Share

Kabanata 3

Author: Señorita
last update Last Updated: 2020-07-29 11:31:33

Nakabalot ng benda ang mga mata, ulo, braso, at binti ni Alona. May mga neck braces din na nakakabit sa leeg ng dalaga.

Sa ngayon, ang oxygen concentrator lang ang sumusuporta sa kaniyang katawan para mabuhay.

Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Para siyang bangkay na nakahiga ngunit humihinga pa rin at gising na gising ang kaniyang diwa.

Nanginginig na lumapit sa kaniya si Ivan at mabigat ang bawat hakbang niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa sinapit ng dalaga.

Pero hindi siya gaanong nakalapit kay Alona dahil biglang dumating ang magiging asawa niyang si Karlos. Binangga pa siya nito sa balikat, pero hindi na lang niya ito pinansin.

“Alona! naririnig mo ba ako?" sabi niya na may pag-aalala. Dahan-dahang ginalaw ng dalaga ang isang daliri niya at nakita ito ng dalawang binata.

Napangiti si Karlos at napaluha, sabay halik sa kamay niya. Tumalikod na lang si Ivan at lumabas sandali ng kuwarto.

Bumuga siya ng malalim na paghinga at isinandal ang likuran sa pader. Nanlalambot ang kaniyang mga tuhod at hindi pa rin niya matanggap ang trahedya na sinapit ng pamilyang Desepeda.

Ivan Jonathan Ocampo o mas kilala bilang Ivan, tatlumpung taong gulang. Dating matalik na kaibigan at kababata ni Mike Desepeda, ang nakatatandang kapatid ni Alona.

Noong bata pa lamang sila ay talagang malapit na talaga siya sa pamilya Desepeda. Nang dahil sa pang-aabuso ng kaniyang mga magulang, kaya minarapat nila na kunin siya at ampunin bilang bahagi ng kanilang pamilya.

Malaki ang utang na loob niya sa mga Desepeda's, pero lahat ng iyon ay dahil sa matalik niyang kaibigan na si Mike. Pinili na lang niyang pagsilbihan sila bilang personal tutor ng magkapatid. Higit pa rito, nadama niya na mas mabuting huwag maging pabigat at abusuhin ang kanilang kabaitan sa kaniya.

Kaya bilang kapalit, nangako siya sa mag-asawang Desepeda na balang araw ay susuklian niya ang kabutihang ibinigay ng mga ito para sa kaniya. Mula noon, siya ay nagtrabaho nang husto sa gabi at isang estudyante naman sa umaga. Ayaw din niyang umasa sa ibinibigay sa kaniya ng magkapatid kaya kahit na madalas ang pagtulo ng dugo sa ilong niya ay nagpatuloy siya at hindi nag-aksaya ng oras.

Nasaksihan ni Mike ang kasipagan nito. Napapangiti lang siya at namamangha sa kaibigan sa tuwing mahahanap niya itong mahimbing na natutulog sa mesa at halatang pagod.

Isang araw, kinausap niya ang kaibigan at humingi siya ng pabor.

"Ivan, puwede ba akong humingi ng kahit isang hiling sa iyo?" sabi ni Mike habang naglalakad silang dalawa sa garden.

“Wish?” ani naman ni Ivan at tumingin siya sa kaibigan. Tumigil sila saglit sa paglalakad at hinarap ni Mike ang binata.

"Ivan, ipangako mo sa akin na pakakasalan mo ang kapatid kong si Alona." Alam niyang nagulat si Ivan kaya hinawakan niya ito sa kamay.

“Huh? ano ba ang sinasabi mo? kasal? masyado pang bata si Alona para pakasalan ko siya at alam mo namang para kaming aso't pusa ng kapatid mong 'yan." Aniya na may pilyong ngiti sa labi.

“Please, nakikiusap ako, Ivan. Ingatan mo siya. Ayaw 'kong nakikita siyang nasasaktan at umiiyak dahil sa ibang lalaki.” Pagsusumamo niya rito.

“Ano bang sinasabi mo, Mike? bakit parang ang seryoso mo yata ngayon? may problema ka ba?" natahimik sandali si Mike. Nakayuko lang siya at parang pinipigilan ang emosyong nararamdaman.

“I'm sorry, alam kong hindi ka mahilig sa mga seryosohang usapan. Pero sa tuwing naiisip ko ang magiging future ng kapatid ko ay para akong sinasaksak ng paulit-ulit sa aking puso.” Aniya at biglang tumulo ang luha sa kaniyang mga mata na ikinabahala ng binata.

Nabigla si Ivan dahil ito ang unang pagkakataon na nakita at narinig niya ito ng emosyonal. Madalas niya itong nakikitang nakangiti, masaya at laging tumatawa sa tuwing magkasama sila. Ngunit sa mga sandaling iyon ay tila sumuko na ang dating Mike na kilala niyang matapang at masigla. Duda siya na sa kabila ng lahat ng mayroon siya ay may pinagdadaanan din pala siyang problema.

Mahigit dalawang araw lang ang nakalipas nang aminin ni Mike sa harap ng kaniyang pamilya na mayroon siyang Bone Marrow Cancer o Leukemia. Ang masamang balitang batid niya ang biglang nagpabagsak sa mga Desepedas. Halos mawalan na rin sila ng pag-asa na maitawid muli ang kanilang kumpanya at maipasa sa kaniya ang mana dahil sa lumalalang sakit nito.

Mahigit isang linggong hindi nagpakita si Ivan sa kaniyang kaibigan. Sandali siyang namalagi sa bahay ng kaniyang katrabaho, ngunit mas pinili niyang huwag magtagal doon kaya naghanap siya ng mauupahan sa mas mababang upa.

Hindi pa siya handang harapin muli ang matalik niyang kaibigan matapos niyang malaman ang malubha nitong kondisyon sa kalusugan. Gayunpaman ay madalas siyang dumadaan at humihinto sa tapat ng bahay nito pero umaalis din siya kaagad.

Inisip naman ni Mike na masama ang loob nito sa kaniya dahil inilihim niya ang kaniyang malubhang karamdaman sa kaibigan. Pero ang hindi niya alam ay takot lang siyang harapin ito at makita ang kalagayan niya.

Habang tumatagal, unti-unti siyang nahihirapan at pumapayat dahil sa kaniyang kondisyon. Lagi lang siyang nasa loob ng ospital at naggigitara. Paminsan-minsan, napapangiti siya ni Alona at nagsasanay siya ng ballerina sa harap niya.

Hindi rin nila ipinakita o ipinaramdam sa binata ang lungkot at sakit na naramdaman nila sa sinapit ng kanilang anak. Sa halip, ibinuhos nila ng mag-asawa ang lahat ng kanilang pagmamahal, pangangalaga, at tapang sa kaniya.

Ganiyan si Mike kaya kahit sobrang hirap na ng sitwasyon ay pilit pa rin siyang lumaban at hindi siya nawalan ng pag-asa na malalagpasan din niya ang bawat pagsubok na iyon.

Ngunit ang katahimikan at katapangan niyang iyon ay biglang nabasag. Nagising sila sa katotohanang wala nang pag-asa na pahabain pa ang buhay ng binata.

Napaiyak na lang si Mrs. Desepeda, habang niyayakap siya ng asawa. Nagkataon namang sumilip si Mike sa labas ng kaniyang silid at sa unang pagkakataon ay nakita niya ang kaniyang mga magulang na umiiyak nang dahil sa kaniya.

Kaya imbes na maglakas-loob, bigla siyang nawalan ng pag-asa at natakot sa kinabukasan.

Napaatras lang siya at naupo sa isang tabi. Doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit at bigat na matagal na niyang kinikimkim sa kaniyang puso.

Ilang saglit pa ay pumasok na rin sa kanoyang silid ang mag-asawang Desepeda. Laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig ang binata at walang malay.

Kaagad silang tumawag ng nurse at doktor. Muli siyang inihiga sa kaniyang kama at pinagmasdang mabuti ang kalagayan ng kaniyang katawan.

Kinausap sila ng masinsinan ng doktor.

“Nasa final stage na ang sakit ng inyong anak. Mas malala at mas mahirap ang kalagayan niya ngayon. Hindi ko rin maipapangako na madudugtungan pa siya ng mahabang buhay, within this week or maybe after three to four days baka mawala na siya. Lubos po akong humihingi ng paumanhin sa inyo.“ Pagkasabi niyon ng doktor ay tumalikod siya at lumabas saglit sa opisina niya.

Parang hindi makapaniwala ang mag-asawa sa narinig. Hinabol ni Mrs. Desepeda ang doktor at lumuhod ito sa harapan niya.

“Please, nakikiusap ako sa inyong lahat. We are willing to pay, kahit magkano, basta tulungan niyo lang ang anak ko na gumaling. Wala akong pakialam kung gaano katagal o gaano kamahal ang magagastos namin, kung puwede ipasa mo na lang sa akin ang sakit niya ay hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon. Dok, bata pa po si Mike. Siya ay matalino at napakabait na bata. Kaya, bakit sa dinami-dami ng taong maaaring magkaroon ng ganoong sakit, bakit yung anak ko pa? wala na ba talagang ibang paraan para mailigtas niyo ang aking anak sa bingit ng kamatayan? nakikiusap ako, doktor. Tulungan mo ang aking anak. Ako na lang, kunin niyo na lang ako." Sa kabila ng kaniyang pagmamakaawa, siya ay pinakawalan sa mga kamay ng doktor. Nakaupo sa sahig at patuloy lang sa pag-iyak. Nasaksihan at narinig ni Ivan ang lahat ng kaniyang pakiusap sa doktor. Nangingilid ang luha sa mga mata niya at tumingin na lang siya sa ibang direksyon upang paupahin ang bigat na kaniyang nararamdaman.

“Pasensiya na, misis. Pero isa lang akong doktor at hindi po Diyos.” Sagot ng doktor sabay alis niya.

Sa 'di kalayuan ay bigla niyang nakita si Alona na naglalakad palapit sa kanila at nakatingin sa mga pasyenteng nakakasalubong niya.

Bigla siyang natakot na baka makita ng dalaga ang kaawa-awang kalagayan ng kaniyang mga magulang. Kaya naman, dali-dali siyang lumapit kay Alona at humarang sa harapan niya.

“Kuya Ivan?” pagtataka niya nang makita ito.

"Alona, alam mo ba kung saan makakabili ng prutas?" tanging tanong niya para makuha ang atensyon ng dalaga.

“Huh? may nakita ako kanina sa labas na nagtitinda ng mga prutas." Nagtuturo siya sa labas ng ospital.

"Ganoon ba? puwede bang sumama ka sa akin?”

“Pero-” sisilip na sana siya sa likod ni Ivan, pero mabilis siyang hinarangan ng binata at inakbayan siya sa balikat.

“Sumama ka na sa akin, hindi ko alam kung anong prutas ang gusto ng kapatid mo.” Yon na lamang ang sinabi niya sa kaniya.

“Sige, pero sandali lang tayo ha?” nakumbinsi din naman niya na sumama ito sa kaniya. Lumingon saglit si Ivan sa likuran niya at nakita niyang binubuhat ng mga nurse si Mrs. Desepeda, dahil bigla itong nahimatay doon.

Related chapters

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 4

    Habang walang tao sa loob ng silid ni Alona ay pumasok naman sa loob si Ivan at maingat niyang sinara ang pintuan upang hindi niyang magising ang dalaga sa pagkakaidlip.Dahan-dahan din niyang inilakad ang kaniyang mga paa palapit kay Alona at saka siya huminto sa harapan nito habang pinagmamasdan ang napinsalang katawan nito dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya.Halos tumulo ang mga luha niya sa gilid ng mata, lalo na nang umakyat ang tingin niya sa mukha ng dalaga na kasalukuyang nakabalot naman ng puting benda ang buong mukha nito."Patawad kung nabigo kita at hindi kita naprotektahan. Pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng taong iyon ang ginawa niya sa'yo," mahina ngunit mariin niyang sinambit sa kaniyang bibig habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.Tila gumalaw naman ang hintuturong daliri ng dalaga sa kaliwang kamay niya at napansin din naman iyon kaagad ni Ivan, kung kaya't bigla siyang natahimik at napatingin sa mukha ng dalaga. Batid niya na narinig ni Alona ang mga si

    Last Updated : 2020-07-29
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 5

    Pagkatapos maiparada ni Ivan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay apurahan naman siyang sumakay ng elevator. "Sandali lang!" saktong pasara na ito, pero mabuti na lang at naabutan pa niya."Salamat," aniya nang makapasok na siya sa loob at pinindot ang number button sa may gilid. Halos hindi naman siya mapakali at panay din ang pagtingin niya sa kaniyang relo. Hanggang sa napukaw ng atensyon niya ang isang misteryosong tao na nasa likuran niya. Tangging silang dalawa lamang ang nasa loob ng elevator at napansin niya sa reflection na nasa kaniyang harapan ang taong nakatayo sa likuran nito habang nakamasid sa kaniya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Nakasuot siyang jogger na itim, nike rubber shoes at black- hoody jacket na natatakpan naman ang kaniyang mukha.Hindi niya matukoy ang itsura nito dahil sa hoody jacket na nakatakip sa kaniyang ulo at mukha. Ngunit sigurado naman siya na

    Last Updated : 2020-07-29
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 6

    Mahigit dalawang oras ang inabot ng paghihintay nina Ivan, sa labas ng silid ni Alona. Hindi ito mapakali at palakad-lakad na lang, habang nakahawak sa kaniyang noo gamit ang isang kamay.Nakasunod naman ng tingin si Kiko sa kaniya at nagbuga ng malalim na paghinga."Puwede ba, Ivan? umupo ka na muna sandali at kumalma. Ako tuloy ang nahihilo sa kakaikot mo riyan," turan nito sa kaniya. Saglit namang natigilan sa paglalakad ang binata at lumingon ito sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang mga kamay."Kiko, sabihin mo nga sa akin. Wala ka bang napapansin na kakaiba? o baka naman may ibang taong pumasok sa loob ng kwarto niya?" usisa niya habang napailing naman sa ulo si Kiko at nanliliit ang mga mata."Kakaiba? wala naman. Bakit?" mabilis nitong tinugon sa kaniya."Sigurado ka ba? wala kang napansin na kakaiba?" medyo natagalan sa pagtugon si Kiko sa kaniya at tila may malalim itong inii

    Last Updated : 2020-07-29
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 7

    "I'll take care of her." Ani ni Karlos kay Ivan, nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.Hindi naman nakatugon kaagad ang binata sa kaniya at nakasunod lang ng tingin sa kaniya habang naglalakad siya, patungo sa loob ng silid ni Alona. Ngunit kaagad din siyang natigilan sa paglalakad ng tabigin siya sa isang balikat ni Ivan at mapangmata siyang tinignan.Ano ba talaga ang problema ng isang 'to? ang lakas din naman pala ng loob niyang pigilan ako, samantalang isang hamak na private bodyguard lang naman siya. Paglalayag sa isipan ni Karlos habang nakatitig siya sa mga mata ni Ivan."Huwag na huwag mong babalaking gumawa ng kolokohan sa kaniya. Dahil alam mo kung ano ang kasasapitan ng buhay mo," mahinang turan nito sa kaniya, pero napangisi lang siya at tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.Anong sinabi niya? alam ko ang kasasapitan ng buhay ko? wow! so, ang akala ba niya ay matatakot

    Last Updated : 2020-07-31
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 8

    Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas, magmula nung umalis si Ivan at bigla na lang nawala. Tangging si Karlos naman ang nag-aalaga kay Alona at kasalukuyan na nga niyang naigagalaw ng paunti-unti ang kaniyang katawan, subalit nakapiring pa rin ng puting bendahe ang kaniyang mga mata.Nakakaupo na siya ngayon at paunti-unti ay nakakalakad na ulit siya dahil sa tulong ng binata at sa palaging pag-aalalay nito sa kaniya."Say ah." Kasalukuyan nakaupo si Karlos sa harap ni Alona, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang higaan. Sinusubuan niya ito ng isang kutsarita na may crab soup, pero tinatanggihan naman siya ng dalaga."Tumigil ka na, hindi mo kailangang magbait-baitan sa akin ngayon. Alam ko namang walang tao sa paligid natin, kaya puwede ka ng huminto sa pag-aakting mo." Mahina ngunit may laman ang mga sinasabi nito sa kaniya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ng binata at sandali niyang binitawan ang hawa

    Last Updated : 2020-08-04
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 9

    Apurahang tumatakbo si Karlos mula sa private room ni Alona, pagkatapos nitong malaman na ngayong araw na rin pala tatanggalin ang bendaheng nakapiring sa mga mata ng dalaga."Excuse me, excuse me po!" aniya habang nagmamadali ito. Pagkarating niya sa tapat ng silid nito ay sandali siyang nahinto at hinahabol ang kaniyang paghinga. Hingal na hingal siya at tumatagaktak ang butil ng pawis mula sa kaniyang noo."After i removed this, you must slowly open your eyes and don't force it. Do you understand?" malumanay na turan sa kaniya ng doktor. Tumango naman ng ulo ang dalaga at may maikling ngiti sa kaniyang labi na animoy nasasabik na itong muling mabuksan ang kaniyang mga mata.Napayuko naman saglit si Karlos at nagbuga ng malalim na paghinga. Napansin siya ng doktor nito at nagpalitan sila ng tingin sa isa't-isa. Tila may pangamba naman sa mukha ng binata at umiiling siya ng kaniyang ulo.

    Last Updated : 2020-08-07
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 10

    Gabi-gabi na lamang umiiyak si Alona, pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa pagkabulag ng kaniyang mga mata. Madalas din itong nagwawala at tinataboy ang kahit sino mang lalapit sa kaniya. Wala rin itong ganang kumain at madalas ay tinatapon lang niya ito sa kung saan-saan.Saksi si Karlos sa hirap na pinagdadaanan ng dalaga. Ramdam niya ang bigat na nararamdaman nito sa kaniyang dibdib at ang kawalan ng kumpiyansa sa sarili. Isang sikat at mahusay na balerina si Alona, ngunit ngayong hindi na ito nakakakita pa ay tila unti-unti na rin siyang nawawalan ng pag-asa na makamtin ang pinapangarap niya na makapagperform sa ibang bansa."Sino 'yan? kung maaari lang ay lumabas ka na. Hindi ko kailangan ng kahit na sino sa loob ng silid ko." Ani ng dalaga sa kaniya nang marinig nito ang pagpihit ng pintuan at mga yapak ng paa ni Karlos."Ako 'to, si Karlos." Pagpapakilala niya habang nakaturo siya sa kaniyang sarili.

    Last Updated : 2020-08-08
  • Manhater (Filipino)   Kabanata 11

    "Do you believe in love at first sight?" kadalasan sa tuwing binabanggit ko iyon sa ibang kababaihan ay bigla na lang silang napapangiti at kinikilig. Iyon ang paraan ko, upang maakit at maangkin ko ang mga puso nila. At wala pang kahit na sinong babae ang tumatanggi sa akin, maliban na lamang sa isa. "She's here!" saktong pagkasabi ni Mr. Desepeda ay napalingon naman ako sa kaniya. Nung una ay hindi ko inakala na totoo pala ang usap-usapin na kumakalat tungkol sa kaniya.Indeed, she' s gorgeous! ang unang salita na sumagi kaagad sa isipan ko. Habang naglalakad siya papalapit sa amin ay parang mas lalo pa siyang gumaganda sa paningin ko. Mula ulo hanggang paa, lahat perpektong-perpekto sa kaniya.She's the ideal girl that i'm looking for. Muling bulong ko sa aking isipan habang pinagmamasdan ko ang mapupungay niyang mga mata."By the way, hija. Siya nga pala si-" naputol naman kaagad ang sinasabi ng ama nit

    Last Updated : 2020-08-23

Latest chapter

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 115

    Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 114

    Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 113

    Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 112

    "Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 111

    Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 110

    Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 109

    Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 108

    (Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw

  • Manhater (Filipino)   Kabanata 107

    Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.

DMCA.com Protection Status