Share

KABANATA 5

RUAN'S P.O.V

I was on my way to my room when I accidentally stopped in front of the entertainment room. This is where I saw Ariadne first. At dito lang s'ya nag-i-stay. Halos isang linggo na rin akong hindi nakakapunta dito.

And yes, isang linggo na rin kaming hindi nagkikita. I never bother to look for her. Nor she did.

Bumuntung-hininga ako.

Then I opened the door.

Wala akong nakikitang Ariadne dito. Pero may kakaibang pakiramdam akong naramdaman nang pumasok ako dito. Weird.

''Ariadne,'' nagbabakasakaling tawag ko sa kanya. Unfortunately, the only answer I got from calling her was nothing aside from silence.

''Ariadne,'' tawag ko ulit pero wala pa ring sumasagot. ''I know you're here. Magpakita ka sa akin.''

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng entertainment room pero wala pa ring Ariadne na nagpapakita sa akin.

Bumuga ako ng marahas sa hangin.

''Fine! Lumabas ka na, please? Hindi na ako galit.''

Pagkalipas ng ilang sandali ay unti-unti ko na s'yang nakita sa harapan ko. She's not looking straight in my eyes.

''Ariadne—''

''A-Alam ko na ang sasabihin mo.'' Tumingin s'ya sa akin. ''T- tatanungin mo ako kung... k-kung bakit ko g-ginawa 'yon. Then you'll order me to leave the house and—''

''Exactly. Of course, magtatanong ako. But I never said I would like you to leave my house. But after you did that thing, bigla ka na lang nawala pagkatapos, no'n. Of course, I'd want you to explain everything to me. Everything.''

Nag-iwas s'ya ng tingin sa akin.

''I-I... o-only did that p-para... para... tulungan ka.''

Tinaasan ko s'ya ng kilay.

''What?'' naguguluhang tanong ko.

''T-That girl. S-Si Thia.'' sabi n'ya lang.

''Oh? What about her?''

''N-Narinig ko na may kinakausap s'ya. 'B-Baby'. 'Yun 'yung tawag n'ya sa lalaking kausap n'ya. A-At...'' Tumingin s'ya sa akin. ''M-May pinaplano silang hindi maganda laban sa'yo.''

Lalo akong naguluhan sa mga sinabi n'ya.

''Plano laban sa akin?'' tanong ko.

Tumango s'ya.

''P-Plano nila na... n-na m-mabuntis mo si... s-si T-Thia.'' sagot n'ya dahilan para matawa ako.

''What?! Bakit naman n'ya paplanuhin 'yon? I'm sure, she's not that dumb to do that. Alam n'ya na hindi ako nagseseryoso—''

''Exactly. Hindi ka nagseseryoso. Pero hindi 'yon ang habol n'ya sa'yo. Ang habol nila sa'yo.'' putol n'ya sa sinasabi ko. Diniinan n'ya pa ang salitang 'nila'.

Nanatili akong tahimik. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.

Saan n'ya ba kasi nakuha 'yung mga kalokohang pinagsasasabi n'ya?!

''To tell you frankly? Naguguluhan ako. Pwede bang ipaliwanag mo na sa akin ng maayos 'to, huh, Ariadne?''

Nawawalan na talaga ako ng pasensya. Tss.

Huminga s'ya ng malalim.

''T-The night na sinabi mong magpa-party ka dito, n-nagtataka ako kasi wala akong naririnig na ingay. T-That's why... n-nag-decide ako na bumaba para alamin kung ano'ng nangyari. 'Tapos... n-nakita ko si Thia na may kausap. P-Plano nila na... m-mabuntis mo si Thia.'' Huminto s'ya at kinagat ang ibabang labi n'ya. ''A-At kapag nangyari 'yon, g- gagamitin nila 'yung baby para manghingi ng pera sa'yo.''

''T-Then—''

''Sinundan ko s'ya dahil ayokong mangyari 'yung mga plano nila. A-Ayokong mapasok ka sa gulo, Ruan. G-Gusto ko na k- kahit sa gan'tong paraan, m-matulungan kita. Kapalit ng pagpapatira mo sa akin—''

''Wait.'' pigil ko sa kanya. ''I agreed to make you stay. Hindi ko kailangan ng kapalit—''

''Alam ko.'' sabi n'ya. She smiled bitterly. ''P-Pero gusto kasi kitang tulungan. K-Kaya sinundan ko s'ya hanggang sa kwarto mo kahit... k-kahit alam kong magagalit ka. B-Basta, gusto ko lang matulungan ka.''

Tiningnan ko s'ya sa paraan na parang sinusubok ko kung nagsasabi ba s'ya ng totoo o hindi.

''S-Sinundan ko s'ya hanggang sa banyo ng kwarto mo. N-Nakita ko na may kinuha s'yang kahon at itinago n'ya 'yon sa—''

''Alam mo? Sorry, Ariadne, huh? Pero... ang labo kasi ng mga sinasabi mo, eh. It's just—''

''Naiintindihan ko. Sino nga ba naman ako para paniwalaan mo, 'di ba?'' Tumawa s'ya. Pero halata sa tawa n'ya na hindi s'ya masaya sa mga nangyayari. ''Kahit hindi ka na maniwala sa akin, ayos lang. Basta masaya ako na natulungan kita. Mas mag- ingat ka na lang sa susunod.''

'Yun lang at bigla na s'yang naglaho.

Napailing na lang ako.

Bakit ba kasi—

'''Yung kahon, tinago 'yon ni Thia sa likod ng mga towel sa banyo mo. Salamat sa lahat. Hindi kita makakalimutan.'' bigalng lumitaw sa harapan ko na sabi n'ya.

Then again, she disappeared.

THIA'S P.O.V

Juren and I broke up the day I failed to get pregnant by Ruan. I lost almost all because of that failure. And I failed because of that ghost named 'Ariadne'!

''Seriously, girl? Naniniwala ka pa sa multo? Hanggang sa panahon pa talaga ng ngayon, huh?'' natatawa at maarteng sabi sakin ni Ysabel.

I told her everything and that's her reaction. So wow!

''I'm telling the truth, Ysa.'' pilit ko.

''Baka naman kasi nakainom ka nang pumunta ka sa bahay ni Ruan? Or... drugs, perhaps?''

Umiling ako.

''Of course, not!''

''Then, why are you blabbering about this so called... ghost? At may pangalan pa nga, huh? But, in fairness, gusto ko 'yung pangalan n'ya. Ariadne!'' sabi n'ya pa at tumawa.

''What the hell, Ysa?!'' inis na sabi ko. ''I thought, papaniwalaan mo ako—''

''Masyado kasing imposible talaga, Thia, eh. May multo na 'Ariadne' 'yung pangalan? Seryoso?''

Inirapan ko na lang s'ya.

''I told you. Si Ruan mismo 'yung nagsabi. Tsaka, kung wala, sino'ng sumakal sa akin when we're making out?'' sabi ko.

Napaisip s'ya.

''Ruan.''

Tinaasan ko s'ya ng kilay. ''What?''

''I said, possible na si Ruan lang ang may gawa ng lahat ng 'yon. You said it yourself na gusto mo makipag-sex sa kanya without any protection! Kilala natin parehas si Ruan, Thia. He's an easy go lucky guy. Wala pa sa isip n'ya ang magseryoso. At sa gusto mo, there's this big possibility na mabuntis ka. And of course, he'll hate it.''

''I don't get it.''

She let out a heavy sigh of frustration.

''Alam mo, girl? Maganda ka pero ang slow mo sobra. Tsk!'' nawawalan ng pasensyang sabi n'ya. ''Malamang, naisip no'n na baka mabuntis ka at ayaw n'ya nga no'n. Kaya s'ya na 'yung gumawa ng paraan para matigil kayo. Gets?''

Ako naman 'yung napaisip.

P-Posible nga. Pero...

''Natahimik ka. On the process pa 'yung information, girl?!'' sarkastikong puna ni Ysa.

''Stop, will you? Nakakarindi ka, Ysa.'' inis na sabi ko at tumayo na.

''Oh, saan ka pupunta?'' takang tanong n'ya.

''Kay Ruan. I must do something to win him back—to get him, rather. Basta!''

RUAN'S P.O.V

After Ariadne and I had talk, dumiretso ako agad sa kwarto ko. Sa bathroom, to be particular.

Lumapit ako sa ilang towel na nandoon bago ko isa-isang kinuha 'yon. Sa likod nga no'n ay may kahon na pamilyar na pamilyar sa akin.

A box of condom.

Shit.

So, all this time, posibleng nagsasabi ng totoo si Ariadne...

Dali-dali akong tumakbo papunta sa entertainment room.

''Ariadne!'' tawag ko.

Hays. Umalis na ba talaga s'ya?! Naman, oh.

''Naniniwala na ako sa'yo, okay? I guess... tama ka. May pinaplano ngang hindi maganda sa akin si Thia. Hindi na ako galit. So, if you're still here, please, magpakita ka sa akin.'' sabi ko pa.

Pero wala pa ring sumasagot o nagpaparamdam man lang sa akin.

Huminga ako ng malalim.

''Ariadne, kung naririnig mo ako, I'm... thankful for what you've done. Hindi mo lang alam kung gaano kalaking tulong ang nagawa mo. You saved me from a sure danger. Utang ko 'to sa'yo.'' sincere na sabi ko.

Ilang minuto pa akong nanatili sa entertainment room bago ako nagpasyang lumabas na.

Maybe, I'll just treat Ariadne as a part of life. A past.

Unti-unti akong naglakad palapit sa pintuan. I was about to hold the doorknob when...

''Akala mo talaga, umalis na ako, 'noh? Asa ka, Ruan! Hindi ako aalis sa tabi mo. Babantayan kita at ililigtas hangga't kaya ko!''

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status