Share

Chapter 7

_______

"Maraming salamat, Janice. Maaasahan talaga kita," pagtatapos ni Yvonne sa usapan nila nang kaibigan. May kaugnayan ito sa ilang bagay na pina-trabaho niya rito nang nakaraan. Ngayon, unti-unti niya nang nakukumpirma ang lahat. Ang ilang kutob niya, kung nagkakataon lang ba o mayroon talaga.

Humigit siya ng buntong hininga kasabay ang pagsunod sa dalawang pinauna niya. Naabutan niya pang natatawa si Liezel habang nakatingin ito sa cellphone nito.

"Mukhang may pinag-uusapan yata kayo ah. Narinig ko iyong tawa mo," natatawang saad ni Yvonne habang palapit siya sa gawi ng dalawa.

"Hi! May pinapanuod kasi ako. Sorry! Napalakas ba ang tawa ko?" ani ni Liezel sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ni Leonardo at pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito.

"Baka malamig na iyang lugaw na hinanda mo. Kain na tayo?"

Umupo siya paharap kay Yvonne sa kaliwang tabi ni Leonardo. Pagtataka naman ang nanahan sa kaniya sa pananahimik nito.

"Okay ka lang ba, Hun? May sakit ka ba?" tanong niyang may pag-alala.

"W-wala. Dahil lang siguro 'to sa init kanina habang tinitingnan ko ang sasakyan," alibi ni Leonardo.

Hindi na umimik si Yvonne. Kumuha siya nang mangkok at nagsandok ng hinanda ni Liezel para sa kaniya.

"Na-miss ko 'to, Best. Naaalala ko nang ginagawan tayo ni manang nito sa probinsya," pagpapaalala niya sa kaibigan.

"Oo nga eh. Kaya nga naisip kong gawan ka nito para naman maging maayos ang pakiramdam mo pagkatapos kagabi."

Ngumiti siya sa harap ni Leizel.

"Oo nga pala. Hindi mo pa nasasabi sa akin ang dahilan ng paglalasing mo, Hun," pag-aalala sa kaniya ni Leonardo.

Tumingin siya dito pagkatapos ngumiti ng pilit. Naalala niya si Father Sarmiento ang ginawa nito sa kanya na pilit niyang kinakalimutan. Ayaw niya mang gawing issue 'yon, pilit pa din ito nagsusumiksik sa isip niya.

"Pre celebration lang, Hun. Sa nalalapit na kasal natin..." nakangiti niyang sagot dito. Hindi man iyon ang dahilang tunay, alam niyang paniniwalaan siya ni Leonardo.

"Nagtatampo nga ako sa kaibigan ko, Leo eh. Hindi man lang nagyaya."

"Sorry na."

"Mabuti na lang talaga at may sarili akong lakad kagabi at tulad mo, I'm so happy... we both happy."

NAPALUNOK si Leonardo sa narinig niya mula kay Liezel. Kung ano man ang gustong sabihin nito ay gusto niyang matigil na ang pag-uusap na iyon, ayaw niyang mag-isip ng mali si Yvonne.

"Sino naman ang kasama mo? Saan ka nagpunta? Ang sabi sa akin ni Janice, magkasunod kayo kagabi ni Leo na puntahan ako." Napalingon siya sa gawi ni Yvonne. Sinasabi niya na nga ba.

"Si Janice talaga oo. Sinabi ko naman sa kaniya na tumawag sa akin si Leo habang kasama ko ang mga kaibigan ko para itanong kung kasama kita," direktang sagot nito sa kaniya.

"Syempre. Dahil sa pag-aalala ni Leo sa iyo naalarma naman ako kaya sumunod agad ako sa address na binigay niya."

Nakaramdam lang siya nang maluwag na pakiramdam na hindi na nagtanong pa si Yvonne tungkol sa nangyari kagabi.

"Hindi ka ba naniniwala, Yvonne?" ilang sandaling tanong nito kay Yvonne. Gusto niyang balaan ng tingin si Liezel na huwag na itong masyadong maging matanong pa.

"Naniniwala naman ako. Kain na tayo. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari kagabi. Okay?" sabi ni Yvonne.

"Kumain ka na at pagkatapos mo magpahinga ka na. Alalahanin mong marami pa tayong kailangan ayusin sa kasal natin hindi ba?"

"Oo nga eh. Wala pa tayo sa kalahati."

"Ano pala nangyari sa simbahan?" tanong niya rito.

Umiwas ng tingin sa kaniya si Yvonne. Hindi pa rin ito nag-kwe-kwento sa kaniya mula nang iwan niya ito sa simbahan.

"Wala namang nangyari, Hun. Naging maayos ang lahat, nakausap ko rin si F-Father Sarmiento. At naging okay naman, pupunta na lang daw ako r'on kapag final na iyong date ng kasal."

"Sasamahan na lang kita sa susunod ha. Hindi na ulit kita iiwan d'on," pangako niya kay Yvonne. Ngumiti lang ito sa kaniya at binaling ang tingin kay Liezel.

"Sa harap ko pa talaga kayo naglalambingan ha." Agaw ni Liezel sa kanilang dalawa.

"Ipagpatuloy niyo lang iyan. No worries. Hindi ako naiingit." Tumawa ito nang tumawa at ganoon din si Yvonne. Hindi na muli siyang nagsalita at nag-ungkat pa ng ibang pag-uusapan dapat nila ni Yvonne. Hihintayin niya na lang na wala si Liezel sa eksena, ayaw niya ang ginagawa nitong pag-a-atribida. Baka ito lang ang magiging dahilan para may mahalata si Yvonne sa mga maling ginagawa nilang dalawa.

NGITNGIT sa damdamin ang nararamdaman ni Liezel matapos nilang pagsaluhan ang hinanda niya para sa hang-over ni Yvonne. Nagpaalam sa kaniya ang dalawang umakyat sa silid ni Yvonne, ang sabi ni Leonardo ay sasamahan niya itong magpahinga.

Masakit pa rin daw ang ulo ng magaling niyang kaibigan, ani ni Liezel sa sarili niya. Masama ang tingin ang pinagkaloob niya sa dinaanan ng mga ito. Ibang-iba ang binibigay na pag-aalaga ni Leonardo kay Yvonne, malayong-malayo kapag silang dalawa lang ang magkasama.

'Kailan ka ba mawawala sa eksena Yvonne? Kailan ka ba magpakatanga na walang ginagawang milagro si Leonardo sa likod mo?' galit niyang tanong.

'Gusto kong sabihin sa iyo ang lahat! Pero ayaw kitang saktan. Baka bumalik lang ang sakit mo't ikabaliw mo pa!' natatawang bulong ni Liezel sa sarili niya.

'Pero sabagay! Isa lang naman ang gusto kong mangyari. Ang mawala ka Yvonne sa landas namin ni Leonardo bago pa mangyari ang kasal niyong dalawa!' usal niya.

'I-enjoy mo lang si Leo at pagkatapos ng lahat ng 'to ako naman. Dahil kapag malaman mo na ang lahat dalawa lang ang posibleng mangyari, ang maging baliw ka o ang ikamatay mo!' anito ko.

'Poor Yvonne. My loving bestfriend!' dugtong ko pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status