"ANO'NG NANGYAYARI RITO?" untag ni Leonardo nang makarating siya sa address ng bar na sinabi sa kaniya. Naabutan nya si Janice kasama si Yvonne na sa unang tingin pa lang alam niyang walang malay tao dahil prente itong nakahiga sa coach.
"W-what are you doing here?" tanong ni Janice sa kaniya. May pagtataka sa mga mata nito; hindi inaasahan ang pagdating niya. "Whats happen to Yvonne?" kapagkuwang tanong ni Liezel na biglang sumulpot sa likuran ni Leonardo. "Nothing happen to Yvonne. Nalasing lang siya. Teka lang! Ano'ng ginagawa niyo rito?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Janice sa kanilang dalawa— hindi nawala ang pagtataka sa mga mata nito. "Nakita kayo ng isa kong kakilala rito. Nakita niyang lasing daw si Yvonne kaya nag-alala siya rito," totoong sagot niya. Nakumbinse niya naman siguro ito sa sagot niya. Sinundan niya ng tingin ang tingin nito nang lumipat kay Liezel. "And, you?" aniya. "Tinawagan ako ni Leonardo, nagtatanong kung kasama ko raw si Yvonne. And, Yvonne is my bestfriend natural mag-aalala ako sa kaibigan ko... that's why I'm here— following him," alibi nito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang pang-iirap nitong tingin kay Janice. "How is she?" pag-iiba ni Leo sa usapan nang bumaling ng tingin kay Janice. "Okay lang siya. Nakatulog lang, but she's good. Nalasing lang siguro." "Kanina pa ba kayo rito? Ano bang mayroon at kailangan niyo uminom?" Tiningnan lang siya nito at nilingon si Yvonne. "Okay lang siya. Wala ka naman dapat ipag-alala dahil hindi ko naman pababayaan ang kaibigan ko." "Ang mabuti pa, ako na ang bahala kay Yvonne. You have your car, Janice?" "Sumabay lang ako kay Yvonne kanina." "Then, you can use her car. Sa akin na siya sasabay." Mariin ang tingin na pinagkaloob ni Liezel sa kaniya. Hindi nagustuhan ang narinig nito sa kaniyang isasabay niya ang mapapangasawa. "How about you, Yvonne? Sasabay ka rin kay Leo?" may pang-uuring tanong nito kay Liezel. "She's not. She's have her own car. Gaya nga ng sinabi niya kanina, tinawagan ko lang siya sa pag-alala ko kay Yvonne." Tumingin lang ito sa kanilang dalawa. "Okay. Mauuna na ako. Ikaw ang bahala kay Yvonne." "Ligtas sa akin ang girl friend ko." "Good. Just take care too, Liezel." "Thank you, Janice. Bye." Walang lingon-likod na tumalikod si Janice matapos ibigay ni Leo sa kaniya ang susi ng kotse ni Yvonne. "Gosh! Akala ko pa naman kung napano na iyan!" Tukoy ni Liezel sa wala pa ring malay na si Yvonne. "Shut up! Ayaw kong magsalita ng kahit na ano tungkol kay Yvonne. Watch your word, Liezel!" mariin niyang sabi rito. Para naman itong natakot sa talas ng tingin na pinamalas niya rito. "We have to go. Makakaalis ka na rin, Liezel." "So? Ganoon-ganoon na lang? Matapos mong magpakasaya sa akin hahayaan mo na lang akong umalis na ako lang mag-isa?" "Nag-usap na tayo kanina! At pwedi pa huwag kang maingay dito dahil baka may makarinig sa iyo o baka marinig ka ni Yvonne!" pagbabanta niya rito. "Bulag ka ba, Leo? Hindi mo ba nakikitang bangenge na iyang babae mo ha?" "Hindi ko siya basta babae! Pakakasalan ko siya!" pagtatama niya rito. Tumaas ang kilay nito nang tingnan siya. "Damn you, Leo! Damn you!" Walang lingon likod nang mag martsang naglakad si Liezel. Tinabing pa ng kamay nito ang ilang boteng wala ng laman nina Yvonne at Janice. --- SAKIT sa ulo ang unang naramdaman ni Yvonne nang gumising siya nang umagang iyon. Mataas na ang sikat ng araw nang napatingin siya sa bintanang nasa kaliwang bahagi ng silid niya. Napahawak siya sa sariling sintido nang maramdaman ang masidhing kirot. Nagpalinga-linga siya sa paligid wala man lang kahit na sinong anino ang namataan niya sa silid niyang iyon. 'Anong nangyari?' tanong niya sa sarili nang maisandal niya ang likod sa headboard ng kama niya. Natatandaan niya kagabi nang nagkayayaan sila nang kaibigang si Janice sa isang Bar. The rest, wala na siyang maalala; kahit nga kung paano siya nakauwi? "J-Janice?" tawag ni Yvonne sa pangalan ng kaibigan nang may marinig siyang yabag sa loob ng comfort room niya. "L-Leo?" tawag niya sa pangalan ni Leonardo. "Gising ka na pala..." bungad ni Leo nang lumabas ito. Napansin niya ang pagpasok ng cellphone nito sa bulsa nito sa likuran. "Anong nangyari? Ang sakit ng ulo ko," d***g ni Yvonne. Napansin niyang nakabihis na rin siya nang tabingin niya ang kumot na nakabalot sa katawan niya. "Naglasing ka.." tipid na sagot sa kaniya ni Leo. "Ikaw ba nag-uwi sa akin?" "Oo." "Si Janice? Wala siyang car na dala," pag-aalalang sabi niya. "She used your car," sagot ni Leo sa kaniya. Lumapit ito sa kaniya at kinintalan siya ng halik sa labi niya. "By the way, nandito rin pala si Liezel." Tiningnan nyang nagtataka si Leonardo kung bakit naroon si Liezel. Ano naman ang ginagawa ng kaibigan nya ron. May kailangan ba ito sa kaniya? May problema ba ito at kailangang sumadya sa bahay niya? "Bakit?" "Nag-alala ako sa iyo kagabi nang sabihin sa akin ng kaibigan kong nakita ka niya sa bar. Tinawagan ko si Liezel sa pag-aakalang siya ang kasama mo— nag-alala din siya sa iyo kaya pumunta rin agad siya nang sabihin ko kung saan," mahabang sagot sa kaniya ni Leonardo. "Where is she? Nakakahiya naman kay Liezel. Inasikaso mo ba siya, Hun?" may pag-aalalang tanong nya rito. "She's fine. Nasa kitchen siya, ipagluluto ka raw ng sabaw," anito. Mas lalo siya nakaramdam ng hiya dahil baka naabala niya ang kaibigan. "Kailangan ko yatang bumawi sa inyong dalaga, Le. Mag-beach kaya tayo? What do you think? Sa tingin ko kailangan natin iyon, bonding moments na rin namin ng bestfrienda kong maid-of-honor ko," nakangiting suhestiyon niya sa magiging asawa. "Please.. Ako na ang bahala it's my treat." "Hindi ko alam kung kailangan pa iyan, Von." "Of course yes. Ang mabuti pa puntahan mo na si Liezel and I will fix everything. I'll make sure na mag-e-enjoy kayo nang makabawi na rin sa abala ko ngayon. I don't know that I drunk that much, Honey." Kinintalan niya ng isang mabilis na halik sa labi si Leo. Bahagya niya pang tinulak ito nang wala siyang marinig na kahit na anong pagtanggi dito sa plano nya. Agad nyang sinirado ang pinto nang makalabas si Leonardo para puntahan si Liezel. Tinungo siya sa table niya sa gawing kanan, binuksan ang laptop niya para mag-book ng beach resort na plano niya para sa fiance at para sa kaibigang si Liezel. She want to have a quality time sa dalawang espesyal na tao sa buhay niya ; sa mapagkakatiwalaan niyang kaibigan at sa mabait niyang katipan. "This is for the three of us..." bulong pa ni Yvonne sa sarili.----"Best friend.." sambit ni Yvonne sa pangalan ni Liezel nang maabutan niya ito sa kusina. Pababa pa lang siya nang marinig niya ang kalansingan ng mga kubyertos. Narito nga ang kaibigan niya at abala sa ginagawa nito. Lumingon si Liezel nang marinig siya nito. Mabilis itong nagpagpag ng basang kamay at pinunas sa apron na suot nito."Hi! Gising ka na pala," ani ni Liezel sa kaniya. Ngumiti siya rito nang lumapit siya sa gawi nito kaharap ang isang malaking mangkok na sa hula niyang sinasabi kanina ni Leo na lugaw."Kamusta pakiramdam mo? Still tipsy?" tanong nito sa kaniyang nakangiti. Nahihiya siyang umiling-iling dito. Hindi niya naman kasi talagang inaasahang malalasing siya sa kaunting alak na pinagsaluhan nila ng isa niya pang kaibigan na si Janice. Pakiramdam niya tinamaan talaga siya ng masama."Masakit ang ulo ko. Parang nasobrahan yata sa alak kagabi.""Feeling ko nga. First time kitang nakitang walang malay tao dahil sa kalasingan ha."Umiling-iling pa ito m
_______"Maraming salamat, Janice. Maaasahan talaga kita," pagtatapos ni Yvonne sa usapan nila nang kaibigan. May kaugnayan ito sa ilang bagay na pina-trabaho niya rito nang nakaraan. Ngayon, unti-unti niya nang nakukumpirma ang lahat. Ang ilang kutob niya, kung nagkakataon lang ba o mayroon talaga.Humigit siya ng buntong hininga kasabay ang pagsunod sa dalawang pinauna niya. Naabutan niya pang natatawa si Liezel habang nakatingin ito sa cellphone nito."Mukhang may pinag-uusapan yata kayo ah. Narinig ko iyong tawa mo," natatawang saad ni Yvonne habang palapit siya sa gawi ng dalawa."Hi! May pinapanuod kasi ako. Sorry! Napalakas ba ang tawa ko?" ani ni Liezel sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ni Leonardo at pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito."Baka malamig na iyang lugaw na hinanda mo. Kain na tayo?" Umupo siya paharap kay Yvonne sa kaliwang tabi ni Leonardo. Pagtataka naman ang nanahan sa kaniya sa pananahimik nito."Okay ka lang ba, Hun? May sakit ka
----"ANO ANG BALAK MO?" tanong ni Janice sa kaniya. May kaugnayan ito tungkol sa pinasubaybayan niya nang nakaraan. Nasa isang tabi sila ng daan ngayon gamit ang sasakyan niya nang kunin niya kay Janice."May balak ka bang sabihin sa kanila ang lahat?" dugtong pang tanong nito.Nagsindi siya ng sigarilyo. Binaling sa labas ang tingin. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot kay Janice, wala pa siyang matibay na desisyon."Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Janice." Napasinghap siya."Ang alam ko lang ngayon ayaw kong maging kontrabida— darating naman tayo d'on eh," natatawang saad niya.Hinawakan ni Janice ang kamay niya. Tumingin siya rito. Nagtaas siya ng tingin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya."Alam mong makakasama sa 'yo ang lahat ng nalaman mo, Yvonne," may pag-aalalang sambit nito sa kaniya."Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kung ano ang plano mo at kung ano tumatakbo sa isip mo nandito lang ako!" dugtong pa
____"NAKATULOG na siya," sambit ni Leonardo kay Liezel sa kabilang linya. Tinawagan niya agad ito nang malagay ng maayos sa higaan si Yvonne."Hindi ko alam kung ano ang nagyayari kay Yvonne, Liezel. ""Hindi ka pa nasanay kay Yvonne? E, simula sapol nang makilala mo iyan.. maluwag na talaga ang turnilyo iyan!" natatawang tugon nito sa kaniya."Shut up, Liezel! Hindi ka nakakatulong!" galit niyang sambit dito."Ano ba gusto mong tulong ang ibigay ko? Ang paligayahin ka habang nagkaka-episode iyang babae mo?" anito."Stop this! It's nonsense! Tinawagan kita dahil gusto kong huminga.. pero mas lalo mo akong dinidiin! Nakaka-stress ka!" nakakainis niyang sambit dito. Alam niya naman na hindi makakatulong sa kaniya si Liezel at masisiyahan pa ito sa binalita niya rito tungkol kay Yvonne. Walang paalam niyang pinindot ang end button ng cellphone niya at tinuon ang buong pansin kay Yvonne. Binihisan niya ito ng pampatulog pagkatapos nitong kumalma kanina. Wala man lang itong n
"LIEZEL! LET'S STOP THIS!" mariing pagkakasabi ni Leonardo kay Liezel nang muli niya itong tawagan nang makatulog si Yvonne sa tabi niya kani-kanina lang."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Leo? Let's stop this? Oh, cmon! Parang hindi naman tayo magkakakilala! Or, should I say, parang hindi mo naman ako kilala!" ani nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita si Liezel alam niyang nakangiti ito. Hindi man lang nakaramdam ng pagka-alarma sa gusto niyang sabihin dito."Masasaktan siya, Liezel! At ayaw kong mangyari iyon kay Yvonne. Alam mong mahal ko siya... mahal ko siya, Liezel!""And, I love you too.. So! Dahil mahal kita.. kaya for sure wala kang magagawa sa gusto kong mangyari. Ang mabuti pa, Leo, kalimutan mo na ang lahat ng gusto mong sabihin.""Hanggang kailan ba 'to, Liezel?""Hanggang masaya ako sa iyo at kahit hindi ka na masaya sa akin, basta't masaya ako sa 'yo walang makakapagpigil sa relasyon natin!" anito sa kaniya."Wala tayong relasyon! Malinaw sa ating dalawa
____Batangas, City Jail. "KAMUSTA ka na, Anak? Si Y-Yvonne?" tanong ng ama ni Leonardo nang dumalaw siya sa presinto. Wala ito sa plano niya ngayon, pero ilang buwan na rin siyang hindi nakakabisita mula sa huling dalaw nila kasama si Yvonne. Tumikhim muna siya bago niya sagutin ang tanong nito. "She's fine, Pa. Hindi lang siya sumama ngayon sa akin dahil kailangan niyang magpahinga," totoong sagot niya rito."May nangyari ba kay Yvonne?""Wala naman ho. Medyo stress lang dahil sa pag-aasikaso sa kasal namin."Ngumiti ito sa kaniya."Masaya ako para sa inyo, Leo. Sana lang huwag kang tutulad sa amin ng mommy mo."Nalungkot si Leonardo nang marinig ang mga salitang iyon mula sa tatay niya. Ang hindi nito alam ay nakakagawa na siya ng ilang bagay na labag sa loob nito; sa maaaring makasira sa kanila ni Yvonne. Para sa kaniya wala siyang pinagkaiba rito n'ong nasa laya pa ito. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawang pambabae ng ama niya sa mommy niya bago pa ito masang
--NAGING maganda naman ang naging lakad ni Liezel at Yvonne nagdaang gabi. Hindi niya na ito nagawang ibalita kay Leonardo dahil nagpahinga na siya nang hinatid siya ni Liezel. Inalok niya pa nga itong sa bahay niya na lang magpahinga at huwag na bumaba ng Tagaytay, matigas lang talaga ang ulo ng kaibigan niya at bumiyahe pa rin pauwi. Hindi niya naman ito pinigilan nang makumpirma sa katiwala ni Leo na nasa bahay lang ang nobyo niya at nagpapahinga na.Maaga siyang gumising ngayon para makapaghanda sa lakad nila ni Leonardo — apat na buwan na ang nakalipas mula nang alukin siya nitong magpakasal. She want to celebrate it with Leo. Gusto niya sana sa Siargao na lang dahil dalawang araw na lang naman at lakad na nila iyon. Natigilan si Yvonne nang may maalala; pinilig-pilig niya rin ang ulo niya para mawala ito sa isip niya. She's trying to forget everything, nangako naman siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang maulit pa ulit ang mga natuklasan niya sa pamamagitan ni Jan
"BEST..." AGAD na lumapit si Yvonne kay Liezel. Hinawakan nito ang kamay niyang nilahad niya rito. Napansin niya agad si Leonardo sa likuran nito; blangko ang mukha halatang nasira ang lakad sana na mayroon ang mga ito."Ano ang nangyari sa iyo?" pag-aalang tanong sa kaniya ni Yvonne. Pinagmasdan niya ito ng lihim mukhang ang ganda nito sa suot nitong dress na pinatungan ng coat na mukhang pagmamay-ari ni Leonardo."Baka UTI lang daw," sagot niyang tipid."Wala pa bang test?""Okay na ako sa antibiotic, Best. Bukas na bukas din daw pwedi na akong lumabas.""Bakit mo pa kami inabala ni Yvonne? Sinabi nya naman sayong may lakad kami 'di ba?" sabat ni Leonardo sa usapan. Lumingon si Yvonne sa gawi nito habang magkahawak kamay pa rin silang magkaibigan."Leo... nag-usap na tayo 'di ba?" ani naman ni Yvonne dito.Umiwas nang tingin si Leo sa kaniya nang lihim siyang ngumiti dito na may halong pang-iinis."Sa labas lang ako. I'm sorry, Hun." Paalam ni Leo. Sinundan nila nan