Share

Chapter 6

PINUNTAHAN ni Dimitri si Manang Sonia sa hardin kung saan ito namimitas ng bunga ng kalamansi. He’s unaware of Kira’s hidden behavior since he’s not staying in the mansion for a whole day. She behaved when he was around, so he thought she was still a shy girl he had met since the first time she lived in his house.

“Manang Sonia,” sambit niya nang makalapit sa ginang.

Tumigil naman ito sa pamimitas ng kalamansi at pumihit paharap sa kaniya. “Bakit po, Don?” tanong nito.

“I just want to talk about Kira. I noticed that seems she has still stuck in her younger version. I’m worried, baka hindi niya kayanin ang college life, especially when she’s living with me in my house.”

Natigagal ang ginang, bakas sa mukha ang lungkot. “Kukunin n’yo na po si Kira?”

“Yes, but I want her to learn more things about how to live without you and the other housemaids.”

Lumamlam ang mga mata ng ginang hudyat na gusto nitong maiyak. “Bakit kailangan ilayo n’yo si Kira rito, Don? Puwede naman na ikaw ang tumira rito.”

He heaved a heavy sigh. “This house reminds me of my parents’ memories, Manang. Kaya hindi ko kayang magtagal dito sa bahay ng parents ko,” aniya.

Simula noong namatay ang parents niya ay ayaw na niyang umuwi ng bahay nila na iyon. Naaalala lamang kasi niya ang masasayang araw na kapiling niya ang mga ito. Tila kahapon lang ang naganap noong nasaksihan niya mismo kung paanong namatay ang mga magulang niya, noong pinaulanan ng bala ang kotse kung saan nakasakay ang mga ito.

Hinatid siya ng mga ito noong umaga sa school. Saktong pagbaba niya ng kotse at papasok sa gate ng school, may puting kotse na huminto sa harapan ng kotse ng kaniyang mga magulang. Kitang-kita niya ang lalaking dumungaw sa bintana at naglabas ng mahabang baril, niratratan ng bala ang kotse ng mga magulang niya.

The hitman’s face has been painted in his mind, yet, he still can’t find him. He carried that trauma for almost two decades and decided not to do the process to erase some of his memories, like what the doctors did to Kira. Ayaw kasi niyang makalimutan ang mukha ng hitman na pumatay sa kaniyang mga magulang.

Naniniwala siya na once nahuli niya ang taong iyon, mahuhuli rin niya ang mastermind. Kaya tiniis niya ang trauma kahit pabigla-bigla siyang inaatake. May maintenance siyang gamot upang kumalma ang kaniyang sistema sa tuwing inaatake ng trauma.

Some memories, familiar words, scenes, or even music and stuff could trigger his trauma. He also had regular psychiatric therapy. Kaya umiiwas siyang makihalubilo sa ibang tao at makipag-usap nang matagal. Kung bibisita siya sa mansiyon, hindi siya nagtatagal.

“Pasensiya ka na, Don. Napamahal na kasi sa akin si Kira at anak na rin ang turing ko sa kaniya. Baka puwedeng huwag n’yo muna siyang kunin,” samo ng ginang.

“I don’t want to, Manang, but Kira needs to embrace maturity. Kaya ko siya pinakasalan ay upang legal na mapupunta siya sa costudy ko, not as an adopted but as my wife. It’s my way to protect her. Nakilala na siya ng kalaban ng tatay niya dahil sa spy na nakapasok dito noon at nagpanggap na guro.”

“S-Sino hong spy?”

“Si Roy, ang dating teacher ni Kira.”

Napamulagat ng mga mata ang ginang at natutop ng kanang palad ang bibig. “Kaya mo ba pinalitan si Teacher Roy dahil doon?” untag nito.

“Yes, and he took advantage of Kira’s weakness. So he got more details about Kira. Ang inaalala ko ay maaring alam na rin ng boss ni Roy na nasa puder ko si Kira. Tiyak na hindi siya titigil hanggat hindi nakukuha si Kira.”

“Diyos ko! Akala ko ang bait ni Roy. Gustong-gusto pa naman siya ni Kira at iniyakan noong pinaalis mo. Eh, ano po ang ginawa n’yo kay Roy?”

“I killed him,” walang gatol niyang tugon.

Natigagal ang ginang. “Hay! Mahabagin!” Napa-sign of the cross ito. “Grabe naman pala ang nangyari. Akala ko naman matino si Roy.”

“It’s hard to trust people nowadays, Manang. I have had worse trust issues since my parents died. Kahit kasi kilala mong tao ay maari kang pagtaksilan.”

“Hindi ako makapaniwala na ganoon pala si Roy. Sobrang amo niya kung kaharap si Kira.”

“You forgot that an evil once an angel. They can pretend as good to get people’s trust and sympathy and to do their evil plan,” he said.

Umalon ang dibdib ng ginang. “Pero huwag n’yo po munang kunin si Kita. Hindi pa ako handang malayo sa kaniya.”

“I’ll give you one month to train Kira to cook her food and everything she can’t do alone. Magkakasama pa rin naman kayo kung kinakailangan.”

“Sige po. Ako na lang ang mag-a-adjust.”

“And, Manang, please stop treating Kira like a kid. Lalo kasing tumitigas ang ulo niya at makulit.”

“Opo. Ako na ang bahala.”

Iniwan na niya ang ginang at binalikan si Kira sa kusina. Kumakain na ito at may kasamang laro. Pinipisil nito ang hotdog kaya lumalabas ang cheese. Tumayo lamang siya sa bukana ng pintuan at humalukipkip, lihim na pinagmamasdan ang kaniyang asawa. Kinakausap din nito ang pobreng hotdog. She’s really weird.

“Hotdog ka lang, si Kira ako! Kakainin na kita, Ahhhm…. uhm! Yum!” sabi nito. Nang makalahati ang hotdog ay binudburan nito iyon ng maraming ketchup. Muli sana nito iyong isusubo ngunit nahagip siya ng paningin nito. “May tao!” bulalas nito, nanginig ang kamay kaya nabitawan ang hotdog.

Tuluyan na siyang pumasok. Hinila niya ang silya sa tapat nito at lumuklok. “Stop eating like that, Kira,” saway niya rito.

Hinawakan naman nito ang tinidor at tinusok ang hotdog. Pagkuwan ay dinila-dilaan nito ang pagkain at sinaid ang ketchup. This woman was a disaster. Since he openly saw Kira, his daily routine gradually changed, even how he thought. Kira’s seductive eyes and kissable lips were a temptation he didn’t expect to lower his defense against women.

“Stop that, please,” he said.

Isinubo nito nang buo ang natitirang hotdog at may naiwang ketchup sa gilid ng labi nito na kaagad namang pinasadahan ng dila. Napalunok siya nang wari nanunuyot ang kaniyang lalamunan.

“Bakit ba pinipigilan mo akong kumain? Gutom ‘yong tao, eh,” angal nito.

“You’re not eating formally, Kira. You’re playing like a kid. That’s not appropriate for your age. You must act like a lady.”

“Ano pala ang gagawin ko?”

“Magha-hire ako ng tutor upang turuan ka ng tamang pag-uugali. And from now on, Manang Sonia will teach you how to do house works. Wala nang magluluto sa pagkain mo.”

Bigla itong tumigil kumain kahit konti na lang ang kanin at napasimangot.

“Ang bad mo!” asik nito. Tumayo ito at iniwan siya. Nilagpasan lang nito si Manang Sonia na kapapasok.

“Kira? Bakit?” taong ng ginang. Hindi nito napigil si Kira kaya tumuloy na lamang sa paglapit sa kaniya. “Ano po ang nangyari?” usisa nito Inilapag nito ang basket na may kalamansi sa lamesa.

“I just told her about my decision.”

“Baka naman po pinagalitan n’yo. Mabilis magtampo si Kira. Hindi siya dapat nasisigawan.”

“Hindi puwedeng palaging gano’n, Manang. Masasanay siya na inaamo palagi.”

“Alam ko po, kaso hindi maganda ang nangyayari kapag napapagalitan siya. Hindi siya kumakain at nagkukulong lang sa kuwarto, ginugupit ang buhok niya. Minsan pa nga ay nilalaslas niya ng blade ang buhok niya.”

He was surprised. Dr. Nate didn’t tell him about Kira’s odd condition. He thought it was just a side effect of the process and to temporarily delete Kira's memories.

“How open she do that?” usisa niya.

“Madalas po lalo kung masama ang loob niya. Kaya natatakot akong pagalitan si Kira.”

“Tell me more about Kira, about her likes and dislikes.”

“Ano, ayaw niya sa madilim, natatakot siya. Sa tuwing may naririnig siyang sumisigaw, natataranta siya. Napaka-sensitive rin ng pandinig niya kaya kapag tulog siya, iniiwasan naming mag-ingay. Once kasi naabala siya sa pagtulog nang alanganing oras, hindi na siya nakakatulog ulit at inaatake ng insomnia”

“Ano ang payo ni Dr. Nate kay Kira noon?”

“Bawal daw ma-stress si Kira at malungkot nang sobra. At saka minsan kung gustong maglambing ni Kira, dapat hayaan natin siya. Mahilig sa pusa si Kira, at ayaw niya makakita ng pusa na sinasaktan. Nangyari noon ‘yong pinalo ko ang pusa niya, gusto niya akong saksakin ng kutsilyo. Nagiging bayolente siya kapag nasasaktan ang damdamin,” kuwento ng ginang.

Tinandaan niya ang mga sinabi ng ginang. Nang makuntento sa sinabi nito ay tumayo na siya. Nag-vibrate kasi ang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pants.

“Thank you, Manang. Aalis na ako. Maiiwan dito si Dr. Jean para kausapin si Kira mamaya. Paki-assist na lang siya,” paalam niya.

“Sige po.”

Nang lulan na siya ng kotse sa backseat ay saka lamang niya sinagot ang tawag mula sa local headquarter ng Cosa El Gamma.

“Guicini speaking,” he said.

“If you have time, visit the headquarter now. We have news about the hitman you are searching for,” sabi ng caller. Hindi siya pamilyar sa tinig nito.

“I’m coming.” Pinutol kaagad niya ang linya. “Sa CEG headqaurter,” utos niya sa driver.

“Yes, sir!”

Ipinagliban muna niya ang paperwork at mas mahalaga ang balita ng CEG member. Dahil dumarami na silang may dugong pinoy na miyembro ng CEG, nagpatayo na sila ng headquarter sa Metro Manila, sa Pasay City malapit sa dagat. Nag-ambag lahat ng miyembro upang makabili ng property at mapagawa ang building.

Pagdating sa headquarter ay tahimik, tanging security personnel ang naroon sa malawak na lobby. The building had designed like a luxurious hotel, but it’s not visible outside because of the high-rise full-metal barrier around the five-story building.

Malayo pa ang lalakbayin bago marating ang mismong building. Minsan lamang siya bumibisita roon sa tuwing merong meeting ang mga miyembro. Anim silang mafia leader na bumubuo sa local group, at may kaniya-kaniya silang nasasakupan. He was known as the mafia boss of the Black Tiger Organization, founded by his late father.

He went straight to the office where Duke was waiting for him. Duke was the youngest member of the CEG, yet the most dangerous mafia boss. At sixteen, he became the leader since his grandfather died. He’s currently twenty-six years old. This guy killed his enemies like poor zombies. He’s a king of cruelty.

“So, the stony-hearted guy arrived,” Duke said as he approached the workplace where he sat and his feet over the table.

“You called me,” he said emotionless. Hinila niya ang silya mula sa gilid ng lamesa at umupo sa tapat ni Duke. May hinihithit itong itim na sigarilyo.

“Yes, and I hope I didn’t disturb your honeymoon with your naive wife.” Ibinaba nito ang mga paa at umayos ng upo.

“I had my honeymoon yesterday.”

“Seriously? In just one day? Boring, dude!” He caustically laughed.

“Tell me the news. I don’t want to waste my time listening to your annoying laugh,” napipikong sabi niya.

“Easy. I didn’t mean to make fun of you.” May dinukot ito mula sa drawer, isang malaking larawan at pinakita sa kaniya. “Is this the guy you were looking for?” pagkuwan ay tanong nito.

Kinuha niya ang larawan at tinitigan. May edad na ang mukha ng lalaki sa picture pero malayo ito sa lalaking bumaril sa parents niya. Pero pamilyar ito sa kaniya. Inisip pa niya kung saan niya ito nakita. And he thought about Kira, who was good at making human portraits.

“No, it’s not the guy I am searching for," he said, and took a deep breath. "Where did you get this picture?” Ibinalik niya ang tingin kay Duke.

“My spy met that man who participated in the annual auction party of the famous mafia lord in Sicily, and he might also have businesses here since his father was a Filipino. And this guy knew your father.”

“Any details, his name?”

“Simion Albano.”

Tinandaan niya ang pangalan at hiningi ang picture kay Duke. “I need to go,” paalam niya.

Hindi naman siya pinigilan ni Duke at binigyan pa siya ng chocolate bars para umano sa asawa niya.

He rushed back to the mansion to see Kira. Ngunit pagpasok niya sa kuwarto nito ay magulo, maingay. Nagpatugtog nang pagkalakas-lakas na music si Kira. Pinahinaan niya ang music player nito.

“Kira?” tawag niya. Wala ito sa banyo, wala rin sa study room.

Lumapit siya sa kama na wari dinaanan ng bagyo. Mamaya ay may kamay na humawak sa kanang binti niya.

“Sh*t!” he cursed and twitched as nervousness suddenly struck him.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rona Rosel
Masusubukan ang pasensya ni dimitri kay kira haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status