"Bilisan natin at sundan siya!" malakas na sabi ni Carlos sa mga nakapaligid na mga tagabaryo. "Tama ka! Hindi siya natatakot sa tigre at baboy ramo, kaya bakit din tayo matatakot? Tara na at tingnan natin!" Saad ng isa. Naubusan na ng mga halamang gamot sa paligid kaya't tahimik silang sumunod kay Carlos. "Hoy, nakita niyo ba si Leo?" hingal na hingal na tanong ni Rowena nang makarating siya sa tuktok ng bundok. Pawis na pawis siya at ang kanyang pang-ibabaw na damit ay basang-basa kaya medyo makikita ang suot niyang panloob. "Ah, Rowena, pumunta ka rin ba dito para mangalap ng mga halamang gamot?" nakangiting tanong ni Carlos kay Rowena. "Oo, gusto kong kumita ng pera, tsaka nakita mo ba si Leo?" Tugon ni Rowena, saglit na napaupo sa may batuhan. "Nakita namin siya! Gusto mo bang dalhin kita sa kanya?" Kinamot ni Carlos ang kanyang batok at hindi maalis ang malalapad na ngiti. Namamangha siya sa ganda ni Rowena at ipinaghahambing niya pa ito kay Felicidad. Naisip niy
"Tinatakot mo ba kami, Rowena?!" Inis na tanong ni Carlos, napapatras siya dahil sa hawak ni Rowena na sanga ng kahoy na kanyang iwinawagayway sa hangin. "Hindi mo kami matatakot! Tumigil ka na at hayaan kaming lasapin ang iyong katas!" Tawa ng isa. Mabilis namang inagaw ni Carlos ang sanga mula sa kamay ni Rowena at itinapon ito sa malayo. "Tsk. Nagsasayang ka lang ng enerhiya. Mabuti pa lumuhod ka sa harapin namin at magmakaawa." "Mga hayop kayo!" Malakas na sigaw ni Rowena, nanggigigil siya sa mga manyakis na mukha ng mga ito. Naglalaway lalo si Carlos at Dante at ang iba pa nilang kasamahan, unti-unti silang nagtatanggal ng kanilang mga pantalon."Carlos! Hindi ba talaga kayo natatakot na ipadakip ko kayo sa pulisya at ipakulong?!" Sinubukan pa ni Rowena na takutin sila para hindi ituloy ang kanilang binabalak. Mas pipiliin niya nalang na mamatay kaysa mapagsamantalahan ng mga lalaking bastos! "Pulis?! Sino namang maniniwala sayo? Walang maniniwala na pinagsamantalahan
Sa sobrang takot ng mga lalaki, dali-dali silang tumayo at kumaripas ng takbo papalayo kay Leonardo. Hindi namaj makapaniwala si Carlos na nasaksihan din kung papaano ipinatumba ni Leo ang kanyang mga kasamahan. "Papaano mo iyon ginawa?" Pagtataka niya. Binaling ni Leo ang tingin sa kanya. "Hindi mo na kailangang alamin." Si Rowena naman ay tumingala kay Leo na sobrang namamangha, tingin niya rito ay isang matapang na lalaki at gumwapo siya lalo sa kanyang paningin. "Tara na, Rowena. Kailangan kitang iuwi ngayon." Mahinang sabi ni Leo at nilahad ang kanyang palad. Tinanggap naman ito ni Rowena na hindi maiwasang makaramsma ng tuwa sa puso. Nakaramdam ng inggit si Carlos na pinagmasdan si Leo na binuhat si Rowena. "Humanda ka sa aking bata ka." Galit niyamg sabi, matalim ang tingin niya kay Leonardo na gusto niyang patulan. "Ano bang nakain ng batang iyon? Bakit naging ganoon nalang siya kalakas?!" Pagtataka ni Dante na nakahilata sa lupa, bugbug sarado. "Hindi ko alam.
"Paalam, Rowena!"Napakasaya ang nararamdaman ni Leo. Naamoy niya pa rin ang mabangong buhok ni Rowena sa kanyang mga kamay at basang hindi niya maiwasang mabighani. "Ang bango."Ang nasa isip ngayon ni Leo ay makasama si Rowena mamayang gabi, hindi niya na naisip pa ang nga nakakabaliw na nangyari sa gubat."Tiya, nakauwi na ako!" Sa loob ng kalahating oras, bumalik si Leo sa klinika."Oh, Leo, bakit ang tagal mo?" Seryosong tanong ni Felicidad. Kanina pa siya naghihintay kay Leo na makauwi, at nag-aalala siya na baka may nangyari rito. "Sobrang dami kasi ng mga halamang-gamot ang nakuha ko ngayon kaya ako matagal na nakauwi. Kumuha rin ako ng ilang bungang-kahoy. Subukan mo, Tita, kung gaano kaganda ang lasa nila."Gumawa na naman ng palusot si Leo. Ang toroo ay naantala siya dahil sa pagliligtas niya kay Rowena mula sa mga salbahing lalaki tulad ni Carlos at Dante. Inilagay namaj ni Leo ang basket ng gamot, kinuha ang ilang persikong galing dito, hinugasan at inabot kay F
"Ano?" Nagulat si Felicidad, pagkatapos ay labis na natuwa. "Leo, gumaling ka na ba talaga?""Oo tiya, bakit hindi mo subukan?" Nanlaki ang mata ni Felicidad sa sinabi Leo, at biglang namula."Masaya ako na gumaling ka na. Ngayon pwede ka nang humanap ng babae, o puntahan si Mirabelle. Magpapakasal ka na, hindi mo na ako kailangan pigilan."Sinabi ni Felicidad."Hindi, hindi ako naghahanap ng ibang babae, ako ay..."Tumingin si Leo kay Felicidad, nagdilat ang mata ni Felicidad, at bigla siyang napailing."Kabaliwan ito Leo! Hindi pwedeng hindi ka maghanap ng babae, isa ka ng ganap na lalaki at kailangan mo ng kabiyak. Gusto kong ipagkasundo ka at ako na ang bahala sa bagay na ito." Ang mga salitang ito ay sinabi niya ng bukal sa sarili.Bagaman ang kanyang mga salita ay matatag, may kaunting pait pa rin sa kanyang puso.Nang biglang maging malungkot si Felicidad, iniisip ni Leo na baka natatakot siya na maghanap siya ng ibang babae at lumayo sa kanya, kaya't pinanatag niya ito
Ala dos ng hapon ngayon, ang pinakamaalinsangan na oras na kung saan ay tirik na tirik ang araw. Lumabas si Leo sa labas ng walang dalang payong, ngunit hindi niya naramdaman ang nakakapasong init, mukhang nasanay nalang siya. Naglakad naman siya papunta sa malapit na tindahan ng pagkain, at mayroong makikitang matandang puno at mga taniman ng mais.Hindi mapigilan ni Leo na balikan ang eksena kung saan ay hinila niya si Mirabelle mula sa likod ng puno at dinala sa taniman at pinag-aasar niya. Naaalala niya rin nag nangyari kaninang umaga sa kwarto ni Mirabelle, nadulas ito at nadapa sa sahig, suot lamang ay pang-ibabang panloob at kitang-kita ang puwetan. "Sobrang ganda ng babaeng ito. Kung mapapangasawa ko siya at mahahaplos ko siya sa aking mga bisig tuwing gabi, ako na ang pinaka-masuwerteng lalaki sa mundo." Matapos magbalik-tanaw ng sandali, nagitla siya nang makita si Mirabelle na naglalakad sa tabing kalsada. Gayunpaman, may isang matangkad at payat na binata sa tabi n
"Aray!" Napadaing ang lalaki at natumba sa lupa matapos na tulakin ng malakas ni Leo. Nahiya rin ang lalaki dahil nangyari ito sa harapan ni Mirabelle. Kaagad naman siyang tumayo at nanlaban. "Tarantado ka! Ang tapang mong kalabanin ako. Hindi mo ba alam kung sino ako?" "Wala akong pakialam kung sino ka man!" Sobrang init ng ulo ni Leo na patuloy niya itong binugbog. Nagdugo bigla ang ilong ng lalaki at kulang nalang ay mamaga rin ang mga mata. "Leo, tumigil ka na, bakit mo ba siya sinasaktan?!" Pinigilan ni Mirabelle si Leo at hinarangan para hindi niya na saktan ang kawawang lalaki. "Huwag mo akong pigilan. Bakit?? Nasasaktan ka ba kapag sinasaktan ko siya? Huh? Sagutin mo ako! Pinagtatanggol mo ba siya?" Galit na sigaw ni Leo. Napansin ni Leo na malinaw na gusto ng lalaking ito si Mirabelle, kaya't siya'y nagalit!"Bakit ako masasaktan?" Matapang na sabi ni Mirabelle at kumuyom ang mga kamao. "Kaibigan ko siya sa klase. Pumunta siya sa aming baryo para makipaglaro. Wala k
Lumingon si Leo at nakita niyang nakatayo sa tabi ni Herald ang binatang kanyang binugbog. Alam ni Leo na nagsumbong ito sa pinuno."Duwag, nagpatulong pa talaga." Mahinang sabi ni Leo at narinig iyon ni Mirabelle na natatakot na baka gulpihin siya ng kanyang ama. "Mabuti pang umalis ka na." Seryosong sabi ni Mirabelle. Sinunod naman ito ni Leo na kumaripas mg takbo papalayo. "Ano ka ngayon?! Duwag ka!" Sigaw ng binatang lalaki na si Ruel. "Tsk. Sayang. Makakatikim sana siya ng kamao ko." Naglakad naman papalapit si Herald sa anak niyang su Mirabelle. "Ano na namang ginawa sayo ng lokong bata na 'yun?" "Ah, wala naman, Tay. Humingi lang siya ng paumanhin dajil sa nagawa niya kay Ruel. Inamin niyang nagkamali siya." Aniya. Medyo kinakabahan na baka hindi siya paniwalaan ng ama. "Ano? Dapat personal siyang humingi sa akin ng tawad!" Dikta ni Ruel. "Ruel, mabuti pang kalimutan natin ito. Huwag ka ng magtanim ng galit sa kanya." Pakiusap ni Mirabelle. Natatakot siya na baka gu