Share

Chapter Two

_____

"BAKIT kasi hindi mo na lang hiwalayan ang babaeng iyon. I'll make sure naman na magiging masaya ka sa akin kapag ang pinili mo, Leonardo.."

Bigla ang ginawang pagtabing ni Leonardo sa babaeng kasama niya ngayon sa sarili niyang kama sa condo niya.

"Ouch!" angil ni Liezel. Hindi nagawang paghandaan ang ginawa sa kaniya ng lalaki.

"Ano ba nangyayari sa 'yo ha? Kanina lang we're fine. Tapos aartihan mo ako ng ganyan!" aniya pang hindi nagawang ikubli ang galit na naramdaman niya rito.

"Dahil paulit-ulit ka! Napag-usapan na natin 'to! At alam mo kung ano ang papel mo sa buhay ko. Mahal ko si Yvonne, Liezel!" klaro at buo niyang bigkas dito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang masamang tingin nito sa kaniya bago umiwas ng tingin.

"Please, Liezel. Alam mong masaya ako sa iyo at ganoon ka rin naman sa akin. But you have to stay on your own place. Magiging asawa ko si Yvonne at pakakasalan ko siya kahit na ano ang mangyari."

Tinangka niyang kunin ang kamay nito. Muling humarap sa kanya si Liezel— pareho silang hubo't hubad at tanging kumot lang ang nagsisilbing tabing sa kanilang katawan.

"Ang akin lang naman, pahalagahan mo rin ako. Come on, Mahal. Ayaw ko ng ganito na lang palagi, iyong parang namamalimos ako sa atensyon at oras mo!"

Sinundan niya ng tingin ang mga daliri nitong malayang nilaro-laro sa hubad niyang dibdib.

"As I said, napag-usapan na natin 'to. Masaya tayo sa ganito, we don't have to ask for more.. right? I like you."

"Like lang? Hindi love? Leonardo ha. Alam mong hindi lang kita basta gusto, mahal kita. That's why I used to do everything for you.."

"Liezel. Please!"

"Bakit ba hindi mo ako kayang mahalin? Ilang buwan na rin tayong masayang magkasama. Bakit ba, hindi ko pa rin kayang higitan yang pagmamahal mo sa babaeng iyon!"

"Her name is Yvonne, and she is your bestfriend." Pagtatama niya rito.

Napataas kilay si Liezel. Mabilis ang naging kilos para tumayo mula sa pagkakahiga nilang dalawa. Tumambad sa harap niya ang makinis na balat nito.

"This is not enough? Kulang pa ba sa iyo ang katawang 'to! I'm almost perfect, Leonardo! Aminin mo man o hindi, hamak na mas lamang ako kay Yvonne!" may pang-uuyam nitong sabi sa kaniya.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Leonardo, umupo't sinandal sa head board ng kama ang ulo niya. He feel stress sa pinapakitang tantrums sa kaniya ni Liezel. Totoo ang mga sinabi nito.

"I need Yvonne. I need her that much. At alam mo ang dahilan kung bakit hindi ko siya kayang iwan, Liezel."

"Dahil ano? Anak siya ng taong pinapatay ang mga magulang mo?!"

Mabilis ang naging kilos ni Leonardo para malapitan si Liezel. Mahigpit niya itong hinawakan ng mariin sa balikat nito— nanlilisik ang mga mata niyang pinaglipat-lipat sa mga mata nito.

"Aray! Leonardo, nasasaktan ako! Ano ba!" Pagpupumiglas ni Liezel.

"Watch your word, Liezel! Dahil hindi ako mag-aatubiling saktan ka rin. Naiintindihan mo ako?! Huwag na huwag mong idadamay ang mga magulang ko rito! Magkakamatayan tayo!" galit na galit niyang usal sa harapan ng dalaga. Binitiwan niya ito mula sa pagkakahawak niya.

"Honey.. Wait. I'm sorry!" Hindi nya nagawang pigilan si Liezel sa ginawa nitong paglasap ng labi niya't kasabay ang pagbaba ng kamay nito sa maselang parte ng katawan niya. Ang kahinaang nagpapaikot sa kaniya sa mga palad ni Liezel.

Kahinaan at kaligayahang hindi kaya ibigay ni Yvonne.

•••

TOWN HOMES, CAVITE.

"ARE you okay, Yvonne?" tanong ni Janice kay Yvonne. Nakauwi na siya sa townhouse nila sa Cavite. Pinili niyang d'on umuwi at hindi sa Zambales kung saan nangako siya sa daddy niya na dadalawin niya ito.

"I'm fine," tugon niya rito. Halos nakatatlong stick na rin ng yosi si Yvonne. Ganito siya kapag stress siya, hindi niya pa rin kasi magawang kalimutan ang ginawa sa kaniya ni Father Simon kanina.

"Hindi ka ganyan. Kilala kita. Stress? From where? May maitutulong ba ako?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. Umupo si Janice sa upuang nasa harapan niya sa veranda. Muli siyang bumuga ng malalim na buntong hininga pinasadahan ng tingin ang cellphone niya. Wala pa rin siyang natatanggap na tawag or text man lang mula kay Leonardo.

"F-for wedding preparations," pagsisinungaling niya kay Janice. Iniwas niya ang tingin niya rito at muling nagsindi ng isa pang sigarilyo.

"Nasaan ba kasi si Leonardo? Pansin ko lang ha, parang ikaw na lang din talaga nag-aasikaso ng lahat. Interesado pa ba siya sa kasal nyo ha?" anito.

"He's busy!"

"Saan? Sa trabaho? Sigurado ka ba na trabaho ang pinagkakaabalahan niya?"

"Alam ni Leonardo ang kaya kong gawin sa kaniya oras na malaman kong nagsisinungaling siya sa akin! Hindi gagawa ng dahilan iyon para itulak niya ako sa pwedi kong gawin!" mariin niyang pagkakasabi rito.

"I'm your friend, Yvonne. Alam mo naman na kilala kita. Hindi lang ako sanay na nakikita kang ganyan. Nakakapanibago."

Tama si Janice. Kailan ba siya huling nanigarilyo? Matagal niya na ring hindi binalikan ito, mula nang mag-propose ng kasal sa kaniya si Leonardo. Alam niya rin na magagalit lang ang fiance niya kapag nakikita siyang ganito ngayon. But how she can refuse her mind para mabawasan ang stress niyang nararamdaman ngayon, at may malaking impact sa kaniya ang ginawang paghawak ni Father Simon sa balikat niya— hindi lang basta paghawak dahil sa pagpisil nito.

Galit na binato ni Yvonne ang stick ng yosi sa ashtray na nasa harap niya.

"Yvonne. Are you okay?"

Tiningnan niya ng masama si Janice at mabilis niya ring iniwas ito binaling sa labas ng veranda nila.

"Samahan mo ako! Hindi ako mapakali, I just want to have some fun. Gusto ko uminom, magwala, sumaya!"

Tumayo si Yvonne at ganoon din si Janice. Sa balikat niya sinukbit niya ang mamahaling bag, naglakad ng mabilis palabas ng pinto ng bahay niya. Walang nagawa si Janice kun 'di ang sumunod ito sa kaniya. Kung saan man sila dalhin ng mga paa niya ngayon, nandiyan si Janice sa likod niya't hindi siya iiwan. Aalalayan siya nito hanggang sa bumalik sa normal ang kaniyang nararamdaman.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status