KABANATA 7 “ANO ba, Elyne? Sumagot ka naman, o!” Narinig ko ang pinaghalong kaba, takot, at pagkataranta sa nanginginig na boses ni Roan sa kabilang linya. “Everlyne, pakiusap, sumagot ka! Huwag mong gawin ‘yan!” Hindi ako nagsalita, ngunit mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang pigilang humikbi. Napagtagumpayan ko naman iyon pero nangilid ang luha sa mga mata ko.Roan, alam ko na kapag nabasa mo ‘to, wala na ako. Baka ginawa ko na ‘yong matagal kong pinaplano. Ayoko na. Suko na ako. Oo, duwag ako. Oo, mahina ako. Nakakasawa kasing lumaban kung wala rin namang kabuluhan ‘yong pinaglalaban ko. Nakakasawang mabuhay kung wala rin namang kuwenta ang buhay ko. Gusto ko nang pumikit at huwag nang d
Last Updated : 2020-08-09 Read more