Manhater (Filipino)

Manhater (Filipino)

last updateHuling Na-update : 2022-04-29
By:  Señorita  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.7
11 Mga Ratings. 11 Rebyu
115Mga Kabanata
18.5Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Ang salitang “Kasal” ay wala sa bokabularyo ng isang Alona Desepeda. Kilala siyang maselan pagdating sa mga lalaki at walang pakialam sa sariling buhay pag-ibig. Mas gusto niya ang buhay na mayroon siya at naniniwala siyang hindi niya kailangang magpakasal para makuntento sa buhay. Pero biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay bilang Manhater, mula nang makilala niya si Karlos Miguel Sermiento, ang lalaking pilyo, masungit at madalas hinahangaan ng mga babae. Nang dahil sa isang malagim na aksidente ay napilitan si Alona na pakasalan ang anak ng kanilang kasosyo sa kumpanya, ito ay si Karlos. Noong una ay hindi niya ito gusto at naiirita siya kapag naririnig niya ang boses ng binata. Ngunit habang tumatagal ay unti-unti siyang nahuhulog sa kaniyang karisma. Akala ni Alona, ​​totoo ang nararamdaman ni Karlos sa para kaniya, pero palabas lang pala ang lahat. Mamahalin pa rin kaya niya si Karlos kung matuklasan niya ang kanyang malaking sikreto? O pipiliin na lang niyang magpakamartir alang-alang sa pag-ibig?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Unang Kabanata

"Magandang gabi, ginoo at ginang." Binati ni Karlos ang mag-asawang negosyante at may-ari ng malaking hacienda na kinatatayuan nila ngayon.Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ikadalawampu't limang kaarawan ng kanilang unica hija na si Alona Desepeda. Kilalang maganda, balingkinita ang katawan, matalino, nag-iisang tagapagmana ng Marcaida at isang mahusay na ballerina.Ngunit sa kabila ng perpektong katangian nito, kabaligtaran naman ang pag-uugali na mayroon siya. Siya ay hambog, pilya, spoiled-brat, matalas ang dila at mababa ang tingin sa mga lalaking gustong angkinin ang kaniyang puso. Naniniwala siyang yaman o pera lang ang gusto nila mula sa kaniya. Kaya magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapili na mapapangasawa niy, kahit marami naman ang manliligaw niya at pumipila sa kaniya.Ang mag-asawang Desepeda na lamang ang kusang-loob na maghanap ng lalaking makakatuluyan nito. Nag-aalala lang sila na baka hindi na ito makapag-asawa pa sapagkat napakapihikan nito, lalo na pagdating

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Señorita
Sa mga nagbibigay po sa akin ng Gems, maraming salamat po :) Ambabait po ninyo pati na rin sa mga readers ko, kahit na medyo matagal akong mag-update, salamat talaga. :)
2021-08-18 23:22:21
4
user avatar
Luna Lee
maganda po. next po author ...
2021-08-18 18:33:05
1
user avatar
alanasyifa11
i try reading this using machine translator and seems like this is a good story! will you upload translated version of this novel? do you have social media? i would love to keep updated about your future works
2021-07-09 16:13:50
1
user avatar
abby😒😑
Gon'na read this author HEHEHEH thank you sa pag up-load author~😊😊❤
2021-06-09 22:29:27
1
user avatar
Señorita
Up Up Up Up Up Up
2021-05-18 16:21:05
0
user avatar
Señorita
Up Up Up Up Up Up
2021-05-18 16:21:04
0
user avatar
Señorita
Up Up Up Up Up Up
2021-05-18 16:21:02
0
user avatar
Señorita
Up Up Up Up Up Up
2021-05-18 16:21:02
0
user avatar
Aloisia
?? Keep it up
2020-08-15 21:49:27
1
user avatar
Señorita
very funny story?
2020-07-30 10:00:06
0
user avatar
chichi alcordo
ang ganda ng story kaso ang taas ng coins para sa isang chapter 40 agad
2021-08-18 10:40:07
1
115 Kabanata

Unang Kabanata

"Magandang gabi, ginoo at ginang." Binati ni Karlos ang mag-asawang negosyante at may-ari ng malaking hacienda na kinatatayuan nila ngayon.Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ikadalawampu't limang kaarawan ng kanilang unica hija na si Alona Desepeda. Kilalang maganda, balingkinita ang katawan, matalino, nag-iisang tagapagmana ng Marcaida at isang mahusay na ballerina.Ngunit sa kabila ng perpektong katangian nito, kabaligtaran naman ang pag-uugali na mayroon siya. Siya ay hambog, pilya, spoiled-brat, matalas ang dila at mababa ang tingin sa mga lalaking gustong angkinin ang kaniyang puso. Naniniwala siyang yaman o pera lang ang gusto nila mula sa kaniya. Kaya magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapili na mapapangasawa niy, kahit marami naman ang manliligaw niya at pumipila sa kaniya.Ang mag-asawang Desepeda na lamang ang kusang-loob na maghanap ng lalaking makakatuluyan nito. Nag-aalala lang sila na baka hindi na ito makapag-asawa pa sapagkat napakapihikan nito, lalo na pagdating
Magbasa pa

Kabanata 2

Sa kabila ng paglalakad ni Alona at panlalabo ng mga mata dahil sa namumuong luha, bigla niyang nabangga ang binatang waiter na may hawak na tray ng baso ng alak. Kaya naman, nabitawan niya ito at nabasag sa sahig.Dahil dito, naagaw niya ang atensyon ng kanilang mga bisita. Lumingon ang mga ito sa kanila at tumingin sa kaniya.“Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po talaga sinasadyang mabangga ka,” paumanhin ng waiter sa kaniya habang pinupulot at nililinis ang mga nabasag na baso.Hindi makagalaw ang dalaga. Nalilito siya kung ano ang gagawin niya at tila umiikot ang paningin niya. Napansin kaagad siya ni Ivan kaya nilapitan niya ito at hinawakan sa braso."Ms. Alona, okay ka lang ba?" nag-aalala niyang sabi habang sinisiguradong wala siyang sugat o galos na natamo sa katawan.“Ivan,” mahinang sambit ng dalaga. Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang umakyat ang kaniyang ama sa entablado at kinuha ang kanilang atensyon."Atensyon sa lahat ng mga naggagandahang dilag at mga ginoong dumalo sa
Magbasa pa

Kabanata 3

Nakabalot ng benda ang mga mata, ulo, braso, at binti ni Alona. May mga neck braces din na nakakabit sa leeg ng dalaga.Sa ngayon, ang oxygen concentrator lang ang sumusuporta sa kaniyang katawan para mabuhay.Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Para siyang bangkay na nakahiga ngunit humihinga pa rin at gising na gising ang kaniyang diwa.Nanginginig na lumapit sa kaniya si Ivan at mabigat ang bawat hakbang niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa sinapit ng dalaga.Pero hindi siya gaanong nakalapit kay Alona dahil biglang dumating ang magiging asawa niyang si Karlos. Binangga pa siya nito sa balikat, pero hindi na lang niya ito pinansin.“Alona! naririnig mo ba ako?" sabi niya na may pag-aalala. Dahan-dahang ginalaw ng dalaga ang isang daliri niya at nakita ito ng dalawang binata.Napangiti si Karlos at napaluha, sabay halik sa kamay niya. Tumalikod na lang si Ivan at lumabas sandali ng kuwarto.Bumuga
Magbasa pa

Kabanata 4

Habang walang tao sa loob ng silid ni Alona ay pumasok naman sa loob si Ivan at maingat niyang sinara ang pintuan upang hindi niyang magising ang dalaga sa pagkakaidlip.Dahan-dahan din niyang inilakad ang kaniyang mga paa palapit kay Alona at saka siya huminto sa harapan nito habang pinagmamasdan ang napinsalang katawan nito dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya.Halos tumulo ang mga luha niya sa gilid ng mata, lalo na nang umakyat ang tingin niya sa mukha ng dalaga na kasalukuyang nakabalot naman ng puting benda ang buong mukha nito."Patawad kung nabigo kita at hindi kita naprotektahan. Pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng taong iyon ang ginawa niya sa'yo," mahina ngunit mariin niyang sinambit sa kaniyang bibig habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.Tila gumalaw naman ang hintuturong daliri ng dalaga sa kaliwang kamay niya at napansin din naman iyon kaagad ni Ivan, kung kaya't bigla siyang natahimik at napatingin sa mukha ng dalaga. Batid niya na narinig ni Alona ang mga si
Magbasa pa

Kabanata 5

Pagkatapos maiparada ni Ivan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay apurahan naman siyang sumakay ng elevator. "Sandali lang!" saktong pasara na ito, pero mabuti na lang at naabutan pa niya."Salamat," aniya nang makapasok na siya sa loob at pinindot ang number button sa may gilid. Halos hindi naman siya mapakali at panay din ang pagtingin niya sa kaniyang relo. Hanggang sa napukaw ng atensyon niya ang isang misteryosong tao na nasa likuran niya. Tangging silang dalawa lamang ang nasa loob ng elevator at napansin niya sa reflection na nasa kaniyang harapan ang taong nakatayo sa likuran nito habang nakamasid sa kaniya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Nakasuot siyang jogger na itim, nike rubber shoes at black- hoody jacket na natatakpan naman ang kaniyang mukha.Hindi niya matukoy ang itsura nito dahil sa hoody jacket na nakatakip sa kaniyang ulo at mukha. Ngunit sigurado naman siya na
Magbasa pa

Kabanata 6

Mahigit dalawang oras ang inabot ng paghihintay nina Ivan, sa labas ng silid ni Alona. Hindi ito mapakali at palakad-lakad na lang, habang nakahawak sa kaniyang noo gamit ang isang kamay.Nakasunod naman ng tingin si Kiko sa kaniya at nagbuga ng malalim na paghinga."Puwede ba, Ivan? umupo ka na muna sandali at kumalma. Ako tuloy ang nahihilo sa kakaikot mo riyan," turan nito sa kaniya. Saglit namang natigilan sa paglalakad ang binata at lumingon ito sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang mga kamay."Kiko, sabihin mo nga sa akin. Wala ka bang napapansin na kakaiba? o baka naman may ibang taong pumasok sa loob ng kwarto niya?" usisa niya habang napailing naman sa ulo si Kiko at nanliliit ang mga mata."Kakaiba? wala naman. Bakit?" mabilis nitong tinugon sa kaniya."Sigurado ka ba? wala kang napansin na kakaiba?" medyo natagalan sa pagtugon si Kiko sa kaniya at tila may malalim itong inii
Magbasa pa

Kabanata 7

"I'll take care of her." Ani ni Karlos kay Ivan, nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.Hindi naman nakatugon kaagad ang binata sa kaniya at nakasunod lang ng tingin sa kaniya habang naglalakad siya, patungo sa loob ng silid ni Alona. Ngunit kaagad din siyang natigilan sa paglalakad ng tabigin siya sa isang balikat ni Ivan at mapangmata siyang tinignan.Ano ba talaga ang problema ng isang 'to? ang lakas din naman pala ng loob niyang pigilan ako, samantalang isang hamak na private bodyguard lang naman siya. Paglalayag sa isipan ni Karlos habang nakatitig siya sa mga mata ni Ivan."Huwag na huwag mong babalaking gumawa ng kolokohan sa kaniya. Dahil alam mo kung ano ang kasasapitan ng buhay mo," mahinang turan nito sa kaniya, pero napangisi lang siya at tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.Anong sinabi niya? alam ko ang kasasapitan ng buhay ko? wow! so, ang akala ba niya ay matatakot
Magbasa pa

Kabanata 8

Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas, magmula nung umalis si Ivan at bigla na lang nawala. Tangging si Karlos naman ang nag-aalaga kay Alona at kasalukuyan na nga niyang naigagalaw ng paunti-unti ang kaniyang katawan, subalit nakapiring pa rin ng puting bendahe ang kaniyang mga mata.Nakakaupo na siya ngayon at paunti-unti ay nakakalakad na ulit siya dahil sa tulong ng binata at sa palaging pag-aalalay nito sa kaniya."Say ah." Kasalukuyan nakaupo si Karlos sa harap ni Alona, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang higaan. Sinusubuan niya ito ng isang kutsarita na may crab soup, pero tinatanggihan naman siya ng dalaga."Tumigil ka na, hindi mo kailangang magbait-baitan sa akin ngayon. Alam ko namang walang tao sa paligid natin, kaya puwede ka ng huminto sa pag-aakting mo." Mahina ngunit may laman ang mga sinasabi nito sa kaniya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ng binata at sandali niyang binitawan ang hawa
Magbasa pa

Kabanata 9

Apurahang tumatakbo si Karlos mula sa private room ni Alona, pagkatapos nitong malaman na ngayong araw na rin pala tatanggalin ang bendaheng nakapiring sa mga mata ng dalaga."Excuse me, excuse me po!" aniya habang nagmamadali ito. Pagkarating niya sa tapat ng silid nito ay sandali siyang nahinto at hinahabol ang kaniyang paghinga. Hingal na hingal siya at tumatagaktak ang butil ng pawis mula sa kaniyang noo."After i removed this, you must slowly open your eyes and don't force it. Do you understand?" malumanay na turan sa kaniya ng doktor. Tumango naman ng ulo ang dalaga at may maikling ngiti sa kaniyang labi na animoy nasasabik na itong muling mabuksan ang kaniyang mga mata.Napayuko naman saglit si Karlos at nagbuga ng malalim na paghinga. Napansin siya ng doktor nito at nagpalitan sila ng tingin sa isa't-isa. Tila may pangamba naman sa mukha ng binata at umiiling siya ng kaniyang ulo.
Magbasa pa

Kabanata 10

Gabi-gabi na lamang umiiyak si Alona, pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Madalas din itong nagwawala at tinataboy ang kahit sino mang lalapit sa kaniya. Wala rin itong ganang kumain at madalas ay tinatapon lang niya ito sa kung saan-saan.Saksi si Karlos sa hirap na pinagdadaanan ng dalaga. Ramdam niya ang bigat na nararamdaman nito sa kaniyang dibdib at ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Isang sikat at mahusay na balerina si Alona, ngunit ngayong hindi na ito nakakakita pa ay tila unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na makamtin ang pinapangarap niya na makapagperform sa ibang bansa."Sino 'yan? kung maaari lang ay lumabas ka na. Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa loob ng silid ko." Ani ng dalaga sa kaniya nang marinig nito ang pagpihit ng pintuan at mga yapak ng paa ni Karlos."Ako 'to, si Karlos." Pagpapakilala niya habang nakaturo siya sa kaniyang sarili.
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status