Share

KABANATA 5

Umiling si Leo sa naisip, tingin niya ay naaawa lamang si Mirabelle sa kanya at hindi siya nito gusto.

Gabi na, at naghihintay pa rin si Rowena, ang biyuda sa kanya ngunit wala ng gana si Leo ngayon na makipagkita.

Ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makahanap ng paraan para makakuha ng medical qualification certificate at maituloy ang pagbubukas ng klinika!

Hindi niya lang maunawaan ang mga terminolohiya, at hindi niya maintindihan ang ilang mga libro sa medisina, kahit na humingi pa ng ilang araw na pabor kay Mirabella para tulungan siya.

Makakapasa ba siya sa medical qualification exam sa kaunting panahon ng pagsasanay?

Parang lumulubog sa lungkot si Leo at hindi niya namalayan na nakabalik na siya sa maliit na klinika.

Narinig ni Felicidad ang ingay at agad na lumabas, "Leo, nakabalik ka na?"

"Tita, ako 'to, uuwi na tayo para maghapunan."

Sa loob ng klinika, isang lalaking na may mahabang balbas at dilaw na ngipin, ang nakatayo at nagsalita nang makita si Leo.

"Pamangkin! Huwag ka munang umuwi. May sasabihin ako sa 'yo."

Ang pangalan ng lalaking ito ay Robert, isang kilalang biyudo sa nayon. Limang taon na ang nakalilipas, namatay ang kanyang asawa sa aksidente sa sasakyan, at nakatanggap siya ng malaking kabayaran.

Mula noon, madalas siyang pumupunta sa siyudad para kumain, uminom, makipagtalik, at magsugal, imbes na magtrabaho. Hindi niya kailanman nakita si Leo sa mga araw ng linggo.

Ngunit ngayon, kinuskos ni Robert ang kanyang mga kamay at masiglang sinabi. "Tungkol ito sa iyong tita at sa 'yo."

"Ano naman ang kinalaman mo sa aming dalawa?"

Tanong ni Leo nang nakakunot ang noo.

"Syempre may kinalaman!"

Ngumisi si Robert, parang may malaking balita, at ipinakita ang kanyang bibig na puno ng mga lumang itim at mabaho na dilaw na ngipin.

"Narinig ko na hindi na matutuloy ang pagbubukas ng klinika mo. Nakita kong pareho kayong ulila ng iyong tiyahin, kaya nais ko siyang pakasalan!"

"Mula ngayon, tayo'y pamilya na, tawagin mo na rin akong tiyuhin!"

Habang sinasabi niya iyon, tinitigan ni Robert si Felicidad nang may matinding pagnanasa. Kung wala roon si Leo, marahil ay hindi niya mapipigilan ang sarili na hubarin ang damit nito at matulog kasama si Felicidad sa kama.

Napakaganda ng babaeng ito!

Bilang isang lalaki, nauunawaan ni Leo ang mga tingin ni Robert.

"Sino ang nagsabi na hindi na matutuloy ang pagbubukas ng klinika ko? Kalokohan 'yan! Lumabas ka na ngayon!"

"Leo, patay na ang mga magulang mo at walang nag-aalaga sa 'yo. Dahil sa tita mo, gusto kitang ampunin!"

"Tingin mo karapat-dapat ka para pakasalan ang aking tiyahin, eh wala ka ngang matinong trabaho? Ang mabuti pa umalis ka na." Tinuro ni Leo ang pinto at gustong palayasin ang tao.

"Sige, may tapang ka pala. Kapag nawala ang klinika mo, wala ka ng matitirhan! Malakas ang loob mong kalabanin ako?

Galit na tumalikod si Robert at lumabas ng klinika. Babalik ito sa sunod na araw para kunin ang tiyahin nitong si Felicidad.

Si Leo ay nag-aalala kay Felicidad at ayaw niya itong mapunta sa ganoong klase ng lalaki.

"Tita, hindi mo kailangan na magpakasal sa isang katulad ni Robert dahil maghahanap ako ng paraan na maligtas ang klinika."

Nahihiya si Felicidad at hinawakan ang mukha ni Leo, "Ikaw ang nag-aalaga sa akin ng matagal. Kung may mangyari sa klinika, kailangan kong humanap ng paraan para mabuhay tayong dalawa."

"Tita, huwag kang mag-alala, humingi ako ng pabor kay Mirabelle para ipagpaliban ang pagpapasara ng ilang araw."

"Sa mga susunod na araw, tiyak na mag-aaral ako ng mga libro sa medisina at susubukan kong ipasa ang medical qualification certificate! Hindi na natin kailangang humingi ng tulong sa kahit sino!" Saad niya.

"Sige, naniniwala ako sa'yo, hindi na ako mag-iisip ng kung anu-ano." Mahinang ngumiti si Felicidad.

Pagkatapos, dinala ni Leo si Felicidad pabalik sa kanyang tirahan sa nayon.

Nagluto si Leo ng pagkain, nag-meryenda silang dalawa, at pagkatapos ay bumalik sa kanilang mga silid upang magpahinga.

Ang tirahan dito ay itinayo pa noong ikasal ang mga magulang ni Leo, at medyo sira-sira na ngayon. Nakahiga lang siya sa matigas na kama ng kahoy, nakatingin sa nakalantad na bubong, hindi makatulog.

Iniisip na niya na baka handa talagang pakasalan ni Felicidad ang isang tulad ni Robert para sa kanya. Mas lalong hindi mapakali si Leo.

"Hindi, kailangan kong makuha ang medical qualification certificate. Gusto kong kumita ng pera, ng maraming pera!"

"Gusto kong manirahan ang tiyahin ko sa isang malaking bahay sa lungsod, umupo sa sofa, matulog sa malambot na kama! Magbihis at magmaneho ng mamahaling kotse!"

Tumalon si Leo mula sa kama.

Pagkatapos ay binuklat niya ang ilang mga tala na naiwan ng kanyang ama sa mesa ng kahoy, pati na rin ang mga sinaunang aklat ng medisina, naghahanda upang patalasin ang isipan.

"Anong uri ng salita ito?" Nagtataka siyang pagmasdan ang mga salita sa aklat. Tanging natapos ni Leo ay ikatlong baitang ng elementarya kaya hindi siya masyadong marunong na magbasa.

Pero minana niya ang galing ng amo sa panggagamot ngunit isang malaking problema niya ay naiiba na sa lungsod.

Ito rin ang dahilan kung bakit palaging mahina ang kasanayan sa medisina ni Leo. Ang kawalan ng karunungan ay isang malaking problema talaga!

Inis na itinapon ni Leo ang mga tala sa kanyang kamay at kinamot ang kanyang ulo.

"Leo, nagmumukha ka ng unggoy sa pagkakamot mo sa ulo."

Nagitla si Leo nang makarinig ng boses, tumanaw siya sa bintana at nakita si Mirabelle na nakasilip, nakangiti ng malapad.

"Nagpunta ka lang ba dito para pagtawanan ako, Mirabelle?"

"Nagpunta ako rito kasi wala akong magawa kaya tuturuan nalang kita."

Hindi iyon inaasahan na marinig ni Leo kaya siya napatayo. "Ano? Narito ka para turuan akong magbasa?!"

Binuksan ni Leo ang pinto at para makapasok siya. "Umupo ka rito!"

Hinila niya si Mirabelle para umupo sa silid na may ngiti sa mukha. Naamoy niya naman ang pabango nito at pansin na basa ang buhok niya.

Kahit na hindi pa masyadong matanda si Mirabelle, ang kanyang pangangatawan ay talagang kahanga-hanga, mukha siyang isang modelo. Kapag naglalakad siya, lahatbng tao ay napapatingin sa kanya! Lalo na sa mga malalaki niyang dibdib.

"Leo, saan ka na naman nakatingin?!" Seryosong tanong ni Mira. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status