PAGDATING ng bahay ay si Misty kaagad ang hinanap ni Kira. Na-miss din siya nito kaya malayo pa lang ay umingay na ito. Nang yakapin niya ay mahihgpit din ang kapit nito sa kaniyang balikat. Sinalubong din siya ng dalawang ginang at niyakap. “Salamat sa Diyos at hindi ka nasaktan, Kira,” humihikbing wika ni Sonia. Naiyak na rin si Kulasa. “Hindi naman po. Tinulungan naman ako ni Luther para hindi ako masaktan,” aniya. “Eh, si Luther, nasaan na siya? Nasaan ang anak ko?” balisang saad ng si Sonia. Hindi siya kumibo. Mabuti lumapit si Dimitri at ito na ang kumausap kay Sonia. “Ligtas si Luther, Manang. Huwag kayong mag-alala. Pupunta rin siya rito para sunduin kayo once naayos na niya ang problema sa company,” sabi ni Dimitri. “Diyos ko! Salamat talaga!” napaiyak na namang usal ng ginang. Napayakap pa ito kay Dimitri. “Salamat din at hindi mo sinaktan ang anak ko, Don. Sobrang saya ko.” Lumayo rin ito kay Dimitri. “Biktima rin po ang anak n’yo kaya hindi ko siya masisi. Pareho k
SEVEN months later.Hindi umabot sa due date ang panganganak ni Kira. Mabuti madaling araw humilab ang kaniyang tiyan at kasama niya si Dimitri. Naalimpungatan pa ito nang kagatin niya sa braso dahil hindi nagising ng kalabit niya.Pagdating sa ospital ay hindi na nakapaghintay ang baby niya sa paglabas. Kahihiga lang niya sa kama ay lumabas na ito. Nakaabang naman ang doktor at kaagad inasikaso ang kaniyang anak. Konting iri lang ang ginawa niya dahil lumuwa na ang ulo ng kaniyang anak.“Excited si Baby lumabas, ah,” sabi ng doktor nang matagumpay na mailabas ang kaniyang anak.Nanghihinang nagmulat siya ng mga mata. Naroon na si Dimitri at karga na ang kaniyang anak na lalaki. Hindi nga nagkamali ang doktor na lalaki ang anak nila. Katunayan ay nabigyan na ito ng pangalan ni Dimitri.“Welcome to the world, Baby Drake!” bati ni Dimitri sa kanilang anak.Hindi naman siya tumutol sa napili nitong pangalan ng anak nila dahil gustong-gusto rin niya ito. Excited na siyang mahawakan ang kan
MAGKASUNOD na putok ng baril ang umugong sa tainga ng dose anyos na ni Kira. Bumungad sa kaniya ang armadong kalalakihan na pinauulanan ng bala ang nakaluhod sa sahig niyang mga magulang.Bumuka ang kaniyang bibig sa kagustuhang sumigaw, ngunit walang tinig na lumaya. Nabaling sa kaniya ang atensiyon ng armadong kalalakihan at tinutukan siya ng baril. Sa kabila ng banta ng kamatayan, ang kaniyang mga mata’y nakatutok pa rin sa nakahandusay na katawan ng kaniyang mga magulang, wala nang buhay at naliligo sa maraming dugo.Tanging mga butil ng luha ang gumagalaw sa kaniyang pisngi, dumaloy mula sa malamlam niyang mga mata. Binalot ng walang kawangis na kirot ang kaniyang puso, wari kinukuyumos at hindi na siya makahinga.“Hulihin ang bata!” utos ng isang lalaki sa mga kasama nito.Tila may kung anong bumulong sa kaniyang tainga at inutusan siyang tumakbo. Mabilis siyang tumakbo sa direksiyong hindi niya alam kung saan patungo. Pumanhik siya sa hagdanan, pumasok sa isang makitid na lugar
DIMITRI punched the table in front of him as he heard the bad news from Owen.“Where’s Kira?” he asked Owen. His teeth were gritted in anger.“There are guys who kidnapped her, boss,” Owen replied from the other line.He just arrived at his office exactly when Owen called. Pero sa halip na magalit sa assistant, kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan.“Listen to me carefully, Owen. Patigilin mo ang mga bodyguard sa paghahanap kay Kira. Tell them not to panic. I had an idea who was responsible for Kira’s abduction,” he said.“Copy, boss. Pero ano po ang gagawin namin? Hindi puwedeng magtagal si Ma’am Kira sa kamay ng mga kidnapper. Baka magising ang trauma niya.”“I will activate the tracking device on Kira’s necklace. Once I get the location, puntahan n’yo. Pero huwag muna kayong susugod sa mga kidnapper. Alamin n’yo ang sitwasyon, sabihin sa akin ang hitsura nila. Then, I’ll go there. Is it clear?”“Clear, boss.”“Hold your line. I’m working on the tracking device.” Binuksan na n
“IKAW pala, Don Dimitri,” wika ni Kira. Matabang siyang ngumiti rito.Humakbang palapit sa kaniya ang ginoo kaya siya’y napaatras. Huminto naman ito may dalawang dangkal ang pagitan sa kaniya.“Please call me in my name,” anito.“Ho?” Walang kurap siyang tumitig sa may maskara nitong mukha.“Call me Dimitri, and remove the Don. It’s not appropriate for you to call me that.”Napanganga siya. Wala siya masyadong alam sa wikang ginagamit nito pero may naiintindihan naman siya konti. Nakapag-aral siya sa bahay lang pero sadyang hirap siyang matuto minsan. Mas gusto niya iyong kusa siyang mag-aral, magbasa ng libro.“S-Sige, Dimitri na lang,” naiilang niyang sabi.“I’m glad the kidnapper didn’t hurt you.”Kumislot siya nang hinawakan siya nito sa kanang braso. May marka ng lubid sa kaniyang kamay.“Masakit ba ito?” tanong nito habang tinititigan ang kamay niya.“H-Hindi naman masyado.”“Good. Take a rest and take your medicine on time. I’ll be right back tomorrow morning.”Tumango lang siy
ILANG minutong nakatitig si Kira sa mukha ni Dimitri. Ang mukha nito ay katulad sa napapanood niyang mga lalaki sa TV, sobrang guwapo, ang kinis ng pisngi. Iniisip niya tuloy ay baka may suot pa ring maskara si Dimitri. Hindi siya nakatiis at hinawakan sa magkabilang pisngi ang lalaki at binanat-banat ang makinis nitong balat. “Stop!” pigil nito sa matigas na tinig. Hinawakan nito ang mga kamay niya at inilayo sa mukha nito. “Masakit ba?” tanong pa niya. “Of course,” walang emosyon nitong tugon. “Akala ko kasi may suot ka pa ring maskara.” Malapad siyang ngumiti. “Ibig mong sabihin, ganiyan na ang mukha mo, iyong totoong mukha?” Namilog ang kaniyang mga mata sa pananabik. “Yes, but don’t tell anyone about my face.” Paulit-ulit siyang tumango. “Pero bakit ayaw mong makita ng ibang tao ang mukha mo?” curious niyang tanong. Ibinalik din ni Dimitri ang maskara nito at tumayo. “Ayaw ko.” Sinundan niya ng tingin ang bawat galaw nito. Namamangha siya sa katawan nito, wari isang perpe
KUMALMA ang kaba ni Kira nang maging okay si Dimitri. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. May nainom itong gamot, pagkatapos ay nawala ang pangingig nito at bumalik din sa dati. Natatakot na siyang lapitan ito at hindi na niya kinausap. Bumalik na sila sa mansiyon kung kailan palubog na ang araw. Iniwan na siya roon ni Dimitri, ni walang paalam na umalis. “Kumusta ang honeymoon, Kira?” nasasabik na tanong ni Sonia. Sinalubong siya nito sa sala. “Ho?” Napaumang siya rito. “Ano ang mga ginawa ninyo ni Don Dimitri?” “Uhm, sumakay po kami sa maliit na parang eroplano, nakalimutan ko ang pangalan. Natakot nga po ako. ‘Tapos sumakay kami sa yate na mas malaki. Kumain kami, tapos ano…. nag-ano kami,” hinahapong kuwento niya. “Anong nag-ano?” “Iyong nag-ano, nag-sex!” Napalakas ang kaniyang tinig. “Ay! Dios mio!” Kinabig siya ng ginang sa kanang kamay at pumanhik sila sa hagdanan. Pagdating sa kaniyang kuwarto ay pinaupo siya nito sa gilid ng kama. “Ano, mabait naman ba sa ‘
PINUNTAHAN ni Dimitri si Manang Sonia sa hardin kung saan ito namimitas ng bunga ng kalamansi. He’s unaware of Kira’s hidden behavior since he’s not staying in the mansion for a whole day. She behaved when he was around, so he thought she was still a shy girl he had met since the first time she lived in his house. “Manang Sonia,” sambit niya nang makalapit sa ginang. Tumigil naman ito sa pamimitas ng kalamansi at pumihit paharap sa kaniya. “Bakit po, Don?” tanong nito. “I just want to talk about Kira. I noticed that seems she has still stuck in her younger version. I’m worried, baka hindi niya kayanin ang college life, especially when she’s living with me in my house.” Natigagal ang ginang, bakas sa mukha ang lungkot. “Kukunin n’yo na po si Kira?” “Yes, but I want her to learn more things about how to live without you and the other housemaids.” Lumamlam ang mga mata ng ginang hudyat na gusto nitong maiyak. “Bakit kailangan ilayo n’yo si Kira rito, Don? Puwede naman na ikaw ang t