KABANATA 7
“ANO ba, Elyne? Sumagot ka naman, o!” Narinig ko ang pinaghalong kaba, takot, at pagkataranta sa nanginginig na boses ni Roan sa kabilang linya. “Everlyne, pakiusap, sumagot ka! Huwag mong gawin ‘yan!”
Hindi ako nagsalita, ngunit mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilang humikbi. Napagtagumpayan ko naman iyon pero nangilid ang luha sa mga mata ko.
Roan, alam ko na kapag nabasa mo ‘to, wala na ako. Baka ginawa ko na ‘yong matagal kong pinaplano. Ayoko na. Suko na ako. Oo, duwag ako. Oo, mahina ako. Nakakasawa kasing lumaban kung wala rin namang kabuluhan ‘yong pinaglalaban ko. Nakakasawang mabuhay kung wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Gusto ko nang pumikit at huwag nang dumilat pa. Gusto ko nang matulog at huwag nang gumising pa. Gusto ko nang patigilin ang tibok nitong puso ko at ‘wag nang huminga pa kasi... pagod na ako. Pagod na pagod na akong mabuhay. Paalam. Salamat sa lahat.
- Elyne.
Iyan ang eksaktong mensahe na ipinadala ko kay Roan at wala pang ilang segundo nang tawagan niya ako.
“Papunta na ako riyan, Elyne. Basta huwag kang gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo,” sabi ni Roan at humugot ng isang malalim na hininga. “Hintayin mo ‘ko. Pag-usapan natin ‘yan. Pakiusap Elyne, pakinggan mo naman ako kahit ngayon lang! ‘Di ba matalik tayong magkaibigan?” basag ang boses na wika niya. “Ano ‘to? Bakit iiwan mo ako? Bakit sa ganitong paraan? Pakiusap, Elyne. Huwag mong gawin ‘yan.”
Biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ang pagsusumamo sa boses niya. At kahit hindi ko kaharap ngayon si Roan, alam kong umiiyak siya.
“Sabi ko naman sa ‘yo, ‘di ba? Kahit talikuran ka pa ng buong mundo, mananatili ako sa tabi mo. Hinding-hindi ako aalis kahit ang tigas minsan ng ulo mo.”
Mas lalong piniga ang puso ko nang matawa siya. Iyong tawa na may kahalong iyak. Napapikit ako nang muling bumalik sa aking isip kung paano kami naging magkaibigan ni Roan. Kung paano niya ako ipinagtanggol sa mga nambu-bully sa akin noon.
“Sabay nating haharapin ang lahat nang problemang darating. Basta walang iwanan. Kapit lang. Kaya natin ‘to—”
Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at marahas na ibinato ang selpon ko sa pader. Nabasag ang screen niyon at nagkandapira-piraso sa sahig.
Bakit ba kailangang maging ganito ang buhay ko? Hanggang kailan ba ako iiyak? Kailan ba matatapos ang lahat ng problema ko?
Pasalampak akong umupo sa sahig at inihilamos ang mga kamay sa mukha. Mugtong-mugto na ang mga mata ko kakaiyak at parang wala nang luhang lalabas. Bumagsak ang tingin ko sa aking mga kamay at braso. Hindi pa rin tumitigil ang paglabas ng dugo nang laslasin ko ang mga iyon ng kutsilyo. Mariin akong napapikit nang muling maramdaman ang sakit ng mga sugat. Balewala ang sakit na ito kumpara sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Napatingin ako sa kisame nang maramdaman ang unti-unting panghihina ng aking buong katawan. Hindi ako makahinga nang maayos. Para bang mayroong bumabara sa lalamunan ko. At sa hindi malamang dahilan, isa-isang bumalik sa isip ko ang mga nangyari.
“Randolf, nasa’n ka na ba?” bulong ko sa kabilang linya ng tawag. Halos dalawang linggo ko na siyang hindi nakikita. Hindi na pumapasok sa eskuwelahan si Randolf at hindi na rin matawagan. Iyong mga kaibigan niya, hindi rin alam kung nasaan siya.
Napabuntonghininga ako at muling tinawagan si Randolf. Naalala ko na iyong huli naming pag-uusap. Sinabi kong naglayas ako at hindi ko alam kung saan pupunta. Sinabi ko rin na kailangan ko siya pero ang sagot niya, “Puwede ba, Elyne? Wala akong panahong makinig sa mga kadramahan mo. Umuwi ka na sa inyo.”
Mas lalo akong naiyak. Parang dinudurog ang puso dahil sa mga sinabi niya. Hindi ako sinamahan ni Randolf noong mga panahong kailangan ko siya. Mabuti na lang at nariyan si Roan. Kahit hindi ko siya pinapakinggan, dinamayan niya ako.
Naalala ko rin nang sinabi ko kay Randolf na nakahanap na ako ng bagong matitirhan at gusto kong magkita kami dahil miss na miss ko na siya. Pero ang sagot sa akin, “Sa susunod na lang. Busy pa ako.”
Busy? E, hindi ka nga pumapasok.
Bakit hindi na lang niya sabihing busy siya sa letseng ML na iyan? Ang nakakabuwisit pa, ni hindi man lang niya sinabing miss din niya ako o kumusta na ba ako. Hindi naman ganoon si Randolf. Palagi nga niya akong inuuna noon, e. Pero ngayon, nakakapanibago ang malamig na pakikitungo niya sa akin. Parang bigla siyang nag-iba.
“Huwag mo nang subukan na tawagan siya, Elyne. Hindi na siya sasagot sa mga mensahe mo at hindi na rin siya sasagot sa mga tawag mo. Pinapagod mo lang ang sarili mo,” sabi ni Roan.
Naningkit ang mga mata ko. Parang umuusok ang mga tainga ko sa narinig. “Sino ka para sabihin ‘yan?” maanghang na banat ko. “Wala ka namang alam, e. Kaya puwede ba? Badtrip na ako ngayon. Huwag ka nang sumabay, Roan.” Inirapan ko siya at muling sinubukang tawagan si Randolf.
“Pa’no kung sabihin ko sa ‘yong nakita ko si Randolf kahapon?”
Nagsalubong ang mga kilay ko. “Nakita mo siya? Saan? Ba’t hindi mo agad sinabi sa ‘kin—”
“Nakita ko siyang may kasamang ibang babae, Elyne.”
“Ibang babae?” ulit ko pa upang makasiguradong tama ang mga narinig ko. Isang mabagal na tango ang isinagot ni Roan na biglang nagpakaba sa akin. Napalunok ako. “Baka... baka ate lang niya ‘yon o pinsan. Puwede rin naman na kaibigan.”
“Iba ang nakita ng mga mata ko,” mariing sabi ni Roan. Mas lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko. “Hahalikan ba niya sa labi ang ate niya, ‘yong pinsan niya, o ‘yong kaibigan niya kahit nasa pampublikong lugar sila? Gumising ka, Elyne. Niloloko ka na ni Randolf!”
Naramdaman ko ang biglaang pamamanhid ng buong katawan ko. Nahirapan akong huminga at pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ang puso ko. Ni hindi ako makagalaw. Parang bigla akong nawala sa aking sarili. Parang bang ikinasa ni Roan ang mga salitang iyon at walang awang ipinutok sa direksyon ko.
Matalim ang mga matang tiningnan ko si Roan. “Bawiin mo ang sinabi mo, Roan. Sinungaling ka.”
“Totoo lahat ng sinabi ko, Elyne. Maniwala ka sa ‘kin. Nakita ng dalawang mata ko!” giit niya.
Parang huminto ang lahat sa paligid ko sa kumpirmasyong iyon. Parang unti-unting pinupunit ang puso ko. “Hindi ako niloloko ni Randolf! Wala siyang ibang babae! Ako lang ang mahal niya! Bawiin mo ang sinabi mo!” Pumiyok ako nang namaos ang lalamunan ko. Sa isang hawak lang sa akin ni Roan, mabilis na bumuhos ang mga luha ko. “Sabihin mo sa 'kin na nagsisinungaling ka lang, Roan! Hindi magagawa sa ‘kin ni Randolf ‘yon! Hindi!”
“Elyne...”
Nahagip ng mga mata kong tumulo ang luha sa mga mata ni Roan at niyakap ako. “Roan... sabihin mo sa ‘kin na hindi totoo ‘yon. Pakiusap...” Napayuko ako kasabay ng mahinang paghikbi. “S-sabihin mo s-sa ‘kin...” Mas lalo lang niya akong niyakap at pareho kaming umiyak.
Hindi matanggap ng utak ko ang mga sinabi ni Roan. At mas lalong hindi matanggap ng puso ko ang lahat ng kasinungalingang iyon. Hindi ako naniniwala pero nasasaktan ako. Kahit anong pangungumbinsi ko sa sarili, para bang paulit-ulit akong sinasampal ng mga katotohanang sinabi ni Roan. Kailanman ay hindi siya nagsinungaling sa akin.
Humiwalay ako sa kan’ya at marahas kong pinalis ang luha ko. “Sino ‘yong babae niya? Sino ang pinalit niya sa ‘kin?” Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko’y unti-unti na akong nahihirapang huminga. Parang may malaking bato na nakadagan sa dibdib ko. “G-gusto k-kong m-malaman.”
“Alam kong hindi ka maniniwala kung sasabihin ko sa ‘yo kung sino ang babae niya. Pero sasamahan kita kung saan ko sila nakitang magkasama. Gusto kong makita mo sa sarili mong mga mata na tama ang sinabi ko. Niloloko ka ni Randolf. Niloloko ka nila.”
Bumalik ako sa reyalidad. Iniikot ko ang mga mata ko. Ilang araw na akong nakakulong sa kuwartong ito. Ilang araw na akong tulala at wala sa sarili. Ilang araw na akong hindi kumakain. Puro alak ang laman ng tiyan ko. Ang gusto ko lang, umiyak nang umiyak hanggang sa wala nang luha ang lumabas sa mga mata ko.
Tumayo ako nang mahagip ng mga mata ko ang litrato ni Randolf na nakasiksik sa salaminng nasa tabi ng kama. Kinuha ko iyon at matamang tinitigan. “Randolf... bakit? Bakit mo ako niloko?”
Halos mapunit ang larawang iyon nang bigla kong ikinuyom ang kamay ko. Muling gumuhit ang kirot sa dibdib ko nang maalala kung paano namin siya palihim na sinundan ni Roan. Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko dahil sa sobrang kaba. May kutob na ako pero natatakot ako. Natatakot akong masaksihan ng mga mata ko ang lahat.
Nilakasan ko na lang ang loob ko nang mga sandaling iyon. Lalo na nang huminto ang sinakyan ni Randolf sa harap ng isang motel. Lumabas siya mula sa kotse at ilang saglit pa, isang babae ang lumapit sa kan’ya.
Kahit may kaluyuan kami sa kinatatayuan nila, kitang-kita ko ang pamilyar na mukha ng babae. Bawat halik ni Randolf ay tinatanggap nito. Parang sabik na makita ang isa’t isa.
Huminga ako nang malalim at pinalis ang mga luha ko. Gumuho ang mundo ko nang mga sandaling iyon. Nanghihina ang mga tuhod ko. Nanghina ang buo kong katawan. Hindi lang si Randolf ang manloloko, pati si Chariol.
Tama nga si Roan. Niloloko nila ako!
KABANATA 8HINDI ko lubos maisip na magagawa nila sa akin iyon. Pinagkatiwalaan ko silang dalawa pero palihim pala nila akong ginagago. Hindi ko matanggap na matagal na silang nagkabalikan. Hindi ko matanggap na matagal na nila akong niloloko!“Mga hayop kayo!” malakas na sigaw ko at unti-unting napaupo. Nahihirapan na akong huminga. Kaya pala nanlalamig na si Randolf sa akin dahil may bago nang pinag-iinitan.Tangina.Iyong mahigit isang taon na relasyon namin, tinapos lang ni Randolf sa anim na salita. “Ayoko na. Hindi na kita mahal.” Ganoon lang kadali sa kan’ya na sabihin ang mga iyon. Marami akong gustong itanong, ngunit ayaw lumabas ng boses ko. Bigla akong napipi.
KABANATA 9HUMITHIT ako sa sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa kung saan nang makita si Roan na papalapit sa akin. Mahigit dalawang linggo na nang mangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita ang pagmumukha ni Chariol at Randolf. Balita ko, lumipat na sila ng eskuwelahan at magkasama sila roon. Mabuti nga iyon dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa kapag nakita ko ulit silang magkasama. Mga manloloko.Sabi nga ni Roan, tutulungan niya ako basta tulungan ko rin daw ang sarili ko. Nangako akong susubukan ko nang ayusin ang magulo kong buhay. Susubukan ko nang tanggalin ang lahat ng bisyo ko. Pero hindi pala madali lalo na kung nakasanayan na. Hinahanap-hanap ng sistema ko ang alak at sigarilyo kaya naman pinagbigyan ko muna ang sarili ko.Isang
KABANATA 10MAHIGIT isang linggo nang hindi umuuwi si Miana simula nang magkaharap kami sa parke. Nag-alala na sina Mama at Papa. Sinubukan siyang hanapin ng mga ito, ngunit hindi alam kung saan magsisimula. Hindi namin siya matawagan. Pati sa eskuwelahan ay hindi na rin siya pumapasok. Hindi na nga natutulog si Papa. Halos araw-araw na hinahanap si Miana. Humingi na rin kami ng tulong sa mga pulis.“Hindi pa rin ba tumatawag si Miana?” tanong ni Papa na bakas ang matinding pag-aalala sa mukha. Isang malungkot na iling ang naging tugon ni Mama. “Nasa’n na kaya siya? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya umuuwi?”Lumabas ako ng bahay. Naisip kong maglakad-lakad muna. Sa totoo lang, dapat wala akong pakialam sa problema nila. Labas na ako roon. Pero kahit ano ang pangongontra ng isip ko, sa puso ko ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kung nasaan man ngayon si Miana, sana ay ligtas siya. At malakas ang kut
KABANATA 11“PATAY na si Miana Devera.”Nilagok ko ang huling bote ng alak at tiningnan ang mga tao sa paligid na masayang sumasayaw sa gitna. Narito ako ngayon sa isang bar. Lasing na lasing na ako sa dami ng nainom kong alak. Gusto kong makalimot nang panandalian. Gusto kong takasan ang katotohanang patay na ang kapatid ko. Wala na si Miana. Pero mas lalong sumakit ang ulo ko, hindi dahil sa maingay na musikang naririnig ko o ng alak na ininom ko, kundi dahil naghalo-halo na ang mga iniisip ko at pakiramdam ko, sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit.Inisang lagok ko ang alak bago ko inginudngod ang mukha ko sa lamesa. “Tanginang buhay ‘to.”Lahat kami ay hindi makapaniwala sa balitang iyon. Namanhid ang buong katawan ko nang marinig ang sinabi ng pulis. Para akong nabingi.“Paanong patay na ang anak ko? Patay na si Miana? Hindi ‘yan totoo! Hindi pa siya pa
KABANATA 12UMIHIP ang malakas na hangin nang huminto ako sa harap ng isang pribadong kapilya kung saan inilagak ang mga labi ni Miana. Ayoko sanang pumunta dahil hindi ko gustong makita ang kalagayan niya. Pero parang may tumutulak sa akin para pumunta rito.Nanigas ang buong katawan ko nang matanaw ang puting kabaong ni Miana. Parang nanghina ang mga tuhod ko. Pati ang mga paa ko ay hindi ko maihakbang. Para bang ang lahat ng lakas na mayroon ako, sa isang iglap ay bigla na lang nawala.Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung makakaya kong silipin ang bangkay ni Miana. Natatakot akong lumapit. Hindi ko alam kung makakaya ko bang silipin man lang siya. Natatakot akong makita mismo ng dalawang mata ko na wala siya.Huminga ako nang malalim at sandaling pumikit upang palakasin ang loob ko. Dahan-dahan kong inihakbang ang mga paa ko papasok sa loob ng kapilya. Napili kong umupo sa dulo kung saan
KABANATA 13NAGMADALI akong bumaba ng hagdan nang marinig ang malakas na boses ni Papa.“Tigilan mo ako, Erlinda! Tatamaan ka sa ‘kin!” Halos hindi na makatayo nang tuwid si Papa sa sobrang kalasingan. Pulang-pula na ang mukha niya at halos hindi na maidilat ang mga mata. Pero patuloy pa rin siya sa pagtungga ng alak at paghithit sa hawak na sigarilyo.Naningkit ang mata ko nang mas lumapit si Mama kay Papa at ipinakita ang loob ng isang itim at maliit na bag na walang laman. Pamilyar sa akin ang bag na iyon.“Pinagbibintangan mo ba ako, ha?” sigaw ni Papa. “Hindi ako ang kumuha ng pera riyan!”Ibinaba ko ang tingin nang umigting ang panga niya sa galit. Nakakatakot. Parang wala sa sarili. Parang sinaniban ng demonyo. Parang handa niyang saktan si Mama ano mang oras.Maraming isinenyas si Mama na hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung saan niy
KABANATA 14MAS lalong lumala si Papa. Pati ang titulo ng bahay naming ay hinahanap at balak isangla. Hindi lang iyon. May natuksalan si Mama pero patuloy niya itong itinatanggi.Naabutan ko si Mama na nasa likod ng bahay at naglalaba. Napansin kong nakatulala siya sa hawak na puting polo ni Papa. Para bang iniinspeksyon iyon ng mga mata niya. Pinagmasdan ko lang siya. Mayamaya pa, napansin kong bigla na lang siya naluha.Lumapit ako kay Mama at walang habas na inagaw ang hawak niya. Nagulat siya at sinubukang agawin ang damit, ngunit nagmatigas ako at pilit iyong inalayo. Nanuot sa ilong ko ang pambabaeng pabango na nakakapit sa polo. Napansin ko rin ang ilang bahid ng pulang lipstick doon. “Hindi naman ganito ang amoy ng pabango mo, ‘di ba, ‘Ma? Hindi ka rin naman nagli-lipstick.”Mataman akong tinitigan ni Mama.“Isa lang ang ibig sabihin nito.” Napalunok
KABANATA 15MATAPOS ang mga pangyayaring iyon, minabuti kong umiwas na lang. Mas lalo lang akong mabubuwisit kapag nakikita ko si Mama na pinaglilingkuran ang mala-hari niyang asawa. Hanggang ngayon ay patuloy na nagpapakatanga si Mama. Nakakainis na ang pagiging martyr niya. Ang sarap tayuan ng rebulto.Hindi ko siya pinapansin sa tuwing gusto niya akong kausapin. Tinatalikuran ko na lang siya at dumidiretso sa kuwarto. Ayoko munang marinig ang mga paliwanag ni Mama. Mas gusto ko munang lumayo. Gusto ko munang pansamantalang magtago.Bumalik ako sa reyalidad nang huminto ang sinakyan kong tricycle sa harap ng bahay namin. Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa gate, parang bumigat ang pakiramdam ko. Mas dumoble pa ang kabang nararamdaman ko nang marinig ang malakas na boses ni Papa. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at halos patakbong pumasok.Naestatwa ako nang maabutang binubugbog ni Papa si Mama na nagmamakaaw
KABANATA 28ISA si Roan sa mga nagpamulat sa akin kung gaano kahalaga ang Panginoon.“Ginamit lang ako ng Panginoon para ituro sa iyo ang tamang daan. At kahit ano pa ang mangyari, mananatili ako sa tabi mo.” Pinisil-pisil ni Roan ang mga kamay ko. “Mamimiss man kita, malulungkot man ako dahil hindi na kita palaging makikita, pero magiging masaya ako ulit oras na maisip ko kung bakit ginawa mo iyon,” usal niya. “Gusto kong malaman mo na isang daang porsyento ang suporta na ibibigay ko sa ‘yo, Elyne.”Parang natunaw ang puso ko nang marinig ang mga iyon.“Susuportahan kita dahil alam kong iyan ang tunay na magpapasaya sa ‘yo. Susuportahan kita dahil alam kong sa gagawin mo na ‘yan, mas lalo kang mapapalapit sa Panginoon.”Hindi ko maiwasang mapangiti habang nangingilid ang mga luha ko. “Salamat, Roan.”Marami na akong
KABANATA 27KUNG mayroon man akong lubos na ipagpapasalamat kay Mama at Papa, iyon ay ang pinalaki nila si Luci nang may takot sa Diyos. Naalala kong isang taong gulang pa lamang siya’y puro kanta na sa simbahan ang kan'yang kabisado. Habang papalaki siya’y napansin namin na masaya siya tuwing nagsisimba kami ng sama sama. Kahit kaila’y hindi ko siya narinig na nagreklamo kahit ilang misa pa ang tinatapos nila. Ayaw din niyang inaabala siya kapag tahimik siyang nakikinig kay Father.Sa bahay kung minsa’y siya pa ang nagpapaalala sa ‘min na magdasal muna bago kumain. Siya rin ang madalas na nangunguna sa pagdarasal. Kasama rin namin siya nila Mama at Papa sa tuwing nagrorosaryo kami at araw araw namin iyong ginagawa.Isa si Luci sa mga dahilan kung bakit napatawad ko si Papa at muling tinanggap. Nang makalaya siya mula sa kulungan dahil sa kasong pagnanakaw, kaagad niya kaming pinuntahan ni Mama.
KABANATA 26NAPAPIKIT ang mga mata ko nang umihip ang malakas na hangin. Nang dumilat ako’y agad kong natanaw ang maliwanag na langit, na para bang hindi man lang nabahiran ng kahit konting dilim. Ang kombinasyon ng kulay asul na kalangitan at kulay puting mga ulap na nakapaligid dito’y nakakalmang pagmasdan. Para bang hindi ko na gugustuhin pang lumubog ang araw at dumilim nang husto ang magandang kalangitan.Dumapo naman ang aking tingin sa isang kulay kayumangging dahon na nahulog sa aking harapan. Nang muling umihip ang malakas na hangin, unti-unting itong gumalaw at sumamang lumipad sa himpapawid. Na para bang isa itong malaking problema na sa isang iglap ay tinangay na lang nang malakas na hangin.Bahagya akong nagulat nang makita ang isang batang babae sa gilid ko. Nakangiti siyng nakatingin sa akin.“Kanina ka pa ba riyan?”Unti-unti siyang umiling. “Hindi naman po.&rd
KABANATA 25“ELYNE, ngayong alam mo na, gusto ko lang ding ipaalam sa ‘yo kung gaano ka kamahal ng Mama mo.”Bumungad sa akin ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Papa.“Saksi ako noong mga panahon na ipinagbubuntis ka pa lang niya. Pinipigilan niyang maging emosyonal dahil makakasama iyon sa kan’ya. Iniiwasan niyang magpalipas ng gutom dahil makakasama sa ‘yo. Palagi siyang umiinom ng gatas at mga bitamina para sa buntis dahil gusto niyang malusog kang lalabas. Palagi din siyang nagpapatingin sa doktor upang siguraduhin ang kalusugan mo.”Naramdaman ko ang mabilis na pagragasa ng mga panibagong luha ko sa mata. Gusto ko lang umiyak nang umiyak hanggang wala nang luha ang lumabas sa mata ko.Ano’ng silbi ng mga salitang ‘yon kung ngayon ko lang ito nalalaman? Bakit hanggang ngayon ayaw pa rin ipoproseso ng utak ko lahat ng aking natutuklasan?&l
KABANATA 24“TOTOO na walang awa siyang ginahasa ng totoo tatay mo.”Alam ko na ang sagot pero bakit ang sakit pa rin ng kumpirmasyong iyon? Bakit parang bininiyak ang puso ko?“Gusto kong patayin ang hayop na ‘yon noon dahil binaboy niya ang pinakamamahal kong babae!” Puno ng galit ang tinig ni Papa habang walang tigil sa pagpatak ang mga luha.Parang mas lalong piniga ang puso ko.“Sobrang sakit na malamang ganoon ang sinapit niya. Kaya ako nagsusumikap sa pagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang Mama mo. Gusto kong huwag na siyang alilahin ng pamilya niya. Gusto kong huwag na siyang maghirap pa.”Bawat salitang lumalabas sa kan’yang bibig ay tumutusok sa puso ko.Huminga nang malalim si Papa. “Tiniis ko ang lahat dahil gusto ko, pagbalik ko, ihahatid ko na lang siya sa altar. Lahat ng pangarap namin ay nagawan ko na ng para
KABANATA 23MASAKIT isipin na ngayon siya hihingi ng tawad kung kailan hindi pa rin nagigising si Mama. Masakit isipin na ngayon niya napapagtanto ang mga maling ginawa niya kung kailan huli na. Kung kailan hindi na maibabalik pa ang mga nangyari na. Masakit isipin na kailangan pang umabot sa ganito bago niya mapagtanto.“Nagsisisi na ‘ko. Sising-sisi ako.”Muli ko siyang hinarap kasabay nang mabilis na paglandas ng luha sa aking pisngi. Pakiramdam ko’y nabingi ako. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Sa buong buhay ko’y ngayon ko lang narinig mula sa kan'ya ang mga salitang ‘yan. Sa buong buhay ko ngayon ko lang siya nakitang umiyak para kay Mama.“Nagsisisi na ‘ko sa lahat nang ginawa ko,” basag ang boses na usal niya. Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap ko itong inilayo. “Maniwala ka man o hindi pero hindi ko sinasadyang gawin &lsquo
KABANATA 22HUMIGOP ako nang isang malalim na hininga, bago ako nagdesisyong pumasok sa isang silid na nagsisilbing hintayan ng mga taong gustong bisitahin ang mga ka-anak nilang nasa kulungan.Ito ‘yung lugar na sinasabi nilang para sa mga taong makasalanan.Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko sa lugar na ‘to. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa ‘kin para pumunta rito. Hindi ko alam kung saan ako humugot nang lakas ng loob para harapin pa siya matapos ang ginawa niya. Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon ko oras na makita siya ulit. Hindi ko alam. Dahil ang tanging alam ko lang, kailangan ko ng kasagutan.Kailangan kong mabigyan ng paliwanag ang aking nalaman. Kailangan kong alisin kung ano man ‘tong bumabagbag sa ‘kin. Kailangan kong malaman ang katotohanan. Alam kong siya lang ang makakasagot at makakapagbigay nang katotohanan na gusto ko.
KABANATA 21HINDI ko alam kung saan ako humugot ng lakas dahil kahit nanginginig na ang buong katawan ko, nagawa ko pa ring ilipat ang kuwaderno sa susunod na pahina.Elyne, Anak, alam mo ba’ng hindi ako naniniwala sa mga akusasyon ng Papa mo sa ‘yo? Pero nang makita ko ang mga larawan ninyo ng nobyo mo, parang bumagsak sa akin ang mundo. Masakit. Nasaktan ako. Bakit mo ginawa ‘yon? Paano kung mabuntis ka? Masyado ka pang bata, Anak. Hindi mo dapat ginagawa iyon dahil ayokong matulad ka sa akin. Ayoko, Elyne. Hindi ko kakayanin. Hindi ako tututol sa pakikipagnobyo mo pero sana, unahin mo muna ang pag-aaral. Mas mahalaga ‘yan, ‘Nak. Patawad kung wala akong nagawa nang pagbuhatan ka ng kamay ng Papa mo. Mahal na mahal kita. Alam kong galit ka pero sana ay bumalik ka na. Umuwi ka na, ‘Nak. Pakiusap.Hindi ko na mahabol ang aking hininga sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi k
KABANATA 20ELYNE, nasabi sa akin ng Papa mo ang ginawa mo. Bakit naman ginagawa mo ‘yon, Anak? Hindi tamang gawain 'yon ng isang menor de edad pa lang na kagaya mo. Hindi tama ‘yon kaya sana’y ‘wag sumama ang loob mo kung pinagalitan ka man ng Papa mo. Gusto lang niyang ipaalam na mali ang ginagawa mo. ‘Nak, sabi ko naman sa ‘yo kung may problema ka nandito lang ako 'di ba? Hindi lang ako makakasagot pero handang makikinig si Mama sa ‘yo. Sabihin mo lang sa ‘kin ang lahat. Handa akong gumawa nang paraan upang resolbahin ang problema mo sa abot nang makakaya ko, dahil ayokong nakikitang nagkakagan’yan ka. Ayokong panoorin ka lang na sirain mo ang buhay mo nang wala man lang akong magawa. Ayokong sayangin mo ang buhay na binigay sa ‘yo ng Diyos. Kung naiintindihan mo lang sana ako’y mas madali sanang ipaliwanag sa ‘yo ang lahat. Pero sana’y matuto kang pahalagahan a