"ARE YOU OKAY HERE, HUN? KANINA PA KITA NAPAPANSING HINDI MAPAKALI. SOMETHING WRONG?" tanong ni Leonardo sa mapapangasawa nitong si Yvonne.
Punong-abala ito sa pag-aasikaso ng nalalapit nilang kasal kaya nasa isang simbahan ngayon para sa pagpapa-schedule ng pari at simbahan sa araw ng gusto nilang dalawa."Okay lang ako rito, Hun. Bakit may kailangan ka bang asikasuhin?" balik tanong ni Yvonne sa fiancé niya.Kanina niya pa rin ito napapansing hindi mapakali at panay ang tingin sa sariling cellphone nito kahit kaninang magkatabi silang dalawa. Kapag madalas ganoon si Leo, alam niyang work matters ito at naiintindihan niya madalas ang sitwasyon. Isang branch manager si Leo sa rent-a-car service na sikat sa kamaynilaan."Kinukulang ng driver sa isang branch namin sa Makati. Hanep kasi ang mga tao ngayon at sabay-sabay ang leave," anito sa kaniya.Sinasabi na nga ba niya. Napangiti na lamang siya wala siyang laban kung kinakailangan nitong umalis para nga sa sinasabi nitong trabaho."I understand, Hun. Sandali lang naman siguro 'to. Nasa meeting lang daw si father at narinig mo naman kanina na okay lang kahit mag-isa lang ang magpa-set ng schedule," aniya."Talaga ba? Okay lang ba?" tanong sa kaniya ni Leonardo."I'm fine here. Sigi na. Sayang din iyang kikitain niyo ngayon kung hindi mo pupuntahan. Alam ko dedikasyon mo sa trabaho, Leo. Naiintindihan ko. Atsaka baka mahirapan d'on si Danilo."Tukoy nito sa kaibigan niyang may-ari ng kompanya."Salamat, Hun. Balitaan mo ako ha.""I will. Mag-iingat ka."Isang mabilis na halik sa labi niya ang pinagkaloob sa kaniya ni Leo bago ito nagmadaling umalis. Napakibit-balikat na lamang siya habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa mawala sa paningin niya ang fiance niya."Miss Gonzalo, pinapatawag na kayo ni Father Enriquez," untag ng isang babae kay Yvonne. Hindi niya man lang namalayan ang pagdating nito sa harap niya."Iyong kasama niyo, ma'am?" tanong nito sa kaniya. Si Leo siguro ang tinutukoy nito."Umalis eh. May trabaho. Bakante na ba si father? Okay lang naman ako kahit ako lang 'di ba?""Wala naman problema, Ma'am. Halika po kayo."Nagpatiuna ito sa paglalakad niya. Mabuti naman at ayos lang na siya lang mag-isa ang makipag-usap kay father. Hindi niya rin naisip kanina si Janice na isama ang kaibigan niya."Tuloy po kayo. Hintayin niyo lang ho si father at nagpalit lang ng damit."Ngumiti si Yvonne dito. Mukha naman itong mabait kaya umaasa siyang mapapalagayan niya ito ng loob.Ilang sandali nagpaalam ito sa kaniya. Umupo siya sa upuang binigay nito at malayang pinaikot ang paningin sa loob ng maliit na opisina kung saan siya nar'on ngayon. Simple lang ito, walang gaanong palamuti maliban sa holy family na pinagmamasdan niya ngayon sa harap niya sa ibabaw ng table ni Father Simon Enriquez.~~~~"HELLO! MR. ASUNCION? Nasaan ka na? Kanina pa kita hinihintay rito, our candle light room is ready, Luv," bungad ng babae sa kabilang linya.Nakahinga ng maluwag si Leonardo ng tuluyan siyang makaalis sa loob kung saan naiwan si Yvonne. Nagsinungaling siya rito, para lamang hayaan siyang umalis ng mapapangasawa at hindi naman siya nabigo dahil hindi naman ito nagdalawang-isip para payagan siyang umalis sa dahilan niyang may kaugnayan sa trabaho."I'm coming. Alam mo naman na may lakad kami ni Yvonne ngayon. Hindi ako basta-basta nakaalis sa tabi niya, mabuti na nga lang at nakagawa ako ng paraan. Okay.""Alam ko naman na wala kang kayang hindi gawin para sa akin, Leo. Ganyan mo ako kamahal. Ang hindi ko lang alam ay kung bakit hindi ka na lang umatras sa kasal niyo sa babaeng iyon!""Liezel! Stop this! Napag-usapan na natin 'to. Nagkasundo na tayo. Huwag mo ng ulit-ulitin pa sa akin ang gusto mong mangyari, dahil alam mo ang magiging sagot ko!""Okay. Come on! Wala naman akong ibang sinabi pa, Luv. Ang akin lang naman ay ang mas mahabang oras mo sana. Alam mo naman na masaya akong kasama ka at alam kong ikaw rin kapag sa kama magkasama tayo hindi ba, Leo?!" makabuluhang wika nito sa kaniya.Wala sa sariling napangiti si Leonardo. Magaling talaga ang babaeng kausap nya pagdating sa kahinaan niya- ang bagay na hindi kayang ibigay sa kaniya ni Yvonne n'on pa man. Kahit nakakaramdam siya ng inis dito minsan hindi niya maiwasang hindi hayaan ang sariling magpatuloy sa mga lihim na sandaling mayroon silang dalawa.Ang pangangailangan niyang si Liezel Alegre lang ang nagbigay sa kaniya- ang matalik na kaibigan ng fiancee niyang si Yvonne.Napasinghap si Leo sa mga naisip, wala siyang dapat ipangamba dahil hindi pa naman sila kasal ni Yvonne, malaya pa siyang gawin ang lahat ng gusto niya; kabilang na rito ang mga hiram na sandali nila ni Liezel.Aminin niya man o sa hindi, ito lang ang nagbibigay sa kaniya ng ligaya pagdating sa kama, ang sensasyong gusto niyang maramdaman kay Yvonne.Masyado lang naniniwala ang mapapangasawa niya na walang mangyayari sa kanilang dalawa hanggang hindi pa sila kinakasal. Naiintindihan niya naman si Yvonne sa lagay na 'yon, willing naman siyang maghintay.Pakiramdam niya nga hindi na magtatagal at paunti-unti na ring pumapayag ang mapapangasawa sa pinagkakaloob niyang halik dito.Napangiti siya.Sino ba naman ang hindi pangangarapin ang tulad ni Yvonne? Maganda ito, seksi, makinis at maswerte siya dahil sa kaniya nakatakdang mapupunta ang kalinisan ni Yvonne. Hindi katulad ni Liezel, hindi na ito birhin ng unang pagniniig nilang dalawa; si Yvonne pa rin ang pangarap niya at ang babaeng pakakasalan niya dahil mahal niya.Si Liezel lang ngayon ang nagbibigay sagot sa pangangailangan niya, ang nagsisilbing laruan niya bago ang kasal nila ni Yvonne. Para sa kaniya madali lang naman tanggalin sa buhay niya ang babae kapag kasal na silang dalawa ni Yvonne, hindi siya mahihirapan dahil iyon ang kanilang naging usapan bago pa may nangyari sa kanila hanggang sa naulit at naulit na lamang itong hindi niya rin magawang tanggihan.Heto nga ngayon at naghihintay na naman sa kaniya si Liezel sa condo niya. Mapapasabak na naman siya sa laban.~~~NAPALUNOK si Yvonne sa hindi napaghandaang pag-akbay sa kaniya ni Father Simon. Hindi siya naging komportable lalo na ng pisilin nito ang balikat niya."Mawalang galang na po, Father. Ano ang ginagawa niyo?" Mabilis naman itong umatras para sa maliit na espasyong pagitan sa kanila. Hindi ito sumagot sa kaniya, ngunit nanatili ang makabuluhang ngiti na sumilay sa labi nito."You look so great, Ms. Gonzalo. Swerte ang mapapangasawa mo," anito sa kaniya. Iniwas ni Yvonne ang mga tingin niya't binaba sa cellphone na hawak niya.Napalunok siya't kasabay na umiling-iling sa hindi maipaliwanag na nararamdaman."Ang mabuti pa, sa susunod na lang ako ulit pupunta rito! Kapag kasama ko na ang mapapangasawa ko. Excuse me!"Mabilis ang ginawang pagtalikod ni Yvonne. Hindi niya inabala ang sarili niyang lingunin ang pari na kanina lang hinihintay niya, kung hindi siya magkakamali hindi magkakalayo ang edad nito at ni Leonardo. Sumagi sa isip niya ang ginawang pagpayag niya kanina rito, nalagay siya sa sitwasyong nagdulot sa kaniya ng hindi komportableng pakiramdam.Mali sana ang iniisip niya, iyon ang paulit-ulit na usal ni Yvonne sa sarili habang walang lingon-likod na mabilis na naglakad palayo sa opisina ni Father Simon._____ "BAKIT kasi hindi mo na lang hiwalayan ang babaeng iyon. I'll make sure naman na magiging masaya ka sa akin kapag ang pinili mo, Leonardo.." Bigla ang ginawang pagtabing ni Leonardo sa babaeng kasama niya ngayon sa sarili niyang kama sa condo niya."Ouch!" angil ni Liezel. Hindi nagawang paghandaan ang ginawa sa kaniya ng lalaki. "Ano ba nangyayari sa 'yo ha? Kanina lang we're fine. Tapos aartihan mo ako ng ganyan!" aniya pang hindi nagawang ikubli ang galit na naramdaman niya rito."Dahil paulit-ulit ka! Napag-usapan na natin 'to! At alam mo kung ano ang papel mo sa buhay ko. Mahal ko si Yvonne, Liezel!" klaro at buo niyang bigkas dito. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang masamang tingin nito sa kaniya bago umiwas ng tingin."Please, Liezel. Alam mong masaya ako sa iyo at ganoon ka rin naman sa akin. But you have to stay on your own place. Magiging asawa ko si Yvonne at pakakasalan ko siya kahit na ano ang mangyari."Tinangka niyang kunin ang kamay nito. Muli
_____KANINA pa pinagmamasdan ni Leonardo si Liezel. Mahimbing na ang tulog nito sa tabi niya. Kahit kanina lang ay may hindi sila pagkakaunawaang dalawa, nawala naman agad iyon dahil sa ilang ulit na may nangyari sa kanila. Ganoon naman talaga si Liezel, kaunting lambing lang dito ay bumibigay naman ito. Napabuntunghininga siya nang maalala si Yvonne. Hindi pa rin nagtetext o tumatawag sa kaniya ang babaeng pakakasalan. Siguro ang akala ni Yvonne, ay nasa trabaho siya kaya ayaw siya nitong abalahin. Siya rin din naman 'tong hindi tumatawag dito. Hindi niya pa nga natatanong kung kamusta ang naging lakad nito matapos niya itong iwan sa simbahan. Nagtitiwala naman siya kay Yvonne, na hindi mababalewala ng basta-basta ang lakad nito.Muling tinuon ni Leonardo ang tingin kay Liezel. Tama ang sinabi nito kanina; sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Maganda ito, sexy, makinis ang balat at galing sa isang mayamang pamilya— Mayor ang ama ni Liezel sa probinsya nito sa Aklan. Ang pro
"I'M back.. with our vodka spritz. Paborito mo 'to hindi ba?" masayang bigkas ni Janice nang bumalik ito sa cubicle nilang dalawa."Jan, thank you. Kung wala ka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Siguro, sa sobrang hindi ko naiintindihan laman ng isip ko baka tumalon na ako sa tulay," biro ni Yvonne sa kaibigan."Anong tulay ang pinagsasabi mo diyan! Tigilan mo nga ako, Yvonne. Alam mo naman na one call away lang ako para sa 'yo.""Kahit busy ka?""Kahit gaano ako ka-busy 'no!"Isang malakas na tawanan ang pinagkaloob nila sa isa't isa. Nagsalin ng alak si Janice sa kopetang dala nito matapos lagyan ng maraming yelo."Para walang hangover at baka magtaka si Leonardo, kung bakit ka umiinom.""Wala naman problema kay Leo. Maiintindihan niya naman ako at isa pa, ikaw naman ang kasama ko.""Kahit na 'no! Ayaw ko pa rin na isipin ni Leo na masama ang impluwensiya ko sa 'yo."Umupo si Janice sa tabi ni Yvonne. Ngumiti ito sa kaniya."Be okay ha. Kung ano ma
"ANO'NG NANGYAYARI RITO?" untag ni Leonardo nang makarating siya sa address ng bar na sinabi sa kaniya. Naabutan nya si Janice kasama si Yvonne na sa unang tingin pa lang alam niyang walang malay tao dahil prente itong nakahiga sa coach."W-what are you doing here?" tanong ni Janice sa kaniya. May pagtataka sa mga mata nito; hindi inaasahan ang pagdating niya."Whats happen to Yvonne?" kapagkuwang tanong ni Liezel na biglang sumulpot sa likuran ni Leonardo."Nothing happen to Yvonne. Nalasing lang siya. Teka lang! Ano'ng ginagawa niyo rito?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Janice sa kanilang dalawa— hindi nawala ang pagtataka sa mga mata nito."Nakita kayo ng isa kong kakilala rito. Nakita niyang lasing daw si Yvonne kaya nag-alala siya rito," totoong sagot niya. Nakumbinse niya naman siguro ito sa sagot niya. Sinundan niya ng tingin ang tingin nito nang lumipat kay Liezel."And, you?" aniya."Tinawagan ako ni Leonardo, nagtatanong kung kasama ko raw si Yvonne. And, Yvonn
----"Best friend.." sambit ni Yvonne sa pangalan ni Liezel nang maabutan niya ito sa kusina. Pababa pa lang siya nang marinig niya ang kalansingan ng mga kubyertos. Narito nga ang kaibigan niya at abala sa ginagawa nito. Lumingon si Liezel nang marinig siya nito. Mabilis itong nagpagpag ng basang kamay at pinunas sa apron na suot nito."Hi! Gising ka na pala," ani ni Liezel sa kaniya. Ngumiti siya rito nang lumapit siya sa gawi nito kaharap ang isang malaking mangkok na sa hula niyang sinasabi kanina ni Leo na lugaw."Kamusta pakiramdam mo? Still tipsy?" tanong nito sa kaniyang nakangiti. Nahihiya siyang umiling-iling dito. Hindi niya naman kasi talagang inaasahang malalasing siya sa kaunting alak na pinagsaluhan nila ng isa niya pang kaibigan na si Janice. Pakiramdam niya tinamaan talaga siya ng masama."Masakit ang ulo ko. Parang nasobrahan yata sa alak kagabi.""Feeling ko nga. First time kitang nakitang walang malay tao dahil sa kalasingan ha."Umiling-iling pa ito m
_______"Maraming salamat, Janice. Maaasahan talaga kita," pagtatapos ni Yvonne sa usapan nila nang kaibigan. May kaugnayan ito sa ilang bagay na pina-trabaho niya rito nang nakaraan. Ngayon, unti-unti niya nang nakukumpirma ang lahat. Ang ilang kutob niya, kung nagkakataon lang ba o mayroon talaga.Humigit siya ng buntong hininga kasabay ang pagsunod sa dalawang pinauna niya. Naabutan niya pang natatawa si Liezel habang nakatingin ito sa cellphone nito."Mukhang may pinag-uusapan yata kayo ah. Narinig ko iyong tawa mo," natatawang saad ni Yvonne habang palapit siya sa gawi ng dalawa."Hi! May pinapanuod kasi ako. Sorry! Napalakas ba ang tawa ko?" ani ni Liezel sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ni Leonardo at pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito."Baka malamig na iyang lugaw na hinanda mo. Kain na tayo?" Umupo siya paharap kay Yvonne sa kaliwang tabi ni Leonardo. Pagtataka naman ang nanahan sa kaniya sa pananahimik nito."Okay ka lang ba, Hun? May sakit ka
----"ANO ANG BALAK MO?" tanong ni Janice sa kaniya. May kaugnayan ito tungkol sa pinasubaybayan niya nang nakaraan. Nasa isang tabi sila ng daan ngayon gamit ang sasakyan niya nang kunin niya kay Janice."May balak ka bang sabihin sa kanila ang lahat?" dugtong pang tanong nito.Nagsindi siya ng sigarilyo. Binaling sa labas ang tingin. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot kay Janice, wala pa siyang matibay na desisyon."Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Janice." Napasinghap siya."Ang alam ko lang ngayon ayaw kong maging kontrabida— darating naman tayo d'on eh," natatawang saad niya.Hinawakan ni Janice ang kamay niya. Tumingin siya rito. Nagtaas siya ng tingin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya."Alam mong makakasama sa 'yo ang lahat ng nalaman mo, Yvonne," may pag-aalalang sambit nito sa kaniya."Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kung ano ang plano mo at kung ano tumatakbo sa isip mo nandito lang ako!" dugtong pa
____"NAKATULOG na siya," sambit ni Leonardo kay Liezel sa kabilang linya. Tinawagan niya agad ito nang malagay ng maayos sa higaan si Yvonne."Hindi ko alam kung ano ang nagyayari kay Yvonne, Liezel. ""Hindi ka pa nasanay kay Yvonne? E, simula sapol nang makilala mo iyan.. maluwag na talaga ang turnilyo iyan!" natatawang tugon nito sa kaniya."Shut up, Liezel! Hindi ka nakakatulong!" galit niyang sambit dito."Ano ba gusto mong tulong ang ibigay ko? Ang paligayahin ka habang nagkaka-episode iyang babae mo?" anito."Stop this! It's nonsense! Tinawagan kita dahil gusto kong huminga.. pero mas lalo mo akong dinidiin! Nakaka-stress ka!" nakakainis niyang sambit dito. Alam niya naman na hindi makakatulong sa kaniya si Liezel at masisiyahan pa ito sa binalita niya rito tungkol kay Yvonne. Walang paalam niyang pinindot ang end button ng cellphone niya at tinuon ang buong pansin kay Yvonne. Binihisan niya ito ng pampatulog pagkatapos nitong kumalma kanina. Wala man lang itong n