Share

Chapter 3

“IKAW pala, Don Dimitri,” wika ni Kira. Matabang siyang ngumiti rito.

Humakbang palapit sa kaniya ang ginoo kaya siya’y napaatras. Huminto naman ito may dalawang dangkal ang pagitan sa kaniya.

“Please call me in my name,” anito.

“Ho?” Walang kurap siyang tumitig sa may maskara nitong mukha.

“Call me Dimitri, and remove the Don. It’s not appropriate for you to call me that.”

Napanganga siya. Wala siya masyadong alam sa wikang ginagamit nito pero may naiintindihan naman siya konti. Nakapag-aral siya sa bahay lang pero sadyang hirap siyang matuto minsan. Mas gusto niya iyong kusa siyang mag-aral, magbasa ng libro.

“S-Sige, Dimitri na lang,” naiilang niyang sabi.

“I’m glad the kidnapper didn’t hurt you.”

Kumislot siya nang hinawakan siya nito sa kanang braso. May marka ng lubid sa kaniyang kamay.

“Masakit ba ito?” tanong nito habang tinititigan ang kamay niya.

“H-Hindi naman masyado.”

“Good. Take a rest and take your medicine on time. I’ll be right back tomorrow morning.”

Tumango lang siya at sinundan ng tingin si Dimitri na palabas ng pintuan. Dagli siyang nagbihis.

Sabik na si Kira na mag-umaga dahil babalik si Dimitri sa mansiyon. Maaga siyang nagising, naligo, nagpabango, at nag-almusal. Kaagad siyang lumabas ng bahay, namitas ng bulaklak ng pulang rosas upang ilagay sa flower vase sa kaniyang silid.

“Wow! Ang aga mong nagising, ah!” masiglang bungad sa kaniya ni Mang Efren, ang hardinero nila.

“Opo, Mang Efren!” Gumanti siya ng matamis na ngiti rito.

“Mabuti naman at hindi ka sinaktan ng mga kidnapper kahapon.”

Napalis ang ngiti niya nang sumagi sa kaniyang isip ang ginawa ni Dimitri sa mga kidnapper. Kitang-kita niya na kinaladkad niyon ang dalawang lalaki at halos maghiwalay na ang mga ulo sa katawan. Malamang ay ganoon din ang ginawa niyon sa dalawa pang ungas matapos barilin.

Dinig niya’y namumugot ng ulo si Dimitri. Kinikilabutan siya sa tuwing maiisip kung paano iyon gawin ni Dimitri sa tao. Nabuhay muli ang takot niya rito.

Mamaya ay may dumating na itim na kotse. Malamang ay si Dimitri na iyon! Napatakbo siya papasok ng bahay, dumiretso sa kuwarto. Hinahapong itinulos niya sa flower vase ang napitas na tatlong tangkay na rosas.

Pumasok si Sonia sa kaniyang silid. “Magpalit ka ng damit, iyong dress na maganda,” sabi nito sa kaniya.

Hinanap nito ang pulang dress niya at ito ang pinasuot sa kaniya. Inayos din nito ang kaniyang buhok, naglagay ng manipis na makeup sa kaniyang mukha. Nilagyan din nito ng ekstrang damit at underwear ang kaniyang malaking shoulder bag.

“Saan po ba kami pupunta ni Dimitri, Manang Sonia?” tanong niya sa ginang.

“Ano ka ba? Honeymoon ninyo ngayon.”

“Ano po ‘yon?”

“Ah, basta. Malalaman mo mamaya.”

Nang maayos na ang lahat ay lumabas na sila. Naghihintay na si Dimitri sa sala, nakasuot ng itim na suit, siyempre, may maskara pa rin. Nang makalapit siya rito ay hinawakan nito ang kaliwang kamay niya. Kinuha naman ng bodyguard ang kaniyang bag. Pagkuwan ay sabay na silang lumabas at lumulan sa kotse.

Magkatabi sila ni Dimitri sa upuan, hawak pa rin ang kaniyang kamay kaya naiilang siyang kumilos. Mayamaya ang sipat niya sa may maskara nitong mukha. Kahit anong suri niya, hindi talaga niya masisilip ang mukha nito. Animo nakadikit na sa mukha nito ang maskara.

Ilang minuto pa ang biyahe bago sila nakarating sa malawak na lupain na may matatarik na bakod. Pagdating sa loob ay namangha siya nang makita ang kakaibang mga sasakyan, at pamilyar sa kaniya ang mga ito.

“Wow! Hindi ba mga eroplano ‘yon?” manghang tanong niya sa mga kasama.

“Mga iba’t ibang uri sila ng sasakyang panghimpapawid. Ang pinakamalaki ay ang eroplano. We will use the chopper, the smaller one,” sabi ni Dimitri.

Tumitig lang siya rito at sumunod. Lumapit sila sa umaandar na sasakyan na merong umiikot na bagay sa itaas. Doon sila sumakay, sa tinawag ni Dimitri na chopper. Magkatabi pa rin sila ni Dimitri sa likuran. Kinabitan siya nito ng parang sinturon na nakakabit sa upuan, nilagyan ng arko sa ulo. Ito ang headset na ginagamit niya sa video game.

“Kalma ka lang. We will depart now,” sabi ni Dimitri.

Nang magsimulang umangat ang sasakyan nila ay inatake siya ng nerbisyos at napatili. Nangapa ang kaniyang kamay at nahawakan ang braso ni Dimitri. Nang tumaas pa sila ay mariin siyang pumikit, humigpit ang kapit sa braso ng asawa. At hindi niya namalayan na naglabas siya ng puwersa. Naramdaman na lang niya ang pagbaon ng kaniyang kuko sa balat ni Dimitri.

“Oh, dear. Calm down,” bulong ni Dimitri. Hinawakan na lamang nito ang kamay niya nang mahigpit.

Ilang sandali rin ay nahimasmasan siya. Naalis ang nerbiyos niya. Maayos na ang lipad ng chopper kaya nagmulat siya nang mga mata. Pagtingin niya sa braso ni Dimitri ay dumugo na.

“Hala! Nasugat ka?” tanong pa niya. Binawi niya ang kamay mula rito.

“It’s okay,” sabi lang nito. Naglabas ito ng itim na panyo saka itinali sa brasong nasugatan ng kaniyang kuko.

Nakahinga siya nang maluwag nang lumapag sila sa patag na lupain malapit sa dagat. Doon ay meron na namang yate na mas malaki. Sumakay sila roon.

“You didn’t enjoy our flight. And please calm yourself,” wika ni Dimitri.

Takot siyang sumakay sa yate na gumigiwang pero binuhat siya ni Dimitri. Pagdating naman sa itaas ay nawala ang takot niya, lalo nang magsimulang umandar ang yate. Halos lumuwa ang mga mata niya sa tuwa nang masilayan ang magandang tanawin.

“Let’s dine first,” ani Dimitri.

Iginiya siya nito sa bilog na lamesa na puno ng pagkain. Nasabik siyang matikman lahat ng pagkain na makukulay at mukhang masarap. Lahat ng nakikita niya ay tinikman niya, walang awat sa pagsubo kahit halos hindi na siya makahinga.

Nang mapansing hindi kumakain si Dimitri ay natigilan siya. Hindi niya mahulaan kung saan ito nakatingin kung hindi silipin ang mga mata nito sa maliliit na butas ng maskara.

“Slow down,” saad nito.

Naghinay-hinay naman siya sa pagsubo ng pagkain. Nabura na ang lipstick niya. Nang mabusog ay pumapak na lang siya ng strawberry. At habang nakatingin kay Dimitri, naalala niya ang ginawa nito sa mga kidnapper.

“Ilang tao na ang napatay mo?” walang gatol na tanong niya rito.

“I don’t know. Marami na.”

“Bakit ka pumapatay? Hindi ba masama ‘yon?”

“I didn’t kill innocent people.”

“Masama ka pa rin.”

Hindi na kumibo si Dimitri. Nang ayaw na nitong magsalita, tumayo siya at naglakad-lakad sa gilid ng yate. Humahaba ang leeg niya kakasilip sa tubig. Takot naman siyang lumapit sa bakal na harang sa gilid. May nakikita siyang maliliit na bundok sa palibot, mukhang malayo.

Pagsapit ng hapon ay huminto ang yate sa pampang ng isang isla na merong puting buhangin. Tuwang-tuwa si Kira nang bumaba sila at pinayagan siya ni Dimitri na maligo. Hindi naman siya marunong lumangoy kaya sa mababaw lang siya. Pinasuot din siya nito ng orange na jacket, para daw hindi siya malunod.

Inabot sila ng paglubog ng araw sa isla. Halos dalawang oras naglaro sa tubig si Kira. Nabitin pa siya pero nagyaya na si Dimitri na bumalik sa yate. Muli silang naglakbay, at doon pa rin naghapunan sa yate. Napagod siya kakatampisaw sa tubig kaya nakaidlip siya pagkatapos ng hapunan.

Nang magising siya’y nakahinto na ang yate. Bumangon siya at muling naligo sa banyo.

“Kira?” tawag ni Dimitri.

“Naliligo ako!” sigaw niya.

Nang isinara niya ang shower ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. Ginupo siya ng kaba nang mapansing pumasok si Dimitri. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala itong saplot sa katawan.

Binalot niya ng tuwalya ang kaniyang katawan saka lumabas na hindi sinisipat si Dimitri. Ito naman ang pumasok sa shower room at naligo.

Nagulantang siya sa nakikitang mga bagay sa ibabaw ng kama. Mayroong pulang laso roon, mahaba, mga posas na merong kadena. Meron ding itim na pantakip sa mga mata. Curious siyang pinagmamasdan ang mga ito. Pamilyar siya sa mga bagay na madalas niyang makita, sa personal man o sa movie.

Dahil sa curiosity ay nakalimutan niyang magbihis. Nakalabas na lang ng banyo si Dimitri. Tinuyo na lamang niya ang kaniyang buhok gamit ang tuwalya.

“Mahiga ka sa kama,” sabi ni Dimitri.

“Oo, mahihiga na ako at matutulog ulit,” tugon niya.

“You will not go to sleep, Kira.”

Mulagat na tumingin siya rito. Kahit naligo, suot pa rin ata nito ang maskara.

“Ano pala ang gagawin natin?” inosenteng tanong niya.

“It’s our honeymoon. I’m going to take your v*rginity.”

“Ha?” Napaumang siya rito.

“Mahiga ka na.”

Sumunod naman siya rito. Inalis nito ang mga bagay sa kama. Pinagmamasdan lang niya ito. Nang itali nito ang mga kamay niya sa bakal na headrest, dumantay ang kaba sa kaniyang pagkatao.

“A-Ano’ng gagawin mo?” balisang tanong niya.

“I won’t hurt you. You might feel pain, but it’s temporary. Relax ka lang.”

Ginamit nito ang laso panali sa mga kamay niya. Hindi naman ito mahigpit pero hirap siyang alisin. Maayos itong nakapulupot sa mga kamay niya na pinagsupling. Pagkuwan ay pinagbukod ni Dimitri ang kaniyang mga hita. Ang bawat isang paa niya ay kinabitan nito ng posas na merong kadena sa gitna. Ang kabilang dulo ng posas ay ikinabit naman nito sa paa ng kama.

Napatili siya nang alisin nito ang tuwalya sa kaniyang katawan. Naladlad ang kaniyang kahubaran. Dahil doon ay may ideya na siya sa gagawin nito. May napanood siyang ganoon, at nag-sex ang mga bida sa movie. Bigla siyang nasabik dahil alam niya na masaya iyon.

Nang magtanggal ng tuwalaya sa baywang si Dimitri ay nanlaki ang kaniyang mga mata. Perpekto ang hubog ng katawan nito, wari hinubog ng mahusay na manlililok ang mga kalamnan nito sa puson, nahahati sa anim. May pinong balahibo ito sa puson at dibdib. At ang pinakanakawiwindang ay ang malaki at mahaba nitong paggkala*laki. Hindi na niya alam ang susunod na mangyayari.

Inaasahan niya na aalisin ni Dimitri ang maskara nito. “Aalisin mo ba ang maskara mo?” hindi natiis niyang tanong.

“Yes, later,” turan nito.

Kaso hindi rin niya makikita ang mukha nito dahil nilagyan siya ng piring sa mga mata. Madilim na.

Ilang sandaling katahimikan. Mamaya ay ramdam na niya ang pagsampa ni Dimitri sa kama. Kumislot siya nang ipaglandas nito ang mainit na kamay sa kaniyang pisngi--pababa sa kaniyang leeg. Dumantay pa ito patungo sa kaniyang dibdib.

Napasinghap siya nang hubugin ng mga kamay nito ang malulusog niyang dibdib. At habang ginagawa nito iyon, dumapo ang bibig nito sa kaniyang mga labi, humahalik, lumalasap. Nakahihibang ang kiliti at sarap na dulot ng halik nito. Bumuka ang kaniyang bibig at tumugon sa halik nito.

Makalipas ang ilang sandaling paghinang ng kanilang mga labi, tumulay pababa ang mga labi nito sa kaniyang leeg. Hanggang sa tumigil ito sa tuktok ng kaniyang dibdib. Napaungol siya nang lasapin nito ang kaniyang dunggot, wari uhaw na s******p ito roon.

Nagpatuloy ang kaniyang halinghing. Lalo itong lumakas nang bumaba ang bibig ni Dimitri sa kaniyang puson--dumako pa roon--sa pagitan ng kaniyang mga hita. Nagimbal siya sa sunod nitong ginawa. Pinasadahan nito ng dila ang kaniyang gitna, nilasap, wari kinakain. Ngunit kakaiba ang sarap nito, nakahihibang, lalo nang ibaon nito ang ilang daliri sa makipot niyang puw*rta, inulos nang banayad.

“Uhh!” malakas niyang da*ng. Binilisan kasi nito ang paglabas-pasok ng mga daliri sa munting hiwa niya.

Hindi ito tumigil hanggang sa gupuin siya ng bayolenteng init na umahon mula sa kaniyang kaibuturan. Ngunit biglang inalis ni Dimitri ang mga daliri at bibig mula sa basang-basa niyang kaselanan. Ibinuka pa nito ang kaniyang mga hita. At mamaya lamang ay may kung anong matigas na bagay na bumaon sa kaniyang pagkab*bae. Sobrang sakit!

“Hoy! Ano ‘yan?” sigaw niya. Nagpumiglas siya ngunit hindi siya makawala.

“Calm down. Sandali lang ang sakit,” sabi nito.

“Bakit ang sakit? Sinasaksak mo ba ako ng malaking kutsilyo?” natatarantang tanong niya.

“Sh*t! You’re f*cking tight!” da*ng ni Dimitri. Ipinilit nitong ibaon ang mas mahabang armas sa kaniyang makitid na puw*rta.

“Ugh! Ano ba ‘yan?”

“It’s my d*ck. We’re having sex, Kira.”

“Ha? Akala ko ba masarap ang sex?”

“Later, sasarap din ito. Please, don’t move, or you will get hurt more.”

Sumunod na lamang siya rito at tiniis ang kirot. Nang simulan nitong ulusin ang ari sa kaniya, unti-unting nahahalinhan ng sarap ang hapdi. Hanggang sa gusto na niya ito. Halos ayaw niyang patigilin sa ginagawa nito si Dimitri.

Walang awat sa paglaya ng halinghing ang kaniyang bibig, lalo pang lumakas nang lakasan din ni Dimitri ang pagbayo sa kaniya. Umalog nang husto ang kaniyang katawan, wari hinahambalos siya ng malalaking alon. Umawang ang kaniyang bibig nang gupuin siya ng nakaliliyong init, hanggang sa tuluyan siyang um-orgasmo.

Hindi na niya ininda ang lakas ng bawat balya ng ibabang katawan ni Dimitri sa kaniyang kaangkinan. Sagaran nitong inuulos ang sandata sa loob niya. At dahil doon ay muli siyang nakatuntong sa tugatog. Kasunod niyon ay ang malakasang da*ng ni Dimitri. Dagli nitong hinugot ang k*****a mula sa kaniya at pagal na bumagsak sa ibabaw niya.

Inalis na ni Dimitri ang mga nakagapos sa kaniyang kamay at mga paa, pero ayaw nitong tanggalin niya ang piring sa kaniyang mga mata.

“Bakit ayaw mong tanggalin ko ang piring?” tanong niya. Nakaupo lang siya sa kama.

“I don’t have a mascara,” anito.

Akmang aalisin niya ang piring sa mga mata ngunit maagap na pinigil ni Dimitri ang kaniyang mga kamay.

“Gusto kong makita ang mukha mo.”

“No.”

“Hm. Bakit ayaw mo? Siguro pangit ka. Baka kamukha mo iyong zombie na napanood ko.” Biniro pa niya ito.

“Bakit gusto mong makita ang mukha ko?” tanong nito.

“Para hindi na ako mag-iisip na baka pangit ka o kaya’y kulubot ang mukha.”

“Okay. I’ll show you my face and for your eyes only. Huwag mong ipagsabi kahit kanino kung ano ang hitsura ko, kuha mo?”

Bigla siyang nasabik. Inaasahan na niya na matanda na si Dimitri kasi sabi ni Sonia, bata pa siya noong nakilala niya si Dimitri at malaki na ito.

Inalis ni Dimitri ang piring sa mga mata niya. Nakaupo ito sa paanan niya, may suot na maskara. Ngumuso siya.

“May maskara ka pa, eh.” Tinangka niyang hawakan ang maskara nito ngunit pinigil nito ang kamay niya.

“Don’t move,” anito.

Umupo naman siya nang maayos at diretso ang tingin kay Dimitri. Naghuramentado ang puso niya habang inaantabayanan na maalis ang maskara sa mukha ni Dimitri. At nang maalis nito ang maskara, napalis ang kaniyang ngiti. Natutop niya ng palad ang kaniyang bibig, nanlalaki ang mga mata.

“OMG!” tanging nabigkas niya.

Hindi siya makapaniwala sa nakikitang mukha ni Dimitri. Sobrang layo nito sa inaasahan niya!

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Princess Tobias
ay Wala pang UD hmmmmmm
goodnovel comment avatar
Rosemary
Kelan po update
goodnovel comment avatar
Rona Rosel
Ganda talaga ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status