Share

Chapter Three

_____

KANINA pa pinagmamasdan ni Leonardo si Liezel. Mahimbing na ang tulog nito sa tabi niya.

Kahit kanina lang ay may hindi sila pagkakaunawaang dalawa, nawala naman agad iyon dahil sa ilang ulit na may nangyari sa kanila. Ganoon naman talaga si Liezel, kaunting lambing lang dito ay bumibigay naman ito.

Napabuntunghininga siya nang maalala si Yvonne. Hindi pa rin nagtetext o tumatawag sa kaniya ang babaeng pakakasalan. Siguro ang akala ni Yvonne, ay nasa trabaho siya kaya ayaw siya nitong abalahin. Siya rin din naman 'tong hindi tumatawag dito. Hindi niya pa nga natatanong kung kamusta ang naging lakad nito matapos niya itong iwan sa simbahan. Nagtitiwala naman siya kay Yvonne, na hindi mababalewala ng basta-basta ang lakad nito.

Muling tinuon ni Leonardo ang tingin kay Liezel.

Tama ang sinabi nito kanina; sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Maganda ito, sexy, makinis ang balat at galing sa isang mayamang pamilya— Mayor ang ama ni Liezel sa probinsya nito sa Aklan. Ang probinsya kung saan sila lumaki ni Yvonne, napalunok si Leonardo. Alam niya naman sa sarili niyang hindi basta-basta ang babaeng kinasangkapan niya para ibigay ang pangangailangan niyang hindi pa kayang ibigay ni Yvonne hangga't hindi pa sila kasal.

Nangyari na ang nangyari, iyon ang madalas na sabihin ni Leonardo sa sarili niya. Wala na siyang magagawa pa't hindi lang isang beses o dalawang beses na may nangyari sa kanila ni Liezel. Hindi niya na rin halos mabilang, mula nang ipakilala sila ni Yvonne, sa isa't isa.

Muli siyang napalunok. Hindi alam kung paano matitigil ang kahibangan niya sa babaeng kasama niya. Gayong, alam niya ring hindi rin niya basta maipagtatabuyan ito.

"Are you awake? Ang aga pa ah. Nakatulog ka ba?" malambing na tanong sa kaniya ni Liezel. Nagising ito. Gumalaw ito't dinantay ang ulo nito sa balikat niya, na naging dahilan para maramdaman niya ang mayamang dibdib nito sa tagiliran niya. Yumakap sa kaniya si Liezel matapos siyang tingilain.

"Ano ba iniisip mo? Ang lalim na naman yata. Sana naman isa ako diyan," natatawang aniya ni Liezel. Umiwas siya ng tingin dito't tinuon sa kisame ng silid ng condo niya.

"Nag-alala lang ako kay Yvonne," totoo niyang tugon dito.

"Why? What happen to her? Masyadong abala talaga iyon sa pagsasama natin."

"Liezel. Please. Wala naman ginagawa si Yvonne. I want you to stop mocking her. Alam mo kung gaano kabait si Yvonne, dahil kaibigan mo siya."

"At pinagsisisihan kong maging kaibigan siya. Dahil alam mo kung hindi ko siya kaibigan, sana solo kita— na hindi ako nakikipag-agawan sa kaniya."

"Si Yvonne, ang dahilan kung bakit natin nakilala ang isa't isa!" galit niyang putol sa lahat pa ng sasabihin nito.

"Kaya kitang hanapin, kaya kitang makilala kahit wala siya. I have a lot of connections, Leo. Alam mo iyan. Lahat ng gusto ko nakukuha ko."

Hindi na sumagot si Leonardo, sa kahit na ano pang sinabi nito sa kaniya. Para sa kaniya hindi na kailangan pang patulan si Liezel dahil wala naman kwenta. Hindi lang nito titigilan si Yvonne, at baka hindi niya lang makayang pigilan ang sarili niya't ano lang ang masabi niya rito.

••

NAKARATING si Yvonne at Janice sa isang pribadong bar sa Cavite.

"Hey? Bakit tayo nandito? Okay ka lang ba, Yvonne?" tanong ni Janice sa kaibigan. Agad itong umupo paharap sa round table.

"I'm not okay, Jan. And, I don't know why. Kanina naman okay ako nang pumunta kami ni Leo sa simbahan."

"May nangyari ba sa simbahan?" tanong ni Janice sa kaniya. Umupo pa ito patabi sa kaniya na alam niyang hinihintay ang sagot niya.

"W-wala!" pagsisinungaling ni Yvonne. Hindi rin naman siya handa na ibahagi kay Janice ang ginawa sa kaniya ni Father Sarmiento. Baka kasi nag overthink lang din naman siya at wala naman masamang intensyon sa kaniya ang pari.

"Alam mo naman na handa akong makinig sa kahit na ano'ng sasabihin mo, Yvonne. Si Leo ba?"

"No! It's not about Leo. Maayos kami, Janice. Okay kami. Nasa work lang siya ngayon kaya niya ako iniwan kanina. Nagpaalam naman siya sa akin eh. And, I understand."

"But why? Bakit tayo nandito? Ano'ng mayroon? Hindi kasi ikaw 'to eh. Kilala kita, Yvonne. Kapag mabigat na iyong loob mo tsaka ka lang naman pupunta sa isang lugar na hindi angkop sa pagkatao mo."

Tama si Janice. Hindi naman talaga siya mahilig sa lugar na katulad nito— at hindi rin ito sanay na alak ang magiging takbuhan nilang dalawa kapag hindi siya okay.

"I'm sorry. Hindi ko kayang i-share sa iyo ngayon. Hope you will forgive me."

Nagbaba siya ng tingin nang hawakan ni Janice ang kamay niyang nakapatong sa binti niya.

"Nandito lang ako. Alam mo naman iyon 'di ba? Kapag handa ka nang ibahagi sa akin ang nilalaman ng puso mo, I'm just here. Willing to listen."

Nagtaas ng tingin si Yvonne sa kaibigan. Mabuti na lang din at may isang Janice siyang kasama ngayon. Hindi lang naman ito ang unang sandaling sinamahan siya nito e, lalo na kapag wala si Leo sa tabi niya. Laging si Janice ang to the rescue at masaya siya dahil naging mas matibay ang pagkakaibigan nilang dalawa.

"Inom tayo?" Alok niya kay Janice.

"Okay. Pero kaunti lang ha. Baka isipin naman ni Leo na bad influence ako sa 'yo."

Natawa na lamang siya sa komento sa kaniya ni Janice, hindi naman ganoon si Leo mag-isip malaki ang tiwala nito sa kaniya at ganoon din naman siya rito.

*Hindi ka na ba magpapaalam sa kaniya? Kanina pa kayo hindi nag-uusap ah."

"Nasa trabaho iyon. Kilala mo naman si Leo, kapag nasa trabaho ayaw niyang abalahin siya."

"Okay. Sabi mo eh. Ako na bahala mag-order ha. Just stay here na lang, mild lang tayo at ipag-dra-drive pa kita pauwi."

Sinundan niya ng tingin si Janice, hanggang sa makalabas ito sa cubicle kung nasaan silang dalawa. Mula sa kinauupuan niya, kitang-kita niya ang nagkakasayahan sa labas; nagsasayawan at may kaniya-kaniyang inuman din. Pinili lang talaga niyang sa pribadong silid kasama si Janice para hindi gaano mag-isip sa mga nangyari kanina. She just want to spare some of her time sa taong katulad ni Leo ay mapagkakatiwalaan niya.

NILINGON ni Janice kung saan niya iniwan si Yvonne, may ngiting sumilay sa labi niya; sa isiping masosolo niya ang babae.

'Hindi mo lang alam kung gaano ko katagal hinintay ang sandaling 'to, Yvonne. You're mine now. Only mine,' aniya pa sa sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status