KABANATA 4
“SINO ‘yan?” tanong ni Wency at napatingin ang lahat sa akin.
Mas lalo pa siyang napangiti at sinenyasan sila, na hindi rin maintindihan ng mga kaibigan ko. Parang tanga.
“Ansabe?” naguguluhang tanong ni Sheryna.
“Tao? Hayop? Bagay? Lugar? Pangyayari? Nakakain ba ‘yon?” pabirong wika ni Loira.
“Ha?” sakay naman ni Thelma. “Hakdog.”
Nawalan ng kulay ang mukha ko nang makitang nagtatawanan ang mga kaibigan ko. Hindi ko mailarawan ang hiyang nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.
“Mama mo ‘yan, Lyne? Bakit hindi nagsasalita? Bakit puro senyas lang? Pipi ba siya?” sunod-sunod na tanong ni Chariol.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Mabilis na umusbong ang pinaghalong kaba at hiya sa dibdib ko. “Mama?” Sunod sunod ang naging pag-iling ko habang nakangisi. “Hindi. Nasa Canada ang mama ko. Katulong lang namin ‘yan. Pauwi na nga siya, e. Hinatid lang niya ‘yong librong naiwan ko kanina,” palusot ko at pasimpleng pinanlakihan ng mata si Mama, na bahagyang nagulat sa sinabi ko, pero agad ding napayuko.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko para kausapin si Mama. Inilayo ko siya para hindi marinig nina Chariol ang pag-uusapan namin.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” bulyaw ko nang makalayo kami. “Umuwi ka na nga! Huwag mo akong ipahiya sa harap ng mga kaibigan ko!” Nagulat ako nang mahagip ng mga mata ko si Roan. Hindi ko napansin na nakasunod pala siya sa amin. Binigyan niya ako ng isang dismayadong tingin.
Humarap si Roan kay Mama at ngumiti. “Magandang hapon po, Mrs. Devera. Kaibigan po ako ni Elyne.”
Nakita kong ngumiti si Mama at sumenyas. Humalukipkip ako habang pinanonood ang dalawa. “Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras ‘yan. Pipi ‘yan. Hindi ka rin naman niya masasagot.”
Seryosong tingin ang ibinalik ni Roan. “Sumagot siya. Sabi niya, magandang hapon at ikinagagalak din niya akong makilala.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Naiintindihan mo siya?”
Tumango si Roan. “Oo. Sabi pa nga niya, pumunta siya rito dahil gusto niyang kunin ang card mo. Nabasa raw niya sa kuwaderno na naiwan mo sa bahay ninyo.”
“Ano?” Bigla kong naalala na ngayon pala ang kuhaan namin ng card. Hindi ko naman kinukuha ang card ko dahil kung hindi bagsak, puro pasang-awa ang grado na nakukuha ko.
“Sino naman ang nag-utos sa ‘yong gawin ‘yon?” Nakasalubong ang mga kilay na napailing ako. “Ngayon ka magpapakananay sa ‘kin? Hindi kita kailangan dito. Umalis ka na!”
“Elyne, ‘wag mo naman ginagan’yan ang mama mo,” sabat ni Roan.
“Isa ka pa!” Tiningnan ko nang masama si Roan. “Manahimik ka nga! Baka marinig pa nina Chariol ang pinagsasabi mo riyan. Hayaan mo siya.” Muli akong napatingin kay Mama. Nakayuko lang siya at bakas ang lungkot sa mukha. Hindi niya ako madadaan sa gan’yan. “O, ano pa’ng itinatayo-tayo mo riyan? Alis na!”
Tumango si Mama kay Roan at bahagyang ngumiti. Mayroon pang isinenyas na sila lang naman ang nagkakaintindihan dahil hindi ako marunong ng sign language. At wala akong balak aralin iyon. Ngumiti naman si Roan at tuluyan nang umalis si Mama.
“Elyne, hindi ka ba nakokonsensya? Masakit ang mga binitiwan mong salita sa Mama mo,” seryosong sabi ni Roan.
“Konsensya? Wala ako no’n,” wika ko. “Sandali nga. Sino ba ang kaibigan mo? Ako o siya? Kanina mo pa siya kinakampihan.” Inirapan ko siya.
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo,” sagot pa ni Roan. “Pahalagahan mo na ang mama mo hanggang sa nandiyan pa siya sa tabi mo. Baka magsisi ka sa huli kapag dumating ang araw na wala na siya.”
“Mabuti pa ngang mawala na lang siya. Tutal, wala rin naman siyang kuwentang Ina,” iritadong wika ko, saka siya tinalikuran. Sa bawat sulok ng puso ko, may naramdaman akong kirot dahil sa sinabi ni Roan. Kirot na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.
PASADO alas-onse ng gabi nang ihatid ako nina Wency sa bahay namin matapos magkayayaang uminom nang mag-uwian na.
Halos hindi na ako makatayo nang tuwid sa sobrang kalasingan. Umiikot ang paningin ko at halos hindi na rin makita ang nilalakaran. Nararamdaman ko ang pagkirot ng aking sintido. Hindi ko na nabilang kung ilang bote ng alak ang naubos ko.
“Alam mo ba kung ano’ng oras na?” sigaw ng isang pamilyar na boses. Bahagya kong idinilat ang mga mata at napansin ang galit na galit niyang mukha habang nakatingin sa akin.
“Oo naman. May suot akong relo, o!” pilosopong sagot ko at nakuha pang itaas ang kanang kamay habang nakangisi nang malapad.
“Bastos ka talagang bata ka!” nanggagalaiting bulyaw niya. Hindi ako natinag. Sanayan na lang talaga. “Amoy alak at yosi ka pa! Hindi ka na talaga tumino! Palagi ka na lang sakit ng ulo!”
Marami pang pinagsasabi. Hindi ko na lang pinansin. Pasok sa kabilang tainga, labas sa kabila. Masyado siyang madada. Didiretso sana ako sa kusina pero napangisi ako nang makasalubong ko si Mama na may kung ano-ano na naman na isinesenyas sa akin. Mababakas ang pinaghalong lungkot at takot sa mukha niya.
“Ano ba talaga ang ginagawa mo sa buhay mo?” muling bulyaw ni Papa na nakasunod sa akin.
“Sinisira,” kaswal kong sagot at kumuha ng tubig sa ref. Sinalinan ko ang baso at uminom. “Iyon naman ang gusto mo, ‘di ba? Ang makitang mapariwara ako.”
“Ikaw ang sumisira ng buhay mo, hindi ako!” May galit ang tinig ni Papa. “Wala kang ibang ginawa kundi makipagnobyo at magbulakbol! Ano’ng napapala mo riyan, ha?”
Sermon. Puro na lang sermon. Hindi na ako umuwi sa bahay nang tahimik. Iyong walang sigawan, walang sagutan. Mga peste talaga silang lahat!
“Ba’t hindi mo gayahin ‘tong si Miana na pag-aaral ang inuuna?”
Isang hilaw na ngisi ang mabilis na kumurba sa aking mga labi. “Talaga lang, ha?” Nilingon ko si Miana na naroon sa sala. Mataman niya kaming tinitingnan ni Papa, ngunit namumutla ang mukha. “E, ‘di wow.” Lumapit na rin si Mama para awatin kami pero marahas kong hinawi ang kamay niya para lumayo sa akin.
“Simula ngayon, hindi ka na lalabas ng bahay! Ipasusundo kita kay Mang Beni pagkatapos ng klase mo!” May pagbabanta sa tinig ni Papa.
“Wow naman. Ang lupit!” Napatawa ako na mas lalong ikinaigting ng panga ni Papa. “Ano’ng karapatan mo para pagbawalan ako? Hindi naman kita totoong tatay, ‘di ba? Ikaw na nga ang may sabi, sampid lang ako sa buhay ninyo. Ba’t pinakikialaman mo na naman ako? Wala kang magawa?”
“Ako ang nagpapalamon at nagpapaaral sa ‘yo kaya ako pa rin ang masusunod! Ako pa rin ang susundin mo!”
Hindi ako natinag at nakipagtagisan pa ako ng titigan kay Papa. “Bakit ba pinag-aaksayahan mo ‘ko ng oras ngayon? E, wala ka naman mahihita sa ‘kin.”
Nanlaki ang mata niya at mas lalong umigting ang panga. “Wala ka talagang modo!”
Isang mapang-asar na ngisi ang isinukli ko, saka ko siya tinalikuran at dumiretso sa kuwarto. Naramdaman ko ang presensya ni Miana sa likod ko. Alam kong sinundan na naman niya ako. Ganiyan iyan, e. Inaalo ako sa tuwing binibida siya ng magaling niyang ama.
“Ate, pagpasensyahan mo na si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana.
“Ano’ng sabi mo?” Hinarap ko siya at pinanliitan ng mga mata. “Ate?”
Parang nagulat din si Miana sa kan’yang sinabi at kinagat ang pangibabang labi. “P-pasensya na, Elyne.”
Inirapan ko siya. “Ayoko na ulit maririnig ang salitang ‘yon galing sa ‘yo. Nagkakaintindihan ba tayo, Miana Felize?”
Mabilis na tumango si Miana. Halata pa rin ang kaba sa mukha. “Oo, Elyne.”
Inutusan ko si Miana na huwag akong tatawaging “ate” dahil hindi naman kami magkapatid. Ayoko siyang maging kapatid. Noon pa man, nararamdaman kong gusto niyang mapalapit sa akin. Pero kahit ano pa ang gawin niya, hindi ko siya matatanggap bilang kapatid ko. Hindi.
“Sandali.” Paalis na sana siya nang sumenyas ako gamit ang hintuturo. Lumapit si Miana sa akin. “May ipagagawa nga pala ako sa ‘yo mamaya.”
Nag-angat siya ng tingin pero kaagad ding ibinaba. Para bang natatakot na tingnan ako sa mga mata. “Ano ‘yon?”
“Madali lang naman ‘to,” nakangising wika ko. “Lalabas ako mamayang alas-dos. Ikaw ang kukuha ng susi sa pinaglalagyan ng papa mo at ikaw din ang magbubukas sa ‘kin ng gate. Simple lang, ‘di ba?”
Nakapanlaki ang mga matang nag-angat ng tingin si Miana. Bakas ang gulat at pangamba sa mukha. “Hindi ko kayang gawin ‘yon, Elyne. Mahigpit na ipinagbabawal ni Papa na ‘wag nang lalabas kapag gano’ng oras na.”
“Kaya mo,” sabi ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kan’ya na may pagbabanta. “O, ‘di kaya nama’y kayanin mo. Kung ayaw mong—”
“Saan ka ba pupunta? Delikado nang lumabas ng bahay kapag gano’ng oras,” nag-aalalang sabi ni Miana.
“Wala ka na ro’n.” Inirapan ko siya. “Basta, kung sakaling hanapin man ako, ikaw na ang bahalang mag-alibi,” nakangiting wika ko na mas lalong nagpalaki ng mata niya.
“Pero...”
“Wala nang pero pero!” singhal ko
Sinasagad ng pesteng ‘to ang pasensya ko.
“Mahirap ang pinapagawa mo. Pa’no kung mahuli ako? Pareho tayong malalagot kay Papa.”
Marahas kong hinawakan ang mga pisngi ni Miana gamit ang isang kamay. “Ayaw mong sabihin ko sa kanila ang sikreto mo, ‘di ba?”
Namutla ang mukha ni Miana at nakikita kong namamasa ang mga mata niya. Dahan-dahan siyang tumango. “O-oo.”
Mas lalo akong napangisi at idiniin pa ang mga kuko ko sa mga pisngi niya. “Kung gano’n, sundin mo ang inuutos ko.”
KABANATA 4“NAPAKASAMA mo talaga, Elyne. Hindi ko alam na magagawa mo ‘yon sa kapatid mo,” hindi makapaniwalang wika ni Chariol na sinabayan pa ng tawa.“Tama lang ‘yon sa kan’ya,” sabi ko habang pinaglalaruan ang kalalagay pa lang na piercing sa mga labi ko. “Isa pa, hindi kami magkapatid. Wala akong kapatid na tanga at uto-uto.” Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa aking mga labi nang muling maalala ang nangyari kagabi.“Elyne, ito na ‘yong susi. Bilisan mo lang dahil baka magising si Papa,” halos pabulong na sabi ni Miana.Nakahalukipkip ako habang nakatitig sa kan’ya. Nakakabilib din ang isang ito. Kinuha talag
KABANATA 6“BAKIT mo ako pinapunta rito?” tanong ko. Iginala ko ang paningin ko sa buong lugar. Abandonado na ang lumang Faculty Room na nasa kasuluk-sulukan ng eskuwelahan. Hindi ko tuloy alam kung bakit dito ang napili niyang lokasyon.Nagulat ako nang biglang inilapit ni Randolf ang ulo niya sa mukha ko. “Mahal naman. Alam mo na ang sagot nagtatanong ka pa.” Kinilabutan ako nang dumampi sa balat ko ang hininga niya. Mas lalo akong nagulat nang bigla niya akong hinila papasok sa silid at isinaradong mabuti ang pinto.Isang malutong na mura ang namutawi sa isip ko, lalo na nang umupo siya sa isang upuan at sinenyasan akong lumapit. Nakakailang hakbang pa lang ako nang bigla akong hinila at paharap na iniupo sa kandungan niya.
KABANATA 7“ANO ba, Elyne? Sumagot ka naman, o!” Narinig ko ang pinaghalong kaba, takot, at pagkataranta sa nanginginig na boses ni Roan sa kabilang linya. “Everlyne, pakiusap, sumagot ka! Huwag mong gawin ‘yan!”Hindi ako nagsalita, ngunit mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilang humikbi. Napagtagumpayan ko naman iyon pero nangilid ang luha sa mga mata ko.Roan, alam ko na kapag nabasa mo ‘to, wala na ako. Baka ginawa ko na ‘yong matagal kong pinaplano. Ayoko na. Suko na ako. Oo, duwag ako. Oo, mahina ako. Nakakasawa kasing lumaban kung wala rin namang kabuluhan ‘yong pinaglalaban ko. Nakakasawang mabuhay kung wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Gusto ko nang pumikit at huwag nang d
KABANATA 8HINDI ko lubos maisip na magagawa nila sa akin iyon. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero palihim pala nila akong ginagago. Hindi ko matanggap na matagal na silang nagkabalikan. Hindi ko matanggap na matagal na nila akong niloloko!“Mga hayop kayo!” malakas na sigaw ko at unti-unting napaupo. Nahihirapan na akong huminga. Kaya pala nanlalamig na si Randolf sa akin dahil may bago nang pinag-iinitan.Tangina.Iyong mahigit isang taon na relasyon namin, tinapos lang ni Randolf sa anim na salita. “Ayoko na. Hindi na kita mahal.” Ganoon lang kadali sa kan’ya na sabihin ang mga iyon. Marami akong gustong itanong, ngunit ayaw lumabas ng boses ko. Bigla akong napipi.
KABANATA 9HUMITHIT ako sa sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan nang makita si Roan na papalapit sa akin. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ni Chariol at Randolf. Balita ko, lumipat na sila ng eskuwelahan at magkasama sila roon. Mabuti nga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa kapag nakita ko ulit silang magkasama. Mga manloloko.Sabi nga ni Roan, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin daw ang sarili ko. Nangako akong susubukan ko nang ayusin ang magulo kong buhay. Susubukan ko nang tanggalin ang lahat ng bisyo ko. Pero hindi pala madali lalo na kung nakasanayan na. Hinahanap-hanap ng sistema ko ang alak at sigarilyo kaya naman pinagbigyan ko muna ang sarili ko.Isang
KABANATA 10MAHIGIT isang linggo nang hindi umuuwi si Miana simula nang magkaharap kami sa parke. Nag-alala na sina Mama at Papa. Sinubukan siyang hanapin ng mga ito, ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Hindi namin siya matawagan. Pati sa eskuwelahan ay hindi na rin siya pumapasok. Hindi na nga natutulog si Papa. Halos araw-araw na hinahanap si Miana. Humingi na rin kami ng tulong sa mga pulis.“Hindi pa rin ba tumatawag si Miana?” tanong ni Papa na bakas ang matinding pag-aalala sa mukha. Isang malungkot na iling ang naging tugon ni Mama. “Nasa’n na kaya siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi?”Lumabas ako ng bahay. Naisip kong maglakad-lakad muna. Sa totoo lang, dapat wala akong pakialam sa problema nila. Labas na ako roon. Pero kahit ano ang pangongontra ng isip ko, sa puso ko ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kung nasaan man ngayon si Miana, sana ay ligtas siya. At malakas ang kut
KABANATA 11“PATAY na si Miana Devera.”Nilagok ko ang huling bote ng alak at tiningnan ang mga tao sa paligid na masayang sumasayaw sa gitna. Narito ako ngayon sa isang bar. Lasing na lasing na ako sa dami ng nainom kong alak. Gusto kong makalimot nang panandalian. Gusto kong takasan ang katotohanang patay na ang kapatid ko. Wala na si Miana. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi dahil sa maingay na musikang naririnig ko o ng alak na ininom ko, kundi dahil naghalo-halo na ang mga iniisip ko at pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.Inisang lagok ko ang alak bago ko inginudngod ang mukha ko sa lamesa. “Tanginang buhay ‘to.”Lahat kami ay hindi makapaniwala sa balitang iyon. Namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ng pulis. Para akong nabingi.“Paanong patay na ang anak ko? Patay na si Miana? Hindi ‘yan totoo! Hindi pa siya pa
KABANATA 12UMIHIP ang malakas na hangin nang huminto ako sa harap ng isang pribadong kapilya kung saan inilagak ang mga labi ni Miana. Ayoko sanang pumunta dahil hindi ko gustong makita ang kalagayan niya. Pero parang may tumutulak sa akin para pumunta rito.Nanigas ang buong katawan ko nang matanaw ang puting kabaong ni Miana. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Pati ang mga paa ko ay hindi ko maihakbang. Para bang ang lahat ng lakas na mayroon ako, sa isang iglap ay bigla na lang nawala.Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung makakaya kong silipin ang bangkay ni Miana. Natatakot akong lumapit. Hindi ko alam kung makakaya ko bang silipin man lang siya. Natatakot akong makita mismo ng dalawang mata ko na wala siya.Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit upang palakasin ang loob ko. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kapilya. Napili kong umupo sa dulo kung saan
KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo
KABANATA 22HUMIGOP ako nang isang malalim na hininga, bago ako nagdesisyong pumasok sa isang silid na nagsisilbing hintayan ng mga taong gustong bisitahin ang mga ka-anak nilang nasa kulungan.Ito ‘yung lugar na sinasabi nilang para sa mga taong makasalanan.Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ‘to. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito. Hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob para harapin pa siya matapos ang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon ko oras na makita siya ulit. Hindi ko alam. Dahil ang tanging alam ko lang, kailangan ko ng kasagutan.Kailangan kong mabigyan ng paliwanag ang aking nalaman. Kailangan kong alisin kung ano man ‘tong bumabagbag sa ‘kin. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Alam kong siya lang ang makakasagot at makakapagbigay nang katotohanan na gusto ko.
KABANATA 21HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas dahil kahit nanginginig na ang buong katawan ko, nagawa ko pa ring ilipat ang kuwaderno sa susunod na pahina.Elyne, Anak, alam mo ba’ng hindi ako naniniwala sa mga akusasyon ng Papa mo sa ‘yo? Pero nang makita ko ang mga larawan ninyo ng nobyo mo, parang bumagsak sa akin ang mundo. Masakit. Nasaktan ako. Bakit mo ginawa ‘yon? Paano kung mabuntis ka? Masyado ka pang bata, Anak. Hindi mo dapat ginagawa iyon dahil ayokong matulad ka sa akin. Ayoko, Elyne. Hindi ko kakayanin. Hindi ako tututol sa pakikipagnobyo mo pero sana, unahin mo muna ang pag-aaral. Mas mahalaga ‘yan, ‘Nak. Patawad kung wala akong nagawa nang pagbuhatan ka ng kamay ng Papa mo. Mahal na mahal kita. Alam kong galit ka pero sana ay bumalik ka na. Umuwi ka na, ‘Nak. Pakiusap.Hindi ko na mahabol ang aking hininga sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi k
KABANATA 20ELYNE, nasabi sa akin ng Papa mo ang ginawa mo. Bakit naman ginagawa mo ‘yon, Anak? Hindi tamang gawain 'yon ng isang menor de edad pa lang na kagaya mo. Hindi tama ‘yon kaya sana’y ‘wag sumama ang loob mo kung pinagalitan ka man ng Papa mo. Gusto lang niyang ipaalam na mali ang ginagawa mo. ‘Nak, sabi ko naman sa ‘yo kung may problema ka nandito lang ako 'di ba? Hindi lang ako makakasagot pero handang makikinig si Mama sa ‘yo. Sabihin mo lang sa ‘kin ang lahat. Handa akong gumawa nang paraan upang resolbahin ang problema mo sa abot nang makakaya ko, dahil ayokong nakikitang nagkakagan’yan ka. Ayokong panoorin ka lang na sirain mo ang buhay mo nang wala man lang akong magawa. Ayokong sayangin mo ang buhay na binigay sa ‘yo ng Diyos. Kung naiintindihan mo lang sana ako’y mas madali sanang ipaliwanag sa ‘yo ang lahat. Pero sana’y matuto kang pahalagahan a