Share

KABANATA 3

ARIADNE'S P.O.V

Na-break ko na 'yung isang rule ni Ruan! Baka mahalata n'ya na pumasok ako sa kwarto n'ya! 'Tapos paalisin n'ya ako bigla! Huhu!

Pero... inayos ko naman 'yung kama n'ya bago ako umalis doon, eh!

Tsaka, waaaahhh!!! Humiga ako sa kama kung saan s'ya gumagawa ng kung anong kababalaghan kasama 'yung kung sinu- sinong babae na gustuhin n'ya!

Yuuucckkk!!! So disgusting! Arghhh!

Napapitlag ako nang may marinig akong busina ng kotse na nanggagaling sa labas ng bahay ni Ruan.

Nand'yan na s'ya!

Dali-dali akong naglaho papunta sa kwarto kanina kung saan ako unang nagpakita sa kanya.

Magpe-pretend na lang ako na hindi ako umalis dito!

Ayoko magsinungaling pero... huhu! Kailangan, eh! Sana lang talaga hindi n'ya mahalata. Or else... Lagot na.

''There you are! Kanina pa kita hinahanap, eh. Nand'yan ka lang pala.''

Napasigaw ako ng malakas dahil sa gulat.

Pero napahinto din ako nang marinig kong tumawa si Ruan.

''Akala ko, multo lang ang may kakayahang manggulat ng tao. Kaya din pala ng tao na manggulat ng multo. BWAHAHAHA!''

'''W-Wag ka ngang tumawa. W-Wala namang nakakatawa, eh.'' nahihiyang saway ko sa kanya.

Huminto naman s'ya agad pero nanatili pa rin ang matamis na ngiti sa mga labi n'ya.

''Kanina pa kasi kita hinahanap, eh.'' sabi n'ya.

''Miss mo ako?''

Napatakip ako sa bibig ko. Bakit ko sinabi 'yon?! Huhu!

Tumawa na naman s'ya.

''You really are so cute!''

Natahimik ako ulit.

Pakiramdam ko ay biglang nag- init ang mga pisngi ko.

Bakit gan'toooo??!!! Gosh, self. Don't tell me, you're affected by the presence and charisma of that pervert cassanova?!

''U-Uhm... K-Kumain ka na?'' pag- iiba ko sa usapan.

Tanong na ni hindi ko alam kung saan ko pinulot. Ano ba naman kasing pakealam ko kung kumain na s'ya o hindi pa, 'di ba?

''Pagluluto mo ba ako?'' nakangiti n'yang tanong.

Napangiti na rin ako kahit hindi ko alam kung bakit.

''Bakit hindi?'' pagbibiro ko. ''Ano ba'ng gusto mong kainin?''

Ngumisi s'ya.

''Ikaw.''

Nanlaki ang mga mata ko.

''Ruan...! 'Wag mo sabihin na... a-aswang ka?!'' kinikilabutang sabi ko. ''H-hindi mo ako makakain! B-baka nakakalimutan mo na multo na ako!''

For the third time, he laughed. AGAIN.

''Silly. Akala ko, kapag multo, alam lahat. Slow ka rin pala. BWAHAHAHA!'' pang- aasar n'ya.

''Alam mo? Ang dami mong akala.'' inis na sabi ko.

''Akala is much better than paratang—''

''Oo na!'' pasigaw na putol ko sa sasabihin n'ya. ''Pwede ba? Maghanda ka na lang. May party ka mamaya, 'di ba?''

Kumunot ang noo n'ya.

''How—''

''Paano ko nalaman? Like what I've said earlier, alam ko lahat.''

''Pfft.''

Tinapik ko ang noo ko.

Tumawa ka na naman, lagot ka na talaga sa akin.

''Alam mo lahat? You sure? Eh, bakit hindi mo alam 'yung meaning ng ikaw 'yung gusto kong kain—''

''Sige lang. Ituloy mo. Makakapatay ako ng ''Ruan Dela Merced'' 'yung pangalan.'' banta ko.

Umiling na lang s'ya.

''By the way, I just came by para ipaalala 'yung conditions na sinabi ko kanina.''

Conditions...

Waaahhhhhh!!! 'Yung mga kondisyon n'ya na nilabag ko na! Huhuuu!

Napalunok ako.

Sana talaga, hindi n'ya mapansin—

''Ariadne? Okay ka lang?'' tanong n'ya bigla.

''H-huh?''

''Sabog.''

Tinaasan ko s'ya ng kilay.

''Sabog? Ano'ng sumabog?'' takang tanong ko.

Tumawa lang s'ya.

''Nothing.'' sabi n'ya pa. ''Alis muna ako. Just stay here, okay? Kung nagugutom ka—''

''Multo ako.''

''Sabi ko nga. Basta kapag may kailangan ka—''

''Multo nga ako.''

''Hays. Silly ghost. Kung nahahawakan lang kita, n*******n na kita kanina pa.''

RUAN'S P.O.V

Kasalukuyan akong nagsha- shower nang maalala ko 'yung sinabi ko kay Ariadne kanina.

Did I tell her na hahalikan ko s'ya?

Damn!

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.

What the... Bakit ako nagkakagan'to sa kanya knowing na multo s'ya?!

Binilisan ko na lang maligo para makapagbihis na. 'Cause like what Ariadne said, I'll going to throw a big party later tonight. Well, araw-araw naman, eh.

Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako agad mula sa CR.

Hindi pa ako nakakapagbihis at tanging tuwalya lang ang nagtatakip sa hubad kong katawan ay bigla nang lumitaw si Ariadne sa harapan ko.

Automatic na napasigaw s'ya. Ako naman ay gulat na napamura.

''Shit, Ariadne! What are you doing here?!'' gulat na sabi ko.

''A-Ano... K-Kasi---''

'''Di ba, may agreement tayo na hindi ka pupunta dito?'' putol ko sa sasabihin n'ya.

Humarap ako sa kanya pero nakatalikod naman s'ya sa akin.

''K-Kasi... 'yung... 'yung t-telepono sa... s-sa sala mo... t-tumutunog. M-may—”

''May tumatawag sa akin?''

Tumango s'ya.

Huminga ako ng malalim.

''They can wait. Hindi mo na kailangang pumunta pa dito at labagin 'yung mga kondisyon ko—''

''Papalayasin mo na ako?''

Tumingin ako sa kanya.

Nakatalikod pa rin s'ya.

''Multo ka na, 'di ba?'' sabi ko.

''O-Oo.''

''Then why are you doing this? I mean, pwede kang mag stay dito nang hindi ko nalalaman. You can make yourself invisible and stay here for as long as you want.''

Unti-unti s'yang humarap sa akin. 'Yun nga lang, nakayuko naman s'ya.

Hindi ko tuloy makita 'yung reaksyon n'ya. Tss. But her voice says that she's not okay. She's sad.

''K-Kasi... A-Ayoko ng gano'n. I-I mean... 'd-di ba para na akong n-nagnanakaw kapag ginawa ko 'yon? K-kaya ayoko.'' nauutal na sabi n'ya. She let out a deep sigh. ''K-kaya kung papalayasin mo na ako, d-do it now. A-At 'wag kang m-mag-alala kasi... h-hindi ako maglalaho para lang makapanatili dito. P-pangako—”

''No. You can stay here and forget about those lame conditions. Mula ngayon, ituring mo na 'to bilang sarili mong bahay. Feel at home.''

Bigla s'yang tumingin sa akin.

''S-Sigurado ka ba?'' halatang gulat na tanong n'ya.

I smiled.

''Yes.''

Unti- unti s'yang napangiti.

Then I saw a teardrop on her cheek.

''Oh? Bakit ka umiiyak? Kung kailan pumayag na ako—''

''M-Masaya lang ako.'' sabi n'ya at ngumiti ulit. ''S-Salamat.''

''Wala 'yon.''

Hindi ko napigilan na matawa dahil sa kalokohang naisip ko.

''B-Bakit ka tumatawa?'' nakangusong tanong n'ya.

''H-Huh? HAHAHAHA! A-Ano... Basta! HAHAHAHA!''

''U-Uhm... A-Alis na ako. M-Magbihis ka na. A-At 'yung tumatawag sa'yo---''

''Don't worry, sasagutin ko 'yon mamaya.''

Ngumiti lang s'ya at bigla nang naglaho sa paningin ko.

Napailing na lang ako.

I can't still believe na nakakakita at nakakakausap ako ng multo. At pinatira ko pa talaga s'ya dito, huh? HAHAHAHA! I must be really out of my mind. But one thing is sure, masaya ako na nakilala ko si Ariadne.

Mahirap mang paniwalaan, at kahit ako, hindi ko rin maintindihan, kung paanong ang isang Ruan Dela Merced na walang alam sa buhay kundi ang mambabae at maglustay ng pera ay gumaan ang pakiramdam sa isang multong babae na tulad ni Ariadne. Nakakabaliw.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status