----
"Best friend.." sambit ni Yvonne sa pangalan ni Liezel nang maabutan niya ito sa kusina. Pababa pa lang siya nang marinig niya ang kalansingan ng mga kubyertos. Narito nga ang kaibigan niya at abala sa ginagawa nito. Lumingon si Liezel nang marinig siya nito. Mabilis itong nagpagpag ng basang kamay at pinunas sa apron na suot nito. "Hi! Gising ka na pala," ani ni Liezel sa kaniya. Ngumiti siya rito nang lumapit siya sa gawi nito kaharap ang isang malaking mangkok na sa hula niyang sinasabi kanina ni Leo na lugaw. "Kamusta pakiramdam mo? Still tipsy?" tanong nito sa kaniyang nakangiti. Nahihiya siyang umiling-iling dito. Hindi niya naman kasi talagang inaasahang malalasing siya sa kaunting alak na pinagsaluhan nila ng isa niya pang kaibigan na si Janice. Pakiramdam niya tinamaan talaga siya ng masama. "Masakit ang ulo ko. Parang nasobrahan yata sa alak kagabi." "Feeling ko nga. First time kitang nakitang walang malay tao dahil sa kalasingan ha." Umiling-iling pa ito matapos sabihin ito sa harap niya. "Kaya nga ako nalasing agad dahil hindi talaga siguro ako sanay." Natawa na lamang ito sa sinabi niya rito. Alam ni Liezel ang kapasidad niya pagdating sa pag-inom ng alak. Kaya nga kapag dalawa silang nagkayayaan ay kino-kontrol siya nito. Hindi niya lang talaga naisipang yayain ito, dahil siguro sa alam niyang abala din ang kaibigan sa personal nitong mga errands. "Maganda naman na minsan nararanasan mo yang ganyan, Besty. Lalo na ngayon nalalapit ka ng magpakasal," sambit nito. "Speaking of. Nasaan nga pala si Leo? Ang sabi ko kanina sa kaniya tulungan ka niya rito. Pumunta ba siya rito para matulungan ka man lang?" "I'm fine here. Hindi mo na dapat inaabala si Leo. Para naman hindi mo ko kilala, kabisado ko na ang kasuluk-sulukan ng bahay mo, Yvonne," sagot nito sa kaniya. Hinanap ng tingin niya si Leo, hindi niya man lang ito matanaw sa dining at sala niyang naabot ng tingin niya nang lumingon siya sa paligid. "I'm happy you're here. Natagalan din ang pagdalaw mo, kaya masaya akong makita kita ulit dito." "Sobra lang nag-alala sa iyo. Alam mo naman na ayaw kitang napapano hindi ba. Nakakatampo ka lang talaga." Bigla siyang nagtaka sa sinabi nito sa kaniya. Ano naman ang dahilan kung bakit ito magtatampo sa kaniya? Wala naman siyang ginawa. "Nandito naman ako pero si Janice lang iyong gusto mong isama. Akala ko ba magkaibigan tayo? Maid-of-honor mo nga ako 'di ba?" "Ito naman akala ko naman kung ano na. Huwag ka na magtampo. Babawi naman ako eh. And, guess what." "What?" "Nagpa-book ako ng hotel sa Siargao." "Siargao?" "Oo, tayong tatlo ni Leo. Para naman makabawi ako sa inyong dalawa sa pag-alala niyo sa akin." "Talaga ba? Kasama si Leo? I, m-mean... kasama ako?" Nakita niya sa mga mata ni Liezel ang labis na tuwa. Tama lang ang ginawa niya para sa kaniya. Mas matutuwa si Leo kapag sinabi niya ang plano niyang iyon. "Nandito ka na pala, Hun." "Hi! Hun. Saan ka galing? Ang sabi ko sa iyo 'di ba tulungan mo si Liezel." Lumapit siya sa gawi ni Leo. Hinalikan siya nito sa nuo niya. "May inayos lang ako sa sasakyan ko. Okay ka na ba? Hindi na ba masakit ulo mo?" sunod-sunod na may pag-aalalang tanong sa kaniya ni Leonardo. "Hindi naman na. Okay na ako. Okay na ba 'yang arroz caldo mo, Liz?" Binaling niya ang tingin kay Liezel. Nagtanggal ito ng suot na apron at binuhat ang mangkok para sana dalhin sa dining area ng bahay niya. "Liz, si Leo na. Ikaw na, Hun. Please." Utos ni Yvonne kay Leo. Tumalima naman ang isa't kinuha kay Liezel ang bitbit nito. "Sige na, Bez. Doon na kayo sa dining ako na bahala rito sa plato natin. Umupo na kayo ni Leo. I can handle this." "Sure ka? Hindi na ba masakit ulo mo?" "I'm fine. Thank you." Tulad ng gusto niya sumunod si Liezel kay Leo sa dining area. Siya na ang kukuha ng mga kubyertos nila para naman makabawi siya sa kung ano mang mga ginawa nito sa kaniya nang malasing siya. Napalingon siya sa cellphone niyang pinatong niya sa bar area nang tumunog ang caller tone nito. Hula niya si Janice ang tumatawag — nagtangka siyang tawagan ito kanina para kamustahin nang bumaba siya. Tama nga siya, ang kaibigan niya nga ang nasa kabilang linya. --- "Napuyat ako kagabi..." malambing na bulong ni Liezel kay Leo. Hindi niya man lang naramdaman ang pagsunod nito sa kaniya. "Ops! Nandiyan lang si Yvonne kaya huwag kang maging obvious diyan," ani pa nito. Bahagya pang hinawakan nito ang braso niya nang ibaba niya ang mangkok sa plato. "Lalagyan ko nga sana ng pampatulog iyang pagkain ni Yvonne, para mas mapasaya kita ngayon." "Please stop, Liezel! Tulad nga ng sabi mo nandito si Yvonne! Ayaw kong may marinig siya lalong-lalo na ayaw kong may makita siya nang kahit na ano tungkol sa ating dalawa." "Relax! Hindi naman kita ipapahamak, dahil kapag ginawa ko iyon paano na ang happiness ko?" natatawang bulong nito sa kaniya. Sinundan niya ito ng masamang tingin nang umupo ito. Narinig niyang napasinghap ito. "Kailan kaya mangyayaring ako ang magiging center of attraction mo sa lahat ng sulok ng bahay na 'to?" "It's Yvonne house. Respect it!" Tiningnan siya nang masama ni Liezel nang sabihin niya ito. Lumingon siya sa paligid hinahanap ng tingin kung nasaan na nga ba si Yvonne para matigil na kung ano man ang mga sasabihin pa nito. "Bakit, Leo? Sa tingin mo ba magkakaroon kayo ng happy ending ni Yvonne? Are you dreaming, Babe?" Nilayo niya ang kamay niya sa akmang paghawak nito. "Yvonne is there. Pinapaalam ko lang sa iyo." "I know! At isang kumpas lang ng kamay ko makakatulog ulit ang kaibigan ko at magagawa ko ulit lahat ng gusto ko, Leo," natatawang sabi nito sa kaniya. Napatiim-bagang siya. Hindi alam ang tunay na nararamdaman sa babaeng kaharap niya. Aminin niya man o hindi sa sarili, napasaya siya nito katulad ng gusto nitong ipaalala sa kaniya. "Paano mo nagagawang harapin at kausaping nakangiti si Yvonne sa kabila ng mga maling ginagawa natin, Liezel?" galit niyang tanong dito habang pinaglipat-lipat ang tingin niya sa mga mata nito. "It's called magic.." sagot nito sa kaniya. Kasunod ng malakas na tawa nitong labis niyang kinabahala dahil baka marinig ni Yvonne at pagtatakhan nito._______"Maraming salamat, Janice. Maaasahan talaga kita," pagtatapos ni Yvonne sa usapan nila nang kaibigan. May kaugnayan ito sa ilang bagay na pina-trabaho niya rito nang nakaraan. Ngayon, unti-unti niya nang nakukumpirma ang lahat. Ang ilang kutob niya, kung nagkakataon lang ba o mayroon talaga.Humigit siya ng buntong hininga kasabay ang pagsunod sa dalawang pinauna niya. Naabutan niya pang natatawa si Liezel habang nakatingin ito sa cellphone nito."Mukhang may pinag-uusapan yata kayo ah. Narinig ko iyong tawa mo," natatawang saad ni Yvonne habang palapit siya sa gawi ng dalawa."Hi! May pinapanuod kasi ako. Sorry! Napalakas ba ang tawa ko?" ani ni Liezel sa kaniya. Lumapit siya sa tabi ni Leonardo at pinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat nito."Baka malamig na iyang lugaw na hinanda mo. Kain na tayo?" Umupo siya paharap kay Yvonne sa kaliwang tabi ni Leonardo. Pagtataka naman ang nanahan sa kaniya sa pananahimik nito."Okay ka lang ba, Hun? May sakit ka
----"ANO ANG BALAK MO?" tanong ni Janice sa kaniya. May kaugnayan ito tungkol sa pinasubaybayan niya nang nakaraan. Nasa isang tabi sila ng daan ngayon gamit ang sasakyan niya nang kunin niya kay Janice."May balak ka bang sabihin sa kanila ang lahat?" dugtong pang tanong nito.Nagsindi siya ng sigarilyo. Binaling sa labas ang tingin. Hindi niya alam kung ano ba ang isasagot kay Janice, wala pa siyang matibay na desisyon."Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Janice." Napasinghap siya."Ang alam ko lang ngayon ayaw kong maging kontrabida— darating naman tayo d'on eh," natatawang saad niya.Hinawakan ni Janice ang kamay niya. Tumingin siya rito. Nagtaas siya ng tingin para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata niya."Alam mong makakasama sa 'yo ang lahat ng nalaman mo, Yvonne," may pag-aalalang sambit nito sa kaniya."Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kung ano ang plano mo at kung ano tumatakbo sa isip mo nandito lang ako!" dugtong pa
____"NAKATULOG na siya," sambit ni Leonardo kay Liezel sa kabilang linya. Tinawagan niya agad ito nang malagay ng maayos sa higaan si Yvonne."Hindi ko alam kung ano ang nagyayari kay Yvonne, Liezel. ""Hindi ka pa nasanay kay Yvonne? E, simula sapol nang makilala mo iyan.. maluwag na talaga ang turnilyo iyan!" natatawang tugon nito sa kaniya."Shut up, Liezel! Hindi ka nakakatulong!" galit niyang sambit dito."Ano ba gusto mong tulong ang ibigay ko? Ang paligayahin ka habang nagkaka-episode iyang babae mo?" anito."Stop this! It's nonsense! Tinawagan kita dahil gusto kong huminga.. pero mas lalo mo akong dinidiin! Nakaka-stress ka!" nakakainis niyang sambit dito. Alam niya naman na hindi makakatulong sa kaniya si Liezel at masisiyahan pa ito sa binalita niya rito tungkol kay Yvonne. Walang paalam niyang pinindot ang end button ng cellphone niya at tinuon ang buong pansin kay Yvonne. Binihisan niya ito ng pampatulog pagkatapos nitong kumalma kanina. Wala man lang itong n
"LIEZEL! LET'S STOP THIS!" mariing pagkakasabi ni Leonardo kay Liezel nang muli niya itong tawagan nang makatulog si Yvonne sa tabi niya kani-kanina lang."Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Leo? Let's stop this? Oh, cmon! Parang hindi naman tayo magkakakilala! Or, should I say, parang hindi mo naman ako kilala!" ani nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita si Liezel alam niyang nakangiti ito. Hindi man lang nakaramdam ng pagka-alarma sa gusto niyang sabihin dito."Masasaktan siya, Liezel! At ayaw kong mangyari iyon kay Yvonne. Alam mong mahal ko siya... mahal ko siya, Liezel!""And, I love you too.. So! Dahil mahal kita.. kaya for sure wala kang magagawa sa gusto kong mangyari. Ang mabuti pa, Leo, kalimutan mo na ang lahat ng gusto mong sabihin.""Hanggang kailan ba 'to, Liezel?""Hanggang masaya ako sa iyo at kahit hindi ka na masaya sa akin, basta't masaya ako sa 'yo walang makakapagpigil sa relasyon natin!" anito sa kaniya."Wala tayong relasyon! Malinaw sa ating dalawa
____Batangas, City Jail. "KAMUSTA ka na, Anak? Si Y-Yvonne?" tanong ng ama ni Leonardo nang dumalaw siya sa presinto. Wala ito sa plano niya ngayon, pero ilang buwan na rin siyang hindi nakakabisita mula sa huling dalaw nila kasama si Yvonne. Tumikhim muna siya bago niya sagutin ang tanong nito. "She's fine, Pa. Hindi lang siya sumama ngayon sa akin dahil kailangan niyang magpahinga," totoong sagot niya rito."May nangyari ba kay Yvonne?""Wala naman ho. Medyo stress lang dahil sa pag-aasikaso sa kasal namin."Ngumiti ito sa kaniya."Masaya ako para sa inyo, Leo. Sana lang huwag kang tutulad sa amin ng mommy mo."Nalungkot si Leonardo nang marinig ang mga salitang iyon mula sa tatay niya. Ang hindi nito alam ay nakakagawa na siya ng ilang bagay na labag sa loob nito; sa maaaring makasira sa kanila ni Yvonne. Para sa kaniya wala siyang pinagkaiba rito n'ong nasa laya pa ito. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawang pambabae ng ama niya sa mommy niya bago pa ito masang
--NAGING maganda naman ang naging lakad ni Liezel at Yvonne nagdaang gabi. Hindi niya na ito nagawang ibalita kay Leonardo dahil nagpahinga na siya nang hinatid siya ni Liezel. Inalok niya pa nga itong sa bahay niya na lang magpahinga at huwag na bumaba ng Tagaytay, matigas lang talaga ang ulo ng kaibigan niya at bumiyahe pa rin pauwi. Hindi niya naman ito pinigilan nang makumpirma sa katiwala ni Leo na nasa bahay lang ang nobyo niya at nagpapahinga na.Maaga siyang gumising ngayon para makapaghanda sa lakad nila ni Leonardo — apat na buwan na ang nakalipas mula nang alukin siya nitong magpakasal. She want to celebrate it with Leo. Gusto niya sana sa Siargao na lang dahil dalawang araw na lang naman at lakad na nila iyon. Natigilan si Yvonne nang may maalala; pinilig-pilig niya rin ang ulo niya para mawala ito sa isip niya. She's trying to forget everything, nangako naman siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang maulit pa ulit ang mga natuklasan niya sa pamamagitan ni Jan
"BEST..." AGAD na lumapit si Yvonne kay Liezel. Hinawakan nito ang kamay niyang nilahad niya rito. Napansin niya agad si Leonardo sa likuran nito; blangko ang mukha halatang nasira ang lakad sana na mayroon ang mga ito."Ano ang nangyari sa iyo?" pag-aalang tanong sa kaniya ni Yvonne. Pinagmasdan niya ito ng lihim mukhang ang ganda nito sa suot nitong dress na pinatungan ng coat na mukhang pagmamay-ari ni Leonardo."Baka UTI lang daw," sagot niyang tipid."Wala pa bang test?""Okay na ako sa antibiotic, Best. Bukas na bukas din daw pwedi na akong lumabas.""Bakit mo pa kami inabala ni Yvonne? Sinabi nya naman sayong may lakad kami 'di ba?" sabat ni Leonardo sa usapan. Lumingon si Yvonne sa gawi nito habang magkahawak kamay pa rin silang magkaibigan."Leo... nag-usap na tayo 'di ba?" ani naman ni Yvonne dito.Umiwas nang tingin si Leo sa kaniya nang lihim siyang ngumiti dito na may halong pang-iinis."Sa labas lang ako. I'm sorry, Hun." Paalam ni Leo. Sinundan nila nan
__"DITO ka na muna sa bahay, ako na muna mag-aalaga sa iyo," ani ni Yvonne sa kaibigang si Liezel nang magpumilit itong magpa-discharge kinabukasan. Pumayag naman ang doctor niya nang sabihin nitong maayos na siya at wala nang nararamdaman."Makakatulong sa akin iyong trip natin bukas sa Siargao," nakangiting sabi sa kaniya."Ipapakuha na lang natin kay Leo mga gamit na dadalhin mo. Nasa Tagaytay ba?" tanong ni Yvonne dito. Abala siya sa paghahanda ng tanghalian nila ng kaibigan; sinigang na baboy ang iluluto niya rito ang paborito nilang dalawa noong nasa Aklan pa lamang sila."Kung samahan ko na lang kaya si Leo sa condo ko sa Cavite. Okay lang ba?" Napatingin siya sa gawi ni Liezel nang marinig ang suhestiyon nito. Nakaupo ito paharap sa kaniya sa bar area ng bahay niya."But if it's not it's okay. Nakakahiya naman kay Leo."Umiwas siya ng tingin dito. May bahagi ng isip niya ang nagsasabing huwag pumayag sa gusto nitong mangyari naroon din naman ang pag-alala na baka
The Scandal ||| The Last Scandal __ ST. THERESE BATANGAS, DAHIL sa pagiging abala ni Archie sa last exhibit nito, tanging si Yvonne lang naging ang punong-abala rin sa pag-aasikaso ng kasal nilang dalawa. Kasalukuyan siyang nandito sa simbahan ng St. Therese para magpa-schedule ng kasal nilang magkasintahan. Marami nang nagbago wala na rin iyong pari na minsang nagbigay sa kaniya ng kaba at pagkawala ng respeto niya sa ginawa nito sa kaniya n'on. Kasalukuyan siyang narito sa harap ng altar pinagmamasdan ang malaking krus. Umusal siya nang panalangin, ganoon na rin ang pangangamusta niya sa magulang niya at pagbibigay-alam niya sa mga itong nasa maayos ang lagay niya. "Yvonne.." Lumingon si Yvonne. Hindi akalaing si Leonardo ang napaglingunan niya. Tumingin siya ritong may pagtatanong kung ano ang ginagawa nito d'on. "Muntik na kitang hindi makilala. Short hair eh," natatawang sabi nito. Ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Halos sabay pa nilang bigkas sa isa't i
THE SCANDAL || CHAPTER 37 Road to forever ___ "ANONG NANGYAYARI DITO?" Gulat na tanong ni Archie nang abutan niyang inalalayan ni Leonardo si Yvonne hanggang sa maayos nitong maiupo nang mahimatay ito sa bisig niya. Panay ang paypay niya rito gamit ang binigay na pamaypay ng isang ale na nakakita sa kanila. Gustuhin nya mang buhatin ito hindi pa kaya ng mga binti niya. Ayaw niyang matumba sila sa ganoong sitwasyon dahil baka masaktan lang si Yvonne. "Anong ginagawa mo rito?" dugtong niya pang tanong. "I'm sorry, Bro. Sinundan ko lang si Yvonne para kausapin," tugon niyang hindi makuha ang tingin kay Yvonne. Alam niyang nahimatay lang ito dahil sa masamang balitang natanggap nito. "And, why? Anong ginawa mo?" Umupo ito sa tabi ni Yvonne. Tinangka nitong gisingin si Yvonne sa pamamagitan ng pagtapik-tapik ng pisngi nito. "Vonne.. Vonne.." anito. "Leonardo, ano ang nangyari? Nahimatay ba siya? Why?" "Someone called her. Narinig ko namatay daw ang dad niya. Archie, believe me. W
THE SCANDAL || CHAPTER 36 THE TRUTH "HI..." Hindi niya inabala ang sariling lumingon. Nanatili iyong mga mata niya sa bahay niya, ang huling araw na mapagmamasdan niya ito. "How's your feeling now?" tanong nito sa kaniya. "Fine. I have to be fine," malungkot niyang sagot dito. "Malulungkot si mommy kapag tuluyan itong nawala sa akin. But apparently alam kong magiging okay din siya, tulad ko. Hindi ba?" aniya. Nanatili iyong mga mata nya sa bahay na pinamana sa kaniya ng mommy niya bago ito mamatay mahigit siyam na taon na ang lumipas. "She will be proud of you, Yvonne. Kasi ang layo na nang narating mo sa lahat-lahat ng napagdaanan mo. You're still there. Nakatayo at patuloy na lumalaban." "Kung buhay si mommy sasabihin niya sa akin, that's my girl." Ngumiti siya rito. "Ilang beses kong hiniling na kunin niya na ako, Archie. Pero ang tigas ng ulo ni mommy," natatawa niyang sabi rito. "I will never ever leave you here. I swear it, Yvonne. Kung kinakailangan isakripisyo ko
The Scandal || Chapter 35. 2 THE MIRACLE BACKSTORY, 6 YEARS AGO. "STILL CRYING?" tanong ni Leonardo sa kanya. Nasa ilalim sila ng isang puno ng akasya sa likod ng universidad kung saan sila nag-aaral na dalawa. Halos isang taon na rin silang magkaibigan ni Leonardo n'on mula nang namatay ang mommy niya ito lagi ang nakaramay niya. "Hindi ko magawang pigilin ang sarili ko eh. Masakit pa rin kasi," aniya rito. "Alam ko. I feel it. Here.." Tiningnan niya ang inaabot nitong isang bagay na nakabalot sa isang panyo. "Ano ito?" tanong niya. "Open it." Napailing-iling siyang tinanggap ito. Bumungad sa kaniya ang isang kwentas na may krus na pendant. "Para?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, hindi ka na maging malungkot at umiyak. Kausapin mo lang siya, hindi siya sumasagot pero nakikinig siya sa lahat-lahat ng magiging sumbong mo." "Salamat ha. Paano iyan wala akong ibibigay sa iyo, hindi ko naman kasi alam na may paganito ka," natatawang pagkakasabi nya rito. Binalik niya
THE SCANDAL || CHAPTER 35 "ANO ANG GINAGAWA MO RITO?" tanong niyang nagtataka. Hindi niya man lang nakuhang tanggapin ang inaalok nitong panyo sa kaniya. Gusto niya malaman kung ano ang ginagawa nito rito. "Nakalimutan mo bang nag-aral din ako rito?" "Alam ko. Ang tinatanong ko rito." Posible bang nakita siya nito o naging pag-uusap nila ni Liezel? "Hindi kita sinusundan. Gusto ko lang pumunta dito para sa ilang bagay na gusto kong sariwain sa isip ko," aniya nito sa kaniya. "Kasama ko si Ramon," saad pa nito. "Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya. "Banyo 'to 'di ba? Ano ba ang ginagawa sa lugar na 'to?" mataray niyang sagot. Ngumiti ito. "Akala ko kasi iiyak ka na naman." "Hindi na ako bata at Yvonne na iyakin na nakilala mo, Leonardo—" aniya. "Pero ikaw pa rin iyong maganda at mabait na babaeng na nakilala ko, Yvonne —" Hindi siya nakakibo dahil sa narinig niya sa lalaki. Ang balak niyang pagpasok sa loob ay hindi niya nagawa dahil sa hindi inaasahang
THE SCANDAL || CHAPTER 34 STRUGGLE OF LIEZEL MARRIED LIFE. ❤️ HUMAWAK ng mahigpit si Yvonne sa balikat ni Archie habang naglalakad sila sa simbahan. Magkapareha sila sa pagiging secondary sponsor ni Tita Agnes at Tito Jun.Ramdam niya ang pagdantay ng palad nito sa kamay niya. Hindi napigilan ni Yvonne ang luha niya habang nakatingin kay Tito Jun na may mga luha din sa mata. Luha ng kaligayahan, dahil na rin sa lahat ng mga pinagdaanan ng mga ito buo pa rin sila at heto muling mangangako sa harap ng lahat maging sa harap ng pari at diyos sa habambuhay na pagsasama.Hinatid siya ni Archie sa upuan kahanay ang mga abay at ilang secondary sponsor din bago ito pumunta sa gawi nina Leonardo. Hindi nakaligtas sa kaniya ang mariin na namang tingin nito.Tinaasan niya na lang ito ng kilay at tinuon ang pansin kung saan naghihintay si Tita Agnes. Hindi pa sila nakapag-usap mula sa huling engkwentro nila tungkol sa pinagdiskitahan nitong larawan. Sino ba naman ang normal na taong m
THE SCANDAL | CHAPTER 33 RENEWAL OF VOW ||| ❤️ "GOOD MORNING," magiliw na bati ni Archie sa kaniya. Tumuloy sila sa bahay niya pagkatapos nila pumunta sa resort. "Breakfast in bed. Okay ka na ba?" tanong sa kaniya ni Archie. Nang sinundo siya nito nasabi niya ang tungkol sa allergy niya sa hipon. Nag-alala din naman ito sa kaniya at pinagsabihan pa siya kung bakit hindi niya agad sinabi rito. "Okay na ako. Salamat sa pag-alala." Binigyan siya ni Archie nang ilang tableta sa tray niya. Dumaan sila nang gabing iyon sa hospital para ipa-check-up niya. Ayaw niya pa sana pero naging mapilit ito. "Kumain ka na ha. Dadaan sina tito sa bahay, gusto mo ba sumama?" tanong nito sa kaniya. "Bakit daw? May problema ba?" "Wala naman. Dadaan lang para sa personal na imbitasyon sa susunod na araw sa kasal nila." Naalala niya. Tumango-tango siya rito. Nagdadalawang-isip ang loob niya kung sasama pa ba rito. "Okay lang ba?" "Sige. Kakain lang ako tapos I'll be ready." "Okay. Hintayin
The Scandal | Chapter 32 THE REUNION ___ "DITO KAYO UMUPO, YVONNE." Hinila si Yvonne nang mommy ni Leonardo. Mabuti na lang at dalawa ang pagitan at hindi niya tuluyang nakatabi si Leonardo. Pinakilala ng daddy nito ang mga hindi pamilyar sa kaniyang mukha. Ngumiti naman siya rito nang ngumiti ito sa kanila. "Upo. Upo kayo. Nandiyan na pala mga pagkain natin. Masasarap iyan. Para talaga sa inyo." Napatingin siya sa mga nakahain sa harap nila. Halos seafood ang lahat; kabilang na ang malalaking hipon at sa tingin pa lang mukhang masarap at mataba ng alimango. Inalalayan siyang makaupo ni Archie nang ipaghila siya nito ng upuan. "B-Bro," anito kay Leonardo. Tumango lang ang huli. Hindi man lang ito nagtaas ng tingin sa kanilang dalawa. "Hipon or crab?" tanong sa kaniya ni Archie. Napatingin siya rito. Sa pagkakataong iyon nagtama ang mga tingin nila ni Leonardo. "H-Hipon na lang," aniya. Umiwas siya nang tingin dito nang maramdamang nakatingin pa rin ito sa gawi n
The Scandal | Chapter 31 WELCOME HOME❤️❤️❤️❤️ AFTER 3 YEARS "HOW ARE YOU?" salubong na tanong ni Archie sa kaniya. Sa dalawang taon na pagtratrabaho niya bilang caregiver sa Dubai, ito lagi ang salubong sa kaniya ni Archie kapag umuuwi siya sa apartment na tinutuluyan niya. Halos magkatabi lang sila ng unit at ito naman ay isang matagumpay na artist sa bansang iyon. "Pagod pero masaya. May improvement na sa alaga ko," masaya niyang tugon dito. Regular client niya ang matandang babaeng arabo na bed ridden na. "Good. I'm happy for you," aniya nito sa kaniya. Masaya siyang umupo patabi sa malambot niyang sofa. "Ano pinapanuod mo?" "Series. Maganda," nakangiting tugon sa kaniya. May napansin siyang mukhang may kakaiba yata kay Archie ngayon. Lagi itong puno ng enerhiya kapag dumadating siya. Naisip niyang baka pagod lang ito sa trabaho nito. "Ano gusto mong kainin? Gusto mo bang magluto ako ng kabsa diay ngayon?" tanong niya rito. Tumayo siya't tumungo sa maliit