Share

KABANATA 2

RUAN'S P.O.V

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

''Multo ka?!'' gulat na tanong ko kay Ariadne matapos kong marinig ang mga sinabi n'ya.

Tumango naman s'ya.

Shit. I can't believe this! Ako, nakakakita ng multo?! Crap!

''Pero 'wag kang mag-alala! Wala naman akong gagawing masama sa'yo, eh.'' sabi n'ya. ''Just please, hayaan mo lang muna akong mag-stay dito. Hindi naman ako magpapakita sa'yo, eh. Promise!''

Napaisip ako.

Wala pang isang oras mula nang magising ako sa sahig ng magulo at makalat kong entertainment room pero sobrang dami na ng mga nangyari.

''Ruan— ''

''Saglit, nag-iisip ako! Tss.'' putol ko sa sasabihin n'ya.

Tinaasan n'ya ako ng kilay.

''Nagdadalawang isip ka pa, huh? Sa ganda kong 'to? If I know, gusto mo rin naman na nandito ako. You're a flirty cassanova, remember? Gusto mo na palaging may nakikita at nakakasamang magagandang babae na kagaya ko—''

''Oo, mahilig ako sa magaganda at sexy na babae. Pero hindi ako tanga para patulan pati ang multong kagaya mo.''

''OMG, nasaktan ako.'' OA at sarkastikong sabi n'ya. ''As if naman, 'no? Kahit mabuhay pa ko ulit, never din akong papatol sa'yo. Babaero.''

''Multo.'' asik ko naman.

''Womanizer! Timer! Manloloko—"

''Woah! Babaero ako pero hindi ako manloloko!'' defensive na saad ko.

Tumawa naman s'ya.

''Babaero ka pero hindi ka manloloko? How come?''

Oo nga, 'no? How come nga?

''E-Eh... basta! 'Wag ka na lang umangal kung gusto mong payagan kita na mag-stay dito!''

Nanlaki ang mga mata n'ya.

''So... pumapayag ka na na dito muna ako?!'' masayang sabi n'ya.

''No.'' walang emosyong saad ko.

''Eh... pero pumayag ka na kaninaaaaa!!!''

Hindi ko alam pero natatawa ako sa mga inaasal n'ya.

She has this character na mysterious, malalim mag- isip, at dramatic. At the same time, may pagka- childish din s'ya, iyakin, at... well, nakakatawa. Weird.

''Papayag ako na mag- stay ka dito pero may mga kondisyon ako na kailangan mong sundin habang nandito ka.''

Kumunot ang noo n'ya.

''Spill it out then. Para makaligo ka na. Ang baho mo na, eh. Tsk.''

Aba't... Ngayon na nga lang ako nakakita ng multo, 'yung reklamador pa. Awesome! Tss.

''Almost everyday, may party na nangyayari dito sa bahay. Of course, maraming tao. Mostly, babae. 'Wag na 'wag na 'wag kang magpapakita sa kahit na sino. 'Wag ka ring gagawa ng kahit anong gulo. Maliwanag?''

''Matanda ka na ba? O sadyang makakalimutin ka lang? I already told you na ikaw lang 'yung nakakakita sa akin.''

''But you can touch things, right?''

Tumingin s'ya sa taas na parang nag-iisip.

''Hmm... yes. Minsan. Under some circumstances.” ' sabi n'ya mayamaya at tumawa. ''Pero 'wag kang mag-alala 'cause I'll behave.''

Tumangu-tango ako.

''Good. That's the first condition.'' nasisiyahang sabi ko.

''May kasunod pa?!''

Tinaasan ko s'ya ng kilay.

''May angal ka?'' nakangising tanong ko.

''Huh? Angal? Wala! Haha. Wala! Tuloy mo na! Excited na nga akong marinig 'yung mga kondisyon mo na hanggang isang daan pa yata, eh. Haha.'' sabi n'ya bigla.

Hindi s'ya marunong magsinungaling. So cute.

''Okay, as for the second condition... Ayokong may papakialaman ka na kahit ano sa mga gamit na nandito.''

Ako naman ang tinaasan n'ya ng kilay.

''Mukha ba akong pakialamera?''

Napapangiting umiling ako. ''Nagsasabi lang.''

''Eh, bakit ngingiti-ngiti ka d'yan?!'' halatang pikon na tanong n'ya.

Hindi ako sumagot at tumawa na lang.

''Third condition—”

''Nagtatanong ako. Sagutin mo muna 'yon!'' utos n'ya.

Sinamaan ko s'ya ng tingin.

''Sige. Sasagutin ko 'yang tanong mo pero aalis ka na pagkatapos no'n.'' banta ko.

Nanlaki ulit ang mga mata n'ya. ''Third condition. Lapag mo na, bilis!''

Hindi ko na napigilan na matawa. She's so cute! For real.

''You said it yourself na cassanova ako, 'di ba? Hindi ko naman ide-deny 'yon—"

''Ay, wow. Proud.''

Tumingin ako sa kanya.

''May sinasabi ka?'' tanong ko sa nagbabantang tinig.

''Huh? Wala! Sabi ko, ang gwapo mo.'' pagpapalusot niya.

Napailing na lang ako.

''So, as I was saying, being a cassanova, natural na lang na may dalhin akong babae sa kwarto ko, o sa kahit saang lugar dito sa bahay ko. Ikaw na lang 'yung umiwas, okay? And don't you dare to ruin my s*x life—''

''Bastos!'' namumulang sigaw n'ya.

''So, you're playing innocent, huh?'' pang- aasar ko. ''May asawa ka na, 'di ba—"

''Oo, may asawa na ako! Pero no'ng panahon namin, hindi gan'yan kabastos ang—"

''Pfft.'' pagpipigil ko ng pagtawa ulit. ''Will you please stop saying ''no'ng panahon namin''? Nagmumukha kang matanda masyado, eh. Mukha lang naman tayong magkaedad.''

Inirapan n'ya ako.

''Dami mong alam.'' asik n'ya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.

''Now, I'm going. Maliligo na ako and I'll be off to work by eight a.m. Uuwi ako ng four p.m. 'Tapos—''

'''Seems like I'm your wife and you're reminding me of what you're into.''

I take a look at her face. She's smiling. 'Yung ngiti n'ya na... nang aasar?

''Dami mo ring alam.'' panggagaya ko na lang sa sinabi n'ya kanina. ''Maliligo na ako. 'Wag na 'wag kang magtatangka na silipan ako—''

''Excuse me? Ako pa talaga, huh?!'' malakas na sabi n'ya.

Namumula pa rin s'ya.

''Maligo ka na lang. Ang baho mo na, eh.''

Naglakad na ako paalis sa harapan ni Ariadne. While crossing my path on the way to my room, I couldn't help myself not to grin.

What a lucky—no, a crazy day it is. Yeah, crazy. But surely, crazy in a good way.

ARIADNE'S P.O.V

Halos isang oras pa lang wala si Ruan pero wala na akong magawa dito sa napakalaki n'yang bahay.

Boring.

Naglakad lakad ako sa kabuuan ng bahay n'ya. Sobrang laki nito. Literal na mansyon.

Good thing na multo na ako. Meaning, hindi na ako nakakaramdam ng pagod.

Napahinto ako sa paggala dahil may biglang bumulabog sa utak ko.

Bakit nga ba kasi sa sobrang dami ng tao na pwede kong pagpakitaan, bakit sa lalaki pa? Bakit kay Ruan pa?

Pabagsak akong humiga sa malaking kama na nasa kwartong napuntahan ko.

Well, I already knew him for almost three months now.

Una ko s'yang nakita sa isang sementeryo. He's visiting a grave of a person named ''Clara Dela Merced''. His mother, perhaps? O baka lola n'ya.

I saw him there and he was crying that time.

Simula no'n, sinubaybayan ko na s'ya.

At doon ko napatunayan na ang Ruan na nakita ko sa sementeryo, ay ibang-iba sa Ruan na kilala ng maraming tao sa mundo na ginagalawan n'ya.

Ruan Dela Merced is known for being a heartless cassanova. A high class billionaire. Pero sa likod nito, walang nakakaalam at nakakakita sa totoong katauhan n'ya.

And yes, I've been here for almost three months also. Hindi lang ako nagpapakita sa kanya kaya hindi n'ya alam ang tungkol sa akin. Pero ako? Nakita ko na ang buong routine n'ya sa araw-araw.

Maraming beses ko nang nakita kung gaano s'ya magsaya ng sobra sa tuwing may party dito sa bahay n'ya. Sino nga ba namang lalaki ang hindi magiging masaya kung napapalibutan ka ng yaman, mga alak, at mga babae. Lahat naman siguro ng lalaki ngayon sa panahon na 'to ay gusto ng gano'n. Nakikita ko rin kung paano s'ya makipaglandian sa kahit sinong babaeng magustuhan n'ya. Pero nakikita ko rin kung gaano s'ya kalungkot at kawala sa sarili tuwing mag- isa na lang s'ya...

So right here and right now, I already made my decision. Gagamitin ko ang mga panahon ng pananatili ko dito para baguhin si Ruan. I'll make sure that I'll make him a better version of himself.

Napangiti ako.

Tama, 'yun ang dapat kong gawin.

I let out a sigh of relief.

Bumangon ako at tatayo na sana nang may mapansin akong picture frame sa mismong gilid ng kamang inuupuan ko.

Wait... si... s-si Ruan 'to, ah?

Mabilis at kinakabahang inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

''Waaahhh!!!'' sigaw ko nang ma- realize ang kabaliwan na nagawa ko.

NASA KWARTO AKO NI RUANNNN!!!!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status