"I'M back.. with our vodka spritz. Paborito mo 'to hindi ba?" masayang bigkas ni Janice nang bumalik ito sa cubicle nilang dalawa.
"Jan, thank you. Kung wala ka hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Siguro, sa sobrang hindi ko naiintindihan laman ng isip ko baka tumalon na ako sa tulay," biro ni Yvonne sa kaibigan. "Anong tulay ang pinagsasabi mo diyan! Tigilan mo nga ako, Yvonne. Alam mo naman na one call away lang ako para sa 'yo." "Kahit busy ka?" "Kahit gaano ako ka-busy 'no!" Isang malakas na tawanan ang pinagkaloob nila sa isa't isa. Nagsalin ng alak si Janice sa kopetang dala nito matapos lagyan ng maraming yelo. "Para walang hangover at baka magtaka si Leonardo, kung bakit ka umiinom." "Wala naman problema kay Leo. Maiintindihan niya naman ako at isa pa, ikaw naman ang kasama ko." "Kahit na 'no! Ayaw ko pa rin na isipin ni Leo na masama ang impluwensiya ko sa 'yo." Umupo si Janice sa tabi ni Yvonne. Ngumiti ito sa kaniya. "Be okay ha. Kung ano man iyang dinadala mong hindi mo pa kaya sabihin sa akin ngayon. I want you to be okay. Mahalaga ka sa akin, Yvonne." "Thank you, Jan." Nagbaba siya ng tingin sa kamay nitong nakahawak sa kamay niya. "You don't know how much I'm feel safe, kasi nandiyan ka sa tabi ko ngayon. Masaya ako't nababawasan iyong dinadamdam ko." "Okay lang. Ano ka ba! Anytime, anywhere. Kahit saan. I will be with you." Iniwas niya ang tingin dito nang maalala niya si Liezel— ang matalik niyang kaibigan na matagal niya na ring hindi makakasama. "I can't find Liezel eh. Alam mo naman na bukod sa 'yo, siya lang iyong kaibigan na maasahan ko palagi." "Baka naman busy lang. Alam mo naman iyon si Liezel, parang hindi mo pa kilala iyon at kung ano anong aktibidades ang ginagawa n'on." "I know naman. At naiintindihan ko naman siya. Minsan nakaka-miss lang din talaga samahan naming dalawa. Na-mi-miss ko lang siguro siya." "Nandito naman ako eh. For the meantime, I can be Liezel. Okay lang ba?" Muli niyang tinuon ang tingin kay Janice. Tinaas niya ang kopetang hawak niya. "Cheers for this night..." "Cheers for this night, Yvonne." Sabay nilang tinungga ang alak. Halos nasaid nilang dalawa ito ng sabay. Natawa na lang silang dalawa nang muling nagkatinginan sa isa't isa. "We have to enjoy this night. Malay mo, pagkatapos ng kasal niyo ni Leonordo ay bigla ka na lang niyang pagbabawalan sa mga tulad ng ganito." "No! Hindi gagawin ni Leonardo iyon. Alam ko, atsaka walang magbabago." "Talaga? Baka sinasabi mo lang ngayon iyan." "Hindi nga. Sure ako r'on. One call away pa rin ako.. Maliban lang siguro kung may bata na akong kailangan bantayan." Tumawa sila ni Janice. Wala pa naman sa plano nila ni Leonardo iyon. Hindi pa naman nila napag-uusapang dalawa iyon. Ang gusto lang nila mangyari pagkatapos ng kasal nilang dalawa ay maging mabuti ang pakikitungo ng pamilya ng bawat isa. Natigilan si Yvonne nang maalala ang sitwasyon ngayon ng mga magulang ni Leonardo. Hindi niya naiwasang maging malungkot. "Inom pa. Papakalasing tayong dalawa ngayon." "You can bring me home pa ba?" "Oo naman 'no! Ako pa ba? Hindi kita pababayaan mag-isang umuwi. Kargo kita, Yvonne." "Thank you, Jan. Cheers." •• NAPATAYO si Leonardo mula sa pagkakahiga nang makita ang larawan ni Yvonne sa isang bar kasama ang kaibigan nitong si Janice. Si-nend ito sa kaniya ng kaibigan niyang nandoon din sa bar na 'yon. Nagtanong ito sa kaniya kung may problema ba silang dalawa ni Yvonne at bakit nakita nya itong nag-iinom at wala siya. Muling nakatulog si Liezel sa tabi niya ng magbaba siya ng tingin. Ala-una na ng madaling araw ngayon— kailangan niyang puntahan si Yvonne, hindi niya pweding pabayaan ang kasintahan. Wala naman siyang alam na may problema silang dalawa, ang alam niya ay maayos ang lahat sa kanilang dalawa. "Leo? Saan ka? Ang aga pa ah." Napaupo si Liezel nang makita nitong sinusuot niya ang t-shirt niya. "Kailangan kong puntahan si Yvonne." "Ha? Bakit? Ano'ng nangyari?" "She's drunk!" "Drunk? Si Yvonne? Umiinom? Sino kasama? Huwag mong sabihin sa akin na may ibang lalaki ang santa mong asawa?!" pang-uuyam ni Liezel. "Stop it, Liezel! Yvonne is not okay. Malakas ang kutob kong may dinadala ang fiancee ko." "Wow! Ouch! Sa harap ko pa talaga mismo? Okay ka rin 'no! Kapag nangangati ka; ako ang hanap mo!" "Liezel. Please. Please. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Yvonne. Kilala mo ang kaibigan mo, hindi siya ganoon." "Sino nga ang kasama?" naging mahinahong tanong nito sa kaniya. "Si Janice." "Kasama niya naman pala si Janice eh. Ano pinag-aalala mo? Knowing Janice, hindi siya pababayaan n'on. Stay, Leo! Hindi ka naman niya hinahanap e. Atsaka malay mo ba kung may ibang kasama mga iyon!" "Hindi ganoon si Yvonne! Hindi siya katulad ng ibang babae— hindi siya katulad..." "Katulad ko? Bakit hindi mo ituloy? 'di ba iyon naman ang gusto mong sabihin? Hindi siya katulad ko! Come on! Say it, Leo!" galit nitong bulyaw sa kaniya. Umiwas ng tingin si Leonardo dito. Wala siyang panahon makipagtalo kay Liezel, kailangan niyang puntahan si Yvonne iyon ang alam nya. "Sasama ako!' "Liezel! Ano ba? Gusto mo bang makita tayong magkasama ni Yvonne ha?" Pagtangka niyang pagpigil dito. "Kaibigan ko rin si Yvonne, Leo. At kilala ko ang kaibigan ko, hindi magdududa iyon— dahil hindi madumi ang utak n'on! Okay! Trust me!" Sinundan niya ng tingin ang pagtayo nito, tuloy-tuloy na pumasok sa sariling banyo sa loob ng kwarto niya. Wala siyang nagawa kun 'di hayaan na lamang ito dahil isang malaking gulo lang kung hindi niya pagbibigyan ang babae sa gusto nito. Suot-suot ang isang pulang dress ay muling lumabas si Liezel. Nakaayos na ang buhok nitong kanina lang ay bahagyang nagusot nang ilang beses silang magniig na dalawa. "I can drive my car, kung natatakot kang may makakita sa atin. Let's go! No buts! Alam ko ginagawa ko!" Nagpatiuna sa paglabas ng pinto si Liezel.. Nagpalabas na lamang siya ng isang malalim na buntong hininga habang sinusundan ito ng tingin. Wala na siyang magagawa pa— nakapagdesisyon na ang spoiled na dalaga. ~~~ NAPANGITI si Janice nang makitang tulog na tulog na si Yvonne. Mukhang tinamaan ito sa alak na in-order niya, bagay na gusto niya naman talagang mangyari. Kasalukuyan pa rin silang nasa isang pribadong cubicle, hinayaan niya lang na sumandal si Yvonne. Lumapit si Janice dito, dahan-dahan nilagay ang daliri niya sa malambot at mamula-mulang pisngi ni Yvonne. 'Napakaganda mo, Yvonne. Napakaganda mo..." Bulong ni Janice sa sarili — habang dahan-dahan nilalapit ang labi nito sa labi ng kaibigang nakatulog dahil sa kalasingan."ANO'NG NANGYAYARI RITO?" untag ni Leonardo nang makarating siya sa address ng bar na sinabi sa kaniya. Naabutan nya si Janice kasama si Yvonne na sa unang tingin pa lang alam niyang walang malay tao dahil prente itong nakahiga sa coach."W-what are you doing here?" tanong ni Janice sa kaniya. May pagtataka sa mga mata nito; hindi inaasahan ang pagdating niya."Whats happen to Yvonne?" kapagkuwang tanong ni Liezel na biglang sumulpot sa likuran ni Leonardo."Nothing happen to Yvonne. Nalasing lang siya. Teka lang! Ano'ng ginagawa niyo rito?" Nagpalipat-lipat ng tingin si Janice sa kanilang dalawa— hindi nawala ang pagtataka sa mga mata nito."Nakita kayo ng isa kong kakilala rito. Nakita niyang lasing daw si Yvonne kaya nag-alala siya rito," totoong sagot niya. Nakumbinse niya naman siguro ito sa sagot niya. Sinundan niya ng tingin ang tingin nito nang lumipat kay Liezel."And, you?" aniya."Tinawagan ako ni Leonardo, nagtatanong kung kasama ko raw si Yvonne. And, Yvonn
----"Best friend.." sambit ni Yvonne sa pangalan ni Liezel nang maabutan niya ito sa kusina. Pababa pa lang siya nang marinig niya ang kalansingan ng mga kubyertos. Narito nga ang kaibigan niya at abala sa ginagawa nito. Lumingon si Liezel nang marinig siya nito. Mabilis itong nagpagpag ng basang kamay at pinunas sa apron na suot nito."Hi! Gising ka na pala," ani ni Liezel sa kaniya. Ngumiti siya rito nang lumapit siya sa gawi nito kaharap ang isang malaking mangkok na sa hula niyang sinasabi kanina ni Leo na lugaw."Kamusta pakiramdam mo? Still tipsy?" tanong nito sa kaniyang nakangiti. Nahihiya siyang umiling-iling dito. Hindi niya naman kasi talagang inaasahang malalasing siya sa kaunting alak na pinagsaluhan nila ng isa niya pang kaibigan na si Janice. Pakiramdam niya tinamaan talaga siya ng masama."Masakit ang ulo ko. Parang nasobrahan yata sa alak kagabi.""Feeling ko nga. First time kitang nakitang walang malay tao dahil sa kalasingan ha."Umiling-iling pa ito m
_______"Maraming salamat, Janice. Maaasahan talaga kita," pagtatapos ni Yvonne sa usapan nila nang kaibigan. May kaugnayan ito sa ilang bagay na pina-trabaho niya rito nang nakaraan. Ngayon, unti-unti niya nang nakukumpirma ang lahat. Ang ilang kutob niya, kung nagkakataon lang ba o mayroon talaga.Humigit siya ng buntong hininga kasabay ang pagsunod sa dalawang pinauna niya. Naabutan niya pang natatawa si Liezel habang nakatingin ito sa cellphone nito."Mukhang may pinag-uusapan yata kayo ah. Narinig ko iyong tawa mo," natatawang saad ni Yvonne habang palapit siya sa gawi ng dalawa."Hi! May pinapanuod kasi ako. Sorry! Napalakas ba ang tawa ko?" ani ni Liezel sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ni Leonardo at pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito."Baka malamig na iyang lugaw na hinanda mo. Kain na tayo?" Umupo siya paharap kay Yvonne sa kaliwang tabi ni Leonardo. Pagtataka naman ang nanahan sa kaniya sa pananahimik nito."Okay ka lang ba, Hun? May sakit ka
----"ANO ANG BALAK MO?" tanong ni Janice sa kaniya. May kaugnayan ito tungkol sa pinasubaybayan niya nang nakaraan. Nasa isang tabi sila ng daan ngayon gamit ang sasakyan niya nang kunin niya kay Janice."May balak ka bang sabihin sa kanila ang lahat?" dugtong pang tanong nito.Nagsindi siya ng sigarilyo. Binaling sa labas ang tingin. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot kay Janice, wala pa siyang matibay na desisyon."Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Janice." Napasinghap siya."Ang alam ko lang ngayon ayaw kong maging kontrabida— darating naman tayo d'on eh," natatawang saad niya.Hinawakan ni Janice ang kamay niya. Tumingin siya rito. Nagtaas siya ng tingin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya."Alam mong makakasama sa 'yo ang lahat ng nalaman mo, Yvonne," may pag-aalalang sambit nito sa kaniya."Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kung ano ang plano mo at kung ano tumatakbo sa isip mo nandito lang ako!" dugtong pa
____"NAKATULOG na siya," sambit ni Leonardo kay Liezel sa kabilang linya. Tinawagan niya agad ito nang malagay ng maayos sa higaan si Yvonne."Hindi ko alam kung ano ang nagyayari kay Yvonne, Liezel. ""Hindi ka pa nasanay kay Yvonne? E, simula sapol nang makilala mo iyan.. maluwag na talaga ang turnilyo iyan!" natatawang tugon nito sa kaniya."Shut up, Liezel! Hindi ka nakakatulong!" galit niyang sambit dito."Ano ba gusto mong tulong ang ibigay ko? Ang paligayahin ka habang nagkaka-episode iyang babae mo?" anito."Stop this! It's nonsense! Tinawagan kita dahil gusto kong huminga.. pero mas lalo mo akong dinidiin! Nakaka-stress ka!" nakakainis niyang sambit dito. Alam niya naman na hindi makakatulong sa kaniya si Liezel at masisiyahan pa ito sa binalita niya rito tungkol kay Yvonne. Walang paalam niyang pinindot ang end button ng cellphone niya at tinuon ang buong pansin kay Yvonne. Binihisan niya ito ng pampatulog pagkatapos nitong kumalma kanina. Wala man lang itong n
"LIEZEL! LET'S STOP THIS!" mariing pagkakasabi ni Leonardo kay Liezel nang muli niya itong tawagan nang makatulog si Yvonne sa tabi niya kani-kanina lang."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Leo? Let's stop this? Oh, cmon! Parang hindi naman tayo magkakakilala! Or, should I say, parang hindi mo naman ako kilala!" ani nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita si Liezel alam niyang nakangiti ito. Hindi man lang nakaramdam ng pagka-alarma sa gusto niyang sabihin dito."Masasaktan siya, Liezel! At ayaw kong mangyari iyon kay Yvonne. Alam mong mahal ko siya... mahal ko siya, Liezel!""And, I love you too.. So! Dahil mahal kita.. kaya for sure wala kang magagawa sa gusto kong mangyari. Ang mabuti pa, Leo, kalimutan mo na ang lahat ng gusto mong sabihin.""Hanggang kailan ba 'to, Liezel?""Hanggang masaya ako sa iyo at kahit hindi ka na masaya sa akin, basta't masaya ako sa 'yo walang makakapagpigil sa relasyon natin!" anito sa kaniya."Wala tayong relasyon! Malinaw sa ating dalawa
____Batangas, City Jail. "KAMUSTA ka na, Anak? Si Y-Yvonne?" tanong ng ama ni Leonardo nang dumalaw siya sa presinto. Wala ito sa plano niya ngayon, pero ilang buwan na rin siyang hindi nakakabisita mula sa huling dalaw nila kasama si Yvonne. Tumikhim muna siya bago niya sagutin ang tanong nito. "She's fine, Pa. Hindi lang siya sumama ngayon sa akin dahil kailangan niyang magpahinga," totoong sagot niya rito."May nangyari ba kay Yvonne?""Wala naman ho. Medyo stress lang dahil sa pag-aasikaso sa kasal namin."Ngumiti ito sa kaniya."Masaya ako para sa inyo, Leo. Sana lang huwag kang tutulad sa amin ng mommy mo."Nalungkot si Leonardo nang marinig ang mga salitang iyon mula sa tatay niya. Ang hindi nito alam ay nakakagawa na siya ng ilang bagay na labag sa loob nito; sa maaaring makasira sa kanila ni Yvonne. Para sa kaniya wala siyang pinagkaiba rito n'ong nasa laya pa ito. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawang pambabae ng ama niya sa mommy niya bago pa ito masang
--NAGING maganda naman ang naging lakad ni Liezel at Yvonne nagdaang gabi. Hindi niya na ito nagawang ibalita kay Leonardo dahil nagpahinga na siya nang hinatid siya ni Liezel. Inalok niya pa nga itong sa bahay niya na lang magpahinga at huwag na bumaba ng Tagaytay, matigas lang talaga ang ulo ng kaibigan niya at bumiyahe pa rin pauwi. Hindi niya naman ito pinigilan nang makumpirma sa katiwala ni Leo na nasa bahay lang ang nobyo niya at nagpapahinga na.Maaga siyang gumising ngayon para makapaghanda sa lakad nila ni Leonardo — apat na buwan na ang nakalipas mula nang alukin siya nitong magpakasal. She want to celebrate it with Leo. Gusto niya sana sa Siargao na lang dahil dalawang araw na lang naman at lakad na nila iyon. Natigilan si Yvonne nang may maalala; pinilig-pilig niya rin ang ulo niya para mawala ito sa isip niya. She's trying to forget everything, nangako naman siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang maulit pa ulit ang mga natuklasan niya sa pamamagitan ni Jan