One tragic night ruined her life… but one sinful night awakened something she should’ve never felt. *** Maya Ramirez is a top actress—admired by millions, envied by many, but shattered within. Sa araw ng kanyang bed scene shoot, nakatanggap siya ng balitang ikinawasak ng mundo niya: naaksidente ang ama niya at nang dumating siya sa ospital ay patay na ito. At ang mas masakit? Buntis ang kapatid niyang si Maica, at ang ama ng dinadala nito ay walang iba kung 'di ang boyfriend ni Maya. Dahil sa sakit, sa galit, sa pagkawasak—uminom siya ng alak hanggang mawalan ng kontrol. At sa isang gabi ng kahinaan, nakatulog siya sa bisig ng isang estranghero. Ngunit pagmulat niya… hindi pala ito estranghero. Ito ay si Atty. Luigi Salazar—ang kanyang tiyuhin. Dapat ay isang pagkakamali lang iyon. Dapat ay kalimutan na, pero hindi siya pinakawalan ni Luigi. Hindi siya tinalikuran. Sa halip, ang bawat gabi ay naging mas mapusok, mas makasalanan… at mas mahirap itigil. They tried to deny it. They tried to hide it. Until one revelation changed everything—they’re not blood-related. Pero sapat ba 'yon para maging tama ang mali? Handa ba silang ipaglaban ang pag-ibig na itinatago nila sa dilim? O mas pipiliin nilang masunog sa apoy ng bawal na pagmamahalan? *** “Hindi mo ako matatakasan, Maya,” malamig, ngunit puno ng damdaming bulong ni Uncle Luigi. “Simula ngayong gabi… akin ka na.”
View MoreLuigi's POV Suot ko ang aking three-piece navy suit, pinasadya sa Milan, ang tela ay preskong pinanipis para sa mainit na panahon ng Maynila, ngunit kahit gaano kabango ng pabango kong Tom Ford at gaano kalinis ng pagkaka-press ng aking kwelyo, hindi ko mapawi ang tensiyon sa katawan ko. This is not just another case. This is personal. Nang masilayan ko si Arnold sa witness stand—nakaupo, maputla, halatang nanlalamig—napangisi ako ng bahagya. Hindi para ipahiya siya, kung 'di para ipaalala sa kanya na nasa korte siya ngayon, hindi sa mundong siya ang bida, kung 'di sa mundong ako ang hari. “Attorney Salazar,” tawag ng huwes habang pinipigil ang ingay ng media at ilang mga tagasubaybay sa likod. “You may proceed with the cross-examination.” Tumayo ako mula sa kinauupuan, marahang itinaas ang aking folder, at naglakad patungo sa harapan ng silid. Ang bawat hakbang ay sinadya kong bagalan—para pwersahin si Arnold na maramdaman ang bigat ng bawat segundo. Nakatingin ako diretso sa ka
Luigi's POV "Huwag mong kalimutang inumin ang pills mo," malumanay kong paalala kay Maya habang hinahaplos ang buhok niyang nakakalat sa balikat. Nakaunan siya sa dibdib ko, amoy pa ang pinaghalong tamis ng pawis at samyo ng katawan naming magkasugpong kanina. Mahina siyang tumango, parang batang gustong matulog muli sa aking dibdib. Hinalikan ko ang noo niya, dahan-dahan, buong pag-iingat na parang may basbas ng pagsisisi ang bawat dampi ng labi ko. Tumayo ako, naglakad patungong banyo habang dama pa rin sa balat ko ang init ng mga sandaling nilasap namin. May court hearing pa ako mamaya, at kailangan kong ibalik ang anyo ng isang respetadong abogado sa harap ng korte. "Take care later, Uncle," pahabol niyang bulong habang nakapikit, bahagyang nakangiti. Buong puso akong tumigil sa pagbukas ng pinto ng banyo, sapagkat sa dalawang salitang iyon—na puno ng lambing, ng ligaya, at ng mapanuksong pagkukunwari—naramdaman kong muli kung gaano kalalim ang pagkakalugmok ko sa kasalanang
Maya's POV Mainit ang araw, hulas ang make-up, at ilang ulit nang nagka-take two ang eksena ko sa gitna ng gitgitan ng crew at production staff. Nasa kalagitnaan kami ng isang mabigat na confrontation scene nang bigla akong nilapitan ng assistant ko, hawak ang cellphone at bakas sa mukha ang pagkaabala.“Maya, emergency daw. Si Arnold, nasa linya.”Napakunot ang noo ko. "Arnold? Bakit siya tatawag?" Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang phone at agad lumayo sa set. Dumeretso ako sa gilid ng van kung saan may kaunting privacy, saka sinagot ang tawag.“Maya…” halos pabulong at pakiusap ang tono niya. “Please, pakinggan mo muna ako. Humihingi ako ng tawad. Hindi ko sinasadya, hindi ko alam ang iniisip ko noon. Nadala lang ako…”Napapikit ako, pilit pinapakalma ang sarili habang humihigpit ang hawak ko sa cellphone.“Hindi mo alam ang iniisip mo? She’s sixteen, Arnold. SIXTEEN. At buntis na ngayon dahil sa 'yo,” madiin kong sagot, pilit pinapababa ang boses para hindi ako mapansin ng m
Maya's POVPapasok na ako sa condo ko nang mapansin ang pulang kotse ni Arnold. Lumabas siya sa kotse at mabilis na naglakad patungo sa akin.Napamura ako nang hawakan niya ang braso ko ng mahigpit. "Sino ang lalaking nakasama mo sa kama?!" galit niyang tanong at mas lalong hinigpitan ang paghawak niya sa braso ko. "Answer me!" Ngumisi ako at itinulak siya palayo sa akin. Sinubokan niya akong halikan, pero mabilis ko siyang sinampal sa pisngi."Huwag na huwag mo akong tanungin kung sino ang kasama ko, Arnold, dahil noong binuntis mo ang kapatid ko, kahit isang salita o pang-iinsulto ay wala kang natanggap sa akin dahil mas inuna ko ang kapakanan ng minor de edad kong kapatid!" Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko."Maya..." Hinawakan niya ang mukha ko."You betrayed me, Arnold. Pinagsamantalahan mo ang kapatid ko. Maica told me everything." "No. She's a liar, Maya. Maica seduced me. Lasing ako noon at hindi ko alam ang ginagawa ko. Please, Maya." "Kahit ano pa ang sasabihi
Maya’s POVAng araw ng libing ni Papa ay isa sa pinakamabigat na yugto ng buhay ko. Isang bahagi ng puso ko ang tuluyang nalibing sa lupa kasabay ng kabaong niya. Nakita ko si Uncle Luigi.Sa itim niyang barong, kitang-kita ang tikas ng kanyang katawan, ang tiklop ng tela sa kanyang dibdib na tila sadyang idinisenyo upang ipaalala sa akin kung gaano kalapit ang katawan naming dalawa—noong gabing ako ay wasak at siya ang sumalo sa aking pagbagsak.Mula sa pagdating ko sa sementeryo, ramdam ko na ang presensya niya. Ang bawat galaw ko ay sinusundan ng mga mata niyang parang hindi mapakali. Nagtama ang paningin namin nang ibaba ko ang itim kong shades habang inihihimlay si Papa. Hindi ako umiwas. Ngunit hindi rin ako lumapit. Gusto kong iparating sa kanya, kahit walang salita, na hindi ko alam kung paano siya haharapin. Na ang sakit ng pagkawala ng isang magulang ay lalo pang pinalala ng kasalanang hindi ko sinasadyang gawin—ang mahulog sa bisig ng taong hindi ko dapat pinangarap, kahit
Maya's POV Tahimik akong umuwi sa condo, walang imik, walang emosyon. Ang ingay ng lungsod ay tila naging alingawngaw na lamang sa tenga ko. Habang naglalakad ako sa hallway, ramdam ko ang bigat ng katawan ko—hindi dahil sa pagod sa trabaho, kundi dahil sa bigat ng damdamin. Hindi ko na kayang dalhin ang sakit na ito.Pagpasok ko sa loob ng unit, tuloy-tuloy lang ako sa kusina. Binuksan ko ang overhead cabinet at kinuha ang bote ng red wine—isang mamahaling regalo mula sa isa sa mga producer ng pelikula ko, na dapat sana'y iinumin ko sa isang celebratory night. Pero hindi celebration ang dahilan ngayon—kundi pagtakas.Tahimik akong nagbukas ng bote, inilapat ang labi ng baso sa alak, at walang segundo ang lumipas ay naupos ko na agad ang una. Sumunod ang isa pa, hanggang sa napalitan na ito ng direktang lagok mula sa bote.Hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha ko. Isa-isa silang bumagsak sa pisngi ko, malamig at mahapdi. Isinandal ko ang ulo ko sa mesa, pinagmamasdan ang bote ng
Maya's POV“Cut!” sigaw ng director, halatang naiinis na matapos ang ikalimang take ng bed scene namin.Huminga ako nang malalim at agad na bumangon mula sa kama kung saan kami nakahiga ng leading man ko. Ramdam ko ang malagkit na pawis sa aking balat dahil sa mainit na ilaw ng set, ngunit hindi iyon ang laman ng isip ko. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko, at nang magkaroon ng pagkakataon, dali-dali kong kinuha ito mula sa gilid ng kama.Nang makita ang pangalan ni Maica sa screen, agad kong sinagot ang tawag.“Maya! Naaksidente si Papa! Kritikal ang kondisyon niya!”Tumigil ang mundo ko. Parang biglang lumamig ang buong katawan ko, kahit pa kanina lang ay tila binubuhusan ako ng apoy ng mga ilaw ng set."Ano?" Halos hindi lumabas ang boses ko. Nanginginig ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa cellphone."Nasa ospital na siya ngayon! Ang daming dugo! Maya, hindi ko alam ang gagawin!" Hysterical na si Maica.Pinilit kong kontrolin ang nanginginig kong boses. "Anong ospital? Papun
Maya's POV“Cut!” sigaw ng director, halatang naiinis na matapos ang ikalimang take ng bed scene namin.Huminga ako nang malalim at agad na bumangon mula sa kama kung saan kami nakahiga ng leading man ko. Ramdam ko ang malagkit na pawis sa aking balat dahil sa mainit na ilaw ng set, ngunit hindi iyon ang laman ng isip ko. Kanina pa nagri-ring ang cellphone ko, at nang magkaroon ng pagkakataon, dali-dali kong kinuha ito mula sa gilid ng kama.Nang makita ang pangalan ni Maica sa screen, agad kong sinagot ang tawag.“Maya! Naaksidente si Papa! Kritikal ang kondisyon niya!”Tumigil ang mundo ko. Parang biglang lumamig ang buong katawan ko, kahit pa kanina lang ay tila binubuhusan ako ng apoy ng mga ilaw ng set."Ano?" Halos hindi lumabas ang boses ko. Nanginginig ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa cellphone."Nasa ospital na siya ngayon! Ang daming dugo! Maya, hindi ko alam ang gagawin!" Hysterical na si Maica.Pinilit kong kontrolin ang nanginginig kong boses. "Anong ospital? Papun...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments