KUMALMA ang kaba ni Kira nang maging okay si Dimitri. Hindi niya alam kung ano ang nangyari rito. May nainom itong gamot, pagkatapos ay nawala ang pangingig nito at bumalik din sa dati. Natatakot na siyang lapitan ito at hindi na niya kinausap.
Bumalik na sila sa mansiyon kung kailan palubog na ang araw. Iniwan na siya roon ni Dimitri, ni walang paalam na umalis.“Kumusta ang honeymoon, Kira?” nasasabik na tanong ni Sonia. Sinalubong siya nito sa sala.“Ho?” Napaumang siya rito.“Ano ang mga ginawa ninyo ni Don Dimitri?”“Uhm, sumakay po kami sa maliit na parang eroplano, nakalimutan ko ang pangalan. Natakot nga po ako. ‘Tapos sumakay kami sa yate na mas malaki. Kumain kami, tapos ano…. nag-ano kami,” hinahapong kuwento niya.“Anong nag-ano?”“Iyong nag-ano, nag-sex!” Napalakas ang kaniyang tinig.“Ay! Dios mio!”Kinabig siya ng ginang sa kanang kamay at pumanhik sila sa hagdanan. Pagdating sa kaniyang kuwarto ay pinaupo siya nito sa gilid ng kama.“Ano, mabait naman ba sa ‘yo si Don Dimitri? Nasaktan ka ba noong nag-sex kayo?” usisa nito.“Opo, sobrang sakit nga po pero masarap. Mabait naman po siya.” Ngumisi siya.“Ayun!” Napasuntok sa hangin ang ginang. “Eh, nakita mo na ang mukha niya?” pagkuwan ay tanong nito.“Opo!”“Ano ang hitsura niya? Sabihin mo dali!” Napapiksi pa ito sa kilig.Napalis ang kaniyang ngiti. “Sabi niya huwag ko raw sabihin kahit kanino kung ano ang hitsura niya. Basta po meron siyang mga mata, magaganda, matangos na ilong, at marami pala siyang maskara!”Animo sinakluban ng langit ang ginang at biglang nanilim ang mukha. “Wala ka talaga sa ayos kausap. Oh, ano pa ang nangyari?” Humalukipkip ito.“Tapos po noong kumakain kami, biglang nanginig si Dimitri.”“Ah, inatake siya.”“Inatake?” Matiim siyang tumitig sa ginang, naguguluhan.“Oo. Kasi nga may sakit siya.”“Sakit? Anong sakit po, Manang?”“Basta, sakit sa utak na epekto ng trauma noong bata siya. Siguro may nasabi ka sa kaniya na nag-trigger sa sakit niya.”“Wala naman po akong sinabing masama. Nag-usap lang naman po kami, eh.”“Ah, basta, mag-iingat ka kapag kausap mo si Don Dimitri. Huwag kang tanong nang tanong at daldal nang daldal. Ayaw niya ‘yon.”Humaba ang nguso niya. “Hindi ko maintindihan si Dimitri. At saka bakit gano’n? Hindi ngumingiti si Dimitri, parang palagi siyang malungkot.”“Huwag mo nang isipin ‘yon. Maligo ka dahil amoy mayonnaise ka. May gagawin lang ako.”Inamoy naman niya ang kaniyang sarili. Natapunan ng mayonnaise ang damit niya dahil sa pagkataranta noong manginig si Dimitri.Nang umalis si Manang Sonia ay pumasok na siya sa banyo at naligo.KINABUKASAN ay maagang ginising ng katok sa pinto si Kira. Masakit pa rin ang katawan niya kaya tinatamad siyang bumangon.“Kira! Gising na! Nariyan na si Don Dimitri!” sigaw ni Manang Sonia.Nang marinig ang pangalan ni Dimitri ay napilitan siyang bumangon. Nanghihinang lumapit siya sa pintuan at pinagbuksan ang ginang.“Saan naman po kami pupunta?” matamlay niyang tanong.“Hindi kayo aalis pero magbihis ka. Magsuot ka ng magarang damit at iyong sandals na binili ko na pula ang gamitin mo.”“Kung hindi kami aalis, ano ang gagawin namin?”“May kasamang magandang babae si Don Dimitri.”“Si Teacher Ally?”“Hindi. Iba siya, siguro siya ang magtuturo sa ‘yo ng magandang asal.”Umismid siya. “Bakit hindi lalaki? Gusto ko katulad ni Teacher Roy.”“Nako! Ayaw ko na magsalita. Basta magbihis ka na, ha? Bilisan mo!” Umalis din ang ginang pero daldal pa rin nang daldal. “Huwag mo kalimutang magsuot ng bra, ha?” paalala pa nito.Napangiwi siya. Hanggang sa edad niya na iyon ay pinapaalala pa rin ni Manang Sonia ang pagsusuot niya ng b*a. Ilang beses kasi siyang nakalilimot magsuot ng bra at nasanay siya na walang suot lalo kung sa loob lang naman ng kuwarto.Nagmadali na siya at naligo. Nagtataka pa rin siya bakit biglang pinalitan noon ni Dimitri ang teacher niya. Mas gusto niya si Roy kasi mabait, palangiti, pinasasaya siya.Pagkatapos maligo ay isinuot niya ang pulang dress na hanggang binti ang laylayan. Partner nito ay ang pulang sandals na hapit sa kaniyang mga paa, merong laso sa likod na ikakabit sa harapan, dumidikit. Mataas ang takong nito at hindi siya sanay.Inilugay lamang niya ang ga-baywang niyang buhok na aalon-alon. Manipis lang naman ito kaya mabilis matuyo. Nakaharap siya sa malaking salamin nang may kumatok sa pinto.“Kira!” si Manang Sonia.“Heto na po!” tugon niya. Kamuntik pa siyang matapilok nang tumakbo palabas ng kuwarto.“Dahan-dahan lang naman,” sita ng ginang.Sumunod siya rito pababa ng hagdanan. Natatanaw na niya mula roon si Dimitri at ang magandang babae na nakaupo sa sofa. Nakatuon ang paningin niya sa babae kaya nagkamali siya ng hakbang. Kung kailan malapit na siyang makaapak sa sahig ay saka naman siya natapilok.“Ay!” tili niya. Nahablot niya ang palda ni Manang Sonia at naisama pababa sa pagbagsak niya sa sahig.“Itlog mong pula!” bulalas ng ginang. Nahila naman nito kaagad ang palda pataas pero nakita na ang malaki at madilim nitong pang-upo. “Ano ka ba namang bata ka! Hinubaran mo pa ako! Nakita tuloy ng bisita ang makulimlim kong puwit!” palatak naman nito.“Sorry po, Manang,” aniya. Nahirapan siyang makatayo dahil namanhid ang kanang binti niya.Napatingala siya nang may aninong tumakip sa kaniya. Nakatayo na pala sa harapan niya si Dimitri at inaalok siya ng kanang kamay. Kumapit naman siya rito at humugot ng lakas sa kamay nito upang makatayo.Iika-ika siyang naglakad kasabay ni Dimitri. Inalalayan pa siya nitong makaupo sa tapat ng magandang babae na nakangiti, may salamin sa mga mata.“Hi, Kira!” kaswal na bati sa kaniya ng babae.“Hello po!” bati rin niya pero matabang na ngumiti.“I’m Jean, your psychiatrist,” pakilala ng babae.“P-Psy… ano po ‘yon?”“I’m a doktor, a therapist. Tutulungan kitang maka-recover sa mga struggles mo mentally. Mag-uusap lang naman tayo, then, you will answer some of my questions.”Titig na titig siya sa babae. “Mga tanong? Ibig mo bang sabihin ay may exam tayo? Pero wala pa naman kayong itinuturo sa akin, eh. Teka, bagong teacher po kita? Nasaan si Teacher Ally?” walang pakundangang tanong niya.Muling napangiti ang babae. “No, I’m not your teacher. Ah, paano ko ba ipapaliwanag sa ‘yo nang mas maintindihan mo?”Napatingin siya kay Dimitri na tahimik lang sa kaniyang tabi. Mamaya ay ginagap nito ang kaliwang kamay niya. Humarap ito sa kaniya.“She’s like Dr. Nate. Do you remember him?” ani Dimitri.Ilang sandali pa siyang nag-isip bago nakaalala. “Ah, siya ‘yong poging doktor na palaging may dalang chocolate sa akin? Iyong kakuwentuhan ko palagi?” nanlalaki ang mga matang saad niya.“Yes.”Mamaya rin ay napalis ang kaniyang ngiti. “Bakit pala hindi na bumalik si Dr. Nate?”“He’s busy with his regular job.”“Nami-miss ko na siya. Ang bait kaya niya, palaging nakangiti.”“Dr. Jean will make you happy, too.”“Hm! Baka katulad din siya ni Teacher Ally na nangungurot!”Hindi na kumibo si Dimitri.Nabaling naman ang tingin niya kay Dr. Jean na nakangiti pa rin. Napansin niya na hindi ito katulad ni Teacher Ally na palaging nakasimangot kaya tuloy ay nakasimangot din siya sa tuwing kaharap iyon.“Huwag mo akong kurutin, ah? Kukurutin din kita, hm!” sabi niya sa babae.Natawa ang doktor. “I can’t do that to my patient. Promise you will be comfortable with me,” anito.“Sige. Pero nagugutom ako, eh. Mamaya na tayo mag-usap, ha?” Tumayo na siya. Ngunit nang humakbang siya ay muli siyang natapilok.Maagap naman si Dimitri sa pagsalo sa kaniyang likod. Sa inis niya’y iniwaksi niya ang kaniyang kanang paa upang matanggal ang sandal.“Ano ba kasi ito! Kainis!” gigil na usal niya.Ayaw pa ring maalis ng sandal sa paa niya kaya nilakasan niya ang pagwasiwas hanggang sa natanggal. Kaso tumilapon ang sandal sa may tray na may lamang baso ng juice at pagkain na hawak ng kawaksi.“Hala siya! Kira naman!” sigaw ni Hally, ang kawaksi. Nabitawan nito ang tray at humilagpos sa sahig. Nabasag ang mga baso at nagkalat ang bubog.“Ay! Sorry po, Ate Hally! Lumipad kasi ang sandal ko,” aniya.Lalapit sana siya sa kawaksi ngunit pinigil siya ni Dimitri sa kaliwang braso. “Don’t go there, baka mabubog ka,” sabi nito.Lumingon siya kay Dimitri. “Tutulungan ko si Ate Hally, kawawa naman.”“Hayaan mo siyang maglinis. But next time, be careful.”Nakangusong umiwas siya kay Dimitri. Inalis na rin niya ang naiwang sandal sa isang paa niya at nakapaang nagtungo sa kusina. Hindi siya maaring magutom, naninilim ang kaniyang paningin at nawawalan ng kontrol sa kaniyang galaw.“Kakain na ako, Ate Kulanga!” sabi niya sa tagaluto nila.“Hay! Tigilan mo nga ang kakatawag sa akin ng ganyan! Kulasa ang pangalan ko, ineng! Ginagaya mo naman si Kuya Efren na pilyo!” nakasimangot nitong sabi. Nagpiprito ito ng itlog.“Sige na nga! Arte mo!” Inirapan pa niya ito. Sumilip siya sa kawali kung saan nagpiprito ng itlog si Kulasa. “Itlog na naman? Baka magmuka na akong itlog, Ate,” reklamo niya.“Dati naman gusto mo ng itlog. Ano ba ang gusto mong almusal, ha?”“Iyong hotdog na may lumalabas na puti kapag kinagat. Cheese ‘yon, ano?”“Ah, cheesedog. Aba! Nag-level-up ka na, ah!”Natutuwa siya sa dilaw ng itlog sa piniprito ni Kulasa. Natukso siyang tusukin ito ng tinidor kaso naunahan siya nitong binunburan ng asin ang itlog. Nasagi niya ang kamay nito at nagulat.“Anak ka talaga ng putik, oo!” angil nito nang mabuhos ang asin sa itlog dahil natanggal ang takip ng lalagyan. “Ayan! Napuno na ng asin!” Akmang kukurutin siya nito sa singit ngunit mabilis siyang nakalayo.Napakagat-labi siya dahil may kasalanan na naman. “Huwag ka magalit, Ate. Ang cute-cute nga ng egg,” sabi pa niya.“Ano’ng cute ka riyan? Mag-uulam ka ngayon ng asin na may konting itlog! Batang ‘to talaga! Piktusan kita sa lapay, eh!” Inambahan siya nito ng santok.Pumasok na sa kusina si Dimitri. “What happened? Bakit ang ingay n’yo?” tanong nito.Umupo sa silya si Kira at hindi kumibo, nagbait-baitan upang hindi mapagalitan.“Nako, Don, pasensiya na. Itong si Kira kasi sobrang kulit na naman,” sumbong ni Kulasa.Binalingan naman siya ni Dimitri. “Kira, kung hindi ka titino, hindi ka mag-aaral ng college,” sabi nito.Napasimangot siya rito. “Wala naman po akong ginagawang masama,” katwiran niya.“But your carelessness was a disaster to others. Be careful with your actions. Hindi ka na bata para palaging nasisita!”Bahagya siyang napayuko at hindi na umimik. Nakikinig lang siya sa sinasabi ni Dimitri kay Kulasa.“Don’t tolerate Kira. Kaya lalong tumitigas ang ulo niyan dahil bini-baby n’yo. Tratuhin niyo siya ayon sa edad niya, hindi sa kapasidad ng utak niya. Mas makatulong kung sanayin siya sa advance na pag-iisip,” sermon ni Dimitri kay Kulasa.“Eh, sinasaway ko naman siya, Don. Nasanay kasi siya kay Ate Sonia na parang bata kung ituring. Palibhasa walang anak si Ate Sonia kaya nabuhos kay Kira ang atensiyon niya. Itinuring na rin niyang anak si Kira.”“I got it. I’ll talk to Manang Sonia. Pero huwag na ninyong kunsintihin si Kira. One of these days, she will live with me. At ayaw ko ng makalat sa bahay at maingay.”“Opo, Don. Pasensiya na po.”“Sige na. Pakainin n’yo na ‘yan nang kumalma.”Hinabol ng tingin ni Kira si Dimitri na palabas ng kusina. First time niya itong nakitang nagagalit at hindi pala magandang pakinggan ang sinasabi nito. Wari nanliit siya lalo sa kaniyang sarili at napatanong sa kawalan. Ganoon na ba kababaw ang utak niya?PINUNTAHAN ni Dimitri si Manang Sonia sa hardin kung saan ito namimitas ng bunga ng kalamansi. He’s unaware of Kira’s hidden behavior since he’s not staying in the mansion for a whole day. She behaved when he was around, so he thought she was still a shy girl he had met since the first time she lived in his house. “Manang Sonia,” sambit niya nang makalapit sa ginang. Tumigil naman ito sa pamimitas ng kalamansi at pumihit paharap sa kaniya. “Bakit po, Don?” tanong nito. “I just want to talk about Kira. I noticed that seems she has still stuck in her younger version. I’m worried, baka hindi niya kayanin ang college life, especially when she’s living with me in my house.” Natigagal ang ginang, bakas sa mukha ang lungkot. “Kukunin n’yo na po si Kira?” “Yes, but I want her to learn more things about how to live without you and the other housemaids.” Lumamlam ang mga mata ng ginang hudyat na gusto nitong maiyak. “Bakit kailangan ilayo n’yo si Kira rito, Don? Puwede naman na ikaw ang t
HINIGPITAN pa ni Kira ang kapit sa paa ni Dimitri hanggang sa mahila siya nito palabas ng kama. Nang marinig kasi niya ang boses ni Dimitri ay nataranta siya at nagtago sa ilalim ng kama. “What are you doing there, Kira? Are you crazy?” galit nang asik sa kaniya ni Dimitri. Umupo naman siya sa sahig at tumingala kay Dimitri. Nagulo na ang buhok niya. “Naglalaro kasi ako ng tagu-taguan,” nakangising tugon niya. “It’s not funny. Get up! Ayusin mo ang sarili mo,” sabi nito saka siya tinalikuran. Tumayo siya at inayos ang kaniyang buhok. “Bakit bumalik ka? Kukunin mo na ba ako?” nakasimangot na tanong niya. Hinarap siya nitong muli. “No. May titingnan lang ako sa drawing mo.” Walang kurap siyang tumitig kay Dimitri. Dati naman ay wala itong pakialam sa drawing niya. “Ano ang titingnan mo?” “Where’s you drawing book? May pinakita ka sa akin noon na mukha ng lalaki.” “Ah, sandali.” Kinuha naman niya ang kaniyang drawing book sa drawer ng lamesa. Hindi na niya maalala kung aling dra
NAKALABAS na ng kusina si Kira nang mahimasmasan siya. Saka lamang niya napansin na si Dimitri pala ang humila sa kaniya. Nakatayo na ito sa harapan niya. “You’re such a disaster, Kira! Kamuntik mo pang masunog itong bahay!” nanggagalaiting sabi nito sa kaniya. Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito dahil sa maskara ay nai-imagine niya ang galit nitong mga mata. Tumaas din ang tinig nito kaya wari siyang ginapos at hindi makakilos. Nakatitig lamang siya rito. Dahil wala siyang kibo, iniwan siya nito at pinagalitan ang mga kawaksi. Lumuklok siya sa sofa at nakikinig sa mga sinasabi ni Dimitri kay Manang Sonia. “Sino ba ang dapat kong sisihin bakit limitado lang ang alam ni Kira? Ipinagkatiwala ko siya sa inyo hindi para lang alagaan kundi turuang kumilos nang maayos. I didn’t expect this to happen. Akala ko okay na kaya pinakasalan ko siya. Bakit walang nagsabi sa akin ng mga problema, ha?” nakataas ng boses na sermon ni Dimitri sa mga kawaksi. “Gusto ko namang magkuwento sa inyo
NAPAWI ang lungkot ni Kira paggising niya. Napasarap ang tulog niya sa biyahe at namulat na naroon na siya sa bahay ni Dimitri. Hindi niya namalayan na binuhat siya nito at dinala sa isang napakalaking kuwarto at magara. Nagising lamang siya na nakahiga sa kama. Mas malaki ang kama niya roon, mataas. Excited siyang bumangon at sumilip sa bintanang malaki at makapal na salamin. Mula roon ay natatanaw ang hardin na merong malaking swimming pool. Mayroon din niyon sa mansiyon pero maliit at walang tubig dahil sira. Kaya naman ay hindi siya natutong lumangoy. Napatakbo siya palabas ng kuwarto ngunit hindi niya alam kung saan siya bababa. Napalingon siya sa gawing kaliwa kung saan niya narinig ang pagsara ng pinto. Lumabas mula roon si Dimitri, walang suot na maskara at tanging itim na pantalon ang suot. “Where are you going?” tanong nito. “Uh…. gusto kong pumunta sa swimming pool,” tugon niya. “Later. Ayusin mo muna ang gamit mo.” “Huh? Saang gamit?” “Nasa baba. Kukunin ko.” Naglak
ANG daming magagandang damit at gustong bilhin lahat ni Kira. May anim na pares siya ng damit pantulog, tatlong dress, anim na pants, at bagong underwear. May dalawang pares ng sandals din siyang napili. Nang magbayad na sila, hiningan siya ni Manang Sonia ng sampung libo. Nagbilang siya ng sampung pera at ibinigay rito. Pagdating naman sa grocery store ay nalibang din siya sa pamimili ng mga pagkain. Si Manang Sonia ang namili ng pinabibili ni Dimitri dahil hindi niya alam ang iba. Halos lahat ng klase ng prutas ay kumuha siya, mga gulay. Dalawang malaking lalagyang may gulong ang napuno nila. Tinawag itong cart ni Manang Sonia. Nang bayaran na ay hiningan siya nito ng twenty na pera. “Eh, sampu na lang po ang nandito,” sabi niya. “Nako! Patay tayo nito. Kulang ang pera mo!” sabi nito. “Sabi ni Dimitri kung kulang ang pera ko ay hihingi ako sa ‘yo.” “Kulang pa rin, ineng. Kung ang pinamili mo lang ang babayaran natin, wala na akong pambayad sa pinamili ko. Paano naman ang kakain
DIMITRI can’t focus his mind on cooking. He discovered shocking facts about Kira. Marami pa talaga siyang dapat tuklasin sa kaniyang asawa. And it makes sense now why Dr. Nate suddenly dropped his part-time job to help Kira from recovering. Magkaedad lang sila ni Dr. Nate, at classmate niya ito noong elementary pero may asawa na ito. Hindi niya inaasahan ang sanabi ni Kira tungkol kay Nate. At hindi na rin siya magtataka dahil nahuli rin ng isang bodyguard ni Kira noon si Roy na hinihipuan sa hita ang babae habang tinuturuan nitong magsulat. Doon siya lalong nagalit at nagsimulang pinaimbestigahan si Roy. He realized that it was not just him who noticed Kira’s seductive sex appeal. Despite Kira’s innocent mind, she was unaware that her beauty was a temptation for men. Aminado rin siya na si Kira ang kaun-unahang nagsampal sa kaniya ng katotohanan na puwede pala siyang maging uhaw sa pagnan*sa. Isa rin sa dahilan bakit ayaw niyang makita madalas si Kira, lalo na noong nagdalaga ito,
MAG-ISA na lang sa kama si Kira nang magising siya kinabukasan. Umaga na at tumagos ang sikat ng araw sa salaming bintana. May kurtina naman pero may nakalusot pa ring liwanag. Tumayo siya at nag-unat ng kasukasuan. Hinawi niya ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita na naman niya ang swimming pool. Mabilisan siyang nagbanyo, naghilamos, naglinis ng katawan. Pagkatapos ay tamakbo siya palabas ng kuwarto. Dumaan siya sa kuwarto ni Dimitri kaso naka-lock ang pinto. Humugot siya ng lakas ng loob upang makababa ng hagdan. Inalis pa niya ang sapin sa mga paa bago humakbang sa bawat baitang ng hagdan. Napatili siya sa tuwa nang ligtas siyang makababa sa sala. Dumiretso na siya sa kusina upang magluto. Di-pindot lahat ng gamit pero ang kalan lang ang tinutukan niyang inaral. Naturuan na siya ni Dimitri kung paano ito gamitin. Mas mainam ito dahil walang lumalabas na apoy at umiinit lang ang malapad na bakal sa itaas. Ipapatong lang dito ang kawali at puwede na magluto. Nagprito siya ng ap
HINDI mapakali si Kira habang nililibot nila ni Janice ang malawak na pasilidad kung saan ginagawa ang mga gadgets. Ang dami palang tao roon, mga nakasuot ng puting damit mula ulo hanggang paa, may salamin sa mga mata na malalaki, may nakabalot din sa ulo na puting tela. Nanood siya kung paano binubuo ang cellphone kaso hindi siya puwedeng lumapit sa gumagawa. Hindi rin maaring kausapin ang mga ito. Pumasok naman sila sa isang malaki ring pasilidad kung saan makikita ang mga natapos ng gadget. “Wow! Ang daming cellphone!” napalakas niyang sabi. Napatingin sa kaniya ang mga abalang empleyado. Tinawag naman ni Janice ang atensiyon ng mga empleyado na karamihan ay katulad ng damit ni Janice ang suot. “For your awareness, guys. Please meet Kira Guicini. Asawa siya ni Don Dimitri, kaya once nakita niyo siya rito, asikasuhin ninyo at igalang,” sabi ni Janice sa mga tao. Nawindang si Kira nang luminya sa harapan niya ang mga tao at panabay na bumati. Nagtataka siya bakit hindi iyon gina