“L-LUTHER?” bigkas ni Kira nang maselayan ang mukha ng lalaki na nagtanggal ng maskara. Kumurap-kurap pa siya sa akalang nagmamalikmata lamang siya. Pero hindi, totoong si Luther ang kaniyang kaharap. Lumuklok ito sa bandang paanan ng kama. “I’m sorry, I need to do this to save you,” sabi nito. “I-Ikaw ang kumuha sa akin sa school?” gilalas niyang tanong. “Yes, pero inutusan ako ng dad ko. Kaso may natuklasan ako kaya nagdesisyon ako na kunin ka ulit sa tauhan niya.” “A-Anong natuklasan?” Tuluyang kumalma ang kaniyang sistema. Bahagyang napayuko si Luther at nanilim ang anyo. Bakas sa imahe nito ang lungkot at sakit. Hanggang sa naselayan niya ang butil-butil nitong luha na lumaya mula sa mga mata nito. “I've been fooled in my entire life,” gumaralgal ang tinig na usal nito. Bumigat ang pakiramdam niya sa dibdib habang naktitig kay Luther. Ramdam niya ang sakit na nababakas sa tinig nito. “A-Anong nangyari?” tanong niya. Nabasag ang kaniyang tinig dahil sa nagbabadyang mabiga
DAHIL namo-monitor ni Simion ang kilos niya, hindi ginamit ni Dimitri ang kaniyang cellphone. Iniwan lang niya ito sa bahay at bagong cellphone ang kaniyang ginamit. Upang matiyak na hindi mapurnada ang plano, uunahin nilang tatapusin si Simion. Wala siyang tiwala na kaya itong patayin ni Luther. Pinagtapat na rin niya kay Sonia ang totoo tungkol kay Luther. Nagmakaawa ito sa kaniya na huwag niyang patayin ang anak nito. Hindi masasaktan si Luther kung maayos itong maki-cooperate sa kanila. Kahit apat na oras lang ang naitulog niya, aktibo pa rin siya sa pagpaplano sa pagsugod sa teritoryo ni Simion. Katuwang naman niya ang mafia leaders ng Cosa El Gamma local branch. At sa tulong din ni Chase ay nakakuha sila ng sapat na impormasyon, natantiya kung gaano kalakas ang kalaban. Nasa opisina siya ng CEG nang tawagan niya ang cellular number ni Luther, na binigay ni Leoford. Tanghali na kaya tiyak na masasagot na nito ang tawag. “Hello!” ani Luther sa kabilang linya. “It’s me, si Dim
HALOS kasabay lang dumating nila Dimitri ang grupo ni Simion sa location ni Luther. And they didn’t expect that Simion would notice them. Ayaw papasukin ng tauhan ni Luther ang mga ito sa gate kaya nagkagulo. Naunang nagpaputok ng baril ang panig ni Simion. Sinundo pa ng piloto nila ang ibang backup nila kaya nakiisa muna sila sa tauhan ni Luther upang mapigil ang tauhan ni Simion na makapasok nang tuluyan sa main gate. Malawak ang lupain at napaligiran ng bundok at ilog kaya malayo sa bayan. Mataas din ang pader nito at hindi basta mapapasok. Inaalala niya si Kira kaya nauna na siyang pumasok sa gusali. Doon ay sinalubong siya ni Luther. “Where’s Kira?” tanong niya rito. “She’s in the room. But before you go there, give me the key first,” ani Luther. “Ihatid mo muna ako kay Kira.” Tumalima naman si Luther. Sinamahan siya nito sa second floor at pinuntahan ang kuwarto kung nasaan si Kira. May susi ito ng kuwarto kaya nito nabuksan. Nauna siyang pumasok at namataan niya si Kira n
PAGDATING ng bahay ay si Misty kaagad ang hinanap ni Kira. Na-miss din siya nito kaya malayo pa lang ay umingay na ito. Nang yakapin niya ay mahihgpit din ang kapit nito sa kaniyang balikat. Sinalubong din siya ng dalawang ginang at niyakap. “Salamat sa Diyos at hindi ka nasaktan, Kira,” humihikbing wika ni Sonia. Naiyak na rin si Kulasa. “Hindi naman po. Tinulungan naman ako ni Luther para hindi ako masaktan,” aniya. “Eh, si Luther, nasaan na siya? Nasaan ang anak ko?” balisang saad ng si Sonia. Hindi siya kumibo. Mabuti lumapit si Dimitri at ito na ang kumausap kay Sonia. “Ligtas si Luther, Manang. Huwag kayong mag-alala. Pupunta rin siya rito para sunduin kayo once naayos na niya ang problema sa company,” sabi ni Dimitri. “Diyos ko! Salamat talaga!” napaiyak na namang usal ng ginang. Napayakap pa ito kay Dimitri. “Salamat din at hindi mo sinaktan ang anak ko, Don. Sobrang saya ko.” Lumayo rin ito kay Dimitri. “Biktima rin po ang anak n’yo kaya hindi ko siya masisi. Pareho k
SEVEN months later.Hindi umabot sa due date ang panganganak ni Kira. Mabuti madaling araw humilab ang kaniyang tiyan at kasama niya si Dimitri. Naalimpungatan pa ito nang kagatin niya sa braso dahil hindi nagising ng kalabit niya.Pagdating sa ospital ay hindi na nakapaghintay ang baby niya sa paglabas. Kahihiga lang niya sa kama ay lumabas na ito. Nakaabang naman ang doktor at kaagad inasikaso ang kaniyang anak. Konting iri lang ang ginawa niya dahil lumuwa na ang ulo ng kaniyang anak.“Excited si Baby lumabas, ah,” sabi ng doktor nang matagumpay na mailabas ang kaniyang anak.Nanghihinang nagmulat siya ng mga mata. Naroon na si Dimitri at karga na ang kaniyang anak na lalaki. Hindi nga nagkamali ang doktor na lalaki ang anak nila. Katunayan ay nabigyan na ito ng pangalan ni Dimitri.“Welcome to the world, Baby Drake!” bati ni Dimitri sa kanilang anak.Hindi naman siya tumutol sa napili nitong pangalan ng anak nila dahil gustong-gusto rin niya ito. Excited na siyang mahawakan ang kan
MAGKASUNOD na putok ng baril ang umugong sa tainga ng dose anyos na ni Kira. Bumungad sa kaniya ang armadong kalalakihan na pinauulanan ng bala ang nakaluhod sa sahig niyang mga magulang.Bumuka ang kaniyang bibig sa kagustuhang sumigaw, ngunit walang tinig na lumaya. Nabaling sa kaniya ang atensiyon ng armadong kalalakihan at tinutukan siya ng baril. Sa kabila ng banta ng kamatayan, ang kaniyang mga mata’y nakatutok pa rin sa nakahandusay na katawan ng kaniyang mga magulang, wala nang buhay at naliligo sa maraming dugo.Tanging mga butil ng luha ang gumagalaw sa kaniyang pisngi, dumaloy mula sa malamlam niyang mga mata. Binalot ng walang kawangis na kirot ang kaniyang puso, wari kinukuyumos at hindi na siya makahinga.“Hulihin ang bata!” utos ng isang lalaki sa mga kasama nito.Tila may kung anong bumulong sa kaniyang tainga at inutusan siyang tumakbo. Mabilis siyang tumakbo sa direksiyong hindi niya alam kung saan patungo. Pumanhik siya sa hagdanan, pumasok sa isang makitid na lugar
DIMITRI punched the table in front of him as he heard the bad news from Owen.“Where’s Kira?” he asked Owen. His teeth were gritted in anger.“There are guys who kidnapped her, boss,” Owen replied from the other line.He just arrived at his office exactly when Owen called. Pero sa halip na magalit sa assistant, kinuha niya ang kaniyang laptop at binuksan.“Listen to me carefully, Owen. Patigilin mo ang mga bodyguard sa paghahanap kay Kira. Tell them not to panic. I had an idea who was responsible for Kira’s abduction,” he said.“Copy, boss. Pero ano po ang gagawin namin? Hindi puwedeng magtagal si Ma’am Kira sa kamay ng mga kidnapper. Baka magising ang trauma niya.”“I will activate the tracking device on Kira’s necklace. Once I get the location, puntahan n’yo. Pero huwag muna kayong susugod sa mga kidnapper. Alamin n’yo ang sitwasyon, sabihin sa akin ang hitsura nila. Then, I’ll go there. Is it clear?”“Clear, boss.”“Hold your line. I’m working on the tracking device.” Binuksan na n
“IKAW pala, Don Dimitri,” wika ni Kira. Matabang siyang ngumiti rito.Humakbang palapit sa kaniya ang ginoo kaya siya’y napaatras. Huminto naman ito may dalawang dangkal ang pagitan sa kaniya.“Please call me in my name,” anito.“Ho?” Walang kurap siyang tumitig sa may maskara nitong mukha.“Call me Dimitri, and remove the Don. It’s not appropriate for you to call me that.”Napanganga siya. Wala siya masyadong alam sa wikang ginagamit nito pero may naiintindihan naman siya konti. Nakapag-aral siya sa bahay lang pero sadyang hirap siyang matuto minsan. Mas gusto niya iyong kusa siyang mag-aral, magbasa ng libro.“S-Sige, Dimitri na lang,” naiilang niyang sabi.“I’m glad the kidnapper didn’t hurt you.”Kumislot siya nang hinawakan siya nito sa kanang braso. May marka ng lubid sa kaniyang kamay.“Masakit ba ito?” tanong nito habang tinititigan ang kamay niya.“H-Hindi naman masyado.”“Good. Take a rest and take your medicine on time. I’ll be right back tomorrow morning.”Tumango lang siy