing makikita niya ako roon ay niyayaya niya agad akong kumain sa labas. Dahil sa gusto niya raw na mas makilala pa namin dalawa ang isat-isa at mas makilala pa namin ang aming katauhan nang maigi.
Tutamatanggi naman ako sa mga paanyaya niya sa akin lalo pa at hindi ko pa siya lubusang kilala. Subalit mapilit talaga siya kung kaya't hindi ko na magawang tumanggi bagkus ay payagan at pagbigyan na lamang siya sa kaniyang mga paanyaya sa akin.
Minsan pa nga ay pinipilit niya pa ako na payagan ko siyang ihatid ako sa aming bahay kapag uuwi ako, upang pormal siyang makipagkilala sa aking mga magulang. Subalit ayaw ko lang sapagkat alam kong magagalit sila lalong lalo na ang aking Tatay Baste, sapagkat hindi pa niya gustong magkakaroon ako ng boyfriend unless nag-aaral pa ako ng kolehiyo.
Lumipas pa ang maraming araw at Linggo ay tila padalas na nang padalas ang aming pagkikita dalawa ni Marcelo. Hanggang umabot na sa puntong tila parang nagkakaigihan at nagakakamabutihan na kaming dalawa sa isat-isa.
Lalo na ako na tila parang unti-unti nang nahuhulog ang aking loob sa kanya dahil sa mga kagandahang loob na pinapakita niya sa akin.
Mga efforts niya, mga pag-aalala niya sa akin at walang sawang pagbibigay ng mga regalo at bulaklak kahit wala namang okasyon o kaganapan. Gayon din ang pagpapadama niya sa akin na ako'y espesyal at may halaga sa kaniyang buhay kahit na wala namang may namumuong relasyon sa pagitan naming dalawa .
Bukod pa roon ay hindi rin makakaila na gwapo at mistisong lalaki si Marcelo. Matangkad, maputi, matangos ang ilong at tsaka matipuno ang katawan. Tila ba parang nasa kanya na ang lahat na katangian na hinahanap ng isang babae sa isang lalaki. Sa katunayan niyan ay habulin talaga ng mga kababaihan si Marcelo dahil sa taglay nitong karisma.
Kung kaya't hindi rin malabo na hindi ko siya magugustuhan lalo pa at nakikita kong may mabuti siyang puso at kalooban. Kahit na labag man sa akin ang magkaroon ng karelasyon dahil sa aking ipinangako sa aking mga magulang na hindi ako magbo-boyfriend kapag hindi pa ako tapos ng aking pag-aaral.
Ngunit sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil pilit talaga kaming pinaglalapit ng loob ni Marcelo. Hanggang umabot nga sa punto na niligawan ako ni Marcelo at dahil na rin sa hindi ko na mapigilan ang aking naramdaman na pag-ibig para sa kanya, kung kayat sinagot ko siya ng maluwag sa aking puso at dahil na rin sa aking kagustuhan na maging boyfriend ko siya.
Simula noon ay parang naging makulay pa lalo ang aking buhay nang dumating si Marcelo sa akin. Palagi akong inspired na mag-aral lalo na at ginagawa ko siyang inspirasyon ko sa buhay.
Nagtagal ang aming relasyon hanggang sa magtungtong ako nang 4th year college. Habang tumatagal ay mas lalo pang tumindi ang aming pagmamahalan dalawa. Kahit na minsan ay hindi maiiwasan na may pagtatalo kaming dalawa at may darating na pagsubok sa aming relasyon dalawa. Subalit matatag pa rin ang aming relasyon at patuloy na lumalaban.
Ngunit lahat ng iyon patungkol sa aming relasyon ni Marcelo ay itinago ko sa aking mga magulang nang mahigit dalawang taon. Lalo na sa aking Tatay Baste at tanging sa matalik ko lamang na kaibigan ko ito ibinahagi na si Colleen Matapang.
Na wala pala akong ka alam-alam na ultimate crush niya pala since high school until now ang aking boyfriend na si Marcelo Bermudez.
Kung kaya't nang ibahagi ko sa kanya ang patungkol sa aming lihim na relasyon dalawa ni Marcelo ay tila parang nag-iba na lang bigla ang kaniyang naging pakikitungo sa akin.
Ang kaniyang mga ngiti sa labi tuwing makikita niya ako ay napalitan ng galit at hindi ka nais-nais. Dahilan sa kaniyang nararamdamang selos sa aming dalawa at pagka-inggit. Hanggang umabot nga sa punto na nagtanim na siya nang galit sa akin na hindi ko man lang nalalaman at inaasahan na mangyari.
Umabot din nang mahigit ilang Linggo ang hindi pagpansin sa akin ni Colleen mapabahay man o mapaskwelahan. Kung kaya't hindi ko na ito pinalampas pa at gumawa na ako ng paraan para magkausap kaming dalawa.
Araw iyon nang Linggo kung saan nagsimba kami ng mga magulang ko kasama ang aking matalik na kaibigan na si Colleen.
Sa kalagitnaan pa lamang ng aming pagsisimba ay napansin kong tila panay ang tingin sa akin ng kaibigan kong si Colleen. Subalit hindi niya man lang ako magawang pansinin o kahit kausapin man lang ng mga oras na iyon. Kahit na kinakausap ko siya ay parang nagbibingihan lamang siya na tila ba parang hindi niya naririnig ang bawat sinasabi ko.
Noon pa man ay napansin ko na parang malimit na lang siyang makipagkausap sa akin at malimit na rin siya kung dumalaw sa akin sa bahay, hindi kagaya nang dati na halos ay araw-araw.
Parang nag-iba na talaga ang kaniyang pakikitungo sa akin simula nu'ng magkaroon lamang ako ng boyfriend at ipagtapat sa kanya ito. Hanggang sa naisipan ko na lang na kausapin siya pagkatapos ng mesa na ito at alamin kung ano ang problema niya sa akin.Matapos ang mahigit isang oras na mesa ay na una nang umuwi sina Nanay at Tatay sapagkat magtitinda pa sila sa palengke. Samantalang kaming dalawa ni Colleen ay naiwan sa simbahan.Habang nag-aabang kami ng sasakyan dalawa pauwi ng bahay ay naisipan ko na siyang kausapin upang alamin kung ano ang nangyayari sa kanya. Lalo na at nag-aalala lamang ako sa kanya baka kung may mabigat na siyang dinadalang problema. Lalo pa at siya na lamang ang mag-isang nakatira sa kanilang bahay dahil sa nagkahiwalay ang kaniyang mga magulang at iniwan na lamang siya ng basta-basta sa hindi malamang dahilan.Mayamaya pa ay dahan-dahan akong umusog papalapit sa kaniyang kinatatuyaan. "Um, Colleen ayos ka lang ba? Pakiramdam ko kasi ay may problem ka sapagk
"Ah, hindi naman sa ganoon. Concern lang naman ako at baka hindi ka na naman makapag-submit ng project mo," ani ko pa sabay huminga nang malalalim."Pwes magsu-submit ako, mahirap ba iyon?" Wika pa niya sabay tiningnan ako mula ulo hanggang paa.Hindi na ako umimik pa at hindi ko na rin binigyan ng kahulugan ang kaniyang paraan ng pakikipag-uusap sa akin. Bagkus ay hindi ko na lamang iyon pinansin.Matapos ang mga sandaling iyon ay umalis kaming tatlo na kasama nga si Colleen sakay ng sasakyan ni Marcelo.Habang nakaupo ako sa tabi ni Marcelo ay aksidenting nahagip ko sa salamin si Colleen na siyang panay sa pagtitig kay Marcelo na tila parang kaka-ibang paraan ang kaniyang pagtitig dito. Dagdag pa rito ay hindi mawala wala ang mga ngiti na makikita sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan siya.Nagtataka na ako at napapaisip na ng kaka-iba sa kanya ng mga oras na iyon subalit agad ko lang din naman iyon na binura sa aking isipan. Dahil alam kong wala sa ugali ni Colleen ang magka-inter
Napataas naman ang dalawang kilay ni Marcelo sabay napatingin sa itass ng kisame. "Oh no! I'm not drunk. Honestly Colleen, banyo ng mga lalaki ito. Kanina lamang ay may mga kasama akong lalaki na gumamit din ng banyo. And I'm sure na ikaw itong nagkamali ng pasok at hindi ako," wika pa ni Marcelo habang napakamot sa kaniyang ulo dahil sa labis na pagtataka.Tila napatigil naman saglit si Colleen habang palihim na napapaisip."What? Are you sure with that? Oh my God! Kung totoo nga na banyo ng mga lalaki ito at kung ako'y nagkamali nga ng pasok. I'm sorry talaga sa nangyari hindi ko talaga sinasadya Marcelo, it was an accident. It's so embarrassing," "Um, maybe ako siguro itong naparami ng inom kung kaya't imbis na sa banyo ng mga babae ako pumasok ay dito pa sa banyo niyo na mga lalaki. My God! Nakakahiya talaga I'm sorry Marcelo," paliwanag pa ni Colleen habang nagpapakita at nagpapanggap na hindi niya nga sinasadya ang pangyayari at aksidente lamang.Huminga naman nang malalim si M
Insakto rin na wala ang mga parents niya ng mga panahon na iyon dahil sa lumuwas ito ng states kung kaya't naidala niya ako ng basta-basta sa kanilang bahay.Lasing kami pareho ni Marcelo nang dumating kami sa kanilang bahay, lalo na ako na tila wala na talagang malay at lakas sa katawan.Ipinasok ako ni Marcelo sa kwarto niya at doon ay inihiga niya ako sa kaniyang kama. Habang nakahiga ako sa kaniyang kama ay taimtim niya akong pinagmamasdan nang mabuti at tinitigan ng husto ang aking katawan at aking mukha.Habang abala siya sa pagtitig sa akin at sa aking mahimbing na pagkatulog ay napapaisip siya ng husto at napabulong sa kaniyang sarili. "Napakaganda mo Yvonne, napaka-swerti ko naman na ikaw ang naging girlfriend ko. Bukod sa sobrang bait mo, ang sexy mo pa at sobrang nakakaantig ang iyong ganda. Subalit sa mahigit dalawang taon nating pagiging magkasintahan ay ni minsan hindi ko pa nagawa ang isang bagay na matagal ko ng gustong gawin sa iyo. Iyon ay ang maangkin ko ng buong-b
Nang matapos akong magbihis ay bumalik ako sa kwarto kung saan tinitigan kong mabuti si Marcelo sa kaniyang pagtulog."Bakit Marcelo? Bakit mo nagawa sa akin ang bagay na ito? Mahal kita subalit hindi ito ng paraan para maipakita ko sa iya ang aking pagmamahal. Kung mahal mo nga talaga ako bakit sinamantala mo ang aking kahinaan?" Bulong ko pa sa aking sarili habang hindi mapigilan ang maging emosyonal.Mayamaya pa ay napag-alaman kong mag aalas sais na nang hapon kung kaya't dali-dali akong humanap ng paraan upang ako'y makaalis sa bahay na ito.Hindi ko na ginawa pa ang gisingin si Marcelo kalo pa at hindi ko pa talaga lubusan na matanggap ang mga nangyari sa amin.Nang bumaba ako ng kwarto ay bumungad sa aking ang napakalaking bahay nina Marcelo, nakita ko ang malaking larawan niya at ng kaniyang mga magulang na siyang nakapaskil sa kanilang dingding. Napag-alaman kong diniritso niya pala ako sa kanilang bahay at hindi sa kung saan-saan lang kagaya ng motel.Mayamaya pa ay may naki
"Aba'y oo kakarating lang ng anak namin. Hindi ba at magakasama naman kayong dalawa?" Wika pa ni Inay sabay tingin kay Colleen.Napataas naman ang kilay ni Colleen sabay napapaisip sa kaniyang sasabihin. "Magkasama? Actually hindi po kami magkasama ni Yvonne tita. Sa katunayan niyan ay alas kwatro pa lang nang hapon ay nakauwi na ako," ani pa ni Colleen sabay buntong hininga habang diritsang napatingin sa akin. "Andiyan kana pala Yvonne hindi ka ba napagod?" Gulat na sabi niya na tila nagkukunwaring hindi niya ako nakita kanina.Nagulat naman at sabay napatingin sina Nanay at Tatay sa akin."Akala ko ba ay magkasama kayo? Bakit ang sabi ng kaibigan mo ay alas kwatro pa lang nang hapon ay nakauwi na siya," tanong ni Tatay sa akin habang napapaisip ng husto."Anak Yvonne ano ba talaga ang totoo?" Sambit pa ni Nanay sabay pinag-cross ang magkabilang bisig."Bakit po ba ano ba ang sinabi sa inyo ni Yvonne tita?" Malakas na tanong ni Colleen habang palihim na tumatawa lalo pa at sadya niya
Hanggang sa isang beses na makahanap ako ng magandang pwesto ay laking gulat ko sa aking nakita sapagkat nakita ko si Marcelo na may dala-dalang malaking bulaklak. Nakasuot ng black toxido at itim na salamin na siyang ka akit-akit tignan. Doon ko rin napagtanto na siya pala ang dahilan sa paghiyawan ng mga babae dahil sa angking karisma nito."Marcelo??" Mahinang boses na sabi ko habang nakatayo sa isang sulok na siyang tulalang nakatitig sa kanya.Ilang saglit pa ay lumakad ng dahan-dahan si Marcelo habang unti-unting tinatanggal ang suot niyang salamin. Hindi man sa pagiging assuming sapagkat papunta talaga siya sa aking kinatatayuan.May malaking ngiti sa kaniyang mga labi habang ang kaniyang tingin ay disritso lamang sa akin. Tila nagulat naman ang ibang mga kababaihan at palaisipan sa kani-kanilang mga mukha kung saan patungo si Marcelo at para kung kanino niya ibibigay ang dala-dala niyang bulaklak.Tila nararamdaman ko ang mainit na pagmamahal ni Marcelo sa akin habang siya'y p
Habang abala si Marcelo sa pagtingin sa menu book ay biglang sumagil sa aking isipan ang nangyari noong isang araw sa aming dalawa ni Marcelo.Habang ako'y tulala sa kakaisip ay biglang napatingin siya sa akin. "Yvonne, ayos ka lang ba? Tila yata parang tulala ka at tila parang malalim ang iyong iniisip. May problema ka ba?" Tanong pa niya habang napapaisip sa aking naging askiyon.Napabiglang tingin naman ako sa kanya sabay lunok ng aking sariling laway. "Ah wala, may tinitingnan lang ako sa labas," pagkukunwari ko pa sabay bunting hininga habang palihim na napapaisip."Ganoon ba, osya sandali lang at mag o-order muna ako ng kakainin natin. May napili ka na ba?" Sabay tingin sa akin at hawak sa aking kanang kamay."Ikaw na lang ang bahala Marcelo, total wala naman akong pinipiling pagkain," ani ko pa sabay tingin sa kaniyang mga kamay na siyang nakahawak sa aking kamay."Tila nanginginig ka yata. Parang nakikita ko sa iyong mga mata na may malalim kang iniisip. May gusto ka bang sabi