Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)

last updateLast Updated : 2020-08-30
By:   Youniqueen  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
5 ratings. 5 reviews
28Chapters
28.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Nagimbal ang mundo ng labinpitong taong gulang na si Elyne nang matuklasan ang isang sikretong matagal na panahong inilihim sa kan’ya. Dala ng matinding galit, unti-unting binago ng masakit na katotohanang iyon ang tahimik niyang buhay. Iyon din ang nag-udyok sa kan’ya upang tahakin baluktot na landas na hindi niya ginusto. Kailanman ay hindi niya naisip na ganitong kapalaran ang ibinigay sa kan’ya ng mapaglarong tadhana. Ni sa hinagap ay hindi rin niya naisip na magiging magulo ang kan’yang buhay. Maniniwala pa kaya siya na babalik din ang lahat sa dati? Maniniwala pa kaya siya na darating ang araw na mararanasan niyang maging masaya ulit? Maniniwala pa kaya siyang pagsubok lang ang lahat ng nangyayari? Maniniwala pa kaya siyang mayro’n pang natitirang pag-asa? Pero paano nga ba niya magagawang maniwala kung pakiramdam niya, pati ang Diyos na lumikha’y kinalimutan na rin siya?

View More

Latest chapter

Free Preview

Kabanata 1

KABANATA 1INISANG hithit ko ang maliit na sigarilyong hawak ko bago ikiniskis ang dulo nito sa isang ashtray na hugis ari ng lalaki. Ibinuga ko rin ang usok sa kawalan bago dinampot at pinintahan ang barahang ibinigay sa akin.“Sino’ng hitter ngayon?” tanong ko sa tatlong kalaban.“Ako!” nakangiwing sagot ni Aling Barba, saka niya siniko ang asawang si Mang Isko na nasa tabi. “Lumayas ka nga sa tabi ko, Isko! Simula nang umupo ka rito, minalas na ‘ko.”Napakamot na lang ng ulo si Mang Isko at tumayo. “Sinisi mo pa ‘ko. Ang sabihin mo malas ka lang talaga.”“Gago!” bulyaw ni Aling Barba.Napangisi ako at dinampot ang isa pang bote ng alak sa aking tabi at walang kahirap-hirap na nilagok iyon. Sa tuwing nagsusugal kami ni Aling Barba, kalaban ang dalawa pa niyang kapitbahay na sina Aling Pasing at Aling Metring, palagi ko silang ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mommy_Yana
GOOD JOB AUTHOR KEEP IT UP
2021-08-25 19:56:10
0
user avatar
Mommy_Yana
Napakagandang istorya.. Parang maihalintulad sa totoong nangyayare sa buhay ng isang tao thumb up author
2021-08-25 19:55:44
0
user avatar
AedanShann
Nice story😀
2021-07-22 16:01:11
1
user avatar
SATOU, D.
I feel the characters. But so sad I got noose bleeds. Note: I just read 2 chapters. 10 for the mc because i can relate. 10 overall.
2020-09-05 18:01:03
1
user avatar
@aesthetic_calista
Wow! Ang galing!
2020-08-17 18:40:18
1
28 Chapters
Kabanata 1
KABANATA 1 INISANG hithit ko ang maliit na sigarilyong hawak ko bago ikiniskis ang dulo nito sa isang ashtray na hugis ari ng lalaki. Ibinuga ko rin ang usok sa kawalan bago dinampot at pinintahan ang barahang ibinigay sa akin. “Sino’ng hitter ngayon?” tanong ko sa tatlong kalaban.“Ako!” nakangiwing sagot ni Aling Barba, saka niya siniko ang asawang si Mang Isko na nasa tabi. “Lumayas ka nga sa tabi ko, Isko! Simula nang umupo ka rito, minalas na ‘ko.”Napakamot na lang ng ulo si Mang Isko at tumayo. “Sinisi mo pa ‘ko. Ang sabihin mo malas ka lang talaga.”“Gago!” bulyaw ni Aling Barba.Napangisi ako at dinampot ang isa pang bote ng alak sa aking tabi at walang kahirap-hirap na nilagok iyon. Sa tuwing nagsusugal kami ni Aling Barba, kalaban ang dalawa pa niyang kapitbahay na sina Aling Pasing at Aling Metring, palagi ko silang
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Kabanata 2
KABANATA 2 NARAMDAMAN ko ang mabilis na pag-init ng sulok ng aking mga mata, hudyat na may luhang nagbabadyang pumatak. Isinuot ko na lang ang earphones sa aking mga tainga at minabuting tumingin sa labas ng bintana.Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya kahit gusto kong sumagot at sabihin na hindi na lang sana niya ako sinundo. Labag naman pala iyon sa kalooban niya. Pero mas pinili kong manahimik na lang. Manahimik at ipunin ang lahat ng masasakit na sinasabi. Iyon lang naman ang tangi kong magagawa, e. Ang kimkimin ang lahat ng masasakit niyang salita.Noong bata pa lang ako, ramdam kong malayo ang loob sa akin ni Papa. Iba ang pakikitungo niya sa akin. Pero palagi pa rin akong nagpapakitang-gilas para lang makuha ang loob niya. Sumasali ako sa mga school activit
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Kabanata 3
KABANATA 3 “LETSE talaga si Miss Cantar! Kung hindi lang ‘yan teacher, sinabunutan ko na ‘yan, e!” himutok ng kaklase at kaibigan kong si Chariol. “Mabuti nga’t pumapasok pa tayo sa klase niya kahit wala naman tayong natututunan! Ang boring niyang magturo!”“Huwag mo na ngang pinoproblema ang hukluban na Cantar na ‘yon. Dapat tayo ang pinoproblema niya,” sambit ko at unti-unting ibinuga ang usok sa aking bibig. Napangiti ako nang makita ang bilog na  hugis ng usok. “Tatlong beses ba naman tayong nag-first year. Ewan ko lang kung hindi pa naging miserable ang buhay niya dahil sa ‘tin,” nakangising wika ko. “Sabagay,” aniya na parang nahimasmasan bigla sa sinabi ko. “Teka, ano ‘yan?” Inginuso niya ang mga sariwang sugat sa braso ko. “Nagpaka-emo ka na naman?”Inirapan ko siya at itinago sa mapanuri
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Kabanata 4
KABANATA 4 “SINO ‘yan?” tanong ni Wency at napatingin ang lahat sa akin. Mas lalo pa siyang napangiti at sinenyasan sila, na hindi rin maintindihan ng mga kaibigan ko. Parang tanga.“Ansabe?” naguguluhang tanong ni Sheryna.“Tao? Hayop? Bagay? Lugar? Pangyayari? Nakakain ba ‘yon?” pabirong wika ni Loira. “Ha?” sakay naman ni Thelma. “Hakdog.”Nawalan ng kulay ang mukha ko nang makitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ko mailarawan ang hiyang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon. “Mama mo ‘yan, Lyne? Bakit hindi nagsasalita? Bakit puro senyas lang? Pipi ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Chariol.Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na umusbong ang pinaghalong kaba at hiya sa dibdib ko. “Mama?” Sunod sunod ang naging pag-iling ko habang nakangisi. “Hindi. Nasa
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Kabanata 5
KABANATA 4 “NAPAKASAMA mo talaga, Elyne. Hindi ko alam na magagawa mo ‘yon sa kapatid mo,” hindi makapaniwalang wika ni Chariol na sinabayan pa ng tawa. “Tama lang ‘yon sa kan’ya,” sabi ko habang pinaglalaruan ang kalalagay pa lang na piercing sa mga labi ko. “Isa pa, hindi kami magkapatid. Wala akong kapatid na tanga at uto-uto.” Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling maalala ang nangyari kagabi. “Elyne, ito na ‘yong susi. Bilisan mo lang dahil baka magising si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana. Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa kan’ya. Nakakabilib din ang isang ito. Kinuha talag
last updateLast Updated : 2020-07-30
Read more
Kabanata 6
KABANATA 6 “BAKIT mo ako pinapunta rito?” tanong ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Abandonado na ang lumang Faculty Room na nasa kasuluk-sulukan ng eskuwelahan. Hindi ko tuloy alam kung bakit dito ang napili niyang lokasyon. Nagulat ako nang biglang inilapit ni Randolf ang ulo niya sa mukha ko. “Mahal naman. Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa.” Kinilabutan ako nang dumampi sa balat ko ang hininga niya. Mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong hinila papasok sa silid at isinaradong mabuti ang pinto. Isang malutong na mura ang namutawi sa isip ko, lalo na nang umupo siya sa isang upuan at sinenyasan akong lumapit. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinila at paharap na iniupo sa kandungan niya.
last updateLast Updated : 2020-08-09
Read more
Kabanata 7
KABANATA 7  “ANO ba, Elyne? Sumagot ka naman, o!” Narinig ko ang pinaghalong kaba, takot, at pagkataranta sa nanginginig na boses ni Roan sa kabilang linya. “Everlyne, pakiusap, sumagot ka! Huwag mong gawin ‘yan!” Hindi ako nagsalita, ngunit mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilang humikbi. Napagtagumpayan ko naman iyon pero nangilid ang luha sa mga mata ko.Roan, alam ko na kapag nabasa mo ‘to, wala na ako. Baka ginawa ko na ‘yong matagal kong pinaplano. Ayoko na. Suko na ako. Oo, duwag ako. Oo, mahina ako. Nakakasawa kasing lumaban kung wala rin namang kabuluhan ‘yong pinaglalaban ko. Nakakasawang mabuhay kung wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Gusto ko nang pumikit at huwag nang d
last updateLast Updated : 2020-08-09
Read more
Kabanata 8
KABANATA 8 HINDI ko lubos maisip na magagawa nila sa akin iyon. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero palihim pala nila akong ginagago. Hindi ko matanggap na matagal na silang nagkabalikan. Hindi ko matanggap na matagal na nila akong niloloko!“Mga hayop kayo!” malakas na sigaw ko at unti-unting napaupo. Nahihirapan na akong huminga. Kaya pala nanlalamig na si Randolf sa akin dahil may bago nang pinag-iinitan. Tangina. Iyong mahigit isang taon na relasyon namin, tinapos lang ni Randolf sa anim na salita. “Ayoko na. Hindi na kita mahal.” Ganoon lang kadali sa kan’ya na sabihin ang mga iyon. Marami akong gustong itanong, ngunit ayaw lumabas ng boses ko. Bigla akong napipi. 
last updateLast Updated : 2020-08-09
Read more
Kabanata 9
KABANATA 9 HUMITHIT ako sa sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan nang makita si Roan na papalapit sa akin. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ni Chariol at Randolf. Balita ko, lumipat na sila ng eskuwelahan at magkasama sila roon. Mabuti nga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa kapag nakita ko ulit silang magkasama. Mga manloloko. Sabi nga ni Roan, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin daw ang sarili ko. Nangako akong susubukan ko nang ayusin ang magulo kong buhay. Susubukan ko nang tanggalin ang lahat ng bisyo ko. Pero hindi pala madali lalo na kung nakasanayan na. Hinahanap-hanap ng sistema ko ang alak at sigarilyo kaya naman pinagbigyan ko muna ang sarili ko. Isang
last updateLast Updated : 2020-08-09
Read more
Kabanata 10
KABANATA 10 MAHIGIT isang linggo nang hindi umuuwi si Miana simula nang magkaharap kami sa parke. Nag-alala na sina Mama at Papa. Sinubukan siyang hanapin ng mga ito, ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Hindi namin siya matawagan. Pati sa eskuwelahan ay hindi na rin siya pumapasok. Hindi na nga natutulog si Papa. Halos araw-araw na hinahanap si Miana. Humingi na rin kami ng tulong sa mga pulis.“Hindi pa rin ba tumatawag si Miana?” tanong ni Papa na bakas ang matinding pag-aalala sa mukha. Isang malungkot na iling ang naging tugon ni Mama. “Nasa’n na kaya siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi?”Lumabas ako ng bahay. Naisip kong maglakad-lakad muna. Sa totoo lang, dapat wala akong pakialam sa problema nila. Labas na ako roon. Pero kahit ano ang pangongontra ng isip ko, sa puso ko ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kung nasaan man ngayon si Miana, sana ay ligtas siya. At malakas ang kut
last updateLast Updated : 2020-08-11
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status