Share

Chapter 111.1

SA TINURAN NG ina ni Gavin ay dahan-dahang pinunasan ng binata ang pawis sa kanyang mukha gamit ang maliit na bimpo na pa-simpleng ini-abot sa kanya ni Bethany. Hindi kasi matiis ng dalaga na makitang ganun ang itsura ni Gavin na nanlilimahid sa pawis sa harapan niya. Hindi naman nakaligtas iyon sa mapanuring mga mata ng Ginang na naging dahilan upang lihim na magdiwang ang kanyang kalooban. Sigurado siyang ito na ang babaeng nakatadhana sa kanyang anak. Muling tumingin si Gavin sa ina at pagkatapos ay inilipat naman niya ang mga mata kay Bethany na lubos pang binalot ng labis na kahihiyan ang buo niyang katauhan.

“O-Okay, Mom…”

Sa harapan ng ina ay walang pakundangan na hinawakan ni Gavin ang isang kamay ni Bethany at marahang iginiya na ito patungo ng master bedroom na kanilang inuokupa. Sinundan lang iyon ng mas kuminang na mga mata ng Ginang na kulang na lang ay mapapalakpak at sambahin ang manghuhula na kanyang nakausap tungkol sa buhay pag-ibig ng kanyang anak na ang sabi ay na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status