The Scandal ||| The Last Scandal __ ST. THERESE BATANGAS, DAHIL sa pagiging abala ni Archie sa last exhibit nito, tanging si Yvonne lang naging ang punong-abala rin sa pag-aasikaso ng kasal nilang dalawa. Kasalukuyan siyang nandito sa simbahan ng St. Therese para magpa-schedule ng kasal nilang magkasintahan. Marami nang nagbago wala na rin iyong pari na minsang nagbigay sa kaniya ng kaba at pagkawala ng respeto niya sa ginawa nito sa kaniya n'on. Kasalukuyan siyang narito sa harap ng altar pinagmamasdan ang malaking krus. Umusal siya nang panalangin, ganoon na rin ang pangangamusta niya sa magulang niya at pagbibigay-alam niya sa mga itong nasa maayos ang lagay niya. "Yvonne.." Lumingon si Yvonne. Hindi akalaing si Leonardo ang napaglingunan niya. Tumingin siya ritong may pagtatanong kung ano ang ginagawa nito d'on. "Muntik na kitang hindi makilala. Short hair eh," natatawang sabi nito. Ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Halos sabay pa nilang bigkas sa isa't i
"ARE YOU OKAY HERE, HUN? KANINA PA KITA NAPAPANSING HINDI MAPAKALI. SOMETHING WRONG?" tanong ni Leonardo sa mapapangasawa nitong si Yvonne.Punong-abala ito sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal kaya nasa isang simbahan ngayon para sa pagpapa-schedule ng pari at simbahan sa araw ng gusto nilang dalawa."Okay lang ako rito, Hun. Bakit may kailangan ka bang asikasuhin?" balik tanong ni Yvonne sa fiancé niya. Kanina niya pa rin ito napapansing hindi mapakali at panay ang tingin sa sariling cellphone nito kahit kaninang magkatabi silang dalawa. Kapag madalas ganoon si Leo, alam niyang work matters ito at naiintindihan niya madalas ang sitwasyon. Isang branch manager si Leo sa rent-a-car service na sikat sa kamaynilaan."Kinukulang ng driver sa isang branch namin sa Makati. Hanep kasi ang mga tao ngayon at sabay-sabay ang leave," anito sa kaniya.Sinasabi na nga ba niya. Napangiti na lamang siya wala siyang laban kung kinakailangan nitong umalis para nga sa sinasabi nitong trabaho."I
_____ "BAKIT kasi hindi mo na lang hiwalayan ang babaeng iyon. I'll make sure naman na magiging masaya ka sa akin kapag ang pinili mo, Leonardo.." Bigla ang ginawang pagtabing ni Leonardo sa babaeng kasama niya ngayon sa sarili niyang kama sa condo niya."Ouch!" angil ni Liezel. Hindi nagawang paghandaan ang ginawa sa kaniya ng lalaki. "Ano ba nangyayari sa 'yo ha? Kanina lang we're fine. Tapos aartihan mo ako ng ganyan!" aniya pang hindi nagawang ikubli ang galit na naramdaman niya rito."Dahil paulit-ulit ka! Napag-usapan na natin 'to! At alam mo kung ano ang papel mo sa buhay ko. Mahal ko si Yvonne, Liezel!" klaro at buo niyang bigkas dito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang masamang tingin nito sa kaniya bago umiwas ng tingin."Please, Liezel. Alam mong masaya ako sa iyo at ganoon ka rin naman sa akin. But you have to stay on your own place. Magiging asawa ko si Yvonne at pakakasalan ko siya kahit na ano ang mangyari."Tinangka niyang kunin ang kamay nito. Muli
_____KANINA pa pinagmamasdan ni Leonardo si Liezel. Mahimbing na ang tulog nito sa tabi niya. Kahit kanina lang ay may hindi sila pagkakaunawaang dalawa, nawala naman agad iyon dahil sa ilang ulit na may nangyari sa kanila. Ganoon naman talaga si Liezel, kaunting lambing lang dito ay bumibigay naman ito. Napabuntunghininga siya nang maalala si Yvonne. Hindi pa rin nagtetext o tumatawag sa kaniya ang babaeng pakakasalan. Siguro ang akala ni Yvonne, ay nasa trabaho siya kaya ayaw siya nitong abalahin. Siya rin din naman 'tong hindi tumatawag dito. Hindi niya pa nga natatanong kung kamusta ang naging lakad nito matapos niya itong iwan sa simbahan. Nagtitiwala naman siya kay Yvonne, na hindi mababalewala ng basta-basta ang lakad nito.Muling tinuon ni Leonardo ang tingin kay Liezel. Tama ang sinabi nito kanina; sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Maganda ito, sexy, makinis ang balat at galing sa isang mayamang pamilya— Mayor ang ama ni Liezel sa probinsya nito sa Aklan. Ang pro
"I'M back.. with our vodka spritz. Paborito mo 'to hindi ba?" masayang bigkas ni Janice nang bumalik ito sa cubicle nilang dalawa."Jan, thank you. Kung wala ka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Siguro, sa sobrang hindi ko naiintindihan laman ng isip ko baka tumalon na ako sa tulay," biro ni Yvonne sa kaibigan."Anong tulay ang pinagsasabi mo diyan! Tigilan mo nga ako, Yvonne. Alam mo naman na one call away lang ako para sa 'yo.""Kahit busy ka?""Kahit gaano ako ka-busy 'no!"Isang malakas na tawanan ang pinagkaloob nila sa isa't isa. Nagsalin ng alak si Janice sa kopetang dala nito matapos lagyan ng maraming yelo."Para walang hangover at baka magtaka si Leonardo, kung bakit ka umiinom.""Wala naman problema kay Leo. Maiintindihan niya naman ako at isa pa, ikaw naman ang kasama ko.""Kahit na 'no! Ayaw ko pa rin na isipin ni Leo na masama ang impluwensiya ko sa 'yo."Umupo si Janice sa tabi ni Yvonne. Ngumiti ito sa kaniya."Be okay ha. Kung ano ma
"ANO'NG NANGYAYARI RITO?" untag ni Leonardo nang makarating siya sa address ng bar na sinabi sa kaniya. Naabutan nya si Janice kasama si Yvonne na sa unang tingin pa lang alam niyang walang malay tao dahil prente itong nakahiga sa coach."W-what are you doing here?" tanong ni Janice sa kaniya. May pagtataka sa mga mata nito; hindi inaasahan ang pagdating niya."Whats happen to Yvonne?" kapagkuwang tanong ni Liezel na biglang sumulpot sa likuran ni Leonardo."Nothing happen to Yvonne. Nalasing lang siya. Teka lang! Ano'ng ginagawa niyo rito?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Janice sa kanilang dalawa— hindi nawala ang pagtataka sa mga mata nito."Nakita kayo ng isa kong kakilala rito. Nakita niyang lasing daw si Yvonne kaya nag-alala siya rito," totoong sagot niya. Nakumbinse niya naman siguro ito sa sagot niya. Sinundan niya ng tingin ang tingin nito nang lumipat kay Liezel."And, you?" aniya."Tinawagan ako ni Leonardo, nagtatanong kung kasama ko raw si Yvonne. And, Yvonn
----"Best friend.." sambit ni Yvonne sa pangalan ni Liezel nang maabutan niya ito sa kusina. Pababa pa lang siya nang marinig niya ang kalansingan ng mga kubyertos. Narito nga ang kaibigan niya at abala sa ginagawa nito. Lumingon si Liezel nang marinig siya nito. Mabilis itong nagpagpag ng basang kamay at pinunas sa apron na suot nito."Hi! Gising ka na pala," ani ni Liezel sa kaniya. Ngumiti siya rito nang lumapit siya sa gawi nito kaharap ang isang malaking mangkok na sa hula niyang sinasabi kanina ni Leo na lugaw."Kamusta pakiramdam mo? Still tipsy?" tanong nito sa kaniyang nakangiti. Nahihiya siyang umiling-iling dito. Hindi niya naman kasi talagang inaasahang malalasing siya sa kaunting alak na pinagsaluhan nila ng isa niya pang kaibigan na si Janice. Pakiramdam niya tinamaan talaga siya ng masama."Masakit ang ulo ko. Parang nasobrahan yata sa alak kagabi.""Feeling ko nga. First time kitang nakitang walang malay tao dahil sa kalasingan ha."Umiling-iling pa ito m
_______"Maraming salamat, Janice. Maaasahan talaga kita," pagtatapos ni Yvonne sa usapan nila nang kaibigan. May kaugnayan ito sa ilang bagay na pina-trabaho niya rito nang nakaraan. Ngayon, unti-unti niya nang nakukumpirma ang lahat. Ang ilang kutob niya, kung nagkakataon lang ba o mayroon talaga.Humigit siya ng buntong hininga kasabay ang pagsunod sa dalawang pinauna niya. Naabutan niya pang natatawa si Liezel habang nakatingin ito sa cellphone nito."Mukhang may pinag-uusapan yata kayo ah. Narinig ko iyong tawa mo," natatawang saad ni Yvonne habang palapit siya sa gawi ng dalawa."Hi! May pinapanuod kasi ako. Sorry! Napalakas ba ang tawa ko?" ani ni Liezel sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ni Leonardo at pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito."Baka malamig na iyang lugaw na hinanda mo. Kain na tayo?" Umupo siya paharap kay Yvonne sa kaliwang tabi ni Leonardo. Pagtataka naman ang nanahan sa kaniya sa pananahimik nito."Okay ka lang ba, Hun? May sakit ka