Share

KABANATA 10

Biglang nagningning ang mga mata ni Leo nang marinig niya ang nakakakilabot na sigaw ni Robert.

Alam niyang nagtagumpay siya sa pag-aaral ng mga sinaunang teknik ng acupuncture. At sa wakas, nalutas na rin ang problema sa pagitan nila ni Rowena.

Hindi na maaalala ni Robert ang nangyari kanina, at tiyak na hindi niya sasabihin ang nangyari ngayong gabi.

Nagising si Robert na nalilito kung anong nangyari. Bumangon siya sa sahig at napatingin kay Leo at Rowena. "Anong nangyayari? Bakit ka nandito Leo?" Seryosong tanong ni Robert.

"Ahh...tinawag lang po ako ni Hipag Rowena para tingnan kayo. Nawalan kasi kayo ng malay." Kaagad na palusot ni Leo.

Hindi makapaniwala si Robert sa narinig at biglang tumayo. Lumabas ito sa pintuan at paika-ikang naglakad ng mag-isa patungo sa kakahuyan.

"Sigurado ka bang ayos lang siya?" Takang tanong ni Rowena habang tinitingnan ang lalaki.

"Tingin ko." Tugon ni Leo. Ang pamamaraang ng acupunture na ginawa niya ay maaari lamang gamitin ng isang beses sa loob ng isang buwan para maging epektibo, at hindi magdadalawang-isip si Leo na gamitin ulit ito kay Robert kung may matutuklasan na namn itong sekreto.

"Saglit lang Ate Rowena. Kailangan ko muna siyang subaybayan." Paalam niya tsaka sumunod sa kakahuyan na binabaktas ni Robert.

At ngayon, may magandang paraan si Leo para maturuan ng leksyon si Robert na kakabaliwan niya.

Ngumisi siya at biglang ginaya ang boses ng isang babae at sumigaw sa paraang nakakakilabot.

"ROBERTO!!!!!"

Ang kanyang boses ay umalingawngaw sa paligid na parang isang ungol ng lobo sa gitna ng gabi.

Natigilan naman si Robert sa gitna ng kakahuyan. "Sino iyon??"

Talagang natakot si Robert, nanginginig na naman ang kanyang mga binti at para siyang naiihi.

Pagkatapos niyang tingnan ang paligid, wala siyang nakitang kahit anong anino ng tao. Iniisip niyang baka bigla itong lumitaw sa kanyang harapan kaya bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Ayaw niyang maniwala sa multo pero takot siya!

"Ro~bert~!"

"Ako ang iyong asawa."

Nakita ni Leo na talagang natakot si Robert, kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita habang pinipigilan ang kanyang tawa.

"Eleanor?!" Nanlaki ang mga mata ni Robert.

Napaupo siya bigla sa lupa at sobrang takot na takot. Kulang nalang ay sumigaw siya para humingi ng tulong.

"Eleanor? Ikaw ay matagal ng patay. Bakit ka nagmumulto sa akin?" Tanong niya.

"Hindi ako matatahimik, Robert. Ikaw ay nakipagtalik sa ibang babae kaya gusto kitang isama sa kabilang buhay!"

Pinigilan ni Leo ang kanyang pagtawa at nagpatuloy sa paggaya ng boses ng babae.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, sa madilim na gabi, ang mga nakakakilabot na boses niya ang maririnig ni Robert.

"Eleanor! Wala akong ginawang masama!" Nagmamakawa si Robert na umalis na ito.

"Kung wala kang ginagawang masama, hindi ka matatakot sa akin, Roberto!"

Pagkamatay ng kanyang asawang si Eleanor, lahat ng pera ng kompensasyon ay ginamit niya sa paghahanap ng ibang babae at inubos sa sugalan.

Ngayon, nang nagparamdam ang kanyang asawa para maghiganti, gusto niyang isama ito sa kabilang buhay, sobrang natakot si Robert.

"Eleanor, alam kong mali ako. Hindi ko iyon sinasadya. Pakiusap, huwag mo akong dalhin! Hindi na ako makikipagtalik sa ibang babae!"

Pinigilan ni Leo ang pagtawa at nagpatuloy. "Robert, kung maglakas-loob kang magsinungaling sa akin, dadalhin kita sa kabilang buhay!"

"Mahal, hindi ako maglakas-loob na magsinungaling sa iyo! Hindi ako maglakas-loob. Nangako akong hindi na ako maghahanap ng ibang babae!"

Patuloy na lumuhod si Robert ng ilang beses, ngunit nang wala nang ingay, umiyak siya ng malakas at tumakbo papalayo!

Natuwa si Leo na natakot ito. Pagkatapos ng pangyayaring ito, malamang, hindi na babalik si Robert dito.

Lumabas si Leo mula sa likod ng bato, pumili ng daan para maiwasan si Robert, at naglakad pabalik sa bahay ni Rowena.

Humampas ang hangin ng bundok, at nakaramdam ng ginhawa si Leo. Doon lang niya naisip ang kakaiba niyang kapangyarihan ngayon, nagagawa niyang makakita sa dilim.

Kahit na gabi na, ang lahat sa paningin ni Leo ay kasinglinaw ng araw.

"Ano ba ang nangyayari? Hindi lang lumakas ang aking katawan, kundi naging mas matalas rin ang aking mga mata." Nagtataka si Leo.

Biglang nagkaroon ng hinala si Leo. Ang dahilan kung bakit siya naging mas malakas kaysa dati ay posibleng sa pagkakaroon niya ng erectile function.

Alalang-alala pa niya kanina ang pag-iinitan ng buo niyang katawan nang maglapit sila ni Rowena. Isip niya na baka mas lumalakas siya kung makikipagtalik siya sa isang babae.

Naisip ni Leo na kung magkakaroon siya ng pagkakataon sa hinaharap, tiyak na susubukan niya ito.

Nagtataka naman siya ulit kung bakit hindi siya nasaktan nang sinaksak siya ng basag na bote kanina.

Biglang nagkaroon ng ideya si Leo, kinuha niya ang isang matalim na bato at sinubukan na sugatan ang kanyang braso.

Sinubukan niyang ikuskus ang bato sa kanyang balat at nagitla siya nang makita ang mga tumubong kalislis na maputi at makinang.

"Isa itong kabaliwan??? Posible bang nag-mutate ako?"

Pagkatapos niyang ikuskus ang bato, pinanood ni Leo ang pagkawala ng mga kaliskis.

Nagsimula nang maniwala si Leo na ang dahilan kung bakit siya naging ganito ay dahil sa pagkain niya ng ahas.

Nagsimulang mangamba si Leo. Natatakot siya na balang araw ay magiging ahas siya.

Pagkatapos mag-isip ng ilang sandali, tinanggap na lamang ni Leo ang katotohanan at nagpatuloy sa pag-uwi.

Ang magandang biyuda na si Rowena ay tiyak na naghihintay pa rin sa kanyang bumalik doon.

May mga napapansin naman siyang nagtatrabaho sa bukirin sa palayan kaya siya maingat na pumasok sa bahay ni Rowena para walang magtaka.

"Leo, sa wakas ay nakabalik ka na. Nakalimutan na ba ni Robert ang nangyari ngayong gabi?"

Si Rowena ay parang isang asawa na naghihintay sa kanyang asawa na umuwi. Nang makita niya si Leo, agad niyang niyakap ito.

Nilinis niya naman kanina ang mga mantsa ng dugo sa bahay at inayos ang mga nagulong bagay sa salas.

"Okay lang, Ate Rowena, nakalimutan na niya ang lahat."

Tumawa si Leo at ikinuwento kay Rowena kung paano niya natakot si Robert.

"Leo, ang sama mo talaga!"

"Ganyan dapat!"

Tumawa ng malakas si Rowena, nanginginig ang kanyang katawan.

Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad niyang hinawakan ang kamay ni Leo.

"Leo..."

Ang nakakapanghinang na paghawak ay nagparamdam ng kilabot kay Leo. Nagningning ang mga mata ni Rowena sa tuwa, at hinalikan si Leo.

"Iniligtas mo ang buhay ako kaya bibigyan kita ng isang gantimpala."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status