____"KANINA ko pa napapansing tahimik ka. Okay ka lang ba, Hun?" tanong ni Leonardo kay Yvonne. Kasalukuyan na silang nasa airport ng umagang iyon para sa Siargao quick vacation nilang tatlo kasama si Liezel; abala naman ang isa sa sariling cellphone nito sa may 'di kalayuan kung saan sila nakaupong dalawa ni Yvonne. Nang hindi na siya makatiis sa pananahimik ng kasintahan ay tinanong niya na ito, wala naman siyang nakikitang dahilan. Ang inaasahan niyang emosyon sa mga mata nito ngayon ay tuwa dahil nandito na sila ngayon tulad ng plano nito."I-Iyong... I-iyong soccer cap mo? Matagal ko nang hindi nakikita sa 'yo. N-nasaan n-na?" tanong nitong hindi niya inaasahan. Napakunot-nuo siya nang tumingin siya rito. Pansin niya ang nanginginig na mga kamay ni Yvonne — inisip niya na lang dahil malamig din sa VIP room kung nasaan sila."Ano'ng tungkol don?""Gusto ko lang malaman kung nasaan. Paborito mo 'yon 'di ba?" muling tanong sa kaniya. "Knowing you kasi kapag mahala
CONTINUATION "CANDLE LIGHT DINNER FOR THE TWO OF US, HUN..." bulong ni Leonardo nang tanggalin nito ang blindfold niya. Nag set up ito ng isang picnic style dinner for them sa may buhanginan sa harap maliwanag na karagatan dahil sa ilaw na nagmumula sa maliwanag na sikat ng buwan."Para saan to?""I'm willing to explain you everything, Vonn. Alam kong may mga bagay kang hindi naiintindihan at hindi pinaniwalaan. That's why we're here, I'm here. Hindi ko lilinisin ang pangalan ko sa iyo, dahil hindi ko hahayaan na magkamantsa 'to! Magkamantsa ang tiwala mo sa akin, Yvonne.""Magsisinungaling ka ba sa akin? O, nagsisinungaling ka na ba sa akin?" agaw niya sa mga sasabihin ni Leonardo."Yvonne, I'll protect you. Magpapakulong naman ako kung sakaling may kasalanan nga ako sa iyo. But no, Vonn. Wala! At hindi ko hahayaan."Inalalayan siya nitong umupo. Inalatag nito ang pagkain na hinanda nito sa harap niya."Liezel should be here... may dapat siyang ipagpaliwanag sa akin
HINDI nakaligtas sa mga paningin ni Liezel ang nangyayari sa labas ng villa kung nasaan siya; kitang-kita niya ang hinandang surpresa ni Leonardo para sa kaibigan nyang si Yvonne. Hindi niya napigilan ang sariling hindi magalit dito dahil sa pagpapahalagang harap-harapang pinapakita nito kay Yvonne; samantalang siya? Naiwan sa villa, ni hindi man lang siya magawang maalala ng dalawa. Sinama-sama pa siya r'on at hahayaan lang din. Ano ang akala ng mga ito sa kaniya? Chaperon lang siya. Binato niya ang tingin sa black two piece swim suit niyang nakalatag sa kama ng silid na inookupa niya.E, kung isuot niya kaya ito at rumampa sa harap ng mga ito? Baka hindi lang mapigilan ni Yvonne ang ma-insecure sa kaniya at si Leonardo naman baka lumuwal lang ang mga mata nito kapag nakita siya.Napangiti si Liezel. Tutal! Nagawa rin naman siyang balewalain ng dalawa — bakit di niya na lang abalahin ang mga ito sa romantic dinner nila.'Good idea, Liezel!' sang-ayon niya sa sarili.Nagmad
Bridal Shower ---ISANG linggo pagkatapos ng Siargao quick get away Nina Yvonne at Leonardo kasama si Liezel. Naging masaya naman ang maiksing bakasyon na iyon, katulad nga ng napag-usapan nila halos apat na araw at tatlong gabi lang sila d'on.Unang araw nila, nagtalo pa sila sa walang kwentang bagay at muntik niyang pinagkaloob ang sarili kay Leo. Mabuti na lang at hindi nangyari iyon, ngayon hindi niya siguro alam kung magsisisi ba siya o ipagpapasalamat niya. Napasinghap si Yvonne nang maalala iyon.Pangalawang araw ay wala naman gaanong nangyari sa kanila; maliban lang sa pagpapakitang gilas ni Liezel sa surfing. Manghang-mangha siya sa galing nito; matagal naman nang marunong si Liezel dahil beach lover talaga ito n'on pa man nang nasa Aklan pa sila, malapit lang sa kanila ang Boracay at malawak ang karagatan na sakop sa probinsya nila.Pangatlong araw nila ay ginugol nila ito sa pagkain sa kung saan-saan at pagbili ng mga pasalubong; sa kaniya ay para kay Jani
MAGKALAPAT ANG LABI nang dalawa hanggang sa makarating sa silid na inookupa ni Leonardo."What are you doing here? Paano mo nalaman na nandito ako? Sinabi ba sa iyo ni Danilo ha?" sunod-sunod na tanong ni Leonardo nang bahagya siyang tinulak patumba ni Liezel pahiga sa kama."Bakit bawal ko bang malaman na nandito ka? Pinagtataguan mo na ba ako? Binigay na ba ni Yvonne ang bataan sa iyo kaya hindi mo na ako hinahanap ha?" mariing tanong sa kaniya.Pinagmasdan niya si Liezel nang isa-isa niyong tinanggal ang saplot na suot; tsaka niya lang napansin na may pinagbago sa buhok nito ngayon. Ang hanggang balikat nuon ay pinagupitan pa ng mas maiksi na mas lalong nagbigay ng korte sa mukha nitong maliit lang."It's Yvonne bridal shower today, you should be here.""Matutuloy iyon kahit wala ako dahil marami siyang kaibigan.""But...Liezel. Nakokonsensya na ako," pagsusumamo niya. Akma sana siya tatayo ng danganan siya nito mula sa pagkakahiga niya."Maniniwala ka ba kung sasa
HULIBAGUIO, BURNHAM PARKNAKANGITING pinagmamasdan ni Liezel si Leonardo— nasa tabi niya lang ito at ilang dangkal lang ang pagitan nilang dalawa. Nakaupo sila sa isang upuang tumbang kahoy na nar'on kuntentong pinagmamasdan ang ilang pares ng mga mag-jowa siguro na nandoon pa rin ng gabing iyon."Did you bring Yvonne here? O, sinama ka na ba ni Yvonne dito?" tanong niya.Lumingon ito sa kaniya. Hindi siguro inaasahan ang tanong niya."Hindi pa.""Sabagay, sa Zambales iyong madalas niyang i-kwento sa akin n'on... iyong madalas niyong puntahan," ani naman niya.Muli nitong tinapon ang tingin sa kawalan. "How's your parents, Leo?" tanong niya.Hindi lingid sa kaniya ang lahat ng pangyayari n'on, madalas nga niya itong ginagamit na pang-iinis kay Leo kapag pinagtatanggol nito si Yvonne sa kaniya. Ang pamilya kasi ni Yvonne ang nagpakulong sa mga ito."O-okay lang sila.""Hindi ko man lang sila nakilala," aniya."What for?""Wala. As a someone na nagpapatanga siguro sa 'yo."Tumawa siya
The Scandal : Chapter 19LUHOD LAKAD-TAKBO ANG GINAWA ni Yvonne kasunod si Celine sa kotse ng kaibigan niya. Tumigil ito't napahawak sa bubong ng sasakyan ng akmang maramdaman nya ang nanginginig na tuhod niya. Wala pa ring humpay ang pagtulo ng luha niya dahil sa pait at sakit na naramdaman. Naalala niya ang naging panaginip n'on ni Leonardo, ang salitang luv ang mas nagpaigting sa duda niya. Bagamat hindi niya man nakita ang mga itong magkasama sapat na ang lahat ng iyon sa kaniya. Tinawag ni Liezel si Leonardo na luv kapareho ng naging panaginip n'on ni Leonardo. "N-nasaktan ko siya! N-nasampal ko siya, Celine!" umiiyak niyang saad kay Celine nang hawakan nito ang balikat nya. "He deserves it!" "C-Celine! C-Celine! N-nasaktan ko siya!" ulit niyang saad kay Celine. "Uulitin ko, he deserves it. Sinaktan ka rin niya, Yvonne at mas masakit ang dinulot niyang sakit diyan sa puso mo." Umiling-iling siyang napatingin dito. "Hindi ko naman nakita si Liezel na kasama niya!" "St
GUN -- "BABABA AKO, AT SANA SA PAGBALIK KO NAKALIGPIT NA IYANG MGA KALAT MO!" mariing pagkakasabi ni Yvonne kay Leonardo. Walang lingon likod siyang umalis pagkatapos hawiin ang kamay nitong nakayapos sa kaniya. "Y-Yvonne! Yvonne.." tawag nito sa pangalan niya. Hindi man lang siya nag-atubiling lumingon dito. Hindi niya na rin nakuhang isarado ang pinto ng umalis siya. Napahinto siya sa may paanan ng hagdan. Lumingon siya sa silid niya. 'Part of loving you is letting you go! Hindi dahil nasasaktan ako kun 'di dahil mas masasaktan ako kapag pinili kong ipagpatuloy 'to maaalala ko lang lahat-lahat ng mga maling ginawa mo!' mapait niyang bulong sa sarili tumuloy-tuloy sa pagbaba. "Ma'am, kakain po ba kayo?" tanong sa kaniya ng katiwala niya. "Aalis ako, manang. Oo nga pala, pakisabi kay Leonardo na pagkatapos niyang ligpitin ang kalat niya makakaalis na siya." "M-maam.." "Huwag na maraming tanong, Manang. Salamat. Babalik din ako agad." Tumalima siya matapos magpaal
The Scandal ||| The Last Scandal __ ST. THERESE BATANGAS, DAHIL sa pagiging abala ni Archie sa last exhibit nito, tanging si Yvonne lang naging ang punong-abala rin sa pag-aasikaso ng kasal nilang dalawa. Kasalukuyan siyang nandito sa simbahan ng St. Therese para magpa-schedule ng kasal nilang magkasintahan. Marami nang nagbago wala na rin iyong pari na minsang nagbigay sa kaniya ng kaba at pagkawala ng respeto niya sa ginawa nito sa kaniya n'on. Kasalukuyan siyang narito sa harap ng altar pinagmamasdan ang malaking krus. Umusal siya nang panalangin, ganoon na rin ang pangangamusta niya sa magulang niya at pagbibigay-alam niya sa mga itong nasa maayos ang lagay niya. "Yvonne.." Lumingon si Yvonne. Hindi akalaing si Leonardo ang napaglingunan niya. Tumingin siya ritong may pagtatanong kung ano ang ginagawa nito d'on. "Muntik na kitang hindi makilala. Short hair eh," natatawang sabi nito. Ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Halos sabay pa nilang bigkas sa isa't i
THE SCANDAL || CHAPTER 37 Road to forever ___ "ANONG NANGYAYARI DITO?" Gulat na tanong ni Archie nang abutan niyang inalalayan ni Leonardo si Yvonne hanggang sa maayos nitong maiupo nang mahimatay ito sa bisig niya. Panay ang paypay niya rito gamit ang binigay na pamaypay ng isang ale na nakakita sa kanila. Gustuhin nya mang buhatin ito hindi pa kaya ng mga binti niya. Ayaw niyang matumba sila sa ganoong sitwasyon dahil baka masaktan lang si Yvonne. "Anong ginagawa mo rito?" dugtong niya pang tanong. "I'm sorry, Bro. Sinundan ko lang si Yvonne para kausapin," tugon niyang hindi makuha ang tingin kay Yvonne. Alam niyang nahimatay lang ito dahil sa masamang balitang natanggap nito. "And, why? Anong ginawa mo?" Umupo ito sa tabi ni Yvonne. Tinangka nitong gisingin si Yvonne sa pamamagitan ng pagtapik-tapik ng pisngi nito. "Vonne.. Vonne.." anito. "Leonardo, ano ang nangyari? Nahimatay ba siya? Why?" "Someone called her. Narinig ko namatay daw ang dad niya. Archie, believe me. W
THE SCANDAL || CHAPTER 36 THE TRUTH "HI..." Hindi niya inabala ang sariling lumingon. Nanatili iyong mga mata niya sa bahay niya, ang huling araw na mapagmamasdan niya ito. "How's your feeling now?" tanong nito sa kaniya. "Fine. I have to be fine," malungkot niyang sagot dito. "Malulungkot si mommy kapag tuluyan itong nawala sa akin. But apparently alam kong magiging okay din siya, tulad ko. Hindi ba?" aniya. Nanatili iyong mga mata nya sa bahay na pinamana sa kaniya ng mommy niya bago ito mamatay mahigit siyam na taon na ang lumipas. "She will be proud of you, Yvonne. Kasi ang layo na nang narating mo sa lahat-lahat ng napagdaanan mo. You're still there. Nakatayo at patuloy na lumalaban." "Kung buhay si mommy sasabihin niya sa akin, that's my girl." Ngumiti siya rito. "Ilang beses kong hiniling na kunin niya na ako, Archie. Pero ang tigas ng ulo ni mommy," natatawa niyang sabi rito. "I will never ever leave you here. I swear it, Yvonne. Kung kinakailangan isakripisyo ko
The Scandal || Chapter 35. 2 THE MIRACLE BACKSTORY, 6 YEARS AGO. "STILL CRYING?" tanong ni Leonardo sa kanya. Nasa ilalim sila ng isang puno ng akasya sa likod ng universidad kung saan sila nag-aaral na dalawa. Halos isang taon na rin silang magkaibigan ni Leonardo n'on mula nang namatay ang mommy niya ito lagi ang nakaramay niya. "Hindi ko magawang pigilin ang sarili ko eh. Masakit pa rin kasi," aniya rito. "Alam ko. I feel it. Here.." Tiningnan niya ang inaabot nitong isang bagay na nakabalot sa isang panyo. "Ano ito?" tanong niya. "Open it." Napailing-iling siyang tinanggap ito. Bumungad sa kaniya ang isang kwentas na may krus na pendant. "Para?" "Para kapag wala ako sa tabi mo, hindi ka na maging malungkot at umiyak. Kausapin mo lang siya, hindi siya sumasagot pero nakikinig siya sa lahat-lahat ng magiging sumbong mo." "Salamat ha. Paano iyan wala akong ibibigay sa iyo, hindi ko naman kasi alam na may paganito ka," natatawang pagkakasabi nya rito. Binalik niya
THE SCANDAL || CHAPTER 35 "ANO ANG GINAGAWA MO RITO?" tanong niyang nagtataka. Hindi niya man lang nakuhang tanggapin ang inaalok nitong panyo sa kaniya. Gusto niya malaman kung ano ang ginagawa nito rito. "Nakalimutan mo bang nag-aral din ako rito?" "Alam ko. Ang tinatanong ko rito." Posible bang nakita siya nito o naging pag-uusap nila ni Liezel? "Hindi kita sinusundan. Gusto ko lang pumunta dito para sa ilang bagay na gusto kong sariwain sa isip ko," aniya nito sa kaniya. "Kasama ko si Ramon," saad pa nito. "Ikaw ano ang ginagawa mo rito?" tanong nito sa kaniya. "Banyo 'to 'di ba? Ano ba ang ginagawa sa lugar na 'to?" mataray niyang sagot. Ngumiti ito. "Akala ko kasi iiyak ka na naman." "Hindi na ako bata at Yvonne na iyakin na nakilala mo, Leonardo—" aniya. "Pero ikaw pa rin iyong maganda at mabait na babaeng na nakilala ko, Yvonne —" Hindi siya nakakibo dahil sa narinig niya sa lalaki. Ang balak niyang pagpasok sa loob ay hindi niya nagawa dahil sa hindi inaasahang
THE SCANDAL || CHAPTER 34 STRUGGLE OF LIEZEL MARRIED LIFE. ❤️ HUMAWAK ng mahigpit si Yvonne sa balikat ni Archie habang naglalakad sila sa simbahan. Magkapareha sila sa pagiging secondary sponsor ni Tita Agnes at Tito Jun.Ramdam niya ang pagdantay ng palad nito sa kamay niya. Hindi napigilan ni Yvonne ang luha niya habang nakatingin kay Tito Jun na may mga luha din sa mata. Luha ng kaligayahan, dahil na rin sa lahat ng mga pinagdaanan ng mga ito buo pa rin sila at heto muling mangangako sa harap ng lahat maging sa harap ng pari at diyos sa habambuhay na pagsasama.Hinatid siya ni Archie sa upuan kahanay ang mga abay at ilang secondary sponsor din bago ito pumunta sa gawi nina Leonardo. Hindi nakaligtas sa kaniya ang mariin na namang tingin nito.Tinaasan niya na lang ito ng kilay at tinuon ang pansin kung saan naghihintay si Tita Agnes. Hindi pa sila nakapag-usap mula sa huling engkwentro nila tungkol sa pinagdiskitahan nitong larawan. Sino ba naman ang normal na taong m
THE SCANDAL | CHAPTER 33 RENEWAL OF VOW ||| ❤️ "GOOD MORNING," magiliw na bati ni Archie sa kaniya. Tumuloy sila sa bahay niya pagkatapos nila pumunta sa resort. "Breakfast in bed. Okay ka na ba?" tanong sa kaniya ni Archie. Nang sinundo siya nito nasabi niya ang tungkol sa allergy niya sa hipon. Nag-alala din naman ito sa kaniya at pinagsabihan pa siya kung bakit hindi niya agad sinabi rito. "Okay na ako. Salamat sa pag-alala." Binigyan siya ni Archie nang ilang tableta sa tray niya. Dumaan sila nang gabing iyon sa hospital para ipa-check-up niya. Ayaw niya pa sana pero naging mapilit ito. "Kumain ka na ha. Dadaan sina tito sa bahay, gusto mo ba sumama?" tanong nito sa kaniya. "Bakit daw? May problema ba?" "Wala naman. Dadaan lang para sa personal na imbitasyon sa susunod na araw sa kasal nila." Naalala niya. Tumango-tango siya rito. Nagdadalawang-isip ang loob niya kung sasama pa ba rito. "Okay lang ba?" "Sige. Kakain lang ako tapos I'll be ready." "Okay. Hintayin
The Scandal | Chapter 32 THE REUNION ___ "DITO KAYO UMUPO, YVONNE." Hinila si Yvonne nang mommy ni Leonardo. Mabuti na lang at dalawa ang pagitan at hindi niya tuluyang nakatabi si Leonardo. Pinakilala ng daddy nito ang mga hindi pamilyar sa kaniyang mukha. Ngumiti naman siya rito nang ngumiti ito sa kanila. "Upo. Upo kayo. Nandiyan na pala mga pagkain natin. Masasarap iyan. Para talaga sa inyo." Napatingin siya sa mga nakahain sa harap nila. Halos seafood ang lahat; kabilang na ang malalaking hipon at sa tingin pa lang mukhang masarap at mataba ng alimango. Inalalayan siyang makaupo ni Archie nang ipaghila siya nito ng upuan. "B-Bro," anito kay Leonardo. Tumango lang ang huli. Hindi man lang ito nagtaas ng tingin sa kanilang dalawa. "Hipon or crab?" tanong sa kaniya ni Archie. Napatingin siya rito. Sa pagkakataong iyon nagtama ang mga tingin nila ni Leonardo. "H-Hipon na lang," aniya. Umiwas siya nang tingin dito nang maramdamang nakatingin pa rin ito sa gawi n
The Scandal | Chapter 31 WELCOME HOME❤️❤️❤️❤️ AFTER 3 YEARS "HOW ARE YOU?" salubong na tanong ni Archie sa kaniya. Sa dalawang taon na pagtratrabaho niya bilang caregiver sa Dubai, ito lagi ang salubong sa kaniya ni Archie kapag umuuwi siya sa apartment na tinutuluyan niya. Halos magkatabi lang sila ng unit at ito naman ay isang matagumpay na artist sa bansang iyon. "Pagod pero masaya. May improvement na sa alaga ko," masaya niyang tugon dito. Regular client niya ang matandang babaeng arabo na bed ridden na. "Good. I'm happy for you," aniya nito sa kaniya. Masaya siyang umupo patabi sa malambot niyang sofa. "Ano pinapanuod mo?" "Series. Maganda," nakangiting tugon sa kaniya. May napansin siyang mukhang may kakaiba yata kay Archie ngayon. Lagi itong puno ng enerhiya kapag dumadating siya. Naisip niyang baka pagod lang ito sa trabaho nito. "Ano gusto mong kainin? Gusto mo bang magluto ako ng kabsa diay ngayon?" tanong niya rito. Tumayo siya't tumungo sa maliit