--NAGING maganda naman ang naging lakad ni Liezel at Yvonne nagdaang gabi. Hindi niya na ito nagawang ibalita kay Leonardo dahil nagpahinga na siya nang hinatid siya ni Liezel. Inalok niya pa nga itong sa bahay niya na lang magpahinga at huwag na bumaba ng Tagaytay, matigas lang talaga ang ulo ng kaibigan niya at bumiyahe pa rin pauwi. Hindi niya naman ito pinigilan nang makumpirma sa katiwala ni Leo na nasa bahay lang ang nobyo niya at nagpapahinga na.Maaga siyang gumising ngayon para makapaghanda sa lakad nila ni Leonardo — apat na buwan na ang nakalipas mula nang alukin siya nitong magpakasal. She want to celebrate it with Leo. Gusto niya sana sa Siargao na lang dahil dalawang araw na lang naman at lakad na nila iyon. Natigilan si Yvonne nang may maalala; pinilig-pilig niya rin ang ulo niya para mawala ito sa isip niya. She's trying to forget everything, nangako naman siya sa sarili niyang hindi niya hahayaang maulit pa ulit ang mga natuklasan niya sa pamamagitan ni Jan
"BEST..." AGAD na lumapit si Yvonne kay Liezel. Hinawakan nito ang kamay niyang nilahad niya rito. Napansin niya agad si Leonardo sa likuran nito; blangko ang mukha halatang nasira ang lakad sana na mayroon ang mga ito."Ano ang nangyari sa iyo?" pag-aalang tanong sa kaniya ni Yvonne. Pinagmasdan niya ito ng lihim mukhang ang ganda nito sa suot nitong dress na pinatungan ng coat na mukhang pagmamay-ari ni Leonardo."Baka UTI lang daw," sagot niyang tipid."Wala pa bang test?""Okay na ako sa antibiotic, Best. Bukas na bukas din daw pwedi na akong lumabas.""Bakit mo pa kami inabala ni Yvonne? Sinabi nya naman sayong may lakad kami 'di ba?" sabat ni Leonardo sa usapan. Lumingon si Yvonne sa gawi nito habang magkahawak kamay pa rin silang magkaibigan."Leo... nag-usap na tayo 'di ba?" ani naman ni Yvonne dito.Umiwas nang tingin si Leo sa kaniya nang lihim siyang ngumiti dito na may halong pang-iinis."Sa labas lang ako. I'm sorry, Hun." Paalam ni Leo. Sinundan nila nan
__"DITO ka na muna sa bahay, ako na muna mag-aalaga sa iyo," ani ni Yvonne sa kaibigang si Liezel nang magpumilit itong magpa-discharge kinabukasan. Pumayag naman ang doctor niya nang sabihin nitong maayos na siya at wala nang nararamdaman."Makakatulong sa akin iyong trip natin bukas sa Siargao," nakangiting sabi sa kaniya."Ipapakuha na lang natin kay Leo mga gamit na dadalhin mo. Nasa Tagaytay ba?" tanong ni Yvonne dito. Abala siya sa paghahanda ng tanghalian nila ng kaibigan; sinigang na baboy ang iluluto niya rito ang paborito nilang dalawa noong nasa Aklan pa lamang sila."Kung samahan ko na lang kaya si Leo sa condo ko sa Cavite. Okay lang ba?" Napatingin siya sa gawi ni Liezel nang marinig ang suhestiyon nito. Nakaupo ito paharap sa kaniya sa bar area ng bahay niya."But if it's not it's okay. Nakakahiya naman kay Leo."Umiwas siya ng tingin dito. May bahagi ng isip niya ang nagsasabing huwag pumayag sa gusto nitong mangyari naroon din naman ang pag-alala na baka
___"BAKIT HINAYAAN MONG MANGYARI MAGKASAMA SILA, YVONNE?" may galit sa boses ni Janice. "I- I t-trust t-them," nauutal niyang tugon dito. Hindi niya man lang magawang magtaas ng tingin sa kaibigan. Kasalukuyang nasa isang cafe sila ngayon nang bigla niyang naisipang umalis. "Kulang pa ba ang mga nalaman natin na magkasabay silang pumunta sa lugar kung saan nalasing ka ha? Ano 'to bulag-bulagan! Tanga-tangahan?!" ani pa nito. Napansin niyang napailing-iling ito nang tumingin siya rito.Napasinghap siya."They explained us why, right?""Ay tanga nga! Naniwala ka naman?""J-Janice. Please!"Tinitigan lang siya ni Janice. Kilala niya ang kaibigan, galit ito base sa emosyon na pinahihiwatig ng mga mata nito."Ano pa ba ang gusto mo para maniwala ka? Na for once isipin mo naman na may mali," himig na may pakiusap sa boses nito.Napasinghap siya."Gusto mo pa ba video scandal?" natatawang tanong nito sa kaniya. Bigla siya nakaramdam nang alarma sa sinabi nito sa kaniya."I'm
____"KANINA ko pa napapansing tahimik ka. Okay ka lang ba, Hun?" tanong ni Leonardo kay Yvonne. Kasalukuyan na silang nasa airport ng umagang iyon para sa Siargao quick vacation nilang tatlo kasama si Liezel; abala naman ang isa sa sariling cellphone nito sa may 'di kalayuan kung saan sila nakaupong dalawa ni Yvonne. Nang hindi na siya makatiis sa pananahimik ng kasintahan ay tinanong niya na ito, wala naman siyang nakikitang dahilan. Ang inaasahan niyang emosyon sa mga mata nito ngayon ay tuwa dahil nandito na sila ngayon tulad ng plano nito."I-Iyong... I-iyong soccer cap mo? Matagal ko nang hindi nakikita sa 'yo. N-nasaan n-na?" tanong nitong hindi niya inaasahan. Napakunot-nuo siya nang tumingin siya rito. Pansin niya ang nanginginig na mga kamay ni Yvonne — inisip niya na lang dahil malamig din sa VIP room kung nasaan sila."Ano'ng tungkol don?""Gusto ko lang malaman kung nasaan. Paborito mo 'yon 'di ba?" muling tanong sa kaniya. "Knowing you kasi kapag mahala
CONTINUATION "CANDLE LIGHT DINNER FOR THE TWO OF US, HUN..." bulong ni Leonardo nang tanggalin nito ang blindfold niya. Nag set up ito ng isang picnic style dinner for them sa may buhanginan sa harap maliwanag na karagatan dahil sa ilaw na nagmumula sa maliwanag na sikat ng buwan."Para saan to?""I'm willing to explain you everything, Vonn. Alam kong may mga bagay kang hindi naiintindihan at hindi pinaniwalaan. That's why we're here, I'm here. Hindi ko lilinisin ang pangalan ko sa iyo, dahil hindi ko hahayaan na magkamantsa 'to! Magkamantsa ang tiwala mo sa akin, Yvonne.""Magsisinungaling ka ba sa akin? O, nagsisinungaling ka na ba sa akin?" agaw niya sa mga sasabihin ni Leonardo."Yvonne, I'll protect you. Magpapakulong naman ako kung sakaling may kasalanan nga ako sa iyo. But no, Vonn. Wala! At hindi ko hahayaan."Inalalayan siya nitong umupo. Inalatag nito ang pagkain na hinanda nito sa harap niya."Liezel should be here... may dapat siyang ipagpaliwanag sa akin
HINDI nakaligtas sa mga paningin ni Liezel ang nangyayari sa labas ng villa kung nasaan siya; kitang-kita niya ang hinandang surpresa ni Leonardo para sa kaibigan nyang si Yvonne. Hindi niya napigilan ang sariling hindi magalit dito dahil sa pagpapahalagang harap-harapang pinapakita nito kay Yvonne; samantalang siya? Naiwan sa villa, ni hindi man lang siya magawang maalala ng dalawa. Sinama-sama pa siya r'on at hahayaan lang din. Ano ang akala ng mga ito sa kaniya? Chaperon lang siya. Binato niya ang tingin sa black two piece swim suit niyang nakalatag sa kama ng silid na inookupa niya.E, kung isuot niya kaya ito at rumampa sa harap ng mga ito? Baka hindi lang mapigilan ni Yvonne ang ma-insecure sa kaniya at si Leonardo naman baka lumuwal lang ang mga mata nito kapag nakita siya.Napangiti si Liezel. Tutal! Nagawa rin naman siyang balewalain ng dalawa — bakit di niya na lang abalahin ang mga ito sa romantic dinner nila.'Good idea, Liezel!' sang-ayon niya sa sarili.Nagmad
Bridal Shower ---ISANG linggo pagkatapos ng Siargao quick get away Nina Yvonne at Leonardo kasama si Liezel. Naging masaya naman ang maiksing bakasyon na iyon, katulad nga ng napag-usapan nila halos apat na araw at tatlong gabi lang sila d'on.Unang araw nila, nagtalo pa sila sa walang kwentang bagay at muntik niyang pinagkaloob ang sarili kay Leo. Mabuti na lang at hindi nangyari iyon, ngayon hindi niya siguro alam kung magsisisi ba siya o ipagpapasalamat niya. Napasinghap si Yvonne nang maalala iyon.Pangalawang araw ay wala naman gaanong nangyari sa kanila; maliban lang sa pagpapakitang gilas ni Liezel sa surfing. Manghang-mangha siya sa galing nito; matagal naman nang marunong si Liezel dahil beach lover talaga ito n'on pa man nang nasa Aklan pa sila, malapit lang sa kanila ang Boracay at malawak ang karagatan na sakop sa probinsya nila.Pangatlong araw nila ay ginugol nila ito sa pagkain sa kung saan-saan at pagbili ng mga pasalubong; sa kaniya ay para kay Jani