Share

The Naughty Man with the White Dragon's Charm
The Naughty Man with the White Dragon's Charm
Author: Dalawang Yosi

KABANATA 1 

"Leo, manyakis ka talaga! Bakit mo ba ako binubusuhan ha?! Ang kapal ng mukha mo!" Bulyaw ni Mirabelle.

Noong buwan ng Hulyo, ang init ay parang apoy na nakakapaso ng balat. Si Leonardo ay umakyat ng bundok para mangolekta ng mga halamang gamot, dahil hindi niya na makayanan ang init, mabilis niyang hinubad ang kanyang pang-itaas na damit at sumisid sa ilog para magpalamig.

Ngunit habang lumulutang siya paibabaw para saglit na lumanghap ng hangin sa ere, napansin niyang mayroong babae sa hindi kalayuan na naliligo.

Ito ay ang pinagpalang anak na babae ng pinuno ng nayon, si Mirabelle Alfaro at tinatawag siya ng lahat sa palayaw na Mira. Napatakip siya ng hubad niyang katawan nang makita si Leo na naroroon din pala sa ilog.

"Hoy! Nagkakamali ka ng iniisip. Hindi kita binubusuhan ah!" Depensa ni Leo sa kanyang sarili at hindi naman maalis ang mga mata niya sa kurbadang katawan ni Mira.

"Nagpapalusot ka pa! Ang lagkit nga ng tingin mo sa akin. Dapat sa tulad mong manyakis tanggalan ng mata! Umalis ka dito!" Sigaw pa ni Mira, namumula ang mukha niya sa galit.

Naiinitan din siya dahil sa mainit na panahon kaya siya nagtatampisaw sa ilog pero naudlot ang kanyang pagpapalamig nang makita si Leonardo na parte sa mababang-uri ng pamilya sa kanilang nayon.

"Maniwala ka! Hindi kita binubusuhan. Naliligo lang rin ako dito. Ang dumi mo namang mag-isip, dahil ba mahirap lang ako, ganoon na agad ang tingin mo sa akin?" Tugon ni Leo, ang kanyang mukha ay namumutla sa kahihiyan habang nagpapaliwanag.

"Wala akong sinabing gan'on. Hindi ko minamaliit ang kauri mo, pero natural lang na mag-isip ako ng ganito dahil babae ako at lalaki ka."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Leonardo na maisip na mapagmataas ang anak ng pinuno. Nakapagtapos si Mira sa isang magandang paaralan sa lungsod, habang siya ay isang mahirap na manggamot sa maliit na klinika sa kanayunan.

"Pasensiya na, Mira pero hindi ko ugaling mambastos ng kababaihan. Kaya huwag mo akong pagbintangan!" Seryosong sabi ni Leo at napipikon pa rin siya na tinawag siya nitong manyakis.

Tumaas ang kilay ni Mira at nag-krus ang kanyang braso. "Aba! Isa ka lang hampaslupa, wala kang laban sa akin!" Dikta niya tsaka padabog na umalis.

"Tsk. Pasalamat ka talaga na anak ka ng pinuno, dahil kung hindi, kanina pa kita tinuruan ng leksyon. Ayusin mo ang ugali mo, Mira. Hinahangaan ka pa naman ng lahat."

Kumuyom ang kamao ni Mira at kumaripas ito ng takbo papalayo sa ilog. Naiwan namang mag-isa si Leo na naupo sa may batuhan, napakamot siya sa kanyang batok at inisip na hindi nalang sana siya nagpunta sa ilog pero sa kaloob-looban niya, masaya siya makita si Mira na matagal niya ng natitipuhan. Kaso magkaiba ang estado nila sa buhay at isa lamang siyang dukha at tingin niya hindi siya kailanman magugustuhan nito.

Nagpalutang-lutang ulit sa tubig si Leo para magpalamig ng ulo pero napadaing siya nang nakaramdam ng sakit sa kaliwa niyang braso.

Napatayo siya at napasigaw nang malakas nang makita ang isang puting ahas!

"Tarantadong ahas! Ako pa talaga ang kinagat mo." Hinuli niya ang ulo nito at tiningnan ang haba nito na mga tatlumpong sentimetro, mayroon pa itong bukol sa ulo at kakaibang mata na kumikinang na parang ginto.

Naramdaman ni Leo na tumutunog ang kanyang tiyan, kanina pa niya binabaktas ang bundok at para siyang mahihilo sa gutom.

Wala ng ibang maisip si Leonardo kung hindi kainin ang ahas kahit hindi ito luto. Kinagat niya ang balat nito at maya-maya pa, nakaramdam siya ng matinding pagkahilo hanggang sa nawalan siya ng malay.

Naiwan siyang lumulutang sa ilog at wala siyang kaalam-alam na nagbago ang kanyang balat. Bigla itong naging isang makintab na puting kaliskis.

Isang kalislis ng dragon!

At sa loob niya, ay mayroong nabuong isang kinase na gawa sa pilak.

***

"Leonardo! Gumising ka! Ano nangyari sa iyo?"

Nakarinig si Leonardo ng boses ng isang tao na tumatawag ng kanyang pangalan. Iminulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang isang medyo matandang babae na nasa tatlumpu't edad na nakatayo sa harapan niya, bakas sa mukha nito ang pag-aalala..

Ito ay si Felicidad na isang matalik na kaibigan ng ina ni Leonardo at ang natitirang miyembrong nayon ng Taohua. Tatlong taon na ang nakalilipas, namatay ang mga magulang ni Leonardo sa isang aksidente nang mahulog sila sa bangin, at iniwan lang sa kanya ang isang maliit na klinika.

Karaniwan, aakyat si Leonardo sa bundok para mangolekta ng mga halamang gamot habang si Felicidad ay mananatili sa klinika para alagaan ang mga bagay-bagay.

"Tita, bakit wala ka sa klinika? Mapanganib para sa iyo na makarating dito!" Agad na inalalayan ni Leonardo ang tiyahin nang bumalik siya sa kanyang katinuan.

"Tinawagan ako ni Mira para sabihin na tumalon ka sa ilog, kaya pumunta ako para tingnan ka," sabi niya, nakahinga nang maluwag nang makita siyang ligtas, "Ano ba bang ginagawa mo doon? Nangongolekta ng mga halamang gamot?"

Napaubo si Leonardo ng ilang beses, hindi alam kung paano magpapaliwanag. Sa sandaling iyon, napansin niyang wala siyang suot na pang-itaas na damit.

Lumingon siya para tumingin, at nakita niya si Mirabelle na nakatayo sa sulok..

"Ano ang tinitingin-tingin mo?" napansin niyang nakatingin si Mirabelle ng masama sa kanya.

"Dahil lang sa sinabi ko sayo kanina? Magtatangka ka ng kitilin ang sarili mong buhay? Kung hindi ako bumalik para iligtas ka, tiyak na patay ka na ngayon!"

Sa pag-alis ni Mirabella kanina sa ilog, napaisip siyang bumalik dahil gusto niyang humingi ng paumanhin kay Leo dahil baka dibdibin nito ang kanyang mga sinabi. Pagbalik niya, natakot siya nang makita itong lumulutang sa ilog kaya nagmamadali siyang lumusong sa tubig para hilahin ang kanyang katawan sa tabi.

Nahihiya si Leo na iniligtas siya ng isang babae na kanina na pinagkamalan siyang namboboso.

"Salamat sa pagligtas sa akin, Mira." Pasalamat niya.

"Huwag mo akong tawaging Mira, hindi tayo magkaibigan!" Inis na sabi ng babae. "Ngayong okay ka na, wala na akong gagawin dito kaya aalis na ako."

Kumaway si Mirabelle kay Felicidad, sa kanyang paglalakad, makikita ang pag-indayog ng kanyang mga balakang.

"Tsk, mapag-mataas na babae." Mahinang sabi ni Leo habang pinapanood itong umalis.

Nakaramdam naman siya ng ibang sensasyon sa katawan habang nagpapantasya na si Mirabelle ay kanyang bigyan ng leksyon, sa paraan na maging sunod-sunuran ito sa kanyang mga gusto. Naiisip niya pa ang hubad na imahe nito.

Napailing siya kaagad sa naiisip na alam niyang hindi maganda, nagitla rin siya na mapansin na ang kanyang bagay na nagtatago sa pagitan ng kanyang hita ay parang tumitigas.

"Totoo ba ito?!"

Sa sobrang tuwa niya, napahawak siya sa kanyang ari dahil buong akala niya habambuhay na siyang baog. Ito ang dahilan kung bakit hindi pa siya na kakahanap ng asawa.

Tumingin siya ulit sa gawi ni Mirabelle na naglalakad papalayo at mas lalo siyang nagulat na makita itong hubad.

Hindi lang gumagana ulit ang kanyang 'maliit na kaibigan', ngunit hindi rin inaasahan na nakakuha siya ng isang kakaibang x-ray vision. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status