Share

Kabanata 26

Author: Youniqueen
last update Huling Na-update: 2020-08-29 20:29:58

KABANATA 26

NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan. 

Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.

Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin. 

“Kanina ka pa ba riyan?”

Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 27

    KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.

    Huling Na-update : 2020-08-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 28

    KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong

    Huling Na-update : 2020-08-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 1

    KABANATA 1INISANG hithit ko ang maliit na sigarilyong hawak ko bago ikiniskis ang dulo nito sa isang ashtray na hugis ari ng lalaki. Ibinuga ko rin ang usok sa kawalan bago dinampot at pinintahan ang barahang ibinigay sa akin.“Sino’ng hitter ngayon?” tanong ko sa tatlong kalaban.“Ako!” nakangiwing sagot ni Aling Barba, saka niya siniko ang asawang si Mang Isko na nasa tabi. “Lumayas ka nga sa tabi ko, Isko! Simula nang umupo ka rito, minalas na ‘ko.”Napakamot na lang ng ulo si Mang Isko at tumayo. “Sinisi mo pa ‘ko. Ang sabihin mo malas ka lang talaga.”“Gago!” bulyaw ni Aling Barba.Napangisi ako at dinampot ang isa pang bote ng alak sa aking tabi at walang kahirap-hirap na nilagok iyon. Sa tuwing nagsusugal kami ni Aling Barba, kalaban ang dalawa pa niyang kapitbahay na sina Aling Pasing at Aling Metring, palagi ko silang

    Huling Na-update : 2020-07-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 2

    KABANATA 2NARAMDAMAN ko ang mabilis na pag-init ng sulok ng aking mga mata, hudyat na may luhang nagbabadyang pumatak. Isinuot ko na lang ang earphones sa aking mga tainga at minabuting tumingin sa labas ng bintana.Ayoko nang marinig ang mga sasabihin niya kahit gusto kong sumagot at sabihin na hindi na lang sana niya ako sinundo. Labag naman pala iyon sa kalooban niya. Pero mas pinili kong manahimik na lang. Manahimik at ipunin ang lahat ng masasakit na sinasabi. Iyon lang naman ang tangi kong magagawa, e. Ang kimkimin ang lahat ng masasakit niyang salita.Noong bata pa lang ako, ramdam kong malayo ang loob sa akin ni Papa. Iba ang pakikitungo niya sa akin. Pero palagi pa rin akong nagpapakitang-gilas para lang makuha ang loob niya. Sumasali ako sa mga school activit

    Huling Na-update : 2020-07-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 3

    KABANATA 3“LETSE talaga si Miss Cantar! Kung hindi lang ‘yan teacher, sinabunutan ko na ‘yan, e!” himutok ng kaklase at kaibigan kong si Chariol. “Mabuti nga’t pumapasok pa tayo sa klase niya kahit wala naman tayong natututunan! Ang boring niyang magturo!”“Huwag mo na ngang pinoproblema ang hukluban na Cantar na ‘yon. Dapat tayo ang pinoproblema niya,” sambit ko at unti-unting ibinuga ang usok sa aking bibig. Napangiti ako nang makita ang bilog na hugis ng usok. “Tatlong beses ba naman tayong nag-first year. Ewan ko lang kung hindi pa naging miserable ang buhay niya dahil sa ‘tin,” nakangising wika ko.“Sabagay,” aniya na parang nahimasmasan bigla sa sinabi ko. “Teka, ano ‘yan?” Inginuso niya ang mga sariwang sugat sa braso ko. “Nagpaka-emo ka na naman?”Inirapan ko siya at itinago sa mapanuri

    Huling Na-update : 2020-07-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 4

    KABANATA 4“SINO ‘yan?” tanong ni Wency at napatingin ang lahat sa akin.Mas lalo pa siyang napangiti at sinenyasan sila, na hindi rin maintindihan ng mga kaibigan ko. Parang tanga.“Ansabe?” naguguluhang tanong ni Sheryna.“Tao? Hayop? Bagay? Lugar? Pangyayari? Nakakain ba ‘yon?” pabirong wika ni Loira.“Ha?” sakay naman ni Thelma. “Hakdog.”Nawalan ng kulay ang mukha ko nang makitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ko mailarawan ang hiyang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.“Mama mo ‘yan, Lyne? Bakit hindi nagsasalita? Bakit puro senyas lang? Pipi ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Chariol.Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na umusbong ang pinaghalong kaba at hiya sa dibdib ko. “Mama?” Sunod sunod ang naging pag-iling ko habang nakangisi. “Hindi. Nasa

    Huling Na-update : 2020-07-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 5

    KABANATA 4“NAPAKASAMA mo talaga, Elyne. Hindi ko alam na magagawa mo ‘yon sa kapatid mo,” hindi makapaniwalang wika ni Chariol na sinabayan pa ng tawa.“Tama lang ‘yon sa kan’ya,” sabi ko habang pinaglalaruan ang kalalagay pa lang na piercing sa mga labi ko. “Isa pa, hindi kami magkapatid. Wala akong kapatid na tanga at uto-uto.” Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling maalala ang nangyari kagabi.“Elyne, ito na ‘yong susi. Bilisan mo lang dahil baka magising si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana.Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa kan’ya. Nakakabilib din ang isang ito. Kinuha talag

    Huling Na-update : 2020-07-30
  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 6

    KABANATA 6“BAKIT mo ako pinapunta rito?” tanong ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Abandonado na ang lumang Faculty Room na nasa kasuluk-sulukan ng eskuwelahan. Hindi ko tuloy alam kung bakit dito ang napili niyang lokasyon.Nagulat ako nang biglang inilapit ni Randolf ang ulo niya sa mukha ko. “Mahal naman. Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa.” Kinilabutan ako nang dumampi sa balat ko ang hininga niya. Mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong hinila papasok sa silid at isinaradong mabuti ang pinto.Isang malutong na mura ang namutawi sa isip ko, lalo na nang umupo siya sa isang upuan at sinenyasan akong lumapit. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinila at paharap na iniupo sa kandungan niya.

    Huling Na-update : 2020-08-09

Pinakabagong kabanata

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 28

    KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 27

    KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 26

    KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 25

    KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 24

    KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 23

    KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 22

    KABANATA 22HUMIGOP ako nang isang malalim na hininga, bago ako nagdesisyong pumasok sa isang silid na nagsisilbing hintayan ng mga taong gustong bisitahin ang mga ka-anak nilang nasa kulungan.Ito ‘yung lugar na sinasabi nilang para sa mga taong makasalanan.Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ‘to. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito. Hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob para harapin pa siya matapos ang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon ko oras na makita siya ulit. Hindi ko alam. Dahil ang tanging alam ko lang, kailangan ko ng kasagutan.Kailangan kong mabigyan ng paliwanag ang aking nalaman. Kailangan kong alisin kung ano man ‘tong bumabagbag sa ‘kin. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Alam kong siya lang ang makakasagot at makakapagbigay nang katotohanan na gusto ko.

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 21

    KABANATA 21HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas dahil kahit nanginginig na ang buong katawan ko, nagawa ko pa ring ilipat ang kuwaderno sa susunod na pahina.Elyne, Anak, alam mo ba’ng hindi ako naniniwala sa mga akusasyon ng Papa mo sa ‘yo? Pero nang makita ko ang mga larawan ninyo ng nobyo mo, parang bumagsak sa akin ang mundo. Masakit. Nasaktan ako. Bakit mo ginawa ‘yon? Paano kung mabuntis ka? Masyado ka pang bata, Anak. Hindi mo dapat ginagawa iyon dahil ayokong matulad ka sa akin. Ayoko, Elyne. Hindi ko kakayanin. Hindi ako tututol sa pakikipagnobyo mo pero sana, unahin mo muna ang pag-aaral. Mas mahalaga ‘yan, ‘Nak. Patawad kung wala akong nagawa nang pagbuhatan ka ng kamay ng Papa mo. Mahal na mahal kita. Alam kong galit ka pero sana ay bumalik ka na. Umuwi ka na, ‘Nak. Pakiusap.Hindi ko na mahabol ang aking hininga sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi k

  • Kapag Naniwala Ka (Filipino/Tagalog)   Kabanata 20

    KABANATA 20ELYNE, nasabi sa akin ng Papa mo ang ginawa mo. Bakit naman ginagawa mo ‘yon, Anak? Hindi tamang gawain 'yon ng isang menor de edad pa lang na kagaya mo. Hindi tama ‘yon kaya sana’y ‘wag sumama ang loob mo kung pinagalitan ka man ng Papa mo. Gusto lang niyang ipaalam na mali ang ginagawa mo. ‘Nak, sabi ko naman sa ‘yo kung may problema ka nandito lang ako 'di ba? Hindi lang ako makakasagot pero handang makikinig si Mama sa ‘yo. Sabihin mo lang sa ‘kin ang lahat. Handa akong gumawa nang paraan upang resolbahin ang problema mo sa abot nang makakaya ko, dahil ayokong nakikitang nagkakagan’yan ka. Ayokong panoorin ka lang na sirain mo ang buhay mo nang wala man lang akong magawa. Ayokong sayangin mo ang buhay na binigay sa ‘yo ng Diyos. Kung naiintindihan mo lang sana ako’y mas madali sanang ipaliwanag sa ‘yo ang lahat. Pero sana’y matuto kang pahalagahan a

DMCA.com Protection Status