Share

KABANATA 7

ARIADNE'S P.O.V

Buong araw ay hindi ako mapakali sa paghihintay kay Ruan. Normal pa bang kabahan ang isang multo? HAHAHAHA! Biro lang.

Alam ko kasi na ito ang unang pagkakataon na haharapin ni Ruan 'yung mga business partners n'ya. Kaya sigurado din na babatuhin s'ya ng napakaraming tanong ng mga 'yon.

Lalo pa akong nag-alala dahil pasado alas sais na ng gabi ay wala pa rin s'ya. Samantalang dati, alas kwatro pa lang ay nandito na s'ya. Naghahanda sa party o naghihintay ng taong bibisita sa kanya. At ang taong 'yon ay karaniwang babae.

Napasinghap ako nang marinig ang pagbangga ng kung ano'ng mabigat na bagay sa isa pang mabigat at malaking bagay.

S-Si Ruan...!

Dali-dali akong naglaho at nagpunta sa labas ng bahay ni Ruan.

Sa garahe...

May nakita ko doon na pamilya na kotse. And yes, it's Ruan's.

Hindi 'yon naiparada ng maayos dahil nakabangga 'yon sa pader ng garahe n'ya. Bukas pa rin 'yung mga headlights.

Lumapit ako at agad namang tumagos sa sasakyan n'ya kaya nakapasok ako sa loob nito. Kung saan ko nakita si Ruan na nakasubsob sa manibela.

''R-Ruan?'' kinakabahang tawag ko sa kanya. ''A-Ayos ka lang ba?''

Tanging ungol lang ang sinagot n'ya.

Ibig sabihin... Ibig sabihin, may malay pa s'ya!

Inayos ko s'ya sa pagkakaupo n'ya. Sinandal ko na rin ang likod n'ya sa upuan. Nakapikit s'ya.

''Ruan,'' tawag ko ulit.

''Hmm?'' sabi n'ya pero nananatili pa rin s'yang nakapikit.

''Ano ba'ng nangyari sa'yo?'' nag-aalala kong tanong.

''M-My... head... a-aches.'' sagot n'ya.

Pagkatapos no'n ay lumungayngay na ang ulo n'ya. Tanda na tulog na s'ya or worst, wala na s'yang malay at tuluyan nang hinimatay.

Naglaho ako at bumalik sa loob ng bahay.

Kailangang may gawin ako bago pa lumala lalo ang sitwasyon. Alam kong imposible at hindi ko rin alam kung paano. Pero kailangan kong subukan. All for Ruan's sake.

RUAN'S P.O.V

Pagdilat pa lang ng mga mata ko, sumalubong na agad ang paligid na hindi pamilyar sa akin. Puti at kakaiba ang amoy ng paligid.

Oh, shit. Nasaan ako?

''Gising ka na pala.'' rinig kong sabi ng isang pamilyar na boses ng babae.

Si Ariadne...

Tama! Si Ariadne 'yon! Hindi ako pwedeng magkamali!

Kahit nahihirapan ay pilit akong lumingon sa pinanggalingan ng boses ni Ariadne. And there I saw her standing while she's looking at me.

''A-Ariadne...'' mahina at pilit kong sabi.

Naglakad s'ya palapit sa akin.

'''Wag mo muna pilitin magsalita kung hindi mo pa kaya.'' mahinahong sabi n'ya.

Huminga ako ng malalim.

''W-Where am I? P-Paano ako napunta dito? A-Ano bang nangyari?'' sunud-sunod kong tanong.

'''Di ba... ikaw dapat 'yung tinatanong ko kung ano bang nangyari?'' balik tanong n'ya.

Nagtataka akong tumingin sa kanya.

''Sabi mo, may business meeting ka. Pero umuwi ka ng lasing. How come?'' tanong n'ya ulit.

Pumikit ako at pilit na inalala ang mga nangyari.

''Magaling ka naman pala, Mr. Dela Merced. Bakit ngayon ka lang naggawa ng appearance sa board meeting natin?'' nakangiting bati sa akin ni Mr. Salcedo.

Katatapos lang ng board meeting pero may mangilan-ngilan pa ring board members at shareholders ang nanatili dito sa conference room.

''I'm just too caught up with so much things, Mr. Salcedo. Pero 'wag kayong mag-alala. Mas mapapadalas na ang pagkikita natin.'' natatawa kong sabi.

''Yeah, dapat lang.'' sabat naman ni Mr. Palma. ''You are the youngest pero alam nating lahat na ikaw rin ang may pinakamalaking shares sa kumpanyang ito. At ikaw din ang major successor at magpapatuloy ng legacy sa ngalan naming lahat.''

Nginitian ko na lang s'ya.

''And you, appearing here, really calls for celebration.'' rinig kong sabi ni Mr. Rivera.

''Yeah! I love celebration!'' sabi ko naman at tumawa ulit. ''May bagong bukas na bar and resto few meters from here. Doon na lang tayo. My treat.''

Pagkatapos ng halos ilang oras na inuman ay nagpasya kaminag umuwi na. Someone offered to drive me home pero tinanggihan ko 'yon.

Nakapagmaneho naman ako at nakauwi ng maayos. But when I finally reach the garage, hindi ko na na-control ang pag-andar ko kaya bumangga ako sa pader...

I take a look at Ariadne.

''S-Sinong nagdala sa akin dito?''

''A-Ano—”

''Someone called us, Mr. Dela Merced. Kaya nagpadala kami ng ambulansya sa bahay mo.''

Napalingon ako sa doktor na halatang bagong dating. Akala n'ya siguro, s'ya 'yung kausap ko.

''S-Someone called you? N-Nagpakilala ba kung sino s'ya?'' tanong ko na lang ulit.

''Uh, someone named... 'Ariadne'. Girlfriend mo yata. Pero tumawag lang s'ya. Pagdating namin doon ay mag-isa ka lang sa sasakyan mo na nakabangga pa rin sa garahe.'' sagot nito.

Pasimple akong tumingin kay Ariadne na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

Naging dahilan 'yon para mapangiti ako.

''Is... there something wrong, Mr. Dela Merced?'' takang tanong ng doktor.

Umiling ako.

''Nothing, Doc. I just can't help to smile thinking how sweet my girlfriend was.'' sagot ko naman. Sinadya kong i-emphasize 'yung salitang 'girlfriend'. Muli ko pang tiningnan si Ariadne pagkatapos kong sabihin 'yon. Napayuko s'ya na parang nahihiya at namumula pa ang mga pisngi. So cute!

''Yeah, she's sweet though... iniwanan ka n'ya mag-isa sa gano'ng kundisyon.''

Hindi ko pinansin 'yung doktor.

''Iniwan mo raw ako, Ariadne.'' baling ko kay Ariadne at tumawa. ''If they only knew.''

The doctor look at Ariadne's direction.

''A-Are you talking to someone a-aside from me, Mr. Dela Merced?'' parang nahihintakutang sabi n'ya.

''Huh? Oh, of course, not.'' natatawang sabi ko at binalik ang atensyon sa kanya. ''By the way, how's my condition? Pwede na ba akong ma-discharge any minute?''

''Oh, yes, Mr. Dela Merced. Maliban sa maliit na sugat sa kaliwang bahagi ng noo mo ay wala namang naging damage ang nangyaring aksidente sa'yo. And based on the tests that we've done earlier, wala namang dapat ipag-alala. Kaya pwede ka nang ma-discharge anytime from now. I'll just get the receipt of your hospital bills.''

Napatangu-tango ako.

''Thanks so much, Doc.''

Pagkatapos no'n ay lumabas na s'ya.

''You're crazy, Ruan. Paano mo ako nakuhang kausapin sa harapan ng ibang tao?'' natatawang sabi ni Ariadne.

Tumawa lang ako. ''Oo na, baliw talaga ako... sa'yo.''

Again, I saw her cheeks flushing red.

''U-Umayos ka nga.'' kunwari ay saway n'ya pa.

''I'm serious here, Ariadne.'' seryosong sabi ko.

And, yeah, I'm serious as hell. Hindi ko rin alam kung paano nagsimula lahat ng 'to. Basta alam ko lang... naging masaya ako mula nang dumating si Ariadne sa bahay at sa buhay ko. She taught me how to act like a grown up man. 'Yung may patutunguhan sa buhay. Hindi 'yung puro pambababae, pagpaparty, at pag-iinom lang ang alam gawin sa buhay. She taught me how to be happy without any material involved. Pinakita at pinaramdam n'ya sa akin 'yung totoong kahulugan ng pagiging masaya. The real happiness from within. At hindi nakabase sa mga bagay na meron ako at sa mga luho na nakikita ko. She showed me how to be happy and contented with... well, no other than me.

''A-Alam mong imposible, Ruan.'' mahinang sabi n'ya.

I look at her straight in the eyes.

''I love you.''

Kitang-kita ko kung paano namuo ang luha sa mga mata n'ya.

''H-How come? K-Kakakilala mo lang sa akin, Ruan. At isa pa, m-multo ako. A-And I can't stay with you forever. H-Hindi ko alam kung hanggang kailan lang ako pwede manatili sa tabi mo.” malungkot na sabi n'ya kasabay ng pagpatak ng luha n'ya.

Hindi ko alam. Naiinis ako kapag nakikita ko s'yang malungkot or worst, umiiyak. Lalo na kapag ako 'yung dahilan.

''I-I don't know either how this happened, Ariadne. A-Alam ko ring hindi imposible. P-Pero baka naman pwede. I know, I-I'm still alive and you're already dead. Buried for so many years now. P-Pero... a-anong magagawa ko? Of all people, sa'yo ko lang naramdaman 'to, Ariadne. Sa'yo lang ako naging attached at naging masaya ng gan'to.'' Hindi ko na rin napigilan na mapaluha. For the first time in my life, I cried... because of a woman. ''You... You filled the emptiness within me, Ariadne. 'Yung pakiramdam na ayoko umuwi ng bahay kasi alam kong wala namang naghihintay sa akin doon? Isa lang 'yon sa mga nabago sa akin mula no'ng dumating ka. 'Yung bahay na halos ayaw ko nang uwian kasi pakiramdam ko mag-isa lang ako? Ngayon, gusto ko na lang mag-stay doon lagi at 'wag nang umalis pa. O kung aalis man ako, excited akong umuwi lagi kasi alam kong may naghihintay sa pag-uwi ko. And that's you, Ariadne. Lahat ng 'yon, nagsimula no'ng dumating ka.''

For a minute of time, we just stood here saying nothing.

Hanggang sa dahan-dahan s'yang lumapit sa akin. She gently caressed my cheek as she wiped my tears away. At first, I felt nothing. Pero habang tumatagal ay parang may nararamdaman na akong dumadampi sa pisngi ko.

''I-I'm sorry, Ruan. H-Hindi ko mabibigay sa'yo 'yung ugnayan na gusto mo. P-Pero kaya kong ipangako na lagi lang akong nandito sa tabi mo hangga't pwede pa.'' sabi n'ya. Yumuko s'ya. Naramdaman ko na lang na lumapat na ang mga labi n'ya sa noo ko. ''Maghihintay ako sa bahay mo, Ruan. Mag-iingat ka.''

Lumayo na s'ya sa akin pagkatapos no'n.

''A-Ariadne—''

''Mahal din kita.''

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status