Share

KABANATA 7

"Bakit biglang naging magaling ang memorya mo?"

Hindi makapaniwala ang mga mata ni Mirabelle.

Karaniwan na bihira para sa isang taong hindi marunong magbasa na kabisaduhin ang daan-daang mga salita at nakabisado ni Leo ang mahigit 500 karakter sa loob ng isang oras.

Talagang nagulat si Mirabelle.

"Matalino lang ako." Sarkastikong sagot ni Leo.

Sa ganitong bilis ng pag-aaral, tiyak na makakabisado siya ng 3,000 salita sa loob ng ilang araw.

Kaya tutuparin kaya ni Mirabelle ang pangako niya at maging girlfriend ni Leo?!

Maganda ang babaeng ito, maputi ang balat, at maganda ang pangangatawan. Tiyak na masarap siyang makasama sa pagtulog!

Nang maisip ito, tumawa nang malakas si Leo!

Kumunot ang noo ni Mirabelle at inis na sabi, "Aba! Ginagalingan mo masyado ha, kaya papahitapan kita."

"Sige."  Mahinang sabi ni Leo. "Basta kapag kabisado ko na ang mga salitang ito, magiging girlfriend kita."

Kinakabahan naman si Mirabelle dahil hindi siya handa na tuparin ang pangako kaya gumawa siya ng palusot. "Hays, gabing gabi na pala. Kailangan ko na munang umuwi kaya bukas nalang natin ito ipagpapatuloy." Aniya.

Medyo nalungkot si Leo na uuwi na ito pero dahil gabi na hinayaan niya nalang ito na umalis. "Hihintayin kita bukas ah!"

Matapos malaman ang daan-daang salita nang sabay-sabay, nagkaroon ng inspirasyon si Leo at nagpatuloy sa pag-aaral. Ang ilang bagay na hindi niya maintindihan noon ay naging malinaw sa isang sulyap.

"Ang dali lang pala nitong intindihin!"

Minsan sinabi ng tatay ni Leo na ang kanilang ninuno ay isang manggagamot sa palasyo at nagpamana ng maraming sinaunang pamamaraan sa medisina at maging ang mahahalagang gamot.

Kung matututo si Leo ng ilang bagay, sapat na iyon para sa kanya sa buong buhay niya.

Naalala ni Leo ang kanyang ama, kaya nag-aral siya ng dalawampu't tatlo sa sampung bagay, at nakayanan pa nga niyang dumalo sa kumperensya ng tradisyunal na gamot sa Tsina sa lungsod.

Pero tungkol sa gamot, hindi pa rin magawa ng tatay ni Leo na gawin ito.

Hindi na masyadong iniisip ni Leo ang tungkol doon ngayon. Gusto lang niyang matuto ng mas kapaki-pakinabang na kasanayan sa medisina, makapasa sa pagsusulit para sa lisensya sa medisina, at pagkatapos ay kumita ng pera gamit ang kanyang kakayahang makita ang hinaharap.

Matapos umalis si Mirabelle sa bahay ni Leo, mas naging malinis ang pakiramdam ng kanyang ulo habang hinihipan ng hangin ng gabi.

"Kung alam ko lang na ang batang ito ay may ganito kagaling na memorya, hindi sana ako pumayag."

Iniisip na talagang pumayag siyang maging girlfriend ni Leo, napakamot siya sa paa sa pagsisisi!

Nag-aral si Mirabelle sa lungsod, kaya natural na ayaw niyang makapangasawa ng taga-nayon. Sinabi rin ng kanyang ina na kung gusto dapat may kotse at bahay ang lalakinat maraming pera na ilalahad sa kanya.

Pero wala sa mga ito ang may kinalaman kay Leo, na isa lang mahirap na bata.

"Bahala, na kailangan kong umatras sa hamon niya."

Alam ni Mirabelle sa kanyang puso na naaawa lang siya kay Leo, hindi dahil may gusto siya sa kanya, at walang paraan para maging girlfriend niya ito.

Natahimik si Mirabelle at nakita si Rowena na papalapit sa kanya.

"Mira? Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?"

Hindi inaasahan ni Mirabelle na makikita niya si Rowena sa gitna ng gabi.

Karaniwan, hindi lalabas si Rowena sa ganitong oras.

At ngayon, nakasuot si Rowena ng maikling palda na hanggang bewang, at ang dalawang puting hita niya ay natatakpan ng itim na medyas. Mukhang sobrang seksi at kaakit-akit siya, at mabango rin siya.

Hindi niya alam na naghihintay si Rowena kay Leo ng kalahating gabi pero hindi niya nakita si Leo na dumating, kaya nag-aalala siyang pumunta para hanapin si Leo.

"Nagpahangin lang ako, hindi kasi makatulog, kaya lumabas ako para maglakad-lakad."

Nag-imbento si Mirabelle ng dahilan at pagkatapos ay nagtanong: "Ikaw Hipag Rowena? Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi rin makatulog eh, pero mauna ka ng mauwi. Hindi ligtas dito sa labas."

Hindi na nag-isip pa si Mirabelle at naglakad pabalik sa bahay.

Tinakpan ni Rowena ang dibdib at pagkatapos ay nagmadaling pumunta sa bahay ni Leo.

Makalipas ang ilang sandali, nakarating si Rowena sa bahay ni Leo at nakita niyang may hawak itong libro ng medisina at masiglang nagbabasa, agad siyang nagalit.

"Leo, ikaw na bata ka, hindi hindi ka dumating? Hindi ka tumupad sa pangako mo at bakit ka ba nagbabasa ng libro?"

Hindi inaasahan ni Leo na magiging ganito ka-aalala ang biyuda na si Rowena na pupunta sa kanyang bahay!

"Hipag Rowena, pakibabaan mo ang boses mo, baka marinig ka ng tiya ko. At hindi naman sa ayaw kong pumunta. May ginagawa lang ako at kailangan kong mag-apply para sa lisensya sa medisina."

Agad niyang ipinaliwanag ang klinika kay Rowena.

Kumalma si Rowena nang marinig ito, at naintindihan kung bakit nag-aaral nang husto si Leo sa gitna ng gabi. "Ganoon ba? Akala ko iniiwasan mo ako."

"Pero hindi ka naman marunong magbasa ng ilang salita, paano ka makakabasa ng libro ng medisina?"

"Natuto lang ako." Ayaw sabihin ni Leo na tinuruan siya ni Mirabelle, baka marinig ito ni Herald.

"Tigilan mo na nga 'yan. Samahan mo nalang ako sa bahay." Sobrang naiinip si Rowena kaya dinala niya si Leo sa kanyang bahay para matikman niya kung ano ang pakiramdam na maging isang babae.

Iniisip niya si Leo buong araw mula nang umalis siya sa klinika kanina.

"Rowena, huwag mo nang gawin ito, hindi maganda kung may ibang makakakita."

Humiwalay si Leo sa pagkakahawak ni Rowena. Natatakot siya na baka makita ito ni Mirabelle at hindi na papayag na maging kanyang nobya.

"Gabi na at walang tao sa paligid. Tara na sa loob!"

Hindi pinansin ni Rowena iyon at tinulak si Leo papunta sa kanyang bahay.

Wala nang nagawa si Leo kundi ang tanggapin ang sitwasyon. Mabuti na lang at walang tao.

"Huwag kang mag-alala, babalik ang mga biyenan ko sa susunod na araw, kaya huwag kang masyadong mag-alala! Hindi ko ito sasabihin sa iba ang tungkol dito, sekreto natin ito."

Nakita niyang nag-aalangan si Leo, kaya hinawakan ni Rowena ang kanyang dibdib at hinimas.

"Rowena, pakiusap huwag na natin." Tinatanggal niya ang mamay nito.

Gusto niyang umalis sa oras na iyon, pero mahigpit na hinawakan ni Rowena ang kamay niya at hindi siya binigyan ng pagkakataon.

Nang makarating sila sa kwarto ni Rowena, wala nang ibang tao roon kundi silang dalawa.

Ikinandado ni Rowena ang pinto, pinatay ang ilaw, at tahimik na nagsindi ng kandila.

Si Rowena ay mukhang maamong babae pero mayroon itong tinatagong tinik. Ang madilim na ilaw ay sumasalamin sa kanyang mapuputing mukha, kasama ang kanyang masigasig at sabik na mga mata, nagdagdag ng kakaibang kagandahan.

"Leo, maganda ba ako?" Tanong niya at itinanggal ang takip sa katawan.

Doon lang napansin ni Leo na nakasuot si Rowena ng isang seksi at nakakaakit na maikling palda.

Nakakapang-akit din ang mga hita nito na sobrang kinis at ang dibdib nitong maganda ang hugis. Ang kombinasyon na ito ay napaka-akit sa paningin niya at mahihirapan ang sinumang lalaki na labanan ang tukso.

"M-maganda." Natuyo ang lalamunan ni Leo.

Maganda ang ngiti ni Rowena, namula ang kanyang pisngi, at ang kanyang boses ay puno ng tukso.

"Gusto mo ba ako?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status