Share

The Rebirth of Love
The Rebirth of Love
Author: Eyah

KABANATA 1

RUAN'S P.O.V

I am a rich guy. Probably, richer than Bill Gates. I, Ruan Dela Merced, a handsome and rich bachelor, whose appeal cannot be resisted by any of the ladies I desire to own. Living in a world of money, cars, women, and... moan?

Shit!

Mabilis akong napabalikwas ng bangon.

Headache...

Nasapo ko ang ulo ko nang maramdaman ko na pumipintig ito sa sakit. Where am I?

Agad kong iginala ang paningin ko sa kabuuan ng lugar kung nasaan ako.

And yeah, I'm in my entertainment room—wasted.

Nakasalampak ako ngayon sa sahig kung saan nagkalat ang mga bote ng alak na wala nang laman. The same dirty floor kung saan ako nakatulog.

Damn!

I rake my hair in disgust. What the hell did I do again?!

Lulugu-lugong tumayo ako at tatalikod na sana kung hindi ko lang narinig ulit 'yung mga ungol na dahilan kung bakit ako naalimpungatan kanina.

Argh, that moan!

Saan ba kasi nanggagaling 'yon? Wala naman akong matandaan na—

Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ko na bukas 'yung big screen na nasa loob lang din ng kwartong 'to at 'yung video na nagpe-play doon. That was exactly a p*rn movie!

At doon nanggagaling 'yung mga ungol na kanina ko pa naririnig!

Damn it! Don't tell me, ako ang nakaiwan nito? I can't even remember na nanood ako n'yan kagabi.

''Magandang umaga!''

Gulat na napalingon ako sa likuran ko.

Only to see a girl wearing a... well, an Egyptian costume?

Nagtatakang tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa.

Perfect eyebrows, long and thick eyelashes, deep set of round eyes with hazel nut lenses, good pointed nose, sexy lips... Ang ganda...

Pero... Paano s'ya nakapasok dito? I don't even know her!

''E-excuse me?'' nagtataka pa ring tanong ko sa kanya. ''Do I know you?''

''Ikaw lang ang makakasagot sa sarili mong katanungan.'' simpleng sagot n'ya.

Huh?

''I do not have any idea kung sinu-sino 'yung mga taong kilala mo.'' nakangising sabi n'ya. ''That's why, ikaw lang ang makakapagsabi kung kilala mo nga ba ako o hindi.''

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

Kakagising ko lang, 'tapos makikipagsagutan ako ng gan'to sa babaeng parang napakalalim mag isip at hindi ko naman kilala?

''So, kilala mo ba ako? Oo... or, hindi?'' sabi n'ya ulit.

I look at her impatiently.

''Fine.'' sabi ko. ''I don't know you.''

''Alam ko.'' What the...? Kanina, sabi n'ya ako lang 'yung nakakaalam sa mga taong kilala ko? 'Tapos ngayon, sasabihin n'ya naman na alam n'ya na hindi ko s'ya kilala? May saltik ba 'tong isang 'to? ''Alam ko na hindi mo ako kilala.''

And how did she know?

''Kaya ka nga nagtataka kung bakit at paano ako nakapasok dito, 'di ba?''

Napamaang ako.

''Woah! Are you a mind reader? Bakit—?''

''Ako nga pala si Ariadne.'' putol n'ya sa sasabihin ko. ''Sa nagdaang kabihasnan, ako si Prinsesa Ariadne.''

Wait... what?! Nagdaang kabihasnan? Prinsesa Ariadne?

''Hay, nako! Sabi ko na nga ba. eh. Hindi ka naniniwala sa akin, 'no?'' sabi n'ya ulit bigla.

''You want me to believe you, huh?'' inis na sabi ko. ''May hangover ako, oo. Pero hindi ako bangag. Umiinom ako pero hindi ako nagda-drugs.''

''Did I told you that?'' parang napipikon nang tanong n'ya. ''Hindi mo naman na kailangan na magpakabangag o mag-take ng drugs para maniwala ka sa akin, eh. Just believe and that's it.''

Napailing na lang ako.

I don't have any time for this kind of joke. My concern is... 'Yung screen!

Tumingin ako doon bago ko binalik ang tingin ko sa babae.

Nakatingin s'ya sa screen...

Fuck.

''D-don't tell me, ikaw 'yung nagbukas n'yan?!'' sabi ko.

''Ako nga.'' sabi n'ya naman na dahilan ng pagnganga ko. ''Now, papatayin mo ba 'yan para makapagpakilala na ako? O hahayaan mo na lang 'yan— papanoorin mo habang may kasama kang babae na hindi mo pa nakikilala dito sa bahay mo?''

''Teka nga,'' sabi ko ulit at hinawakan ang braso n'ya. ''Ikaw 'yung nagbukas n'yan, 'di ba? Bakit hindi ikaw 'yung magpatay ngayon?''

She let out a deep, bored sigh.

''Fine,'' she said as she pinpointed the screen and... that suddenly became blackout!

Shit! How did that happen?

''P-paano... P-paano mo... n-nagawa 'yon?'' shocked na tanong ko.

''Magic!'' parang batang sabi n'ya. Humagikhik pa siya kasabay no'n. Yeah, she's cute. And pretty. But I still don't know her.

At ano ba kasing kalokohan 'to? Kanina, s'ya daw si Prinsesa Ariadne na nanggaling pa sa... sa ano nga 'yon? Sa nagdaang kabihasnan! 'Tapos ngayon, biglang may magic na?

''Hays. Ruan, Ruan, Ruan. Nagtataka ka na naman.'' biglang sabi n'ya ulit. ''Ayaw mo muna kasi ako hayaang magpakilala, eh.''

Huminga ako ng malalim.

Tss. Kung anumang kalokohan 'to, sasakyan ko na lang. Para mapalayas ko na 'tong babaeng 'to pagkatapos.

Maganda nga, mukhang may saltik naman.

''Fine. Who are you again?''

Naglakad s'ya paikot sa akin.

''Gaya ng sabi ko kanina, ang pangalan ko ay Ariadne. Mula pa ako sa nagdaang kabihasnan.'' pagpapakilala n'ya. ''Ako ang kaisa-isang anak nina Reyna Riyanon at Haring Radino. Mga tapat silang pinuno ng Ancient Egypt na minsan na ring binulag ng sobrang paghahangad sa kayamanan. Mga mapagmahal na magulang na binulag rin ng sobrang paghahangad ng ikabubuti ng kanilang anak...''

Napansin ko na unti- unting tumulo ang mga butil ng luha mula sa mga mata n'ya.

''W-what do you mean?'' tanong ko sa halos pabulong na boses.

She let out again, a deep sigh.

''Ipinagkasundo nila ang kaisa-isa nilang anak sa isang lalaki na hindi nito nakikila. Isang lalaki na mula pa sa Gresya.'' sagot n'ya.

''At ikaw 'yung nag iisa nilang anak, right?''

Tumango s'ya bilang sagot.

''Pilit nila akong pinakasal sa lalaking 'yon. Hindi man lang nila inisip 'yung nararamdaman ko.'' Ngumiti s'ya ng mapait. ''No'ng mga panahon na 'yon, ang anak nila ay may iba nang lalaki na minamahal. Si Rano. Isang tapat na mandirigma ng Sumora. Isang lalaki na kailanman ay hindi naglaan sa kanya ng kaunting atensyon.''

''So, you mean na one sided love ka?'' natatawang komento ko. ''Cool.''

''Hanggang sa dumating ang isang trahedya. Napaslang ang lalaking taga-Gresya. At tulad ng naaayon sa tradisyon, ang asawa ng paraon na namaalam ay isasama sa pyramid na magiging himlayan nito... ginusto man o hindi.'' pagpapatuloy n'ya.

''At nalibing ka kasama ng asawa mo?''

Tumango s'ya.

Ayokong maniwala sa mga sinasabi n'ya pero...

''P-paano ka nakarating dito?'' kinakabahang tanong ko. ''I-I mean... You're from Ancient Egypt, right? And you're b-buried.''

ARIADNE'S P.O.V

''Paano ka nakarating dito?'' tanong ni Ruan pagkatapos ko magkwento. ''I-I mean... You're from Ancient Egypt, right? And you're b-buried.''

Paano nga ba?

Paano ko nakwento sa kanya ang mga komplikadong bagay na tulad nito? Paano ko hinayaan na muling mabuksan ang sugat ng kahapon? Paano ko nagawang saktan muli ang sarili ko?

''Ariadne?''

Napakurap- kurap ako bago tumingin sa kanya.

''A-Ano...'' Nilunok ko muna ang tila harang sa lalamunan ko. ''Nakalabas ako nang sumailalim ang pyramid sa isang pag-aaral. Ito ang naging susi para makalabas ako. Para makalaya ako.''

Makalaya... Kahit panandalian lang... Dahil sa patuloy na pag-usad ng kabihasnan sa kasalukuyan... Ang pagkakabukas ng pinto nito ang naging dahilan para makalaya ako... At ang napipintong pagsasara din nito ang magiging dahilan para makulong akong muli sa kalbaryo at ala-ala ng pangit na nakaraan...

''Hindi ka ba hahanapin sa inyo?'' tanong n'ya na naging dahilan para matawa ako bigla.

Umiling ako. ''Wala na sila.''

Hindi s'ya nagsalita.

Ako naman ay nanatili lang na nakatitig sa kanya.

''Maybe... it would be better if you'll change your clothes? Masyado kasing takaw pansin, eh.'' sabi n'ya mayamaya. ''Tsaka... paano ka pala natuto kung paano magsalita ng Tagalog at English kung galing ka sa Ancient Egypt?''

Ngumiti ako ng tipid.

''Una, ikaw lang ang nakakakita sa akin. Secondly, bilang isang multo, kasama na sa mga kaya kong gawin ang pagsasalita ng ibang lengguwahe sa modernong panahon, depende sa bansa at lugar ako mapunta.''

Sa sinabi ko ay dahan-dahang nanlaki ang mga mata n'ya as he blurted the words, ''Multo ka?!''

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status