"Magandang gabi, ginoo at ginang." Binati ni Karlos ang mag-asawang negosyante at may-ari ng malaking hacienda na kinatatayuan nila ngayon.
Kasalukuyang ipinagdiriwang ang ikadalawampu't limang kaarawan ng kanilang unica hija na si Alona Desepeda. Kilalang maganda, balingkinita ang katawan, matalino, nag-iisang tagapagmana ng Marcaida at isang mahusay na ballerina.Ngunit sa kabila ng perpektong katangian nito, kabaligtaran naman ang pag-uugali na mayroon siya. Siya ay hambog, pilya, spoiled-brat, matalas ang dila at mababa ang tingin sa mga lalaking gustong angkinin ang kaniyang puso. Naniniwala siyang yaman o pera lang ang gusto nila mula sa kaniya. Kaya magpahanggang ngayon ay wala pa rin siyang mapili na mapapangasawa niy, kahit marami naman ang manliligaw niya at pumipila sa kaniya.Ang mag-asawang Desepeda na lamang ang kusang-loob na maghanap ng lalaking makakatuluyan nito. Nag-aalala lang sila na baka hindi na ito makapag-asawa pa sapagkat napakapihikan nito, lalo na pagdating sa mga kalalakihan. Pero kahit anong pilit nilang i-push ito sa iba, lagi siyang tumatanggi, umiiwas o hindi nagpapakita sa mga blind date na nakalaan para sa kaniya."Salamat at tinanggap mo ang aming imbitasyon sa iyo, hijo." Sabi ni ginang Desepeda sa binata habang hawak ang isang kamay nito.“Wala pong ano man, Ma'am. Natutuwa akong dumalo sa napakagandang okasyong ito.” Nakangiting saad niya.“Balita ko abala ka raw ngayon sa pagpapatakbo ng inyong negosyo? kaya naman nagpapasalamat pa rin ako at nilaanan mo kami ng kaunting oras para sa espesyal na okasyong ito." Masayang ibinatid ni ginoong Desepeda kay Karlos."Walang pong problema, sir." Magalang niyang tugon sa matanda.“Huwag mo na kaming tawaging ma'am o sir. nakalimutan mo na ba? malapit na tayong maging isang pamilya.” Pagkasabi ng ginang ay yumuko siya saglit at ngumiti.“Tama ang asawa ko. Ilang araw na lang, magiging anak ka na rin namin.” Sabi ng ginoo sa binata. Hindi na siya nakapagsalita pa at gumuhit na lang siya ng ngiti sa labi.Tila nakalimutan niya na ang mga magulang ni Alona at ang mga magulang nito ay mayroong napagkasunduan, na silang dalawa ay magkaisa sa simbahang pinili nila.Hindi pa man siya nakikita o nakikilala ng dalaga ay buo na ang kanilang desisyon. Gustuhin man niya o hindi, wala siyang choice kun'di ang pakasalan siya.Karlos Miguel Sermiento, tatlumpung taong gulang. Isang CEO sa kumpanyang pinananatili ng kanilang buong angkan. Mayroon din silang ilang mga pabrika ng mga tissue, pabango at iba pa. Marami itong negosyong hawak kaya sa kaniya rin nakasalalay ang kinabukasan ng kanilang kumpanya.Malaki rin ang kumpanya ng mga Desepeda, pero sa tingin nila ay mas maganda kung magsanib-puwersa na lang sila para lalo pa nilang mapaunlad ito at makapagtayo ng iba pang sangay sa iba't ibang bansa. Kaya sa oras na ikasal siya kay Alona, siya na rin ang magiging bagong tagapamahala ng kumpanya nito.Iyan ang isa sa pinakamalaking bentahe sa lahat ng lalaking naghahangad na mapalapit sa dalaga. Bonus na lang ang makatuluyan niya lalo na't maganda, matalino, at napaka-classy tingnan.Kaya naman nang malaman niya ang tungkol sa kasunduan ay hindi na siya tumanggi o tumutol man lang, bagkus ay tinanggap niya ito ng buong galak.Ano pa nga ba ang hahanapin niya sa isang Desepeda? na kay Alona na ang halos lahat ng katangiang kakailanganin niya. Maging ang kayamanan na balang araw ay mapupunta sa kaniya.“Nandito na siya.” Tinuro ng ginoo ang kaniyang anak. Slow motion, napalingon si Karlos sa dalaga.Namangha at natulala siya sa kagandahang taglay nito.Maging ang mga bisitang dumalo ay sinundan siya ng tingin. Tila isang bituin na nagniningning sa sobrang kinang.Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Bumagay ang hubog ng kaniyang katawan sa suot niyang damit. Tumambad din ang cleavage nito na mas kaakit-akit sa paningin ng mga lalaki."Maligayang kaarawan, hija." Sinalubong siya ng kanyang ina at sabay silang nagbeso-beso sa pisngi.“Basta bati lang? walang regalo?" sabi ng dalaga sa kaniyang mga magulang.“Well, ano pa nga ba ang inaasahan mong matanggap mula sa amin? nasa iyo na halos lahat ng kailangan mo, hija.” Sabi ng kaniyang ama at saglit niyang sinulyapan si Karlos na katabi lamang ng kaniyang ama.“Siya nga pala ang-” putol ng ginoo nang bigla itong tumalikod sa kanila at hindi na lang pinansin."Pagpasensya mo na lamang ang aming anak. Ganiyan lang talaga siya pagdating sa mga guwapong lalaki na katulad mo." Biro na lang niya sa binata.“Hindi, ayos lang po. Hayaan ninyong ako na lang ang magpakilala sa kaniya." Sabi niya sabay lapit kay Alona.Binilisan niya ang paglalakad at huminto sa harapan ng dalaga dahilan para mapahinto ito at tumingin sa kaniya.“So, anong deal mo?” sabi niya sabay taas ng isang kilay."Ako nga pala ang magiging soon to be your groom, Karlos Miguel Sermiento nga pala."Nagpakilala siya gamit ang isang kamay pero tinignan lang siya nito at saka ngumisi.“Magkano ang halaga mo? isang milyon? dalawang milyon? sampung milyon? o mas higit pa roon?" saad ng dalaga habang pinagmamasdan ito mula ulo hanggang paa na may paghuhusga sa mga mata.Napangiti na lang si Karlos at tila hindi nagustuhan ang ginawa nitong pang-iinsulto sa kaniya. Kaya naman, pinagsiklop nito ang dalawang kamay at humakbang palapit sa kaniya na ikinagulat ng dalaga."Naniniwala ka ba sa love at first sight?" aniya, diretsong nakatingin sa mga mata ni Alona.Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at parang bigla siyang nakaramdam ng kaba sa dibdib, lalo na nang makitang malapitan ang binata.“So, gusto mo bang ipalabas sa akin ngayong love at first sight ka sa akin? at sa tingin mo maniniwala ako sa iyo? well, i’ll just make it clear to you that you’re wrong about who you’re fooling. Hindi mo ako madadala sa mabulaklak mong mga salita." Mahina ngunit matatag na tugon nito sa binata.Napaatras na lang si Karlos ng tatlong hakbang at hinubad ang kaniyang itim na tuxedo. Pagkatapos ay ipinatong niya ito sa balikat ng dalaga para matakpan ang makinis at maputing balikat nito na kanina pa tinitingnan ng ibang lalaki.“Okay lang kung hindi ka maniniwala sa ngayon. Dahil sisiguraduhin kong sa akin ka mahuhulog at hindi sa iba.” Pagkasabi niya nun tumalikod na siya at umalis.Kumunot naman ang noo ni Alona at sinundan ng tingin ang binata. Sa sobrang inis niya ay tinanggal niya ang tuxedo sa balikat niya at inihagis sa sahig.Nang dumaan ang isang waiter ay kaagad itong kumuha ng isang baso ng alak at mabilis na nilagok. Tumalikod na siya at tumungo sa parking lot.Mag-isa siyang naglakad doon, hanggang sa nakita niya si Ivan. Personal bodyguard at kanang kamay ng kaniyang ama. Lumapit ito sa kaniya at huminto sa harapan niya."Maligayang kaarawan, Ms. Alona." Binati niya ng regalo ang dalaga.“Salamat. Mabuti ka pa nag-abalang bigyan ako ng regalo." Aniya, habang tinatanggap ang ibinigay nito sa kaniya.“Teka ano bang meron dito? baril? granada? posas?” pagbibiro niya habang niyuyugyog ang regalo niya. Ngumiti lang si Ivan at yumuko.“Oh? marunong ka naman palang ngumiti!" sabi ng dalaga, pero kaagad ding binawi ni Ivan ang ngiti sa labi at bumalik sa seryosong mukha."Maiwan ko na po kayo Ms. Alona." Nagpaalam na siya rito at kaagad naman siyang umalis. Sinundan lang siya ng tingin ni Alona, pero saglit lang iyon at nagpatuloy siya sa kaniyang paglalakad.Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ng dalaga habang dahan-dahang binubuksan ang regalo. Ngunit sa kabila ng kaniyang paglalakad, bigla siyang nakarinig ng mga pamilyar na boses at tila may malalim na pinag-uusapan. Kaya naman kaagad din siyang nagtago sa gilid ng itim na van at tahimik na nakinig.Kumunot ang noo niya dahil pamilyar ang boses na naririnig niya. Sumilip siya ng kaunti at napagtanto niya na tama pala ang hinala niya. Nandoon ang kaniyang ama at may kausap siyang lalaki na medyo may edad na.“Kailan magaganap ang kasal? nasabi mo na ba sa iyong anak ang tungkol sa arranged marriage nila?" tanong ng lalaki sa kaniyang ama.Napagkasunduang kasal? bulong ni Alona mula sa isipan niya.“Actually, hindi pa namin sinasabi sa kaniya ang napagkasunduan natin. I'm planning to announce it tonight, tungkol sa kasal nilang dalawa ni Karlos. Nasa tamang edad na rin si Alona at oras na para magkaroon siya ng sariling pamilya. Matanda na kami ng asawa ko at kung hindi ko gagawin ito, baka mapabayaan lang ang kumpanya namin at tumanda siyang dalaga. Kung tutuusin, wala naman siyang balak na kunin ang kumpanya namin, kaya mas mabuting ipagkatiwala ko na lang sa anak mo ang pangangasiwa sa kumpanya.“ Tugon ng kaniyang ama sa kausap nito.“Wala kang dapat ipag-alala, Mr. Desepeda. Mapagkakatiwalaan mo ang aking anak na si Karlos. At saka, malapit mo na siyang maging manugang at sinisigurado kong aalagaan at mamahalin niya nang husto ang iyong anak.”Matapos marinig ni Alona ang pinag-uusapan ng dalawa ay tinakpan na lamang niya ang kaniyang bibig at maingat na umalis sa lugar.Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata at naglalayag ang kaniyang isipan sa kung saan.Kung ganoon, all this time na palagi ko silang kasama sa bahay ay may itinatago pala silang sikreto sa akin at balak nila akong ipakasal sa lalaking hindi ko naman kilala? aniya sa kaniyang sarili.Author’s Note; Please be advised that this story contains mature themes and strong language’s, that are not suitable for very young audiences/readers. Read at your own risk. Contents of this story such as Manner/behavior, names, characters, places, events, organization, accidents, businesses, government, locales and incidents are just parts of the writer’s imaginations. Nothing is imitated or used from others similar to this story. Disclaimer: Copying this story, selling or letting for hire, or by way of trade offering or exposing for sale or hire, the article, distributing the article for the purpose of trade, or for any other purpose to an extent that will prejudice the rights of the copyright owner in the work, or trade exhibit of the article in public without the permission of the actual story writer may be charged with such violation of the law. Inshort, Plagiarism is a crime.
Sa kabila ng paglalakad ni Alona at panlalabo ng mga mata dahil sa namumuong luha, bigla niyang nabangga ang binatang waiter na may hawak na tray ng baso ng alak. Kaya naman, nabitawan niya ito at nabasag sa sahig.Dahil dito, naagaw niya ang atensyon ng kanilang mga bisita. Lumingon ang mga ito sa kanila at tumingin sa kaniya.“Pasensya na po, Ma'am. Hindi ko po talaga sinasadyang mabangga ka,” paumanhin ng waiter sa kaniya habang pinupulot at nililinis ang mga nabasag na baso.Hindi makagalaw ang dalaga. Nalilito siya kung ano ang gagawin niya at tila umiikot ang paningin niya. Napansin kaagad siya ni Ivan kaya nilapitan niya ito at hinawakan sa braso."Ms. Alona, okay ka lang ba?" nag-aalala niyang sabi habang sinisiguradong wala siyang sugat o galos na natamo sa katawan.“Ivan,” mahinang sambit ng dalaga. Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang umakyat ang kaniyang ama sa entablado at kinuha ang kanilang atensyon."Atensyon sa lahat ng mga naggagandahang dilag at mga ginoong dumalo sa
Nakabalot ng benda ang mga mata, ulo, braso, at binti ni Alona. May mga neck braces din na nakakabit sa leeg ng dalaga.Sa ngayon, ang oxygen concentrator lang ang sumusuporta sa kaniyang katawan para mabuhay.Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan niya at hindi rin siya makapagsalita. Para siyang bangkay na nakahiga ngunit humihinga pa rin at gising na gising ang kaniyang diwa.Nanginginig na lumapit sa kaniya si Ivan at mabigat ang bawat hakbang niya. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at hindi siya makapaniwala sa sinapit ng dalaga.Pero hindi siya gaanong nakalapit kay Alona dahil biglang dumating ang magiging asawa niyang si Karlos. Binangga pa siya nito sa balikat, pero hindi na lang niya ito pinansin.“Alona! naririnig mo ba ako?" sabi niya na may pag-aalala. Dahan-dahang ginalaw ng dalaga ang isang daliri niya at nakita ito ng dalawang binata.Napangiti si Karlos at napaluha, sabay halik sa kamay niya. Tumalikod na lang si Ivan at lumabas sandali ng kuwarto.Bumuga
Habang walang tao sa loob ng silid ni Alona ay pumasok naman sa loob si Ivan at maingat niyang sinara ang pintuan upang hindi niyang magising ang dalaga sa pagkakaidlip.Dahan-dahan din niyang inilakad ang kaniyang mga paa palapit kay Alona at saka siya huminto sa harapan nito habang pinagmamasdan ang napinsalang katawan nito dahil sa aksidenteng nangyari sa kaniya.Halos tumulo ang mga luha niya sa gilid ng mata, lalo na nang umakyat ang tingin niya sa mukha ng dalaga na kasalukuyang nakabalot naman ng puting benda ang buong mukha nito."Patawad kung nabigo kita at hindi kita naprotektahan. Pero sisiguraduhin ko na pagbabayaran ng taong iyon ang ginawa niya sa'yo," mahina ngunit mariin niyang sinambit sa kaniyang bibig habang nakakuyom ang dalawa niyang kamao.Tila gumalaw naman ang hintuturong daliri ng dalaga sa kaliwang kamay niya at napansin din naman iyon kaagad ni Ivan, kung kaya't bigla siyang natahimik at napatingin sa mukha ng dalaga. Batid niya na narinig ni Alona ang mga si
Pagkatapos maiparada ni Ivan ang kaniyang sasakyan sa parking lot ay apurahan naman siyang sumakay ng elevator. "Sandali lang!" saktong pasara na ito, pero mabuti na lang at naabutan pa niya."Salamat," aniya nang makapasok na siya sa loob at pinindot ang number button sa may gilid. Halos hindi naman siya mapakali at panay din ang pagtingin niya sa kaniyang relo. Hanggang sa napukaw ng atensyon niya ang isang misteryosong tao na nasa likuran niya. Tangging silang dalawa lamang ang nasa loob ng elevator at napansin niya sa reflection na nasa kaniyang harapan ang taong nakatayo sa likuran nito habang nakamasid sa kaniya. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa, pabalik. Nakasuot siyang jogger na itim, nike rubber shoes at black- hoody jacket na natatakpan naman ang kaniyang mukha.Hindi niya matukoy ang itsura nito dahil sa hoody jacket na nakatakip sa kaniyang ulo at mukha. Ngunit sigurado naman siya na
Mahigit dalawang oras ang inabot ng paghihintay nina Ivan, sa labas ng silid ni Alona. Hindi ito mapakali at palakad-lakad na lang, habang nakahawak sa kaniyang noo gamit ang isang kamay.Nakasunod naman ng tingin si Kiko sa kaniya at nagbuga ng malalim na paghinga."Puwede ba, Ivan? umupo ka na muna sandali at kumalma. Ako tuloy ang nahihilo sa kakaikot mo riyan," turan nito sa kaniya. Saglit namang natigilan sa paglalakad ang binata at lumingon ito sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang mga kamay."Kiko, sabihin mo nga sa akin. Wala ka bang napapansin na kakaiba? o baka naman may ibang taong pumasok sa loob ng kwarto niya?" usisa niya habang napailing naman sa ulo si Kiko at nanliliit ang mga mata."Kakaiba? wala naman. Bakit?" mabilis nitong tinugon sa kaniya."Sigurado ka ba? wala kang napansin na kakaiba?" medyo natagalan sa pagtugon si Kiko sa kaniya at tila may malalim itong inii
"I'll take care of her." Ani ni Karlos kay Ivan, nang marinig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.Hindi naman nakatugon kaagad ang binata sa kaniya at nakasunod lang ng tingin sa kaniya habang naglalakad siya, patungo sa loob ng silid ni Alona. Ngunit kaagad din siyang natigilan sa paglalakad ng tabigin siya sa isang balikat ni Ivan at mapangmata siyang tinignan.Ano ba talaga ang problema ng isang 'to? ang lakas din naman pala ng loob niyang pigilan ako, samantalang isang hamak na private bodyguard lang naman siya. Paglalayag sa isipan ni Karlos habang nakatitig siya sa mga mata ni Ivan."Huwag na huwag mong babalaking gumawa ng kolokohan sa kaniya. Dahil alam mo kung ano ang kasasapitan ng buhay mo," mahinang turan nito sa kaniya, pero napangisi lang siya at tinaboy ang kamay nitong nakahawak sa balikat niya.Anong sinabi niya? alam ko ang kasasapitan ng buhay ko? wow! so, ang akala ba niya ay matatakot
Mahigit anim na buwan na ang nakakalipas, magmula nung umalis si Ivan at bigla na lang nawala. Tangging si Karlos naman ang nag-aalaga kay Alona at kasalukuyan na nga niyang naigagalaw ng paunti-unti ang kaniyang katawan, subalit nakapiring pa rin ng puting bendahe ang kaniyang mga mata.Nakakaupo na siya ngayon at paunti-unti ay nakakalakad na ulit siya dahil sa tulong ng binata at sa palaging pag-aalalay nito sa kaniya."Say ah." Kasalukuyan nakaupo si Karlos sa harap ni Alona, habang siya naman ay nakaupo sa kaniyang higaan. Sinusubuan niya ito ng isang kutsarita na may crab soup, pero tinatanggihan naman siya ng dalaga."Tumigil ka na, hindi mo kailangang magbait-baitan sa akin ngayon. Alam ko namang walang tao sa paligid natin, kaya puwede ka ng huminto sa pag-aakting mo." Mahina ngunit may laman ang mga sinasabi nito sa kaniya. Gumuhit naman ang pilyong ngiti sa labi ng binata at sandali niyang binitawan ang hawa
Apurahang tumatakbo si Karlos mula sa private room ni Alona, pagkatapos nitong malaman na ngayong araw na rin pala tatanggalin ang bendaheng nakapiring sa mga mata ng dalaga."Excuse me, excuse me po!" aniya habang nagmamadali ito. Pagkarating niya sa tapat ng silid nito ay sandali siyang nahinto at hinahabol ang kaniyang paghinga. Hingal na hingal siya at tumatagaktak ang butil ng pawis mula sa kaniyang noo."After i removed this, you must slowly open your eyes and don't force it. Do you understand?" malumanay na turan sa kaniya ng doktor. Tumango naman ng ulo ang dalaga at may maikling ngiti sa kaniyang labi na animoy nasasabik na itong muling mabuksan ang kaniyang mga mata.Napayuko naman saglit si Karlos at nagbuga ng malalim na paghinga. Napansin siya ng doktor nito at nagpalitan sila ng tingin sa isa't-isa. Tila may pangamba naman sa mukha ng binata at umiiling siya ng kaniyang ulo.
Makalipas ang isang taon pagkatapos naming makapag-usap dalawa ni Karlos ay nabalitaan ko na lamang na isinuko niya ang kaniyang sarili na kasama si Shaina, pagkatapos niyang makapanganak. Nalaman ko rin na pinaubaya niya ang kanilang anak sa mas ligtas na lugar, sa isang bahay-ampunan. Kung saan nangako sila sa mga tagapagbantay doon na babalikan nila ang kanilang anak pagkatapos nilang malinis ang mga kasanalang nagawa nilang dalawa. Pinaubaya rin niya sa kamay ng mga owtoridad ang tungkol sa USB na ibinigay ko sa kaniya na may nilalamang ebidensiya tungkol sa mga krimeng ginawa ng sarili niyang ama na si Henry Sermiento at kasama na roon ang anak nito sa labas na si Jake. Maraming kaso ang kinakaharap nila ngayon at unti-unti ring bumagsak ang sarili nilang kumpanya. Bukod pa roon ay marami rin silang nahanap na ebidensiya na magpapatunay sa krimeng ginawa
Dalawang taon ang makalipas magmula no'ng mamalagi ako sa ibang bansa kasama ang aking anak na si Emily.Pagkatapos ng dalawang taong iyon ay muli akong bumalik sa Pilipinas na kasama ang aming anak ni Karlos, upang ipakilala sa kaniya ang naging bunga ng aming pagmamahal nuon sa isa't-isa.Sapat na ang dalawang taong iyon upang makaipon ako ng lakas ng loob at ipagtapat sa kaniya ang matagal ko nang itinatago sa kaniya. Nakipagkita ako sa kaniya sa isang private restaurant upang makipag-usap sa kaniya ng masinsinan. Habang naglalakad ako papunta sa pinareserve niyang table ay natanaw ko kaagad ang pamilyar na mukha ng isang babaeng katabi niya.Nakasuot akong puting off-shoulder blouse at simpleng black-trouser na may five inch heels na suot sa aking paa, habang maayos namang nakaipit ang mahaba kong buhok na taas-noong naglalakad papunta sa kanila. "Alona." Ang unang salitang narinig ko mula kay Karlos na
Kanina pa ako palakad-lakad at palingon-lingon sa aking paligid, habang hinahanap ko si Karlos. Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na pupunta lang siya sandali ng restroom, ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin siya bumabalik. Iniisip ko na baka natangay na naman siya ng mga kakilala niyang negosyante o baka nakipagkuwentuhan na naman siya sa mga kasosyo niya sa negosyo.Subalit halos nalibot ko na yata ang buong hasyenda ay hindi ko pa rin siya nahahagilap. Nagpunta na rin ako sa men's restroom at inaabangan siya sa paglabas mula roon sa banyo, ngunit mukhang wala rin siya roon.Saan kaya siya nagpunta? bakit ang tagal naman yata niyang bumalik? Ang paglalayag sa aking isipan habang naglalakad ako at may hawak na metal stick pang-suporta sa aking paglalakad dahil kailangan ko pa ring mag-ingat sa bawat ikinikilos ko at dahil kailangan ko pa ring magpanggap na bulag
"Good evening, Mr. Sermiento. Nice too see you again." Bati ng isang ginoo kay Karlos habang nagkakamayan silang dalawa.Kasalukuyan kaming nasa isang engrandeng okasyon. Hindi nabanggit sa akin ni Karlos kung saan kami tutungo, basta ang sinabi lang niya ay may pupuntahan daw kaming espesyal na okasyon.Nilibot ko ng tingin ang buo naming paligid. Mukhang napakaespesyal nga ng gabing ito dahil hindi lang basta-bastang ordinaryong bisita ang mga dumalo sa okasyong iyon. Pasimple kong pinagmamasdan ang aming paligid at hindi ako masyadong gumagalaw dahil baka may makahalata na nakakakita na akong muli. Nagsuot ako ng itim na sunglasses dahil iyon ang binilin sa akin ni Ivan, medyo hindi kasi ako mahusay umakting kaya nag-iingat lang din siya. Pagkatapos niyang makipagbatian sa mga kakilala niyang negosyante ay kaagad din naman siyang lumapit sa akin at inakbayan ako sa aki
Makalipas ang mahigit isang taon na pamamalagi namin ni Ivan sa ibang bansa ay muli kaming nakabalik at nakauwi ng Pilipinas. Pagkababa ng eroplano ay sumalubong din naman kaagad sa aming dalawa ang mga malalapit naming kaibigan at kamag-anak. Saglit kong inalis ang itim na sunglasses na aking suot at saka itiningala ang aking mukha sa langit, sabay ipinikit ang aking mga mata upang damhin ang sinag ng araw na dumadampi sa aking mukha.Namiss ko 'to. Ang tumingala sa langit at damhin ang sinag ng araw habang tahimik na pinapakinggan ang ingay sa aking kapaligiran. Pagkatapos ng isang taon na pamamalagi ko sa ibang bansa ay halos ngayon ko lang ulit naramdaman ang init na pagsalubong sa akin ng bansang kinagisnan ko. Palagi na lang kasi kaming nakasuot ng makakapal na damit sa ibang bansa at halos puro snow lang ang makikita sa aming paligid.Umaaraw din naman roon pero hindi gaanong kainit, hindi
Nakatanggap kami ng magandang balita ni Ivan mula sa ibang bansa, tungkol ito sa aking donor sa mata.Nakumpirma rin namin mula sa pinakamahusay na doktor na may pag-asa pang maibalik muli sa normal ang mga paningin ko at buong puso akong nagpapasalamat sa maykapal dahil binigyan niya ako muli ng isa pang pag-asa para makita ang mga magagandang tanawin sa aking kapaligiran.Kaya nagsagawa na rin kami kaagad ng plano na pansamantala na muna kaming maninirahan sa ibang bansa hanggang sa matapos ang operasyon ko at hanggang sa mailuwal ko ng maayos ang aking anak.Wala pa ring kaalam-alam si Karlos tungkol sa anak naming dalawa. Pinili kong ilihim ito sa kaniya dahil ayokong angkinin niya ang aking anak, kagaya ng ginawa ng kaniyang ama sa tunay na ina ni Jake.Kung saan puwersahan siyang sinama ng kaniyang ama at pinatay ang sarili niyang ina. Kung magkataon ay baka ikamatay ko rin iyon kung sakaling mawa
Pagkagising ko sa umaga ay bigla na lang akong nakaramdam ng papanakit ng ulo kaya napabangon din ako kaagad at lumabas mula sa aking kuwarto nang makarinig ako ng mga pagtatawanan mula sa kabilang silid at kung hindi ako nagkakamali ay opisina iyon ni Karlos. Maliit na liwanag lamang ang naaninag ko ngunit parang dinadala ako roon ng mga paa ko, hanggang sa mapakahawak sa seradura ng pinto at marahan itong binuksan.Mas lumakas pa ang pagtatawanan na naririnig ko kanina at napagtanto ko na may babae pala sa loob ng opisina niya at kung hindi ako nagkakamali sa boses na aking narinig kanina ay mula mismo iyon kay Jen o sa totoong pangalan na si Shaina.Tila nabigla naman silang dalawa nang makita ako sa tapat ng pintuan kaya kaagad din silang natahimik at apurahan namang lumapit sa akin si Karlos habang nakasunod sa likuran niya ang babae niya."Kanina ka pa ba nandiyan?" bungad niyang tanong
(Alona's POV)Nagpasama ako sa isang kasambahay ko na magtungo sa malapit na hospital upang ipatingin ang aking mga mata.Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iba ang sinadya ko roon at hindi para ipa-check up ang aking mga mata.Walang nakakaalam tungkol sa pag-alis kong iyon. Tangging ako lang at ang kasambahay na sinamahan ako sa pagpunta roon.Nito kasing mga nakaraang araw ay parang nagiging madalas ang pagkahilo ko at pagsusuka.Palagi rin mabigat yung pakiramdam ko kahit wala naman talaga akong sakit. Medyo nag-iiba na rin ang timpla ng panlasa at pang-amoy ko na tipo pati mga paborito kong kinakain nuon ay tinatanggihan ko na ngayon at parang nababauhan ako.May kutob na ako sa mga sunud-sunod na sintomas na nararamdaman ko, subalit gusto ko pa rin makasigurado kung tama ba ang hinala ko at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma ko mismo mula sa aking doktor na isang buw
Nabitawan na lang bigla ni Alona ang hawak niyang baso habang pinupunasan niya ito at tinutulungan sa gawaing bahay ang mga kasambahay niya sa loob ng kusina na kasalukuyang nagpupunas din naman ng mga pinggan at baso.Napalingon naman silang lahat at natigilan nang marinig nila ang malakas na pagkabagsak nito sa sahig at kaagad ding nagkapiraso-piraso sa sahig. "Naku, Ms. Alona! ayos lang ho ba kayo? hindi ba kayo nasaktan o nasugatan? sinabi ko naman ho sa inyo na kami na ang bahala rito at magpahinga na lang kayo sa loob ng kuwarto niyo." Nag-aalalang turan ng isang katulong nila sa kaniya habang nililinis naman ng ibang kasambahay niya ang basong nabitawan nito kanina.Apurahan namang tumungo sa loob ng kusina si Ivan nang marinig niya ang malakas na pagkabasag ng baso at nanlaki na lamang ang kaniyang mga mata nang matagpuan niya si Alona na nakatayo lamang sa puwesto niya at nakatulala.